Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 08

"Alright, good morning, class!" bati sa amin ni Ma'am Klarisse, ang teacher namin sa Science.

"Good morning, Ma'am!" sagot naman namin sa kanya.

"Everybody stand up and let's have a prayer," wika niya.

"Copy, Ma'am!" Malakas na sigaw bigla ni Leon.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Ang mga tropa niyang feeling varsity ay natatawa at panay ngisi. Napailing na lang ako habang pinapanood silang tumatawa.

Tumaas ang kilay ni Ma'am. Agad siyang tumingin kay Leon na nagpipigil ng tawa.

"Alright, Go. Since you are very active this morning, then you will lead the prayer," wika ni Ma'am.

"Hala, patay---ay joke! Okay po, Ma'am!" sagot niya.

Mas lalo naman na nagtawanan ang mga tropa niya. Si Castro ay halos tanggalin na ang ulo ni Leon sa malakas niyang pagbatok rito.

"Ayusin mo mag-pray, gago. Baka Hindi tayo e-bless ni lord dahil demonyo ka! Magpa-quiz pa bigla si Ma'am!" saad nito kay Leon.

Napakamot lang ng ulo si Leon. "Are you ready to pray, classmates?" aniya.

"Yes, we are!" sagot naman namin sa kanya.

Agad naming sinimulan ang prayer namin. Nang matapos ay agad na kaming pinaupo ni Ma'am.

Sinimulan ni Ma'am agad ang discussion. Ako naman ay panay pabalik-balik ang tingin kay Ma'am, sa board, at sa notebook ko.

Kapag kasi nag-d-discuss si Ma'am, talagang nag-t-take notes ako para hindi ko makaligtaan ang iba. Aside from that, it is easier for me to familiarize the content. Kapag naisulat ko na kasi, pumapasok na siya sa utak ko.

"Alright, any questions about the tectonic plate?" tanong ni Ma'am sa amin.

"None, so far!" sagot naman namin sa kanya.

"Very well. Let's proceed to—"

"Good morning, Ma'am!"

Sabay-sabay kaming napalingon lahat sa pinto. Napataas ang kilay ko nang makilala kung sino ang nakangising nakatayo doon.

Lorcan.

Basa pa ang buhok niya. Nakabukas na naman as usual ang polo niya at kita ang v-neck t-shirt niya sa ilalim. Nakasabit sa isang balikat niya ang backpack niya. At ang kaliwa niyang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon niya.

Humalukipkip si Ma'am saka tinaasan ng kilay ang kakarating lang.

"Good morning, Lorcan. Anong oras na?" tanong ni Ma'am sa kanya sa mahinahon pero mapanuring boses.

Matunog siyang ngumisi at kinamot ang ulo niya. "Sorry, Ma'am. Napahaba ang tulog ko. Ang mahalaga nandito na ako, Ma'am. Ang mahalaga hindi ako absent. Better late than never."

Mahina akong napailing sa mga pinagsasabi niya.

Akala niya siguro cool iyon.

Bumuntong-hininga si Ma'am saka napailing na lang. "You may take your seat, Lorcan."

Matunog siyang ngumisi saka mabilis na pumasok ng classroom. "Salamat, Ma'am!"

Habang naglalakad siya para maupo, biglang nagtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin na para bang walang nangyari.

Kung bakit ba naman kasi siya nakatingin sa gawi ko?

"Alright, let's continue our discussion. Where were we?" ani Ma'am.

"Plate boundaries, Ma'am!" sagot naman ng mga kaklase ko.

"Alright. Now, let's discuss and understand what a plate boundary is..."

Bigla kong narinig na may umupo sa likod ko. Sa pagkakaalam ko, absent si Myra ngayon kaya walang nakaupo diyan.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang at hindi na iyon pinansin. May hint naman na ako kung sinong nakaupo sa empty desk na nasa likod ko.

Habang nakikinig sa discussion ni Ma'am, bigla kong naramdamang may naglalaro sa maiksi kong buhok na nakalugay.

Hindi ko na muna ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagsusulat ng notes.

Pero marahas akong napabuntong-hininga nang hindi talaga ito tumigil sa paglalaro sa buhok ko.

Marahas akong lumingon sa likod ko. Magkasalubong na ang mga kilay ko sa inis.

Ang naabutan ng mga mata ko ay ang walang-hiyang si Lorcan. Nakapatong ang baba niya sa braso niya habang nakatingin sa akin. May munting ngiti sa labi. At ang isa niyang kamay ay nasa ere, at akmang lalaruin na naman ang buhok ko.

"Tumigil ka," mariin kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin saka tumango.

Masama ko siyang tiningnan saka muling tumalikod. Muli kong pinulot ang ballpen ko saka muling nagsimulang magsulat.

Muli kong naramdamang nilalaro na naman ni Lorcan ang buhok ko. Pinapaikot niya sa daliri niya ang buhok ko tapos ay minsang hinahaplos.

Nilingon ko siya saka masamang tiningnan. "Sabing tumigil ka, eh!" Pabulong kong asik sa kanya.

Painosente siyang nagtaas ng kilay ko. Ngumuso pa.

"Bakit? Ano bang ginawa ko sayo?" aniya na may ngisi sa labi.

"Isusumbong kita kay Ma'am kapag hindi ka tumigil, Lorcan, sinasabi ko sayo," banta ko sa kanya.

Mahina siyang tumawa. "Ano namang isusumbong mo kay Ma'am? Na hinahaplos ko ang buhok mo?"

Masama ko siyang tiningnan. Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka nakahandusay na siya ngayon.

Mahina siyang tumawa saka tumango. "Fine, fine. Ito na, titigil na po."

Inirapan ko siya saka walang salitang tumalikod muli.

Bakit ba kasi diyan siya naupo? Hindi naman diyan ang upuan niya. Bwesit na Lorcan!

Akala ko ay tuluyan na siyang tumigil sa pang-iinis sa akin. Pero nasa kalagitnaan na ako sa pakikinig kay Ma'am nang muli kong maramdaman ang kamay niya sa buhok ko.

Sa sobrang inis ko ay mabilis kong hinampas ang kamay niya saka masama siyang tiningnan.

Pero kahit pa sobrang sama na ng tingin ko sa kanya ay nagawa niya pa rin na ngumisi sa akin. May pagkamangha pa na nakaguhit sa mukha niya.

"Galit ka?" tanong niya sabay ngisi.

"Eh kung tusukin kita ng ballpen?" Pabulong kong asik sa kanya.

Mahina siyang tumawa. Para bang tuwang-tuwa siyang nakikita akong nagngangalit rito.

"Sige nga. Patingin nga," hamon niya pa sa akin.

Marahas akong napabuntong-hininga saka hindi makapaniwalang tinitigan siya.

Lord, nakikita mo ba itong taong nasa harap ko? Pwede mo nang kunin ulit.

"Last na ito, Lorcan, ah? Kapag ikaw hindi tumigil, makikita mo," banta ko sa kanya.

Malawak siyang ngumiti sa akin. "Nakakatakot naman po."

Wala sa sariling inambahan ko siya ng hampas. Pero bago pa dumapo ang palad ko sa mukha niya ay napatigil ako nang marinig ang boses ni Ma'am.

"Ortiz! Lorcan! Stand up!" sigaw ni Ma'am.

Napatigil ako at bahagyang nanlalaki ang mga mata. Dahan-dahan kong nilingon si Ma'am. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko sa hiya.

"Sorry po, Ma'am!" si Lorcan ang unang nagsalita.

Samantalang ako ay hindi mahanap ang boses. Hindi rin ako makatingin kay Ma'am o sa mga kaklase kong sa akin ang tingin.

Shit! Nakakahiya! First time kong ma-call-out sa klase!

"Akala niyo ba hindi ko napapansin ang harutan niyong dalawa diyan, ha?! Kanina pa kayo! Tayo! Tumayo kayong dalawa! Pumunta kayo doon sa likod!" asik ni Ma'am.

Halos manginig ang buong katawan ko. Parang ayokong tumayo.

"Ma'am, ako na lang po ang tatayo. Wala pong kasalanan si Traeh," wika ni Lorcan.

Which is true! Kasalanan mo naman talaga lahat! Letse ka!

"Wala akong pakialam! Nakikita ko kayong dalawa! Kanina pa kayo! Tumayo kayong dalawa! Pumunta kayo doon sa likod! In the count of three! One! Two!"

Mabilis akong tumayo nang magsimula nang magbilang si Ma'am. Nakayukong naglakad ako patungo sa likod.

Napakagat-labi ako sa hiya. Hindi ako makatingin kahit kanino.

Tapos ay napansin ko ang salarin na nakapamulsang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.

Palibhasa kasi sanay siyang pinapatayo rito sa likod!

Tumayo siya sa tabi ko.

"Put your arms sideward!" saad ni Ma'am.

Dahan-dahan pero agad naman akong sumunod kay Ma'am. Dinipa ko ang mga braso ko.

Naglakad palapit si Ma'am sa amin nang may bitbit na aklat. Nilagyan niya ng dalawang makakapal na aklat ang magkabilang kamay kong nakadipa.

"Kanina pa kayong dalawa. Kung hindi kayo e-m-mention hindi rin kayo titigil!" asik ni Ma'am.

Tumingin siya kay Lorcan. "Bakit hindi pa nakadipa iyang mga braso mo?"

Ngumuso si Lorcan saka agad na dinipa ang mga braso niya. Nilagyan rin ni Ma'am ng makakapal na aklat ang mga kamay niya.

"Diyan lang kayong dalawa hanggang sa matapos ang klase!" saad niya saka muling naglakad patungo sa harap. Rinig na rinig sa buong classroom ang tunog ng stilettos niya, lalo pa at sobrang tahimik ng mga kaklase namin.

Sumulyap ako sa mga classmates ko. Tahimik silang nakatingin sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin sa hiya.

Sumulyap ako sa wall clock. Napasagap ako ng hangin nang makitang 40 minutes pa kaming tatayo rito.

Shit!

"Kung ayaw niyong sumama at makitayo sa kanila, makinig kayo ng maayos," wika ni Ma'am sa mga kaklase namin. "Alright, let's continue our discussion."

Muling nagsimulang mag-discuss si Ma'am. Ako naman ay nakikinig pa rin kahit pa nakatayo at sobrang bigat ng mga aklat na nasa kamay ko.

Pero nasa kalagitnaan pa lang kami ng pagtayo nang maramdaman ko ang bahagyang pagtulak ni Lorcan sa kanang kamay kong may bitbit na aklat. Agad akong napalingon sa kanya habang masama ang tingin.

Painosente siyang nakanguso at hindi nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay nasa kay Ma'am na para bang nakikinig siya.

Sinong niloloko niya?

Masama ko siyang tiningnan at hindi kinausap. Muli akong tumingin sa harap.

Pero muli ko na naman na naramdaman ang maliit niyang pagtulak sa kamay kong hawak ang mga nagkakapalang mga aklat.

Masama ko siyang tiningnan. Nakatingin pa rin siya sa harap na para bang hindi niya ako inasar.

Marahas akong bumuntong-hininga. "Lorcan, sinasabi ko sayo kapag ako napagalitan ulit ni Ma'am, papatayin kita."

Painosente siyang lumingon sa akin. "Bakit? Ano na namang ginawa ko?"

Inirapan ko siya. "Tsk."

Tumingin na lang ulit ako sa harap. Pilit ina-absorb ang mga sinasabi ni Ma'am. Ayoko sana magpaapekto sa kalokohan nitong si Lorcan pero talagang magaling siyang manira ng peace of mind.

"Pero isipin mo iyon, sa wakas kasama kitang nakatayo rito sa likod," bulong niya.

Hindi makapaniwalang nilingon ko siya.

Malawak ang ngisi sa mukha niya. Tapos ay tumingin siya sa akin.

"Bakit?" tanong niya. "Iyong iba nating mga kaklase nagawa rin nilang tumayo rito sa likod pero hindi ka naman nila kasama. Ang swerte ko kasi kasama kita. Isipin mo iyon, ang top 1 kasama kong naparusahan?" Sabay tawa.

Marahan akong napailing sa pinagsasabi niya. "Anong nakakatuwa sa sitwasyong ito, Lorcan?"

"Hussef," aniya.

Inis akong umirap. "Hussef, Lorcan, or whatever."

Bigla niyang binangga ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko saka napasinghap.

"Tarantado ka ba?!" Asik ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Oo." Sabay tulak ulit ng braso ko.

Napasinghap akong muli. Sinalo ko ang muntik nang mahulog na aklat sa kamay ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nanghahamon ka ba, ha, Hussef?"

Ngumisi siya. Muling tinulak ang braso ko. This time, mas malakas.

"Oo. Natatakot ka na ba, Ortiz?"sagot niya sabay ngisi.

Sanglit ko siyang tinitigan. Tapos nang matanto na puros kalokohan talaga ang nasa isip niya, agad akong naghigante.

Tinulak ko rin ang braso niya nang malakas pero agad siyang nakaiwas.

Napasinghap ako saka nanlaki ang mga mata nang mawalan ako ng balance at nahulog ang aklat sa kamay ko. Kumalabog ang mga ito sa sahig.

Nagkatinginan ang mga classmates ko sa gawi ko. Pati na si Ma'am.

Shit! Muntik ko nang makalimutang athlete nga pala si Lorcan. Mabilis ang reflexes niya.

"Hala! Ayos ka lang, Traeh?" Painosenteng tanong ng letseng si Lorcan sa akin.

Napakurap ako nang ilang beses.

"Sorry po, Ma'am," wika ko saka pinagpupulot ang mga aklat na nahulog.

"Perez, ayusin mo ang mga aklat sa braso ng kaibigan mo," utos ni Ma'am kay Amaya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Amaya saka tinuro pa ang sarili. Pero wala rin naman siyang nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa sinabi ni Ma'am.

Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang mga aklat. Agad naman akong dumipa.

"Ayos ka lang, 'te?" tanong niya sa akin.

Bumuntong-hininga ako saka umiling. "Hindi."

Inis siyang tumingin kay Lorcan na may ngising pinapanood kami. Para bang tuwang-tuwa siya.

"Bwesit ka talaga, Lorcan," bulong niya rito.

"Anong ginawa ko?" tanong pa ng tarantadong si Lorcan.

Hindi siya sinagot ni Amaya. "Masakit ba ang mga braso mo, "te?"

Marahan akong tumango. "Oo, 'te."

Umiling-iling siya. "Kawawa ka naman. Sige, pag-igihan mo ang pagbuhat sa mga aklat diyan. Para sa future mo iyan."

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

Ang bait naman ng kaibigan kong ito.

"Perez, pwede ka nang umupo," wika ni Ma'am.

"Yes, Ma'am!" Sagot naman ni Maya.

Napailing na lang ako.

Muling nagsimula sa discussion si Ma'am. At muli na rin na nagsimula ang pagdurusa ko.

"Mag-ingat ka kasi, Traeh. Mabigat pa naman iyang mga aklat," wika ni Lorcan sa akin.

Umirap na lang ako. "Shut up."

Mahina siyang tumawa. Tapos ay umusog siya palapit sa akin. Bahagya akong naalarma.

Nang makalapit siya ay nilagay niya sa ilalim ng braso ko ang braso niya. Kaya bahagyang gumaan ang pakiramdam sa kanang kamay ko.

Hindi ko siya kinausap at hinayaan lang siya. Total kasalanan naman niya kaya nakatayo ako rito.

Natahimik na rin naman siya. Hindi na rin niya ako iniinis na kinataka ko.

Tapos ilang minuto ay bigla siyang nagsalita. "Ma'am, pwede ko po bang kunin ang mga aklat na buhat ni Ortiz?"

Gulat na nilingon ko siya.

Pinagsasabi ng gagong ito?

Tumingin si Ma'am sa amin.

"At bakit?" tanong ni Ma'am.

"Wala lang po. Mukhang mabigat po kasi," sagot niya.

Saglit na tumingin si Ma'am sa akin. Tapos pagtapos ng ilang segundo ay tumango siya.

"Sige," aniya.

Agad na binaba ni Lorcan ang mga aklat na buhat niya. Tapos ay kinuha niya ang mga aklat sa kaliwa kong braso.

Sa sobrang lapit niya ay naamoy ko na ang pabango niya. Hindi masakit sa ilong.

Ngumiti siya ng matamis sa akin. Iyong tipo ng ngiti na walang halong pilyo.

Napakurap ako. "Anong ginagawa mo?" bulong ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Wala."

Pinatong niya ang mga aklat sa mga aklat niya. Tapos ay tumingin siya sa akin.

"Tulungan mo ako," aniya.

Napakurap akong muli. Pero wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang din. Hindi naman na ako nahihirapan dahil isang braso ko na lang ang may aklat.

Pinulot ko ang mga aklat tapos ay tumingin sa kanya.

Nakadipa na ang mga braso niya. May munting ngiti sa labi niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Agad kong nilagay sa braso niya ang mga aklat. Nang matapos ay nakatingin ako doon.

Mukhang mabigat iyon. Naglalabasan na ang mga ugat niya sa braso.

Muli na lang din akong tumayo sa tabi niya saka nilagay sa kanang kong kamay ang mga natitirang aklat. Kaya isang braso ko lang ang nakadipa.

Napasulyap ako kay Amaya. Naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Lorcan. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Alam ko na ang tingin na iyan.

Marahas akong bumuntong-hininga saka pagod na naupo sa canteen. Sa harap ko ay si Amaya at Leon na nagbabangayan na naman.

"Kasalanan kasi ng kaibigan mo kaya naparusahan si Traeh," wika niya  kay Leon.

"Inako na nga ni Hussef lahat. Ano pa bang pinagpuputok ng butsi mo? Si Traeh nga hindi naman galit, eh," sagot naman ni Leon sa kanya.

Kasama rin namin si Lorcan pero ewan ko kung nasaan iyon, biglang naglaho. Kaya naiwan kaming tatlo.

"Anong hindi galit?" asik ni Maya. "Traeh, ipakita mo sa kanya na galit ka! Ipakita mo, 'te!"

Mahina akong bumuntong-hininga. "Bumili na lang kaya kayo ng pagkain doon?"

"Iyan! Sabi ko sayo, eh! Tara na, bumili na lang tayo ng pagkain! Ang dami mo kasing sinasabi!" saad ni Leon sabay hawak sa braso ni Maya.

Inis naman na winaksi ni Maya ang kamay ni Leon. "Huwag mo akong hawakan! Ang dumi ng kamay mo!"

"Wow! Nagsalita! Ang linis mo naman!" sagot naman ni Leon.

"Mas madumi ka!" asik pa ni Maya.

Tapos ay naiiling na pinanood ko na lang sila na lumapit sa counter para bumili ng pagkain.

Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa braso kong sobrang nanghihina. Hinaplos ko ito saglit.

Akmang tatayo na ako para bumili na rin ng pagkain ko nang may big lang naglapag ng pagkain sa harap ko.

Isang egg burger, isang yakult, at isang chuckie.

Nag-angat ako ng tingin sa naglapag ng mga ito sa mesa.

"Ano na namang ginagawa mo,  Lorcan?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng matamis. Sumisipsip siya ng chuckie. Tapos ay naupo siya sa harap an ko.

"Kumain ka na. Ang bigat pa naman ng mga aklat na buhat mo kanina. Baka bumaba ang timbang mo," aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto mo bang ipaalala ko sayo kung kaninong kasalanan ang mga nangyari kanina?"

Matunog siyang ngumisi. "Alam ko. Sorry na. Sige na, kumain ka na." Sabay tulak bahagya ng burger sa akin.

Inirapan ko siya pero pinulot ko naman ang pagkain. Libre na ito, eh. Hindi na ako mag-iinarte.

Tsaka bakit ang lambot ng boses niya ngayon? Baliw ba siya?

"Libre ito?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi. Babayaran mo iyan."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, ang sama talaga ng ugali mo, 'no?"

Mahina siyang tumawa habang nakatingin sa akin. Iyong tipo ng ngiti na walang halong kalokohan. Iyong tipo ng ngiti na nakakapanghina.

Kumurap ako ng ilang beses saka nag-iwas ng tingin at kumain na lang.

"Aba! Sino itong makapal ang mukha na nakikiupo kasama ang kaibigan ko?" Dumating si Maya.

Agad na natatawang lumingon si Lorcan kay Maya.

"Bakit ba galit na galit ka? Hindi nga galit si Traeh, oh," sabi naman ni Leon.

Tumingin sa akin si Maya. Tapos ay naupo siya sa tabi ko na para bang nagdadabog.

"Bakit hindi ka galit, Traeh? Dapat magalit ka!" aniya.

"Shh. Kumain na muna tayo. Pagod ako tsaka gutom na gutom. Kumain muna tayo. Okay?" wika ko.

Tumingin siya sa burger na hawak ko. "Sinong bumili niyan? Parang hindi naman kita nakitang tumayo simula kanina, ah."

Tapos ay tumingin siya kay Lorcan. Sabay pa silang tumingin na dalawa ni Leon rito.

Tapos ay muli silang tumingin sa akin na nginunguya ang pagkain.

Marahas na bumuntong-hininga si Amaya. Samantalang matunog na ngumisi si Leon.

"Wow wow wow! May nag-iibigan!" sabi ni Leon sabay hampas sa kay Lorcan.

Tumatawang hinampas pabalik ni Lorcan si Leon. "Tarantado. Kumain ka na nga lang diyan."

"Hindi, bro. Ano itong nakikita ko sa mga mata mo?" Sabay hawak sa mukha n Lorcan. "Wow! Pag-ibig talaga, eh!"

Tumingin si Maya sa akin. Tapos ay naniningkit ang mga matang tumitig sa mga mata ko.

"Kay Traeh? May nakikita ka bang pag-ibig?" Tanong niya kay Leon.

Bumaling sa akin si Leon. Naniningkit ang mga matang tumingin siya sa ain. Gayundin si Lorcan.

Tumingin ako sa pagnguya saka kumurap-kurap. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hindi dahil nakatingin silang tatlo sa akin kundi dahil nakatingin si Lorcan sa akin.

Naiilang ako.

"Hindi. Huwag kang kumurap. Hindi ko makita ang pag-ibig," wika ni Leon.

Kahit namumula ay nagawa ko pa rin silang irapan. "Tantanan niyo ako."

Sabay na tumawa si Leon at Lorcan. Samantalang si Amaya ay marahang tumango-tango.

"Sabagay. Mukhang hindi naman type ni Traeh si Hussef," aniya.

"Anong hindi? Paano mo nasabi?" tanong naman ni  Leon.

"Kasi hindi naman kagusto-gusto iyang kaibigan mo!"  sabi ni Amaya.

"Hoy, Perez! Nakaka-offend ka, ah!" sabad ni Lorcan.

Humagalpak ng tawa si Leon. "Huwag kang ma-offend, bro. Wala kang karapatang ma-offend."

Sinamaan ng tingin ni Lorcan si Leon. "Sinasabi mo bang pangit ako, 'tol?"

Marahas na umiling si Leon. "Ah, hindi naman. Wala akong sinabing ganoon."

"Nagsalita rin itong si
Leonardino. Akala mo naman may itsura siya," wika ni Amaya.

Marahas na tumingin si Leon kay Amaya. "Aba't sumusobra ka nang bruha ka, ah!"

"Oh, huwag kang ma-offend, 'tol. Wala kang karapatan." Tumatawang sabi ni Lorcan.

"Gago!"

Naiiling na lang ako habang pinapanood at pinakikinggan sila. I prefer silence but hearing them bicker isn't so bad.

"Shit!" Singhap ni Leon.

"Bakit? Natatae ka?" asik ni Maya sa kanya.

Sinamaan niya ng tingin si Maya. "Manahimik ka ngang bruha ka." Nilingon niya si Lorcan. "'Tol, may training tayo ngayon. Lagot tayo kay coach! Late na naman tayo!"

Mabilis na napatayo si Lorcan. "Oo nga! Bakit hindi mo sinabi?"

"Ngayon ko lang naalala! Halika na!" saad ni Leon.

Agad silang nagtatakbo patungo sa  labas ng canteen. Pero nagtaka ako nang makitang tumatakbo pabalik sa gawi namin si Lorcan.

"Ano kayang naiwan ni Hussef rito?" tanong ni Amaya.

Bahagya rin akong napanguso at nagtaka. "Oo nga."

Nang makalapit si Lorcan ay tumigil siya bigla sa harap ko. Napakurap ako habang nakatingala sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

Bigla niyang inabot ang palapulsuhaan kong mayroong itim na buhok-pantali. Tapos ay kinuha niya ang pantali saka ngumiti sa akin.

"Hiramin ko lang ito, ah?" aniya.

Tapos ay sinuot niya sa pulso niya saka agad na nagtatakbo palabas.

Napakurap ako nang mawala siya sa paningin ko. Tapos narinig ko ang biglang pang-aasar ni Maya.

"Ayie! Ano iyon, ha? Talagang kayo na? Totoo pala talaga ang mga rumors sa inyong dalawa?" tanong niya.

Agad akong umiling. "Hindi, ah!"

Nag-iwas ako ng tingin habang namumula ang mga pisngi ko.

Bakit mukha akong guilty? Eh, hindi naman totoong may relasyon kami ng letseng iyon!

...

06-01-25

I'm back!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro