CHAPTER 25
Chapter 25
"Lo, bakit may bagong laptop sa kwarto ko? Kanino 'to?"
Huwag niyang sabihin na galing kay santa claus 'yon. Naku, masyado ng late at isa pa hindi naman ako humihiling ng laptop para bigyan ako tho kailangan ko talaga 'yan para sa pag-aaral. Pero malapit ng mag-february, ano 'to? Natraffic?
Kinuha ko ang nasa kahon pang laptop at nagpunta sa kusina kung nasaan si Lolo. Naupo ako sa upuan at ipinatong sa lamesa ang laptop. Bagong bago, at 'yung mamahaling tatak pa.
"Lo, sinong naglagay nito sa kwarto ko?"
Naupo rin siya sa harap ko at inilapag ang isang tasa na kape sa lamesa.
"Para sayo 'yan, apo. Sira na ang dati mong ginagamit diba? Kaya naisip kong ibili kita."
Natouch agad ako sa simpleng paliwanag ni Lolo. Hindi niya ako tinanong dahil, malamang alam niyang tatanggi ako. Tss, galing talaga ni Lolo.
"Pero Lo, hindi mo naman kailangang bilhin ang ganitong kamahal na gamit para sakin, sayang ang pera." napanguso ako.
"Ayos lang 'yan, apo. Hangga't nabubuhay ako, hindi ako makakaramdam ng panghihinayang 'pag dating sayo. Kahit pa isang isla ang magustuhan mo, bibilhin ko para sayo."
"Talaga ba, Lo? Sabagay, kahit ako. Kahit anong hilingin mo sakin Lo, gagawin at ibibigay ko sayo, dahil ikaw ang buhay ko."
Kahit legal age na ako ay pakiramdam ko dependent parin ako sa kanya. Mula pagkabata na akong nasa kanya, sa kanya ko na natutunan ang maraming bagay, sa kanila ni Tita Anna ko rin naramdaman ang tunay na pagmamahal. Without him and Tita Anna, siguro isa nalang akong ipot na pakalat-kalat sa daan ngayon.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "I love you, Lolo."
"Mas mahal kita, apo."
--
Dahil wala namang pasok ngayon ay naglinis nalang ako ng bahay at kwarto. Ngayon ko lang din ulit nakita ang mga kalat kong notebook na sinulatan ko noon ng mga story. Like what I've said, I'm into writing talaga. I love writing essays, poems, stories, lalo na nung grade school palang ako. Hindi ko rin alam, basta t'wing pagsusulat ang gagawin ko, palaging dere-deretso ang galaw ng kamay ko at takbo ng isip ko. Siguro iyon talaga ang passion ko, kaya I want to be a journalist someday, lalo pa at mas gumagana ang pag-iisip ko at pagsulat pagdating sa political topics.
Naupo ako sa upuan ko dito sa kwarto at binuklat ang mga notebook kong puno ng mga stories. Wew, love stories pa 'yan. What if isulat ko ang love story ng buhay ko? Wew ulit! May love life kana ba, Cessiana? Wala!
Napakamot ako sa batok at nakangising napailing.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na meron dahil hindi naman ako sigurado. Aw, bitterness all over my sexy body again.
May nagpop-up na message sa phone ko kaya kinuha ko agad ito. Oh damn, and speaking of, si hapones na naman! Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko iyong nangyari 'nung isang gabi. 'Yung mga salita niya na sinamahan niya pa ng galawan. Shit.
Hapones:
Miss you :^)
Damn. Napangiti ako at napakagat sa babang labi. Hapones hapones hapones, ang sarap mong gawing umaga. You know?
Inaya na naman niya akong lumabas.
Nang magtext ulit siya na susunduin ako ay mabilis na akong nag-ayos. Damn, naligo akong nakangiti kahit sobrang lamig ng tubig.
Nagsuot lang ako ng maong short na high waist at white over size shirt na nakatuck-in sa maong short ko. Saktong lumabas ako ng bahay ay dumating na agad siya. And guess what, naka-motor lang siya.
Wait mali ata ako sa motor lang... Lamborghini?!
"S-Sana all.." napanganga nalang ako sa motor niya. He's wearing a black leather jacket, at sa loob no'n ay blue shirt at naka-black pants lang siya. Ang lakas ng dating niya na sinamahan pa ng mamahaling motor niya.
Ngumisi pa siya sa akin nang makalapit ako.
"You looked stupid. Can you close your mouth now? I know I'm handsome."
"Yabang!"
Napairap ako at muling napatingin sa motor niya. Pinaandar niya ang makina at sinabing umangkas na daw ako. I bit my cheeks inside when he put my hands on his waist.
Sinasalimpad ng hangin ang buhok niya na lalong nakapagpalakas ng dating niya.
Siya ang nag-ihaw ng hotdog ko. Panay ang tinginan ng karamihan sa amin at bulungan pa. Shit, you really love being center of attraction, hapones. Kaya magsitabi na ang lahat dahil nandito na ang hari ng hotdog....ihawan ng hotdog I mean.
Kung nandito ang tatlong papables siguradong pinagtatawanan na nila si Ishigara. Hindi ko alam kung sa akin lang siya nagiging ganito, dahil ibang Ishi ang nakilala ko noon sa school. Badtrip palagi, parang galit, at high blood sakin kahit wala akong ginagawa. But now, he's showing his soft side, tho malipit parin siyang mood swing. Pero unlike before, malimit ko na siyang nakikitang ngumiti ngayon...na sana ay ako ang rason. Aw.
Iwiniksi ko ang nasa aking isipan nang tawagin na niya ako. Inaya niya ako sa isang table na itinuro samin ni kuya na may ari ng hotdog in stick stall. Ang dami naman ng inihaw niya, parang bet niya talaga akong patabain ah. Meron pang chicken wings at fruit shake.
Sinamaan ko siya ng tingin nang busalan niya ako ng chicken wings para hindi na makapagsalita. I just ate my hotdogs. Hindi ko siya pinapansin dahil busy ako sa pagkain pero ramdam ko ang titig niya. And I can feel my heart beating loudly inside my chest.
Ako naman ang tumingin sa kanya but he take his eyes off me. Nakangiti niya pang nilalantakan ang chicken wings. Parang sa halip na mailang ay ine-enjoy niya pa ang pagtitig ko. Ang galing talaga nitong tsunggo na ito, hindi patalo.
Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok sa school para mauna sa apat pero nabigo ako dahil nasa room na si Troy. Wew, bakit ba ang aga-aga palagi nitong pumasok. Magkacross legs pa siya at nakatitig sa akin. Naupo ako sa tabi niya.
"Ang aga mo naman, anong nakain mo at mukha kana namang badtrip?" para kase siyang pinagsukluban ng langit at lupa. Masyado naman yatang problemado ang papables na ito. Siguro walang maingay na bubuyog na sumalubong sa kanya kanina. "Babae ba 'yan? Gusto mo ba ng payong pag-ibig ko?"
Ngumisi siya sa akin. At hindi iyon ang normal na ngisi ng isang Troy Anilov Quintos. Napanguso ako. Hindi ako sanay na makita silang problemado na ganyan, nasanay na ako sa masaya at loko-loko nilang pagkatao.
"Paano kapag ikaw ang gusto ko at hindi ang payo mo?"
Napangiwi ako sa sinabi niya at pabiro siyang sinapak sa braso.
"Gags, ang panget mong kabonding!" isa talaga 'yan sa similarities ng ugali nilang mga papables e. 'Yung akala mo ay seryoso sila sa sasabihin dahil seryoso ang mukha nila pero kalokohan lang naman. "So, may problema ba? Kaibigan mo naman ako, maganda naman ako at tinong kausap." sige na nga, minsan.
He sighed before looking at me. "Ayokong makipag-usap sayo, 'di ka makakarelate."
"Edi don't! Isa ka lang namang siopao na hilaw para pilitin ko. Mas bagay nga sayong badtrip maghapon para mabilis kang tumanda!"
He chuckled. "Okay lang na tumanda, atleast gwapo parin. At siopao man ako sa iyong paningin, magandang lalaki parin. Eh ikaw? Isa ka lang hotdog. Ew! Mainit na aso."
"Atleast masarap at tender juicy!"
Umirap nalang ako sa kanya nang tawanan niya ako. Tignan niyo 'to, sana pala hindi ko nalang siya kinausap. Dapat hinayaan ko nalang siyang maging badtrip.
Nang dumating na ang tatlo ay deretsong naupo sa tabi ko si Ishi. Hindi siya sa akin nakatitig kundi kay Troy. Ayan na naman sila sa patayan nilang tingin. Mukhang nagkakaintindihan sila gamit ang eye contact nila. Wew, napaka-ironic talaga nila.
Nang dumating na ang teacher namin ay nagkaroon lang ng kunting discussion at may pa-test pa. Darn, mabuti nalang at medyo na-refresh ko pa sa utak ko ang mga naging lessons namin. Kaya ang saya-saya na nakakuha ako ng perfect score.
"Antayin mo na akong maglunch. Saglit lang naman ito." pigil sa akin ni Ishi.
Meron silang essay na gagawin, bale hinati pa kami ng teacher namin para sa paggawa no'n dahil dalawang topic ang gagawin. Iba 'yung topic na ginawa namin na naunang group, iba ang kanila. Noong nakaraan ay gumawa rin ako kaya nahuli akong maglunch, may words count 'yon kaya nakaka-owemji talaga.
Nasa may pintuan na ako ng classroom para bumaba na sa canteen pero pinigilan niya pa ako. Darn, hindi niya ba naiisip na andito si Ma'am at baka ma-lintikan niya ako. Naku, lagot ang scholarship ko.
"Nagugutom na ako." then I pouted my lips.
He sighed. "Fine." lumingon siya sa unahan at nang makitang hindi nakatingin si Ma'am ay bigla niya akong hinila sa gilid kung saan walang nakakakita at niyakap niya ako sa bewang at pinatakan ng halik sa noo!
"D-Dami mong alam, hapones. Tabi nga! Maglu-lunch na ako." sinanggi ko na siya at nagmamadali ng bumaba sa hagdan. Pero bago pa man ako makalayo ay may narinig pa akong sinabi niya.
"Aishiteru.."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro