CHAPTER 22
Chapter 22
Mahaba-haba rin ang naging sem-break namin kaya marami din kaming naging bonding ni Lolo. We also visit our relatives in the province. Halos dalawang linggo din kami doon sa probinsya.
Hanggang New year's celebration kami doon kaya namiss ko rin ang bahay namin dito. At pati na ang apat na tsunggo. Nakakamiss din naman pala ang kakulitan nila.
Napangiti ako ng maalala ang usapan namin sa tawag ni Braille noong New years eve. Usapan namin na pagtripan si Ishi na hindi ko replyan ang mga text at chats niya. I also posted a photos of me with my boys cousins. Si Braille ang nagpakita no'n kay Hapones. And guess what he texted me that time?
Hapones:
I'll search the location of that province where you are.
Try me, Cemie.
Natawa nalang ako noon dahil kinabukasan ay umuwi na rin naman kami ni Lolo. Inaya niya pa sina Braille pero walang sumama sa mga loko. Gags, ang layo-layo kaya ng probinsya nina Lolo. Malabong marating niya mag-isa. Edi maligaw lang ang hapones na 'yon.
Kinabukasan ay araw na ulit ng pasukan namin kaya ngingiti-ngiti akong naglalakad sa hallway papasok sa room. Namataan ko agad ang busangot na si Takashi.
"Cemie, ang gwapo ko!" sigaw ni Troy na nasa may una at nakaupo sa teachers table. Loko.
"Peyk nyews!"
Naupo ako sa aking arm chair at humarap kay Ishi. He's still on his poker-face. Mukhang tampo parin sa hindi ko pagreply sa kanya noon.
"Uy, I have something for you." I smiled at him but he just tsk-ed. Napanguso ako at nangalumbaba sa arm rest niya. "Ayaw mo? Gusto mo kay Braille ko na lang ibigay?"
"Ay bet ko 'yan, Cemie." kumindat pa si Braille at nagthumbs-up.
Walang pakialam ang itsura ni Ishi na nakatingin lang sa una. 'Yung tipong parang magandang hangin lang ako sa tabi niya. Kung makapagtampo naman ito dinaig pa ang babae. Tsk, akala mo naman hindi rurupok. Tignan niyo 'to.
Inilabas ko ang isang balot na lollipop mula sa bag ko. Alam kong pareho naming favorite 'to.
Nakangiti ko iyong idinaan sa mukha niya bago ako prenteng sumandal sa likod ng aking upuan.
"Sayang naman, wala akong ka-share. Walangya talaga 'yung tumatanggi sa dyosa ng kagandahan. Sila na nga 'yung binibigyan, ayaw pa. Hayst, ang kapal ng mukhang tanggihan ako without knowing na anak ako ng isang mafia boss. Tss."
Binuksan ko ang isang lollipop at isinubo iyon. Minsan ay inaagawan niya ako ng lollipop lalo na kapag strawberry flavor. At 'yon ang flavor ng lollipop na binili ko. Sinubukan ko siyang akitin gamit iyon. Subukan natin kung matiis niya pa akong hindi pansinin.
"Sa province ko pa naman binili 'to. Ang layo ng pinaggalingan tapos pagdating dito tatangihan lang? Damn, masakit 'yon sa fucking heart. Siya pa naman ang nasa isip ko nung oras na binibili ko 'to." pagpaparinig ko pa.
Natawa ako sa sariling katangahan. Finally, tumingin na siya sa akin. With his trying to hide smirk. Ako naman ang umiwas ng tingin ngayon habang yakap ang isang balot na lollipop. Para akong bata na nagdadamot sa kalaro.
"Whatever, kung ayaw niya, edi don't. Hindi naman siya ginto para--"
"Tss,"
Bigla niyang naagaw ang isang lollipop na hawak ko at isinubo niya! My gosh! May laway ko na 'yon e!
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
He sighed. "Fine! I still hate you for not replying on my messages. But fine, I'll forgave you this time." he cleared his throat and avoided my stares. "Thanks for always thinking of me, baby. And also for sharing the history of this lollipop."
Kita niyo 'yan, sabi na e marupok din 'yan. Napangiti ako sa sinabi niya at nagbukas nalang ng panibagong lollipop. Umayos ako ng upo palapit sa arm chair niya at hindi na nagulat nang akbayan niya pa ako. And then he whispered.
"Namiss kita."
Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Akala ko ako lang ang nakamiss sa kaniya. Darn, ganito pala kapag nasanay ka nang kasama ang isang tao. Mas napapalapit kana sa kanya, 'yung tipong parang hindi na kayo sanay na malayo sa isa't isa.
Nang maglunch time na ay sabay kaming bumaba sa canteen. He ordered a lot of foods. Kasama namin ang tatlong papables pero sobra parin ang pagkain na inorder niya. Parang balak niyang pakainin ang lahat ng nasa canteen ah. Tss.
"Cemie, eat." utos niya.
Nasa tabi ko siya at nasa may harap naman namin ang tatlo. Nakangisi pa ang lokong si Braille.
Inilapag ni Ishi ang kanin at ang ulam sa may harap ko. Meron pang kasamang hotdog!
"Si Cem talaga oh, kumikinang ang mata sa hotdog." natatawang sabi ni Dairo.
"Baka hotdog talaga ang na-reincarnate niya." walangyang sabi naman ni Troy.
Gags, ano 'yon? Kamag-anak ko ang hotdog? Ang sama ng ugali nitong si Troy, siya nga mukhang siopao eh.
Nagbelat ako sa kanila bago nagsimulang kumain. My eyes accidentally caught Aria on their table staring at us. Kusa rin akong napalingon sa katabi kong si Ishi, at nakatingin rin ito sa kanya. Ano 'yan? Eye to eye romance?
Tumikhim ako kaya lang siya napatungo sa akin. Parang nagulat pa ang reaksyon niya sa akin dahil siguro hindi niya inaasahang makikita ko ang pagtitig niya kay Aria. Tss, ano namang nakakagulat do'n? Mahal niya ang babae, at hindi niya matitiis na hindi ito titigan kahit sa malayo.
I gulped as I felt my heart ache with no apparent reason. Sinubukan kong hindi makaramdam ng kakaiba, pero nang sinimulan na naman niya ang sweet acts niya ay para na naman akong lumalayo sa realidad.
Nauna na ako sa kanila at nagpaalam na papunta lang sa wash room. Naghilamos ako at napatitig sa salamin. Damn shit! Hindi ko alam kung paano makakaligtas sa nararamdaman ko. Pareho kaming nasa loob ng isang teleserye kung saan kailangan pa naming hintayin ang ending para matapos ang contract namin sa isa't isa. Aish!
Problema kase sa hapones na 'yon, lumalayo siya sa dapat na akto. Kung maka-akto kase siya ngayon parang takot siyang ako ang magselos. Wew. Whatever kalahating hapones.
Lumabas ako sa wash room at nagulat nang makita si Miguel na nakasandal sa pader at seryosong nakatitig sa akin. Kung makatitig siya ay parang may mali akong nagawa. Ano bang problema ng isang ito sa akin? The last time na kinausap niya ako ay pinagbantaan niya pa ako na layuan si Ishi.
I sighed and just ignored him. Maglalakad na sana akong palayo pero hinarangan niya ang daraanan ko.
"Pota, ano bang kailangan mo?!" naiinis na tanong ko.
He's still on his serious expression. Hinawakan niya pa ako sa braso at nang magkumawala ako ay mas lalo iyong humigpit.
"Ilang beses ko pa bang sasabihin sa'yo na layuan mo ang gagong 'yon? Ha?" he gritted his teeth and I can feel his heavy breathing. Parang galit na galit sa hindi ko maintindihang dahilan.
Bumuntong hininga ako, sinusubukang pahabain ang pasyensya sa lalaking ito na mukhang may saltik.
"Ano bang pakialam mo? Sino ka ba para sundin ko ha? Tangina, walang dahilan sa pagitan natin para manipulahin mo ako!" anong akala niya? Susunod ako sa gusto niya?
"Cemie, hindi ako kagaya ni Takashi para manipulahin lahat ng nakapaligid sa akin. He's just using you, Cemie. You know that? Or you're just being blind by the truth?"
Natigilan ako sa sinabi niya. His hand still on my arm pero nawalan ako ng lakas para kumawala pa. Yes, he's using me to make Aria jealous, at alam ko 'yon. Pero bakit may ibang sakit na dumaan sa dibdib ko habang nagpapaulit-ulit ang mga sibasabi niya sa isip ko.
"He's just taking you as advantage to make avenge--"
Isang malakas na suntok ang tumama sa pisngi niya. Nabitawan niya ang braso ko dahil sa sunod-sunod pang suntok na ibinigay sa kanya ni Ishi.
"I-Ishi," para akong natulala sa bilis ng pangyayari. Dumating sina Troy para awatin ang dalawa pero para silang magpapatayan. Dumudugo na ang gilid ng labi ni Miguel. I don't know what's really going on between these two. Naguguluhan ako, lalo na sa sinabi ni Miguel.
"Tumigil na kayo!" panay ang awat ng tatlo. And finally nailayo nila ang dalawa sa isa't isa.
They still looking at each other, as if they are ready to kill.
"Wag mong sinasagad ang galit ko, Gonzalvo. Hindi ang hamak na gagong tulad mo ang sisira sa lahat." madiing sumbat ni Ishi kay Miguel. Nagkumawala siya sa hawak ni Braille sa braso niya para lumapit sa akin.
Bigla niya akong hinawakan sa may kamay ng sobrang higpit at hinila. Narinig ko pa ang mura ni Miguel bago kami makalayo doon. Wala akong idea sa nangyayari. Bakit parang ako palagi ang naiipit sa dalawang ito? Bakit hindi nalang si Aria? Tutal siya naman talaga ang pinag-aawayan ng mga ito.
Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Ishi! Tangina naman, masakit na ang kamay ko sa paghila mo!" akala niyo ba ay pinansin niya ako? Hindi parin. Sa halip ay mas lalong bumilis ang paghila niya sa akin papunta sa parking lot.
Napalunok ako nang bigla niya akong isinandal sa isang kotse doon. Ang pareho niyang kamay ay itinuon niya sa magkabilang gilid ko. He cornered me! I can feel his heavy breathing.
"Did he say something on you? What did he say? Can you tell me,hm?" sunod-sunod na tanong niya.
"Ishi, ano bang problema mo?" I asked. He looked at me, with his furrowed eyes. Ramdam ko ang bawat bigat ng paghinga niya dahil sa lapit niya sa akin.
Dumako ang kanan niyang kamay sa aking pisngi. Hindi ko maiwasang magtaka sa inaakto niya.
"A-Anong sinabi ng lalaking 'yon sayo? Tell me baby, please."
I gasped, and don't know what to do. "W-Wala.." tanging sagot ko. Baka isa pa sa pagmulan ng ayaw nila kapag may sinabi pa ako.
He sighed deeply. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko at bigla akong niyakap ng mahigpit. Bakit parang takot na takot siya? May pwede bang sabihin sa akin si Miguel na makakaapekto sa kanya? At saka 'yung sinabi niya ay Miguel na hindi ito ang sisira sa lahat? Anong sisirain? Bahay ba? Oh darn. Sabi ko nga hindi na ako mag-ooverthink.
Iniyakap ko nalang din ang aking mga kamay sa kanyang likod. Hindi ako bumawi ng yakap para pakalmahin siya sa kung ano mang ikinatatakot niya. I hugged him because I missed him. Halos tatlong linggo ko rin siyang hindi nakita ah. Tapos unang pasok, nanapak agad siya. Yawa.
"Naguguluhan ako, Ishi. Ano bang nangyayari? Anong nangyayari sayo?"
Humarap na siya sa akin pero nanatili ang mahigpit na yakap.
"I'm scared that you might know the things, you don't have to know."
I knotted my forehead, confused of what he's talking about.
He snorted before kissing my forehead. "Mas mabuti kung wala ka nalang malalaman."
Lumayo na siya sa yakap at hinawakan ang kamay kong hinigpitan niya ng hawak kanina. He massaged it gently, napangiti ako ng hipan niya pa iyon.
"Aba, ano ka albularyo?" natatawang sabi ko. Ang gwapong albularyo naman nito.
Kaso siya 'yung tipo ng albularyo na sa halip na siya ang magpapaalis sa masamang ispiritu, siya pa ang sinasapian. Shucks.
"Don't smile at me like that. Akala mo ba ay nakalimutan ko na ang mga pictures na pinopost mo sa social media? You're wearing that fucking croptop shirt and too short skirt, huh? With those fucking idiot?"
Ay shit! Ang galing talaga naming mang-trip ni Braille. Akalain mo 'yon, nainis nga siya dahil do'n!
"Ogags, mga pinsan ko 'yon! Kung maka-idiot 'to! Kayang-kaya kang sakalin ng mga 'yon."
"Tss, is that the only thing they can do? Sakal lang? Well, I can make their skull explode, baby."
Bahagya akong natawa nang maalala ang reply niya sa arabo noon. Darn. Tapos ngayon pati mga pinsan ko na pinilit ko lang magpicture kasama ko.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro