CHAPTER 15
Chapter 15
"Ano namang nakakaselos? Bakit naman ako magseselos? Saan naman ako magseselos? Paano ba ang magselos?" dere-deretsong tanong ko sa kanya.
The hell. Napaka-kapal ng pes niya. I rolled my eyes on him.
"My jealous baby is being talkative again." ngumisi na naman siya.
At talagang ipinipilit niya iyon ano?
"Bahala ka nga!" uminom lang ako sa softdrinks niya bago naunang lumabas ng canteen.
Bakit ba palagi niyang ipinipilit na nagseselos ako? May dahilan ba? Wala!
Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Dairo. Hinila ko siya sa braso at napakamot naman siya sa batok dahil mukhang nagmamadali.
"Hingal ah. Ginawa mo?" napangiwi ako nang mapansin na gulo ang kanyang kuwelyo.
Napalunok siya at lalong napakamot sa batok. "Ah, wala. May hinahabol lang. Sige, Cem. Bye!" mabilis niyang inalis ang hawak ko sa kanyang braso at nagsimula na ulit tumakbo.
Sino kayang hinahabol 'non? Ah, baka ang kalahi niyang tsunggo. Ah, oo nga. Bahala nga siya. Pake ko ba naman sa mga kalahi niya.
Tumambay ako saglit sa may gym dahil hindi pa naman time ng klase. Wala parin naman akong gagawin sa room, at mukhang hindi ako nasundan ng hapones ah. Saang lupalop kaya 'yon napunta? Hayst. Pasalamat ka nga Cemie at hindi ka nasundan. Dahil naku, ang sarap niyang hampasin kapag nakangisi.
"Nagseselos daw ba naman ako, eh wala namang dahilan. HAHAHAHA funny." napairap ako.
Naglakad na ulit ako pabalik sa room dahil time na ng klase. Halos kasabay ko pang pumasok sa pintuan si Dairo. Mukha siyang inagawan ng lollipop. Busangot na busangot at may itinatalak na hindi ko naman maintindihan.
"Nyare dyan?" tanong ko sa tatlo nang maupo si Dairo sa tabi ni Troy.
"Nabawasan ng sperm."
"What?" hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa sinabi ni Troy. Seryoso niyang sagot iyon. At tinignan ko ang dalawa sa gilid ko at seryoso din. "Seryoso Troy?"
"Do this handsome face looks kidding?" maarteng tanong niya pa. Taray naman ng lahi ng mga ito.
"Ibang bataan ang sinugod." dismayadong sabi pa ni Braille habang iiling-iling.
Napakunot ang noo ko sa sinasabi nila. Ano ba 'yan. Kulang naman ang ibinibigay nilang info eh.
Humarap ako kay Ishi na naka-poker face. "Ano bang sinasabi ng mga kalahi mong 'yan?"
He did not answer.
"Ishi?"
Tinignan niya ako na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Who's Ishi?"
Aba't natanga. Sino daw si Ishi? Ah, siya lang naman ang pinakamagaling sa larangan ng actingan. At tinaguriang mahangin actor of the year.
"Hapones tigilan mo ako sa kalokohan mo. I'm serious here."
"Hapones? Who's that Hapones?"
Damn. Talagang sinusubukan ako oh.
"Baby.." malambing na tawag ko sa kanya at hinawakan siya sa pisngi.
"Yes, baby." ngisi na naman niya. Napaismid si Braille at Troy dahil sa amin. Hmp, ito kaseng hapones na ito e, pa-center of attraction ang peg.
"Anong meron sa kaibigan mo? Naka-drugs ba 'yan? Mukhang adik oh." nang-aasar kong nilingon si Dairo. Nakabusangot siya sa akin. "Nilapa ba 'yan ng langgam?"
"Siya ang lumapa sa langgam." sagot naman ni Troy na agad binatukan ni Dairo.
"Change the topic, Cem. I damn want peace." bored na sabi niya.
"Tsk, ayoko nga. Mukhang interesting eh." ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.
"Bwisit ka."
Ngayon ko lang yata siya naasar ah.
Ipinilig na niya ang ulo sa arm rest. Napangisi akong humarap ulit kay Ishi.
He shrugged his shoulders before looking at me. "Nahuli siya ng babaeng nililigawan niya, sa washroom. Making-" bitin niya sa sinasabi.
"out-" dugtong ni Braille.
"with someone." si Troy. Ano ba 'yan. Dugtungan pa ang gusto. Hindi pa deretso, jusko.
Teka nga. Nahuli daw ng babaeng niligawan niya, sa washroom, making out with someone?
"So, nambabae si Dairo? Ang kapal ng mukha ah. Saan ka kumuha ng lakas ng loob?" natawa ako nang magsalpak ng headphone sa tenga si Dairo. Wow, ayaw pakinggan ang kalokohan niya.
"Todo tanggi pa 'yan. It was just accident daw kahit ebidensya na ang gulong uniform. Tss, ang kalat gumawa ng kababalaghan. Kadiri!" maarteng sabi ni Braille. Akala mo naman napakatino.
"Stupid jerk. Sayang naman si Zavi, ang tinong babae pa naman 'non para masaktan lang sa napaka-" inalis ni Troy ang headphone sa tenga ni Dairo bago nagsalita. "..gagong katulad mo!"
"Shut up!" sinamaan niya ng tingin si Troy kaya nanahimik nalang ang loko.
Pero si Braille naman ang bumanat. "Ilang beses mo pa bang balak gaguhin si Zavi?"
Bigla ay kinuwelyuhan siya ni Dairo. Nagulat nalang kami sa biglaang nangyari.
"I said shut up!!"
"Pre, tama na 'yan!" tumayo si Ishi at Troy para awatin si Dairo. Habang tulala si Braille na hindi inaasahan ang ginawa ni Dairo.
Mukhang badtrip talaga si Dairo kaya pati ako ay nanahimik nalang.
Sino ba iyong Zavi na 'yon? Hindi nila nababanggit sa akin ang pangalan ng babae, ngayon ko lang yata iyon narinig. At kung totoo man ang paratang nila kay kumpadre Hermosa, mas bwisit pala siya. Psh.
Nang matapos ang klase ay umuwi na agad ako sa bahay. At syempre dahil sabado bukas ay tambay sa gawaing bahay muna ako. Naglaba na rin ako dahil naalala ko ang usapan namin ni Braille bukas. Hindi ko alam kung kasama ba ang tatlo pero hindi naman siguro magpapaiwan ang mga kalahi niya diba? Kukulangin ang habagat kapag kulang sila.
Pagkatapos sa ginagawa ay pumasok na ako sa kwarto. Hawak ko ang cellphone ko at nakahanda na sa panonood ng movie ng maalala na naman ang nakita ko noong isang araw. Darn, bakit ba kailangan pang sumagi sa isip ko iyon?
Bakit ba kung ano pa ang gusto mong kalimutan, 'yon pa ang mahirap kalimutan. Hayst.
Sa halip na manood ng movie na nakakaiyak ay mga comedy nalang ang pinanood ko.
Darn. Inabot ako ng umaga kaya ito ako at mukhang dyosang halimaw sa salamin.
"Okay lang, Cemie. Maganda ka pa rin."
Pagkabihis ko ay lumabas na ako ng bahay. Maagang umalis si lolo kanina at nakapagpaalam naman ako kahapon kaya no probs na.
Ilang minuto lang ay may dumating ng kotse sa tapat ng bahay namin. I was expecting that it's Braille, pero ang bumaba sa driver seat ay si Ishi. At sa likod naman bumaba ang tatlo na kagulo pa.
"Sabi ko naman sa inyo na hindi na ako sasama e!" angal ni Dairo na kunot ang noo. Hanggang ngayon ba naman problemado siya dahil sa pambababae niya? Hayst.
"Uubusin mo lang ang alak sa bar mo." natatawang sagot ni Braille. "You're being bading again."
Na-pektus tuloy siya ni Dairo. "Kahapon ka pa ah!"
Mukhang badtrip parin ang tsunggo pero nung napatingin naman siya sa akin ay agad siyang ngumiti.
"Hi, Cem."
Ngumiti din ako ng nakakaasar. "Hi din babaero na nagmake out sa washroom kasama ang ibang babae na nahuli ng nililigawan."
"Double kill." natatawang sabi ni Braille.
"That's depeat." walang ganang sabi ni Troy.
Ngumisi naman si Ishi sa akin bago ipinatong ang malapad na palad sa aking ulo.
"Savage, baby." then he ruined my hair.
Mukhang asar na naman ang mukha ni Dairo. Damn, ang sarap niya palang asarin. Namumula ang mukha.
"Good morning, Kumpadre Hermosa. I hope this day ends better for you." sabi ko pa nang makasakay na kami sa kotse ni Ishi.
"I hope so."
Nasa likod ang tatlo at nasa una naman kami. Si Ishi ang driver dahil kanya atang kotse 'to. Yaman ah, paiba-iba ng kotse at mamahalin pa. Edi nawa'y lahat.
Panay parin ang pang-aasar ni Troy at Braille kay Dairo. Kawawa naman si Kumpadre. Masyado ng sira ang araw, kasalanan kase ni Braille 'yon e. Ang ingay niya, dinaig pa ang sirena ng ambulansya.
Wala akong ideya sa pupuntahan namin. I looked at Ishi, pero busy siya sa pagmamaneho. At ang tatlong nasa likod, mukhang hindi naman ang mga 'yan sasagot ng tino e. Hayst. Bakit ba napasama sa mga tsunggo ang dyosang gaya ko?
Alam mo Cemie, ogags ka rin e. Sumama ka tapos magtatanong ka kung bakit napasama ka sa kanila.
Hayst. Buhay nga naman. Minsan kailangan mong huminga para mabuhay, minsan naman kailangan mong mabuhay para huminga.
Oh diba, sabi ko sa inyo nabobored ako sa apat na tsunggo na 'to.
"Cemie, let's go." si Ishi.
Nasa labas na sila ng kotse at ako ay hindi pa man lang bumababa. Wala naman akong nakikita sa labas kundi gubat at kalsada. Ano bang trip ng mga ito? Mag-ala Tarzan sa kagubatan? Sabagay mga tsunggo naman sila. Lahi sila ng unggoy na kayang magpatalon-talon sa malawak na paligid ng kagubatan.
Bumaba na rin ako ng kotse at napangiwi kay Ishi. "Ano namang gagawin natin dito?" alalahanin mo Cessiana. Babae ka pa rin. At mga lalaki pa ang kasama mo. Huwag mong hahayaan na makuha ng isa sa kanila ang ginto mong pinakamamahal.
"Depende sa nasa isip mo, cutie pie." talandi naman nitong si Braille.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi pa dito ang paggagawan natin." biglang sabi ni Ishi.
Medyo naramdaman ko na nag-init ang pisngi ko. Darn. Ako lang ba? O iba ang pagkaintindi ko sa sinabi niya? Napatingin ako sa tatlo at nakaawang ang labi nila kay Ishi. Habang ito namang lalaking nasa harap ko ay kukurap-kurap na.
"Ah, I-I mean...Not here. Wala tayong gagawin dito dahil doon pa ang pupuntahan natin." turo niyo doon sa natanaw kong castle? Owemji! It's a castle!
Ngayon ko lang iyon napansin. Medyo tuktok lang ang tanaw ko dahil siguro malalim ang tayo 'non, nasa taas pa kase kami. Agad akong napayakap sa braso ni Ishi dahil sa excitement.
"Tara na!"
"Baby, we need to walk to get there."
Ay, kailangan maglakad? Anong silbi ng kotse kung hindi sasakyan? Pero mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Cars are not allow there. We can't use this car. Maglalakad tayo sa ayaw at sa gusto mo." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin.
Palagi nalang manghila ito. Hilahin ko 'yung ano niya e. Tigil 'to. Pero chos, anong ano? Inosente ako, diko alam pinagsasasabi ko. Jusme, maniwala kayo.
Hindi na ako pumalag sa paghila niya. Sobrang ganda ng paligid nang marating na namin ang lugar na tinatawag na Fantasy Sky. Merong malaking castle, feeling ko tuloy isa na akong princess with four shark. Darn, at ang daming rides, pati mga tinda sa paligid. I can't help but to smile with this beautiful place. Akala ko gubat lang pero ito pala ang nilalaman!
"Gusto kong pumasok sa loob ng castle!" pinagtatapik ko ang braso ni Ishi na parang batang naeexcite. At siya naman si Papa ko.
He tsked. "Bawal daw ang monster 'don."
Napairap ako sa kanya. Walang hiya talaga ng isang ito. Tumingin ako sa tatlong ogags at kanya-kaniya silang pa-cute sa mga dumadaang babae. Mga haliparot naman ng kasama kong ito. Ako lang ata ang pinakatino.
"Kung ayaw niyo. Edi don't! Bahala kayo dyan!"
Nakanguso na sana akong maglalakad pero agad akong hinila pabalik ni hapones. Pagharap ko sa kanila ay sabay-sabay nagsuot ng black shades ang apat. Shucks, ito na naman ang body guard looks nila. Napatawa ako dahil sabay-sabay rin nilang binuksan ang tatlong butones ng kanilang polo.
"Ayan. Mukha na kayong model...Model na bodyguards." nagawa ko pang pumalakpak na nakapagpaasar sa kanila.
"Kung ganitong kagwapo ba ang bodyguard, lalabas ka pa ng gate?" walang kwentang tanong ni Troy.
"Bakit naman hindi? Hindi naman siguro ilolock ng fake news mong kagwapuhan ang gate para hindi ako makalabas ano?"
"Yeah." napangiwi nalang siya.
Pansin ko ang tilian ng babae sa paligid at pagtingin ng karamihan sa apat na ito. Damn. Pa-center of attraction ang mga haneps na papables.
Pero ang cute nilang tignan ah. Walang bahid na kasinungalingan. May pasuklay pa sila ng buhok gamit ang daliri. Ngumisi sa akin si Ishi bago may kinuha sa likod na bulsa ng kaniyang black pants. Lumapit siya sa harap ko at ipinakita sa akin ang black shade na kagaya ng kanila.
"Aanhin ko 'yan? The hell. Magmumukha lang akong kalahi niyo."
"Kalahi ko lang, baby." napairap nalang ako sa kalandian ng hapones na ito. Hinawi niya ang hibla ng buhok kong nakaharang sa may mukha papunta sa likod ng aking tenga. Isa ata ito sa hilig niyang gawin sa akin.
He cupped my face. I gulped, akala ko ay hahalikan niya ako sa harap ng mga kaibigan niya at sa dami ng tao. But he just played his nose with mine. Like a kid. I did not close my eyes to see his smile. Damn that smile. Para akong nakatitig sa napakagandang paraiso.
Shit! Ano bang naiisip mo na 'yan, Cemie. That's bad. Alalahanin mo ang dahilan kung bakit nakikisama ka sa hapones na 'yan.
Never allow your heart to fall in love with him.
Lumayo na ang mukha niya sa akin. Isinuot niya sakin ang shades. Ngumiti ulit siya ng sobrang ganda. Hanep ka hapones. Isa ka talagang hangal. May pangiti-ngiti pang nalalaman. Shucks.
"Bagay." he said.
"Bagay tayo." biglang dugtong niya sabay ngisi.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro