Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 31


Chapter 31

Dumeretso na ako sa bahay para mas makapagpahinga. Sinalubong agad ako ni Lolo ng yakap kaya ganun din ako sa kanya.

"Ano? Hindi ka ba na-engkanto do'n?"

"Hindi, Lo. Hindi magawang lumapit sa dyosang gaya ko e." sabi ko na nginiwian lang niya.

Umalis na siya sa harap ko pagkatapos no'n. Ampanget namang kabonding ni Lolo, hanap na kaya ako ng new Lolo. Chos.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nahiga sa kama. Kinuha ko nalang ang phone ko at nagcheck ng messages. Meron ulit text si Ishi. Hindi lang isa kundi, twenty new messages from hapones!

Meron pa siyang ilang missed calls sa akin. Bumangon ako para pumunta sa may upuan katabi ng bintana. Doon ako naupo habang nakatitig sa phone ko. And damn. He's calling again.

Hindi ko iyon sinagot. Ewan ko ba at parang natatakot na akong kausapin siya dahil sa nangyari.

Napaikot ako sa aking kwarto at napaisip.

"B-Bahala na nga," napabuntong hininga ako at nagtipa ng text.

Nagtext nalang ako sa kanya para sabihing okay lang ako at nagpapahinga na. Para tumigil na rin siya sa pagtext.

Inalala ko rin pati 'yong usapan namin. It's about the deal, Cemie. Just think about the deal.

Kinabukasan ay wala pa kaming pasok sa school kaya sinamahan ko na si Lolo sa Maynila sa pagdadala ng mga gulay niya sa bagsakan. Meron naman siyang driver ng truck kaya nasa may likod na upuan ako naupo habang si Lolo ay nasa unahan katabi ng driver.

"Dalagang dalaga na ang apo mo ah, at kuhang kuha ang mukha ng nanay." usapan ng driver at ni Lolo.

"Malakas talaga ang dugo namin, pare." ngisi ni Lolo.

"May balita ka pa ba sa dating manugang mong hilaw?"

Napatingin ako kay Lolo dahil sa tanong ni Kuya. Saglit na lumingon sa akin si Lolo at nagkibit balikat nalang sa tanong na hinihintay kong sagutin niya.

Nagtaka din si Kuya dahil sa hindi pagsagot ni Lolo. May mga tanong na namang nabuo sa isip ko dahil sa hindi niya pagsagot.

May alam ba siya kung nasaan si Papa? Alam ba niya kung bakit bigla nalang nawala si Papa? O alam niya ba ang lahat ng detalye sa mga nangyari sa pamilya namin noon?

I was just a kid back then, kaya wala akong masyadong naiintindihan at nalalaman sa mga nangyayari. Si Tita Anna ay palagi akong sinusuotan noon ng headphone at dinadala sa kwarto ko t'wing darating si Mama at si Papa sa bahay.

Habang nasa biyahe ay muling nanuot sa alaala ko ang nakaraan, nakaraang gusto ko nang ibaon sa limot.

~

"Tita Anna, bakit po galit si Mama at Papa? Ayaw niya po ba ako dito?"

"Hindi...ah, bata ka pa kaya hindi mo pa maiintindihan."

Dinala na niya ako sa labas ng kwarto, at naabutan pa namin si Mama at Papa na nagsisigawan.

"Kahit ano pang gawin mong pagbalik d'yan sa babae mo! Wala kang mapapala! Hindi ka niya mahal dahil pamilyadong tao na 'yon!"

Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila kaya inosente lang akong nakatingin sa kanila.

"Carla! Kailan ba kayo titigil d'yan ha? Maawa naman kayo sa anak niyo!" sigaw ni Tita Anna bago ako niyakap.

"Itong lalaking ito ang hindi tumitigil!"

"Ano bang pakialam mo ha?! Isa ka lang namang deputang pagkakamali sa buhay ko! Wala kang karapatan sa lahat ng gusto kong gawin. Pinagdausan lang kita!"

Napahawak ako ng mahigpit sa damit ni Tita Anna nang biglang malakas na sampal mula kay Mama ang tumama sa pisngi ni Papa. Merong isinigaw si Mama pero hindi ko na narinig dahil tinakpan ni Tita ang tenga ko. Naguguluhan ako. Napaiyak ako sa takot ng sampalin rin ni Papa si Mama.

"P-Papa,"

Pareho silang napalingon sa akin. Natigilan sila pero may galit parin sa mga mata. Sunod-sunod na tumulo sa aking pisngi ang mabibigat na luha dahil sa takot sa mga nangyayari. Biglang mahangos na isinara ni Papa ang pintuan matapos niyang lumabas. Si Mama naman ay nanatiling nakatitig sa akin.

"Anna....ipasok mo ang bata sa kwarto."

"Masaya kana bang ito ang walang muwang mong anak ang nakakasaksi sa kakitiran ng utak niyo?" matalim silang nagtitigan bago ako hinila ni Tita pabalik sa kwarto.

"Tita, bakit po sila nag-aaway? Dahil ko po ba? Diba bad 'yong nagsasakitan? Bakit po nila ginagawa 'yon?" binuhat niya akong paupo sa lamesa dito sa kwarto. Pinahid niya ang luha ko sa pisngi.

"Wala kang kasalanan. Pwede bang makiusap si Tita? Hm? Pwede bang kalimutan mo nalang ang nasaksihan mo sa labas?" ngumiti siya sa akin nang tumango ako. "Tahan na, hindi bagay sa isang dyosa ang umiiyak."

~

(around ten years old na siya dito)

Nagtataka ako dahil ni minsan ay hindi ko na nakitang naging sweet si Mama at Papa. Palagi silang nag-aaway at minsan naman ay hindi sila nagpapansinan.

Hindi ko pa nga nararanasan na mayakap nila ng sabay eh. Naiinggit ako sa ibang tao dahil pumapasyal pa sila na magkakasama ang buong pamilya. Hindi ko pa nararanasan 'yon. Baka lalo na ngayon dahil umalis si Papa sa bahay, at matagal na siyang hindi bumabalik. Ni hindi ko alam ang dahilan.

"Diba 'yang batang 'yan ang anak ni Carla? Aba'y magandang bata rin."

Bumagal na naman ang lakad ko dahil sa naririnig na bulungan ng mga kapitbahay namin. T'wing lalabas ako galing sa school ay palagi nila akong pinagbubulungan.

"Oo nga, 'wag lang 'yan gagaya sa nanay niya. Haliparot na kaladkarin. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, akala ko ba ay tumigil na simula nang magkaanak? Bakit hanggang ngayon ay panay parin ang kalabit sa mga lalaki."

"Hindi man lang nahihiya sa sarili niyang pamilya. Pati sa anak. Naku, baka kaya nilayasan na nung ama ng batang iyan. Masyadong talandi!"

"Ano pa nga bang mangyayari sa taong pagbenta ng sariling kaluluwa ang hanapbuhay? Tss."

Nagpantig sa tenga ko ang sinasabi nila. Parang nagsisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga dahil unti-unti ko ng naiintindihan ang mga sinasabi nila.

Humarap ako sa dalawang babae na nag-uusap.

"T-Totoo ba 'yong sinasabi niyo?"

Nagulat ang dalawa sa bigla kong pagtatanong. "Ah naku, ening. Kung gusto mong malaman, sa nanay mo nalang itanong."

"Sakto, ayan. Nand'yan na ang nanay mong pokpok."

"Hoy kayong dalawa! Ano na namang pinagkukukuda niyo sa bata?!" sigaw ni Mama na mukhang ngangayon uuwi sa bahay.

Paismid na umalis ang dalawang babae at hinawakan naman ako ni Mama sa kamay.

"Umuwi na tayo."

Habang hinihila niya ako ay hindi ko maiwasang mapatitig sa suot niya. Short na sobrang iksi. At sando na labas ang likod at halos makita na rin ang dibdib niya.

"Ano na namang sinabi ng mga 'yon? Diba pinagsabihan na kitang 'wag papansinin ang chismosa sa labas? Cessiana!"

Napapitlag ako nang tawagin niya ako. Nasa bahay na kami at natutulala nalang ako dahil sa mga narinig. Napatingin ako sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan niya.

"M-Mama, totoo ba ang sinasabi nila?"

Nag-iwas siya ng tingin at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Mama...kaladkaring babae ka daw? Ma, totoo ba 'yon? Bakit palagi nilang sinasabi na baka maging kagaya kita paglaki? Ma...Ma, totoo bang pinagkakakitaan mo ang sarili mong katawan?-"

"Oo na!!" sigaw niya na nakapagpatigil sakin. "Oo na! Tama sila! Pinagkakakitaan ko ang katawan ko, b-benebenta ko ang puri ko para kumita para lang may pang gastos ako sayo!"

May luhang pumatak sa kanyang mga mata. Hindi ko na rin napigilan ang sariling luha na bumagsak mula sa mga mata ko.

"M-Ma, mali 'yon diba? Bakit hindi nalang desenteng trabaho ang pinasok mo? Bakit kailangang ganyan, Ma?"

"H-Hindi mo alam kung gaano kahirap ang buhay ngayon! Oo mali ito, pero dito k-kita maitataguyod dahil 'yang magaling mong ama nagpaka--" huminahon ang mukha niya nang mapatingin sa akin. Parang meron siyang ayaw sabihin sa akin kaya niya pinutol ang sasabihin niya. "A-Anak, intindihin mo nalang si Mama.."

Umiiyak akong napailing. Umiwas din ako sa tangka niyang paghawak sa akin.

"Intindihin, Ma?! A-Alam mo ba kung gaano kahirap pumasok sa school araw-araw habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga naririnig ko sa mga tao? Na ang nanay ko pokpok, kaladkarin! Ni pati ako kinukutya nila na baka maging gaya mo! 'Y-Yon ba, Mama? N-Naiintindihan mo ba 'yon?" panay lang ang iyak ko. "Kung nahihirapan kana sa pang gastos sakin, pwede naman akong tumigil sa pag-aaral e."

"I'm s-sorry." panay ang iling niya habang umiiyak, nagsusumamo sakin.

"N-Ngayon...naiintindihan ko na kung bakit ayaw na ni Papa sa pamilyang 'to."

"A-Anak.."

"N-Nakakahiya ka, Ma! Kung hindi mo kayang ibigay ang respeto mo para sa pamilya mo, sana kahit sa sarili mo man lang!" nakatitig ako sa kanya at hindi na nag-abalang magpahid ng luha. "H-Hinayaan mo lang umalis si Papa, ni hindi mo man lang ako inisip habang ginagawa mo 'yang trabaho mo.... S-Sana ikaw nalang ang umalis, sana hindi nalang si Papa!"

"Anak...C-Cemie.."

Nagkulong na ako sa kwarto ng gabing iyon. Sobra ang sakit na nararamdaman ko dahil hindi ko matanggap ang lahat ng ginagawa niya. Nakatulog ako sa pag-iyak buong magdamag.

Kinabukasan ay bumungad sa akin sa labas sina Lolo at Tita Anna. Meron silang katabing malalaking bag, at ang ibang paper bag ay laman ang paborito kong teddy bear.

"Apo, halika dito." tawag sakin ni Lolo na nakaupo sa sofa. Naupo ako sa gitna nila ni Tita Anna. "Ah, sasama kana sa amin ni Tita Anna, ha? Doon kana titira sa bahay ni Lolo."

"Aalis po ako dito?" napatingin ako sa mga bag na nasa tabi nila.

Naramdaman ko ang paghagpos ni Tita sa buhok ko. "Oo, gusto mo ba 'yon? Lalayo kana sa mga taong nangungutya sayo, aalis kana dito. Sa amin kana ni Lolo mo, doon ililipat ka namin ng school kung saan wala kanang kaklase na aapi sayo. Doon, h-hindi kana masasaktan."

May luha na namang namuo sa mga mata ko nang maalala ang sagutan namin ni Mama. Wala siya dito, bakit parang ayos lang sa kanya na kunin na ako nina Lolo?

"T-Tita, pwede po bang kay Papa nalang ako? Pwede po ba akong pumunta sa kanya?"

Nagkatinginan sila ni Lolo bago umiling sa akin. "Ah, wala kaming balita sa kung nasaan man siya eh. Pero sa ngayon, sa amin ka muna ni Lolo, tara na?"

Malungkot akong pumayag sa gusto nila. Sobrang bigat ng nararamdaman ko lalo na kay Mama. Nakita ko siya sa may kusina bago kami tuluyang makalabas ng bahay pero iniwasan niya akong tignan. Namalayan ko nalang ang pagtulo ng luha ko dahil sa inis at galit sa kanya.

Bakit wala lang sa kanya na umalis ang sarili niyang pamilya? Una si Papa, tapos ngayon pati ako ay ipinagtabuyan na niya. Ayaw niya sakin, ayaw na niya sa pamilya namin. Hindi ko siya mapapatawad sa lahat. Hinding hindi na.

~

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro