CHAPTER 20
Chapter 20
"Lo, may lakad ka ba ngayon?" nagtungo ako sa salas kung saan siya naroon.
Kase naman, may pasuklay pa siya ng buhok. Wew, mukhang action star ang datingan ni Lolo. Naka-leather jacket pa 'yan, at maong pants.
He smiled at me. "May kukunin lang ako sa kabilang bayan. Gusto mo bang sumama?"
"Ay hindi na, Lo. Delikadong lumabas ang ganitong dyosa ng kagandahan ngayon. Ber months pa naman, maraming mga kidnapan na nagaganap. Naku kapag nakidnap ako tas pogi ang kidnaper Lo, magmamakaawa akong 'wag na niya 'kong ibalik sayo."
Kinunutan niya ako ng noo kaya natawa ako. Alam ko na ang matik niyang paghampas kaya maagap akong nakailag.
"Ang dami mong sinasabi. Ito talagang batang ito. Kung hindi ka aalis ay 'wag kang magpapa-pasok ng kung sino dito ha."
"Copy, Lolo Marcial."
Sabi niya ay kumpare daw niya ang pupuntahan niya sa kabilang bayan. Kasal ata ng anak ng kumpare niya at baka daw hapon pa ang balik niya. So dahil ako lang ang tao sa bahay ay naghalungkat nalang ako ng mga damit ko.
Bukas ang christmas party sa school at syempre, kailangan kong pumili ng maayos na dress. Nakausap ko kase ang isa kong classmate na babae, si Mia. Oo, nakakausap naman pala ng maayos ang bubuyog kong classmate, tho malimit siyang umirap at may pagkataray parin ang boses. Anyway, ang sabi niya ay dapat semi-formal ang suot. At pwede na daw ang dress basta maayos. Ayaw niya pa sa cheap, powta. Ano naman kung cheap o hindi branded ang damit? Pareho din namang gawa sa tela 'yon.
Nakipag-video call ako kay Tita Anna para humingi ng tulong sa pagpili ng dress. Karamihan pa naman dito ay galing sa kanya.
"Tita, hindi kaya ako magmukhang kawawa sa school? Feeling ko ang susuotin ng mga schoolmates ko, gold all over the body na. Sana all diba?"
Napamurot ako na tinawanan niya pa. Balot na balot ng jacket si Tita dahil umuulan pa daw ng snow sa America ngayon.
"Bakit ka naman magmumukhang kawawa? Subukan lang nila. Uuwi ako d'yan at ako ang mag-aayos sayo. Tignan ko lang kung hindi sila magsi-tulala kapag nakita ang dyosa kong pamangkin."
"Wow! I love you na talaga, Tita favorite!" Pinupog ko siya ng halik kahit sa screen lang ng cellphone. Kung andito siya sa tabi ko ay baka hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap ko.
Kaya love na love ko sila ni Lolo e. Masyado nilang itinataas ang confidence ko. Napangiti ako sa kanya.
"Cessiana, kahit anong isuot mo maganda ka. Hindi naman sa damit o itsura palagi nakikita ang ganda. Kundi sa katauhan."
Ay may pa-words of wisdom siya. Sabagay she has a point. Bakit ba kailangan ko pang makipagsabayan sa yayamanin kong schoolmates, ako ay ako. Ipapakita ko kung sino talaga ako. Oh, pak!
Sa huli ay napili ko ang red off-shoulder dress ko, above the knees, at may black belt sa bewang, meron ring maliit na strap sa may balikat. At sabi naman ni Tita ay isuot ko raw ang black boots ko. Darn.
Hapon na rin nakarating si Lolo sa bahay. Mukhang pagod kaya ayon, deretso tulog na. Mukhang naka-shot pa. Sana all talaga Lolo, tibay.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang magring ang phone ko.
Hapones Calling...
Wew. Ano kayang kailangan nito? And speaking of this Japanese jerk. Tumatagal mas lalo siyang nakakaloko, darn. Mas lumalambing siya sa akin kesa 'nung unang buwan na magkasama kami.
Lumabas muna ako ng bahay para tumambay sa labas at naupo sa duyan. I answered his call.
"Sorry, the number you have dialed is un--"
"Tss, insane."
Napangisi ako habang prenteng nakahiga sa duyan at nakatitig sa buwan.
"Are you outside? It's cold."
Napangiti ako. Isa iyan sa napansin ko sa kanya lately, masyado naman siyang concerned.
"Ayos lang. I love the cold breeze of December." nakangiting sagot ko. "Anong kailangan mo sa kagandahan ko at napatawag ka?"
"I miss you."
Namula na naman ang mukha ko sa sinabi niya. Jusko, dalawang araw lang kaming hindi nagkita. Ganyan pala ang effect ng isang dyosa sa isang tsunggo. Aba'y nakakamiss talaga ang ganitong mukha.
"I'll fetch you tomorrow. Wait me there, baby."
"Okay, bye." pinutol ko na ang tawag at napakurap-kurap sa kawalan.
Damn shit! Napangiti ako sa buwan bago nagtatakbo papasok sa kwarto.
~Kinabukasan~
"Aba, dalagang-dalaga na talaga ang apo ko." nakangiting sabi ni Lolo.
Naglagay lang ako ng light make-up niyan ah. My Lolo's proud eyes on me, really melts my heart. Napangiti ako sa kanya at yumakap.
"Oo nga, Lo. Dalaga na ako. Panahon na siguro para mag-asawa-'Aray naman!"
Bigla niyang kinurot ang braso ko. Gags naman, sayang ang makinis kong kutis. Mayamaya lang ay may bumusina ng kotse sa labas. Kinabahan ako bigla nang maisip na posibleng si hapones na iyon. Darn, bakit ba ako kinakabahan?
"Sige, Lo. Aalis na po ako." paalam ko bago lumabas ng bahay.
Hindi nga ako nagkamali dahil sa paglabas ko ng bahay ay sakto ring paglabas ni Ishi sa driver seat habang nag-aalis ng shades. Nakababa ang tatlong butones ng red polo-shirt niya. And damn! Ang lakas ng datingan niya sa black fitted pants niya at sapatos na black din. Owemji! Mukha siyang kpop idol!
Lumapit ako sa kanya at doon ko lang napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng adam's apple niya.
"Ishi!" pumitik pa ako sa harap niya.
"W-What?!" kumukurap na tanong niya. "Let's go?"
Nang tumango ako ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Bigla siyang umiling habang nakangisi. Mukhang naloloko na ang driver ko, darn. Nagsimula na siyang magmaneho at napansin ko ang pagngiti niya sa daan? Ewan ko sa hapon na 'yan. Naabnoy na naman.
"Ishi, 'wag mong ngitian ang daan. Tangina nito, kapag 'yan na-in love sayo, di-gasgas 'yang mukha mo kapag pinilit ka niyang halikan siya." natatawa kong sabi.
Saglit siyang lumingon sa akin. "Really? Cemie? Pati daan pinag-iisipan mo ng kung ano-ano."
Napanguso nalang ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang ayos ng buhok niya. Medyo patayo iyon ngayon, bagsak kase ang buhok niya at manipis. At mas lalong kapansin-pansin ang singkit niyang mga mata ngayon. His ocean blue eyes. Damn.
Napasulyap siya sa akin at saglit na ngumiti ulit sa kawalan. Isama pa ang ngiti niyang iyon, shit.
"Ishi, ayos lang ba ako?" tumungo ako sa aking sarili.
I looked at him and there I saw his smile. "Ayos na. Kunting mekaniko nalang sa utak ang kailangan." bigla siyang humagalpak ng tawa.
Salubong ang kilay ko siyang hinampas sa braso. "Kingina mo!"
"Your mouth!" saway na naman niya at nagbelat lang ako sa kanya.
Nang makarating kami sa school ay sumalubong na sa aking mga mata ang magandang decorations ng paligid. Parang party ng mayayaman talaga. And every students looks elegant. Humigpit ang hawak ko sa pouch bag ko hanggang naramdaman ko ang kamay ni Ishi sa bewang ko.
"Let's go?" tanong niya. Tumango nalang ako at hinayaan siyang hilahilahin ako.
Damn. Naramdaman ko ang titig ng ilang kalalakihan. Pati ilang babae ay napataas ang kilay sa akin. Dinala ako ni Ishi sa isang table kung saan naroon ang tatlo na nag-gagwapuhan rin sa kanilang suot.
"Cem, gandaaa." ngisi ni Dairo.
Si Troy ay nakatitig lang sa akin.
"Ang kinis ng balikat oh." sumipol pa si Braille.
Si Ishi naman ay matalim ang titig sa kanila, lalo na kay Braille dahil malamang sa sinabi nito. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paupo sa tabi niya.
Nakita ko agad sa kabilang table sina Aria at Miguel. Mukhang angel si Aria lalo na sa suot na white dress. Bigla itong napasulyap sa gawi namin. Kaya ginalaw na naman ni Ishi ang baso. Ito na naman siya. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa table at dinala iyon papunta sa kanyang labi para halikan. Darn.
"Can I hold this hand forever?" tanong niya pa.
Pilit akong ngumiti sa kanya dahil alam kong may nakatingin.
"Of course," sinakyan ko nalang ulit ang trip niya. Darn. Ilang buwan na ba ang actingan? Matagal na rin. Shit wala man lang nag-aaward sa akin. Best actress sana o pwede na ring most beautiful actress of the year.
Kumuha siya ng pagkain namin at share pa kami. Pinagtinginan tuloy kami ng iba. Shucks, center of attraction pa. Naku, Cemie. Sabi ko nga hindi ko na kailangan ng make-up para mapansin ng iba. Being with hapones is more than enough. Pansin na pansin ako oh.
Ang tatlong tsunggo ay nagsikalat na sa paligid. Si Dairo ay may kasamang magandang babae na mukhang napakainosente, I think she's Zavi that Dairo's talking about. Si Braille ay may kausap na babae na hindi ko kilala. Si Troy naman ay may kausap din na mga lalaki, siguro ay kaibigan din niya.
Lahat ay nagpunta sa gitna nang magsalita na ang emcee sa gitna ng stage.
"Magkakaroon tayo ng games! Bring me! Gusto niyo ba 'yon?" masiglang tanong ng baklang emcee.
Wew parang elementary lang ah. Nagsimula sila ng laro kaya nakapwesto nalang ako sa gilid katabi ni Ishi. Ang isa niyang kamay ay nasa bewang ko! Darn. Parang ayaw na ayaw niyang didikit ang balat ko sa iba at dapat ay sa kanya lang.
Kung ano-ano ang pa-bring me ng emcee na bakla. Ang kaninang nagsi-taray na mga kilay ng mga babae sa akin ay ngayon naman para silang mga batang tuwang-tuwa sa games.
"And for the last, hindi na kasali ang mga single! Bring your girlfriend in front!" sigaw ulit ng emcee.
Natawa ako sa iba na hindi mahila ng boyfriend ang mga girlfriend nila. Naramdaman ko ang pag-alis ni Ishi ng kamay sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Ishi! Gago, ibaba mo 'ko!" bigla niya akong binuhat na parang sako. "Ishi! Naka-dress ako! Ano ba?!" isinampay niya ako sa balikat niya. Tangina niya.
Pinaghahampas ko siya sa likod at narinig ko naman ang bungisngis niya. Ano bang trip nito? Darn. Ang sabi ay bring your girlfriend in front! Bakit pati ako ay dinala niya?
Ibinaba niya ako sa gitna ng stage at deretso yakap sa may likuran ko. Napalunok ako sa naririnig na sigawan sa paligid. Damn. Pati ang emcee na bading ay napatili nang ipatong pa ni Ishi ang baba niya sa balikat ko. Shit, ngayon ko lang naranasan ang pakiramdam na nagyelo sa kinatatayuan.
"Ishi, gago!" singhal ko habang ang emcee ay busy pa sa pakikipag-usap sa ibang nasa stage ngayon.
"Hm?"
"Nye!"
Narinig ko ang pagtawa niya kaya napanguso ako. Damn, ang hirap talagang sumabay sa trip nito. Masyado na siyang abusado. Kailangan na niyang ligpitin.
Napataas ang kilay ko sa emcee nang nakangiti itong lumapit sa amin.
"Totoo bang magjowa kayo?" tanong niya pa.
Humiwalay si Ishi sa yakap at pumunta naman sa harap ko. Then he cupped my face.
"Hindi kami naniniwala. Kailangan namin ng patunay!" walangya ang emcee na 'to. Anong gusto niya? Magjowa certificate?
Ngumisi si Ishi sa akin. "They want proof, baby." he tilted his head and my eyes widened when he kiss me on my lips! Pakiramdam ko ay panandaliang huminto ang aking paghinga dahil sa labi niyang lumapat sa akin. He didn't move.
Ako ang kusang naglayo ng mukha niya sa akin at tila nabingi ako dahil hindi ko agad narinig na nagtitilian na pala ang karamihan. Nangunguna talaga ang tatlong tsunggo.
Hawak niya parin ang mukha ko. Nakuha ng patalikod na si Aria ang atensyon ko. Sinundan agad siya ni Miguel. What's going on now? Nagkakaroon na ba ng epekto ang lahat? But why do feel so bad? Diba dapat ay masaya ako? Malapit ko ng makita si Papa.
"Cemie," he used to called me with his sweet voice.
Pilit akong ngumiti sa kanya. Kung ano-ano pa ang sinabi ng emcee pero hindi ko na pinansin. Bumaba na kami sa stage at dumeretso na ako sa labas. Sumunod naman agad siya sa akin at hinila akong papasok sa kotse niya.
"Baby, let's have a date." biglang sabi niya.
"H-Ha?"
Napalunok ako nang ngumisi siya sa akin at mabilis na pinatakan ng halik ang aking noo.
"Ang ganda mo." aba, si hapones ba talaga 'to? Wew.
"Jusko, maliit na bagay. Mula pagkabata akong maganda, at magiging habang buhay pa. Kaya masanay kana."
"It's a prank." then he laughed. Sinapian na naman ng kaabnuyan. Nagsimula na siyang magmaneho at hindi ko alam kung saan ang pupuntahan namin.
"Fuck you!"
"Your mouth!"
"Damn you! Shit ka! Walangya! Kingina mo! Punyawa! Juicemother! Pakingina! Putsakutsinta!--"
"Stop or else--"
"Potangsampu!--Aray! Walangya!" kinurot niya ang braso ko.
Halos bumakat ang kuko niya. Damn, namula tuloy. Napaka-walangya niya. Tinawanan niya pa ako pakanta-kanta pa habang nagmamaneho.
Nakanguso nalang akong tumingin sa harap. Basta nalang niya akong kinaladkad. Napakagago talaga ng hapones na ito. Matapos niya akong halikan sa harap ng students ng buong campus, ito ang gagawin niya. Ni hindi pa nga nawawala ang lamig ng kamay ko dahil sa hiya kanina e.
Dinala niya ako sa isang restaurant. Mukhang sosyal at japanese rin ang style. Pero ang mga pagkain ay parang pamilyar naman sa akin.
"Kilala mo ang may-ari nito?" tanong ko sa kanya nang nakaupo na kami sa isang table.
"This is a Japanese restaurant, but this is not my family property." naupo siya sa may harap ko. Nakatitig siya sa akin at nagcross arm pa bago sumandal sa likod ng upuan. "Can you put that on your shoulder?" turo niya sa may braso ko. Gusto niyang itaas ko ito?
"Gags, fashion 'to. Kaya nga off-shoulder eh."
"Then make it on-shoulder." ano daw?
"Ayoko nga." nakanguso ko nalang itinaas ng kunti ang nasa aking dibdib para matakpan ang cleavage. Seryoso lang siyang nakamasid sa akin kaya ngumisi ako.
"What?"
"Whatta tops!" ngumiti pa ako ng sobrang ganda sa kanya.
Nang dumating ang order niyang pagkain ay siya ang naghiwa ng steak para sa akin. Oh sweet. Ngingiti na sana ako pero agad naglaho nang maalala ang naramdaman ko kaninang tumalikod sa amin si Aria.
"Ishi, ang usapan natin ha."
He looked at me, confused.
"Gusto ko ng makita si Papa."
Bigla siyang natigilan at nagblangko ang expression ng mukha. Nag-nod lang siya sa akin at nagsimula ng kumain. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. I don't know why, dahil ba sa sinabi kong gusto kong makita si Papa? Ano namang mali do'n? E 'yon naman talaga ang kondisyon na ibinigay niya sa akin para tulungan ko siya.
Tumikhim ako na nakakuha ng atensyon niya. "Ishi," hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pagkain. Bakit mukha siyang nabadtrip?
"Ishigara Ken!" napanguso na ako. He looked too serious. "Takashi,"
"Wala na. Tampo na ang baby ko. Siguro lalabas nalang ako. Ayaw na sakin ni Hapones. Ayaw na niya." madramang sabi ko bago tumayo sa upuan. Syempre tumangay muna ako ng shanghai na nasa plato ko bago lumabas.
Panay pa ang pasimpleng lingon ko sa kanya pero prente parin ng pagkakaupo niya. Parang wala siyang pakialam kahit umalis ako. Lumabas na ako ng restaurant at naglakad-lakad sa mga stall sa labas. Mukhang wala talaga siyang balak sundan ako, dahil nakailang minuto na akong nasa labas. Kung ayaw niya, edi don't.
Nagpunta ako sa may fountain at nakangiting binabasa ang kamay ko doon.
"Cemie,"
Hindi pa ako nakakalingon ay naramdaman ko na ang yakap niya sa likuran ko. Napatitig nalang ako sa bumabagsak na tubig mula sa fountain habang dinadama ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kakaibang dating ng yakap niya ngayon.
Napabuntong hininga siya bago ako iniharap sa kanya. May kinuha siya sa bulsa niya. Kwintas! Not just a necklace, mamahaling necklace! Itinaas niya iyon para ipakita sa akin.
Lumapit siya sa akin para isuot iyon. At nang maisuot niya sakin ay ngumiti siya. Ngiting nakapagpasingkit lalo sa asul niyang mga mata.
"Paano pa akong aayaw sayo?" he said. Hinila niya akong palapit at biglang niyakap ng sobrang higpit. Ang isa niyang kamay ay nasa batok ko at pilit inilapit ang mukha ko pasiksik sa kanyang leeg.
"Ishi..." para akong naubusan ng salita at tanging pangalan lang niya ang kayang banggitin.
I heard his chuckles before kissing my head. "Pwede bang 'wag kang masyadong excited?...H-Hindi na ako handang masaktan ka."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro