CHAPTER 4
Chapter 4
Ang lakas maka-mine. Ano ako? Item sa mga online selling para i-mine niya? Ang galing naman talaga ng tsunggong kalahating hapones na 'yon.
Nagpaikot-ikot ako sa may salas habang kinakaltok ang ulo ko. Damn, bakit tumitibok ang puso ko?
"Malamang, Cessiana! Buhay ka!"
Pero bakit sobrang bilis ng tibok nito kanina 'nung sinabi niya 'yon?
"Aba'y malay ko. 'Yon nga ang nagulo sa isip ko e." tumigil ako sa paglakad sa may gitna ng salas. Napahawak ako sa aking panga at napabuntong hininga nalang.
Pati sarili ko kinakausap ko, mababaliw na 'ko nito, at kasalanan ito ng hapones na 'yon.
"Apo, kumain kana nga dito at nagmumukha kanang turumpo d'yan." tawag ni lolo sakin na nasa may kusina.
Nagtungo ako doon at naupo na katabi niya. Napansin ko agad ang fried chicken. Paano ko bang hindi mapapansin? Ulam namin tuyo, at gulay na talbos ng kamote, literal na mangingibabaw ang fried chicken sa mesa.
"Saan galing iyan, lo?" tanong ko. Ipinaglagay ko na rin siya ng kanin at ulam sa plato niya.
He forced a smile. "Bili ko malamang, wala naman sigurong mapipitas na fried chicken sa puno, ano?"
Itong si Lolo napaka-alaskador din pag minsan. Hindi ko na tuloy kailangang isipin kung kanino ako nagmana.
I tsked. "Akala mo naman hindi lingid sa kaalaman ko na nagtitipid ka, Lo." napabuntong hininga ako. "Lolo, 'wag ko lang malalaman na tumatanggap ka ng pera mula doon sa magaling mong anak ha. Magagalit ako sayo."
He knows how I hate my mother, his daughter to be specific. Ni peso ay wala akong balak na tanggapin kapag galing sa kanya. Bakit? Ayoko lang naman na tumanggap ng pera na nagmula sa pagiging bayaran niya at..ngayon, talagang nag-asawa pa siya ng ibang lalaki para sa pera. Paano ko tatanggapin ang nanay na ganun? Ni hinayaan niyang masira ang pamilya namin, hinayaan niya ako, hinayaan niyang magkaganito lahat.
"Cessiana Marie, hindi magandang kinamumuhian ang ina. Nanay mo parin 'yon." sabi niya.
"Lo, nanay ko ho siya sa papel. Pero hindi siya nagpaka-nanay sa akin. Hindi ko ho kayang tanggapin ang ginawa niya sa pamilya namin." I said. Ayan na, may kaactingan na nga sa school pati ba naman dito sa bahay? Damn. Pag talaga ako hindi pa naawardan dito.
Napabuntong hininga nalang siya at kumain na. Ganun din ang ginawa ko. Sana naman ay hindi talaga tinatanggap ni Lolo ang bigay nung nanay ko na 'yon. Hindi biro 'yung sinabi ko na magagalit ako sa kanya kapag nagkataon. May pera pa naman ako na bigay na allowance ni Tita Ana, at nagpapadala din siya para kay Lolo. Pareho kaming may galit ni Tita Ana sa nanay ko dahil sa ginawa non kaya siya ang umako sa akin, kesa daw 'don sa kapatid niyang iyon.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Kabababa ko palang sa tricycle ay napansin ko agad ang parating na apat na kotse. Wala pa ang mga bubuyog kaya walang nasigaw.
Napangiwi ako nang bumaba ang apat. Mga nakashades pa at may pa-suklay pa ng daliri sa buhok. Yucks. Sumandal sila sa kani-kanilang kotse at..nakatingin sa akin?
Sabay-sabay pa ang pag-alis nila ng shades. Ew. Anong trip ng mga tsunggo? Napatingin ako kay Ishi at nakangisi ito. Tangina mo. Gago.
Nakangiwi akong napalinga sa paligid. Wala parin talagang tao. Ano bang oras na? Sayang ang effort ng kahanginan ng apat na ito, wala man lang nagcheer.
Naawa ang kagandahan ko kaya, tabi. Ako na.
Inayos ko ang sakbit ng aking shoulder bag sa balikat ko at itinaas ko ang aking dalawang kamay bago ngumiti ng sobrang ganda.
"Good morning! Papables!" sigaw ko na mas lalong nakapagpangisi sa apat.
Nanatiling nakataas ang mga kamay ko nang lumapit sila. They're smiling at me. Sabi na e, nahanap talaga ng kalinga ang kahanginan ng apat na ito.
"Naks, kinilig ako don, Cemie!" sabi ni Dairo.
"Damn. Of all my fans, you're the most beautiful, baby." kumindat pa si Braille sa akin kaya tinaasan siya ng kilay ni Ishi.
"I thought I saw an angel, but I was wrong. It was you, Cemie. You're beauty under the sunbeams." daming alam nitong si Troy.
Nakangisi siyang lalapit sana sa akin pero sinanggi siya ni Ishi. Napangiwi si Troy dahil sa asta nitong hapones na nakangiting pumunta sa harap ko.
"You can put down your hands." sabi niya kaya ibinaba ko na ang aking kamay. He smiled and I gasped when he put his hands on my waist. "Beautiful morning, Cemie." mas lalo akong napalunok nang halikan niya ang noo ko.
"Oh my fucking innocent eyes!" angal ni Dairo na akala mo naman kung ano na ang nasaksihan.
"Lakas maka-innocent akala mo naman hindi nanonood ng ano.." ngiwi ni Braille.
Tinaasan siya ng kilay ni Dairo. "Ano?"
Troy tsked. "Bold. Pahirap pa sa buhay ang mga 'to."
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa iritadong mukha ni Troy.
"Cemie," tawag sa akin ng nasa harap ko.
"Andyan ka pala?" taas kilay na tanong ko.
Ang kamay niya ay nasa bewang ko parin. Itinulak ko na siya palayo sa akin. Napakagaling namang tsumansing ng lalaking 'to.
He arched his brow on me, I rolled my eyes on him.
"Ano? Hinaharas mo na ako. Masyado kang nawiwili sa pagbawas ng kainosentehan ko." supladang sabi ko.
"What did I do? I just kissed you on forehead. What's wrong with that?" ang aga naman mag-english ng japanese jerk na 'to.
Matunog akong suminghal. "Nakakarami kana."
Pati nga first kiss on lips ko kinuha niya. Gago siya, nababahiran ng kapusukan ang inosente kong isipan dahil sa tsunggo na 'to. Hindi niya man lang ako ininform don sa mga kissing scene na nangyayari.
"Andito pa kami." rinig kong sabi ni Braille.
Nang mapaharap ako sa kanila ay parang gusto kong matawa. Nakaawang lang naman ang labi ng mga loko habang nakatitig sa amin.
"Magkakabilangan pa ata dito. Too early." sabi naman ni Dairo na iiling-iling.
Troy smirked. "We should go first, baka balak pa nilang dagdagan ang bilang." ngumiti ng nakakaloko sakin si Troy pati ang dalawa bago sila sabay-sabay na naglakad palayo. Akala mo talaga palaging sa red carpet naglalakad ang mga hanep na 'yon.
I sighed. Susunod na sana ako sa paglalakad nila nang hawakan ni Ishi ang braso ko.
"Ano na naman?!" naiinis na ako sa lalaking ito.
"You deal with me, so let's stick to the plan." umakbay siya sa akin at nakangisi akong kinaladkad papasok sa school. "At pwede ba..bawas bawasan mo ang pagiging suplada mo? Nakakainis ka rin pag minsan."
"Minsan lang naman pala. Oks lang 'yon." nag-smile pa ako ng sobrang ganda sa kanya. He pinched my cheeks.
Nasa loob na kami ng school at mukha namang may announcement sa gym kaya hindi na muna kami umakyat sa room. Nanatili siyang nakaakbay sa akin at nagpaka-sweet na naman dahil maraming nakakakita. At karamihan ay mula sa ABM na ka-strand daw ni Aria.
"Mag-classmate sila ni Miguel?" I asked him.
"Yeah." tipid na sagot niya.
"Bakit naagaw sayo si Aria? And we're just grade 12, so what grade you are when you're in a relationship with her?" nakaka-curious din kase. So, magkakakilala talaga sila?
He sighed. "I was just grade 9 student that time. Magkaka-klase kaming tatlo. Miguel is one of my trusted friend back then. So I thought that they were just close to each other. But I was wrong, he's a backstabber. Kinuha niya sa akin si Aria. That's it. No follow up question."
Napanguso ako. "Pero bakit--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil basta nalang niyang nilapatan ng halik ang aking labi. Damn you!
Umayos siya ng tayo at nakangisi sa akin. I mouthed a curse but he gave me a threat that he will kiss me again once I curse him. Kaya nanahimik nalang ako at napapa-irap sa hangin t'wing hinahaplos niya ang buhok ko.
May mga students na hindi na nawala ang paningin sa amin. Grabe naman, inggit na inggit ata sa kagandahan ko. Meron namang nagbubulungan pero hindi ko na rinig ngayon di katulad 'nung nakaraan na talagang pinaririnig sa akin. I just rolled my eyes on them.
Kagaya ng inaasahan ay may announcement nga daw sa may gym. Lahat ng estudyante ay kaniya-kaniya na ang upo sa mga monoblocks chair. Holding hands pa kami ni Ishi habang naghahanap ng mauupuan.
"Japanese at Supladanese! Here!" malalang sigaw ni Troy na nasa may bandang una. Magkakatabi ang tatlo.
Nailang tuloy ako sa mga nakarinig. Tangina talagang tsunggo na 'yon sarap ihagis sa kanal.
Ni hindi na binitawan ni Ishi ang kamay ko nang makaupo na kami. Kay Troy niya ako pinatabi at siya naman ang nasa left side ko. Bakit? Lalaki lang naman ang nasa may tabi niya kaya ayaw na ako ang doon sa pwestong 'yon. Psh, akala mo naman totoong jowa no? Matatawag ko na ba 'tong selos scene?
"Ano daw iaannounce?" tanong ko kay Troy.
"Iaannounce daw ang kagwapuhan ko." mahangin na sagot niya.
Napa-ismid ako. "Kailangan bang inform ang lahat sa fake news na 'yon?"
He looked at me. "Ayan. Ayan ang isa sa dahilan kung bakit kailangang iannounce. Maraming hindi naniniwala sa katotohanan. Palagi niyong tinatakpan ang totoo at ginagawa niyong peyknyews." napakasiraulong sabi niya.
Ngumiwi nalang ako. Sa dami ng pera nito, hindi niya man lang naisip na uminom ng gamot sa kahanginan.
"Don't talk to him." bulong sa akin ni Ishi. Hawak niya parin ang kamay ko at ipinatong niya sa kanyang hita. Napalobo ako ng bibig. Tangina tumatakbo na naman ang puso ko.
Tumingin nalang ako sa unahan at napansin ko naman ang mga mata ni Aria na nakatingin kay Ishi. Pero itong katabi ko nakatitig lang sa akin.
"Cemie," he smiled at me. Parang ibig sabihin 'non ay may gawin dapat ako. Eh, ano? Damn. Bahala na nga.
I smiled at him and ruined his hair. Isa 'yon sa alam kong sweet acts sa mga napapanood kong movie. We're smiling at each other when we heard someone from our back calling her.
"Aria, here!" sigaw ng babae sa likod ni Ishi. May bakanteng upuan sa tabi nito, sa likod ko.
Mukhang walang alam ang mga students dito sa namamagitan kay Aria at Ishi ah. Tumingin ako sa may una at nakitang alanganin sa paglalakad si Aria palapit sa pwesto ng babae sa likod namin. So, dito siya uupo? Wew. Great.
Nang makaupo ito sa may likuran ko ay pansin ko ang pagsulyap nito kay Ishi. She's so angelic. Parang ang amo at sobrang bait niya. Napatingin naman ako kay Ishi na nasa akin parin ang paningin. He smirked.
"Baby, you ruined my hair. Now fix it." wow. Nice. Ang galing naman niya. May pa-baby si Papa Ishi.
Ngumiti ako sa kanya at sinunod nalang ang sinabi nito. I know that Aria is watching us.
"When will you allow me to shampoo your hair, baby?" malambing na tanong ko. Taena, tinatawanan ko nalang ang sarili ko sa loob-loob.
Ngumisi siya at hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga. "Once we're married. I will allow you to shampoo my hair, kahit araw-araw pa. Basta ikaw, baby." kumindat pa ang loko.
Mas lalo akong ngumiti. "Really, baby? I can't wait for that time!"
"Me too, baby. I can't wait for the time that I can dance with you in bed."
Pinilit kong ngumiti kahit gusto ko ng sapakin ang nakangisi niyang labi.
"Pfffft"
"What the hell?! Braille ang pants ko binasa mo!"
Napabaling ang tingin namin sa tatlong nasa gilid ko. Galit na minura ni Dairo si Braille dahil nabasa ang pants nito dahil malamang sa pagbuga ni Braille sa tubig na iniinom. Halos mautot si Troy at Braille sa pagtawa ng walang ingay. Nangyayari sa mga 'to.
"Bagay nga. Too innocent." natatawang sabi ni Braille.
Sandaling sumulyap si Troy kay Ishi. "May kaibigan pala tayong dancer, teach me how po." halos mamula katatawa ang dalawa. Mga extra!
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro