CHAPTER 34
Chapter 34
"M-Mahal ko pa si Ishi.."
Parang panandaliang huminto ang paghinga ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. I can feel the pain stabbing inside my chest.
Naramdaman ko ang paninigas ng lalaking nasa tabi ko. He's staring at me but I don't want to see it. Wala akong lakas, pakiramdam ko ay nanghina ako dahil sa narinig.
Umayos ng tayo si Miguel at kahit malayo ay pansin ko ang pagtiim ng panga niya. Hinawakan siya ni Aria sa braso pero panay ang hawi niya.
"Akala ko ay iba ka..sa lahat. Katulad ka rin lang naman pala nila."
"M-Miguel...I'm sorry." she tried reaching Miguel's arms again but he shoved her away.
Nang maalis niya ang kamay ni Aria na pilit na kumakapit sa kanya ay walang imik siyang lumabas ng room. He left Aria inside the room, kneeling while crying.
Unti-unti akong napatungo sa kamay kong nakayakap pa pala sa braso ni Ishi. Unti-unti ko iyong inalis. There's something on his stares, that made my heart throb in excruciated pain.
Dahil hindi ko na matagalan pa ang mga titig niya ay unti-unti akong ngumiti...ngiting ang nasa likod ay sakit. I stepped back and without saying any words, I turned my back on him. Hindi ko kaya Ishi, hindi ko alam kung kakayanin ko ngayong patay na ang natitirang katiting na pag-asa ko.
"C-Cemie..." rinig kong halos bulong na tawag niya sa akin.
Hindi na ako lumingon pa at mabilis na naglakad patungo sa may sports field. Tears was pricking my eyes. Pilit ko iyong pinipigilan na tumulo dahil ayokong may makakita sakin dito. Hanggang makarating ako sa field. Naupo ako sa ilalim ng puno kung saan walang masyadong students.
I wiped the tears fell from my eye. Hindi dapat ako nasasaktan e. I should be happy right now. Finally, the deal success! Pwede na niya akong samahan kay Papa. Makikita ko na siya. Diba? 'Yon naman talaga ang dapat e. Pero bakit ganito? Bakit ang sakit?
Ito ba ang consequence kapag minahal ko 'yong taong hindi ko naman dapat mahalin?
Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at inayos ang sarili nang matanaw ko si Troy na may hawak pang baseball bat at tumatakbo na palapit sa akin.
"Cemie? What are you doing here?" takang tanong niya. Naupo siya sa tabi ko at pinakatitigan ako. Hindi ako makasagot. Isang salita ko, baka bumigay ako. "Umiyak ka ba?"
Hindi parin ako sumagot. He leaned my head on his shoulder. Hinagpos niya pa ang buhok ko...reminding me of Ishi. Ngayon palang... hindi ko na kayang lumayo siya sa akin. He can take Aria back, maaring maging sila ulit. At ako, wala na.
Hinayaan ako ni Troy na umiyak habang nakahilig sa balikat niya. Walang salitang namutawi sa pagitan namin. I know that he's thinking what's going on with me. Hindi ako ang Cemie na kilala nila. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak kasama siya. But I was thankful that he came, may balikat parin akong nasandalan.
Parang nagkaroon ng harang sa pagitan namin. T'wing umaga ay halik niya sa noo ko ang sumasalubong sakin pero ngayong umaga na siguro ang simula, wala ng Ishi. Wala ng Hapones na sasalubong sakin.
Tahimik ang apat ngayon kumpara sa nadadatnan ko dito sa room t'wing umaga noon. Hindi ko alam kung may alam na sila sa nangyayari.
I still sat beside Ishi. Deretso lang siyang nakatingin sa unahan. Hanggang maglunch time ay walang salitang namumutawi sa pagitan namin. Nakakapanibago. Kung noon ay hinihiling ko na sana ay matapos na ang deal, pero ngayon ay gusto kong hilingin na sana ay hindi nalang.
Walang imik akong lumabas sa room at mag-isang naglakad sa hallway. 'Til I felt someone's hand on my arm. Hindi na ako lumingon dahil sa amoy palang ng pabango niya ay alam ko na. Hinila niya ako sa may gilid at biglang isinandal sa pader.
"Ishi..." mabigat ang paghingang tawag ko.
Pakiramdam ko ay pahirap ng pahirap ang paghinga ko dahil sa titig niya at sa lapit ng mukha niya sa akin na halos mahalikan na niya ako. I don't have enough energy to push him.
Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin sa kanya na ako nalang. Pero ang hirap dahil una sa lahat, wala naman akong karapatan. Deal 'yon. Ito ang plano.
Ang isa niyang kamay ay dumako sa pisngi ko. He slightly smiled while brushing my cheeks. Sana ay hindi matapos dito...sana ay hindi pa hanggang dito.
"Cemie..." marahang tawag niya sa akin. There's something on his smile, lungkot? Takot? I don't know. Hindi ito ang ngiti ng hapones na kilala ko.
Malungkot akong napangiti. "Ishi, t-tapos na 'yung--" natigilan ako sa sasabihin nang makita sa may likuran niya si Aria.
He slowly looked on his back. Natigilan din siya nang makita si Aria, pero mas lalo siyang natigilan nang unti-unti kong alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Ishi, c-can we talk?" tanong ni Aria habang nakatingin kay Ishi. "Cemie.." tumingin din siya sa akin.
Ayokong umalis pero wala naman akong karapatan na pagbawalan siyang makausap si Ishi. I know it's hard for me, pero ito ang realidad. Wala akong karapatan na pwedeng ipaglaban.
Ngumiti ako ng pilit kay Ishi. "S-Sige na, mauna na 'ko.." my voice broke.
Napatitig si Ishi sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko pero umatras na ako. I'm sorry, mahina ako. Baka isang hawak mo pa ulit sakin, bumigay ako at maisigaw ko sayo ang nararamdaman ko.
"Aria, not now please. You can go." walang lingon na sabi niya kay Aria.
Hinawakan siya ni Aria sa braso. "No! Ishi, let's make things clear. A-Ayusin natin 'to.."
Hindi ko naman kayang panoorin sila kaya tumalikod nalang ako. Pareho silang nakaharap sa isa't isa at busy sa pagpapalitan ng salita kaya hindi ko alam kung naramdaman pa nila na umalis ako.
Para akong tanga na tulala habang naglalakad sa hallway.
Ang hirap pala kapag ganito 'no? Gusto kong ilayo si Ishi sa babaeng 'yon pero palaging sumasagi sa isip ko ang tanong na, ano bang karapatan ko? It's just about the deal! Dahil lang sa deal na iyon kaya nagpapakita ng motibo si Ishi.
Ang sakit palang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sayo 'no? Ito pala 'yung feeling kapag minahal mo 'yung taong walang ibinibigay na kasiguraduhan sayo.
Nagpunta ako sa washroom at nag-locked ng pinto. Naghilamos ako at kasabay ng pag-agos ng tubig sa mukha ko ay ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Napatitig ako sa salamin at mapait na napatawa.
"Ang babaw ng luha. Lalaki lang 'yon!" I let my tears freely rolled down on my cheeks. "L-Lalaki lang 'yon, Cessiana. B-bakit iniiyakan mo na?"
Muling bumalik sa isipan ko ang mga salita ni Ishi. His sweet lines, 'yung mga salita niyang nakapagpahulog sa akin. Our exchanges of I love you's, pati 'yong mga galaw niya na iisipin mo talaga na kayong dalawa. Lahat. Sa isipan ko nalang yata mababalik-balikan.
Naupo ako at sumandal sa may pintuan. I wiped my tears but it didn't stop falling. Niyakap ko ang aking sarili.
"T-tangina! Talong talo ako.." takot na akong masaktan. Pero hinayaan ko parin ang sarili ko.
Nakapaloob kami sa actingan na 'to. From the very first place, alam ko naman ang mga pwedeng mangyari, pero nabigo ako na harangan ang sarili ko sa mararamdaman sa kanya.
I cried while imagining what they're doing right now. Siguro naghahalikan ulit sila? O kaya nagkabalikan na sila? Paano kaya ako na sinabihan niyang mahal niya? Akala ko ba ay poprotektahan niya ako? Bakit hinahayaan niya akong masaktan ngayon?
I sighed. Inayos ko na ang sarili ko bago lumalabas ng washroom. Wala naman akong mapapalang sagot sa sarili ko kahit libong tanong pa ang mabuo ko.
Lunch break namin ngayon pero nawalan na ako ng ganang pumunta sa canteen para mag-lunch. Baka maulit pa ang nangyari kahapon. Hindi ko na afford pang masaktan, double-kill na 'yon.
I took out a deep breathe before I went down stairs. Papunta pa sana ako sa sports field dahil mas payapa ang pakiramdam ko doon, pero natigilan ako sa nakita sa may baba ng hagdan. Si Ishi at Miguel na nag-aaway na naman.
Silang dalawa lang ang tao sa may baba kaya silang dalawa lang ang nakakarinig sa bangayan nila. Maagap na akong bumaba nang akmang susuntukin ulit ni Ishi si Miguel.
"Ishi!"
Pareho silang natigilan pero hindi nag-abalang tumingin sa akin. Hawak ni Ishi sa kuwelyo si Miguel at magkatitigan sila.
"Ayan. Ngayong nandito na si Cemie, bakit hindi mo pa sabihin sa kanya?" tiim ang bagang sabi ni Miguel.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano na naman ba ang sinasabi niya? Palagi nalang niyang ginugulo ang isip ko. Lahat ng sinasabi niya ay hindi ko maintindihan kung ano ang punto.
Ngumisi siya kay Ishi. "Magaling ka diba? Ngayon mo ipakita sakin ang galing mo Takashi!"
"Manahimik ka!" isang malakas na sapak ulit mula kay Ishi ang tumama sa pisngi ni Miguel.
"I-Ishi, tama na.." I want to hold his fist but I can't even move. Para akong na-locked sa kinatatayuan. Nasa may likuran ako ni Ishi at hindi niya man lang ako nililingon.
May dugo na sa gilid ng labi si Miguel dahil kanina pa siguro silang nagbabangayan. But instead of groaning in pain, nagawa niya pang ngumisi.
"Cemie...umalis ka dito." Ishi said, almost whispered. Hindi niya parin ako nililingon. Hindi ko alam kung bakit.
"Oh, Takashi...Takashi." ngumisi si Miguel. Para siyang mabangis na tigreng naghahamon pa ng away. Napunta sa akin ang tingin niya. "Gusto mo bang ako ang magsabi kay Cemie ng lahat ng nalalaman ko?"
I rolled my eyes. "Miguel tumigil ka kung wala ka namang--"
"This fucking idiot is using you to make revenge! I already warned you Cemie!" sigaw niya na nakapagpatigil sakin. "Ilang beses na kitang pinagsabihan pero hindi ka marunong makinig!"
"B-Bakit naman kita pakikinggan? Wala ka namang-"
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang dali-daling napaikot ng lalaking 'yan ang ulo mo! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo maramdaman na ginagamit ka lang ng gagong 'yan para sa paghihiganti niya!"
Naguguluhan talaga ako sa sinasabi niya. Oo, naalala ko lahat ng sinabi niya sakin pero wala akong naiintindihan. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon.
Umiiling ako at napatingin kay Ishi na halos manlisik na ang mata sa galit.
"Y-You're kidding. Walang dahilan para paghigantihan ako ni Ishi...d-diba Ishi? Wala naman akong kasalanan sayo diba?"
"Pwede ba, Cemie? 'Wag kang tatanga-tanga!"
Nagulat nalang ako sa mabilis na paghatak ni Ishi sa kuwelyo ni Miguel. He pinned him on the wall, with his eyes full of wrath. Halos manginig ang kamay niya sa galit. No, this is not the Ishi I know. Bakit parang ang layo-layo niya sa lalaking nakilala ko?
"Don't you fucking curse her. Mababasag ko talaga 'yang pagmumukha mo!"
I gulped on what he said. Mas lalong napangisi sa kanya si Miguel. Parang hindi niya alintana ang mga suntok na tinamo niya. Ito na naman ang pagtataka ko dahil ako palagi ang dahilan ng away nila. It should be Aria, not me.
"Bakit natatakot ka ngayon? Takot ka bang malaman niya kung gaano ka kagago ha? Tell her the truth! Tell her your real plans!" nakakaasar na ngisi ang nakakubli sa labi ni Miguel. Para siyang asar na galit habang nakatitig kay Ishi. "Its been years, wala ka paring pagbabago. Hindi mo parin kayang gawin ang isang bagay na gusto mo. You always need someone to use. Isa kang napakalaking duwag Takashi!"
"Shut up!!"
"Duwag!" itinulak niya si Ishi palayo sa kanya bago pa ulit siya masapak nito. Kinakabahan ako sa mga naririnig, what is he talking about? Real plans? Ano ba talaga ang nangyayari?
Ngumisi ulit nang nakakaloko si Miguel at bago siya umalis ay nagsalita pa ulit siya.
"Akala ko ba ay walang duwag na Takashi? Then prove it! Sabihin mo kay Cemie ang lahat ng dapat niyang malaman. Magkasubukan tayo ng tapang ngayon."
Mukhang natigilan si Ishi sa sinabi niya.
Ilang hakbang lang ay tumigil ulit siya, ngunit hindi na nag abalang lumingon.
"Aria broke up with me. You got it. But I know, you failed the real."
Naguguluhan akong nagpunta sa harap ni Ishi para salubungin ang mga mata niya. His face was too serious. Alam kong gumugulo sa isip ko ay ang maaring naging usapan nila ni Aria kanina, pero mas gumugulo ngayon sakin ay ang mga sinabi ni Miguel.
"Ishi, p-pwede bang linawin mo sakin... 'yung mga sinasabi ni Miguel?" I asked. "N-Naguguluhan ako e. Anong..real plans? May...iba ka pa bang plano bukod do'n sa pagselosin si Aria?"
He sighed. "Stop asking, Cemie." tumalikod siya sa akin. Parang may kumirot sa puso ko dahil sa biglaan niyang pagbabago, hindi ako ganito itrato ni Ishi. Hindi ganito.
I followed him. "Ishi, alam kong kayong dalawa ni Miguel ang nagkakaintindihan sa mga sinasabi niya. Gusto kong malaman kung bakit parang ako ang naiipit sa inyo. Gusto kong malaman lahat. Pati 'yung sinasabi niyang ginagamit mo daw ako para maghiganti? Ishi, ano 'yon? Naguguluhan ako. M-May nagawa ba ako? M-May ginawa ba akong mali?"
Finally, he stopped. Lumingon siya sa akin gamit ang napakalamig niyang awra. Ramdam ko ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Parang kung sino lang ako kung matignan niya. Bakit ganito? Ang sakit.
Parang bumalik sa isipan ko ang walang awa at walang emosyong mukha ni Mama at Papa sa akin no'ng inabanduna nila ako, 'yung mukha ng mga taong nanghuhusga sa akin.
Please, don't be like them, Ishi. Huwag namang pati ikaw parang may galit kung makatingin sakin. I can't afford it. Hindi ko kayang pati ikaw ay maging ganun sakin.
I sighed, trying to calm myself. "Ah, 'y-yung kondisyon na ibinigay mo sakin para...pumayag sa deal na 'to. P-Pwede mo na ba akong samahan kung nasa'n si Papa?" I asked. Seryoso parin ang mukha niya na nakatitig lang sa akin. "Ishi, 'yon ang usapan natin diba? Nangyari na ang gusto mo, nagselos si Aria satin, m-mahal ka pa rin niya." mahina akong tumawa. "A-Akalain mo 'yon, ang galing pala nating umakting. Napagselos natin siya, y-you can take her back now. W-Wala na sila ni Miguel, malaya mo na ulit siyang makukuha." my voice broke.
Nakatulala lang siya sa akin sa halos pumiyok ko ng pagsasalita. Hindi ko alam kung naririnig niya pa ako. Parang wala siya sa sarili.
"Ishi, 'yung usapan natin.." pag-uulit ko.
His jaw line moved aggressively. Narinig ko pa ang malalim niyang buntong hininga bago tumalikod sa akin.
"I'll fetch you...tomorrow morning."
After saying that, he left.
Kusang tumakas ang luha mula sa aking mga mata. Sinundan ko ng tingin ang pag-alis niya na parang walang nangyari, na parang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko.
I breathe heavily. Hanggang dito nalang talaga...
Deal closed.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro