CHAPTER 30
Chapter 30
Ngumisi siya sa akin na akala mo ay talagang panalo na siya sa akin. Psh, talagang ginawa niyang panakot ang halik niya ah.
Napairap ako sa kanya. "Idiot."
"What did you say?"
"Sabi ko ang fresh mo ngayon. Pwede kanang pang commercial ng deodorant. Fresh all day."
"Tss,"
Sinimulan na niyang kumain kaya ganun din ang ginawa ko.
Pagkatapos ay meron ulit activities na ipinagawa ang mga teachers sa amin. We spent the rest of the day here with so much fun. Araw-araw ay ang dami naming natutunan about sa mga activities, moreon it is about environment and nature, kaya nakaka-enjoy gawin.
Last day na namin bukas kaya ngayong gabi ay nag-bonfire ulit kami. Napuno ng kwentuhan ang paligid, kantahan, tawanan. And I didn't expect that some of them will be emotional. Graduating na kami as senior high, at ang iba sa kanila ay nagkwento na sa ibang bansa na sila magpapatuloy ng pag-aaral. Parang naging recollection ang huling gabi namin dito.
Naunang umalis ang iba at bumalik na sa tent nila. Naiwan ang ilan sa amin na may kanya-kanya nalang kakwentuhan. Lumapit si Ishi sa akin at biglang pumwesto sa likuran ko. Napatutop ako ng labi nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa likod, ang parehong binti niya ay nasa magkabilang gilid ko, para niya akong ikinulong gamit ang mga hita niya. Dahil malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi ay pinili ko ang damahin ang yakap niya. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at minsan naman ay hinahalikan niya ako sa sentido.
"Cemie," marahang tawag niya.
"Hm? Bakit hapones?" medyo lumingon ako sa kanya.
"Are you planning to study somewhere? Away from here? Away from me?" tanong niya. Malayo sa kanya? Kaya ko pa ba 'yon? I don't think so.
"Ah, hindi ko pa alam. Depende parin kung saan ako magco-college. Ikaw? Are you planning to study abroad? Sa Japan? Diba sabi ng iba mas maayos daw mag-aral ng college sa ibang bansa?"
"Depende lang naman 'yon sa nag-aaral. But me? Wala sa plano ko ang mag-aral sa Japan, hindi ako aalis dito hangga't may dahilan ako para manatili."
I gulped on what he said. Mas niyakap niya ako at ramdam ko ang paglalim ng kanyang paghinga. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa may earlobe ko. Shit, para akong kinuryente dahil sa ginagawa niya. Medyo napaiwas ako dahil sa kiliti, napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Why so sweet? Hindi ka pwedeng artista, baka lahat ng leading lady mo ay ma-fall sayo dahil d'yan sa pagiging sweet mo."
"Why? Na-fall kana ba?" ngisi niya.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Hindi mo lang alam Ishigara, hulog na hulog na. Alam mo ba kung gaano ka-delikado itong nararamdaman ko para sayo? Sa patuloy na pagkahulog ko, walang kasiguraduhan kung may sasalo.
I bitterly chuckled. Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa bawat halik at dampi ng balat niya sa akin.
Nang umalis na ang ibang students ay kami nalang dalawa ang naiwan. Muling nanuot sa alaala ko ang nangayari no'ng nakaraang gabi. Palaging saksi ang nagliliyab na apoy at maliwanag na buwan sa aming dalawa.
Umalis na siya sa likuran ko at lumipat sa aking tabi. He smiled at me. Hindi ko alam pero malaking pagbabago na ang nakikita ko sa paraan ng pagtrato niya sa akin, parang t'wing kami lang dalawa ang magkasama ay ibang Ishi ang nakikita ko.
"You're staring at me for more than a minutes, baby. Ganyan ba akong kagwapo sayo?" he smirked.
"Ang kapal mo naman."
He chuckled before holding my hand. Hinalikan niya iyon habang nakatingin sa akin. Kinuha niya rin ang isa ko pang kamay at hinalikan din iyon. His ocean blue eyes was deeply staring at me.
"Ishi.."
Binitawan na niya ang mga kamay ko. Tumitig siya sa akin na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. I gulped and let out a deep breathe.
"Y-Yung, ah about do'n sa sinabi mo noong nakaraang gabi. What do you mean by that?"
He looked confused on what I said. Hindi siya lasing nung oras na 'yon kaya imposibleng nakalimutan na niya, imposible ring hindi niya sinasadyang masabi 'yon.
"Y-You told me you love me...."
Para siyang natigilan sa sinabi ko. I saw how his reaction become serious. Naglakas loob akong tumitig sa mga mata niya. Gusto kong malaman, gusto kong malaman kung may pag-asa ba.
"Ahm, it's already midnight. Balik na tayo sa tent?" he said instead of answering me. Bakit ba parang umiiwas siya sa tanong ko? Dahil ba mali na umasa akong may pag-asa? Is it still because of Aria?
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayong gabi. Anong nangyayari sakin? I dealed with him, I let him used me. Ginusto ko rin naman 'to pero bakit kailangan kong umabot sa sitwasyong ito? I already warned myself for falling in love with him. Pero ito parin ang kinaratnan ng lahat ng paalala ko sa sarili ko noon. Hinayaan ko parin ang sarili kong mapasugal sa labang alam kong una palang talo na ako.
Alam kong naghihintay siya na tumayo na ako para bumalik sa tent pero hindi ako gumalaw. Nakatitig lang ako sa kanya.
I slightly smiled at him. "Ishi....mahal mo ba talaga ako?"
"Cemie, let's take a rest. I know you're tired--"
"I-Ishi...a-ano ba talaga tayo?"
I got froze on my position. Mas naramdaman ko ang lamig na dumadampi sa balat ko. Biglang lumatay ang kaba sa aking buong katawan.
He stared at me, sa paraang parang wala lang sa kanya ang itinatanong ko. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba palagi niyang iniiwasan ang mga tanong ko?
He looked away and let out a deep breathe.
"We're nothing, Cemie."
My thin string of hope had broken. Para akong natauhan sa sagot niya. Ginusto mo 'to, Cemie. Ginusto mong malaman ang sagot. Kaya ayan na, narinig mo na.
Mapait akong napangiti at nag-iwas din ng tingin.
Thanks for bursting my bubbles of hope.
__
Kinabukasan. Hindi na nawala sa isip ko ang nangyaring iyon kagabi. Parang ang hirap iwiksi sa isipan ko.
Tangina kase, bakit mo ba tinanong kahit alam mo naman ang maaring sagot? Wala kang pag-asa. Hindi ka magkakaroon ng pag-asa dahil si Aria parin.
Ang sakit talagang masampal ng katotohanan. Hangal ka kase Cessiana, may pa- I love you too ka pa, alam mo namang walang label. Hayst. Oo na. Sige na, ako na itong feelingera na umaasa sa himala.
Feeling ko tuloy bumaba ang energy ko dahil sa naging usapan namin kagabi. Sana nag-amoy alak man lang ako kagabi para kahit paano ay magagawa kong dahilan na lasing ako. Damn. Ramdam ko ngayon ang hiya dahil sa eksenang iyon kagabi. Bakit ba kase hindi ko makontrol ang sarili ko sa mga gano'ng bagay.
Parang nawalan ako ng gana sa lahat. Ngayong araw na ang alis namin dito sa gubat. Sana kasabay ng paglisan ko dito ay malimutan ko rin ang lahat ng embarassing moment ko na iyon. Hindi ko tuloy alam kung kaya ko pang harapin si hapones.
Paglabas ko ng tent ay nakita ko agad ang apat na magkakatabi. Mabilis na akong nag-iwas ng tingin bago pa ako makaramdam ng pagkailang. Lumapit ako sa iba naming classmate na nag-aayos ng pagkain sa table. Mataray akong kinausap ng classmate kong babae kaya medyo tinarayan ko rin ang boses ko.
Pagkatapos ay kumain na ulit kami ng sabay-sabay. Kunti lang ang nakain ko dahil nawalan na talaga ako ng gana. Parang gusto ko na ring umuwi. I miss my Lolo na.
Naupo ako sa isang upuan habang ang iba ay busy parin sa pagkain. Aksidente akong napatingin kay Ishi. He's also staring at me, pero nag-iwas ulit ako ng tingin. T'wing napapatingin ako sa kanya ay naaalala ko ang sagot niya sa tanong ko kagabi. Masyadong makahampas realidad.
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil sabi ng teachers namin ay darating na daw ang mga bus na sasakyan namin pabalik. Pilit kong isiniksik sa bag ko ang throw pillow na binigay niya sa akin, bukod sa ayaw kong bitbitin 'yon, masyado na rin akong madaming dalang bag.
"Cem, sa bus 2 ang section natin." sabi sa akin ni Dairo at nakangisi na siyang nagtatakbo papunta kina Troy at Braille. Hindi ko alam kung ano na namang kalokohan ang ginawa niya dahil pagkalapit niya sa dalawa ay tinamaan agad siya ng ilang batok. Mga loko.
Napabuntong hininga ako at lumapit nalang din sa bus 2 na sasakyan daw namin. I saw Ishi but I used to ignored his stares. Hindi ko maiwasang hindi mailang. Syempre, para sakin masakit ang sagot niya sa tanong kong iyon kagabi. Maaring para sa kanya ay wala lang 'yon, pero sakin ay malaki ang naging epekto no'n.
"Where's the other section?" rinig kong tanong ng isa kong classmate sa kaibigan niya.
"They're on the bus 1, I think nakaalis na sila." sagot ng kaibigan niya.
So section lang namin ang sakay sa bus na ito? Great. Walang Miguel na tititig ng pamatay sa akin. Walang Aria na kailangang pagselosin. Mas maayos na rin dahil mas maluwag kami sa bus ngayon.
Isang hakbang ko palang pasakay sa loob ay may humawak na sa siko ko. Nang lingunin ko ay si Ishi. Suot niya ang black bagpack niya at may bitbit naman siyang isa pang malaking bag.
"Bakit?" tangina, pati ako ay nanibago sa tono ng boses ko.
Mukhang napansin niya ang inaakto ko simula umaga palang kaya halos ilang segundo pa siyang napatitig sa akin. Lumingon siya sa loob ng bus.
"Do'n tayo sa likod." hawak niya parin ang siko ko at hihilahin na sana akong papunta sa may likod pero hinawi ko na ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Lumapit na ako sa may unang upuan at inilapag na ang bag ko sa may tabi.
"Dito nalang ako sa una. Maluwag naman tayo dito kaya..kahit saan na ako pumwesto." I looked away and sighed. "At isa pa...Wala naman si Aria para pagselosin mo."
Naupo na ako sa upuan ko sa may tabi ng bintana at ipinatong ko na sa tabi ko ang mga bag ko para wala ng makaupo. Oo, gusto kong maging senti dahil ito ako, nag-eemote. Dapat ay wala lang sakin ang lahat ng nangyaring iyon e. Pero hindi ko maiwasang magdamdam.
Tao din naman ako, nasasaktan. Nagmahal sa alam kong walang kasiguraduhan, pero umaasa paring may himalang dadaan. Na lahat ay hindi nalang actingan, na lahat ay maging totohanan nalang.
Hayst. Ang pag-ibig talaga ay parang ulan, hindi tatakbo ang eroplano dahil may landslide.
Oh, ang gulo diba? Ganyan talaga ang umibig. Napakagulo. Darn! Sabi ko nga, kakain nalang ako ng pineapple, mas good for heart pa 'yon.
I sighed. Gamit ang peripheral vision ay tinignan ko siya. Nagpunta na siya sa kabilang side ko. Malamang, kung hindi ko inilagay sa tabi ko itong mga bag ko ay dito siya mauupo. Didn't he notice that I want to be alone for now? Kahit ang titig niya ay ayaw ko munang mapansin. But he's still staring at me. Tumingin nalang ako sa katabi kong bintana.
Kinuha ko ang phone ko at headset para magplay ng kanta. Isinalpak ko iyon sa aking tenga bago ako medyo humilig sa may bintana.
I was about to close my eyes when there's a message pop-up on my phone screen. And that's from him.
Hapones:
I'm sorry
Hindi na ako nag-abala pang lumingon.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro