
Chapter 07
"Sayaw na lang tayo para sa literature, Traeh. Partner tayo," sabi ni Maya sa akin.
Nakaupo pa kami sa upuan namin. Kakalabas lang ng teacher namin. Nag-iwan siya ng activity sa amin na kailangan naming e-submit next meeting.
Kailangan naming pumili ng isa sa pagsayaw, pagkanta, pagguhit, at pagsulat ng tula para sa literature subject namin. Kaya nagsisimula na kaming mag-isip sa kung ano ang pipiliin namin.
Umiling ako kay Maya. "Sayaw?" Peke akong tumawa. "Mukha ba akong marunong sumayaw, Maya? Huwag na lang. Ikaw na lang sumayaw. Kaya mo na iyan."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano ka ba?! Kesa sa wala kang grade! Sige. Tsaka, hindi rin naman ako magaling sumayaw, ah. Sasayaw lang ako kasi required."
Mahina akong natawa. "Pero at least marunong ka. Ah, basta. Hindi ako sasayaw."
Marahas siyang bumuntong-hininga saka humalukipkip. "Oh sige. Kumanta na lang tayo!" Sabay palakpak.
Humagalpak ako ng tawa. "Gaga! Ayoko! Pagtatawanan lang tayo ng mga kaklase natin niyan, eh. Ayoko rin niyan."
"Tsk. Ano ba iyan?" Kinamot niya ang ulo niya. "Ang hirap naman kapag walang talent."
Tumawa ako. "Guguhit na lang ako, Maya."
Umungot siya. "Ah! Eh, hindi ako marunong gumuhit, eh!" Reklamo niya.
"Ano ka ba? Hindi naman necessary na mag-d-drawing ka rin dahil mag-d-drawing ako. Since magaling ka naman sumayaw, sumayaw ka na lang," sabi ko sa kanya.
Marahas siyang umiling. "Ayoko, Traeh! Dapat magkasama tayo! Dapat partner tayo!"
Tinawanan ko siya. "Ano ka ba? Ikaw talaga? Marami ka namang pwedeng maka-partner, eh. Kung ako ang pipiliin mong partner, lalong-lalo na kung sasayaw tayo, babagsak lang tayong dalawa sa subject na ito. Kaya mas mabuti iyong magkahiwalay tayo pero parehas naman tayong magaling sa pinili natin."
Umungot ulit siya saka pumadyak ng isang beses. "Edi para naman akong tangang sasayaw mag-isa niyan?"
"Anong mag-isa? Hindi ka nga mag-iisa kasi makikipag-partner ka sa iba," sabi ko.
Sumimangot siya. "Oh sige nga, kanino?"
"Gaya ni..." Tumingin ako sa paligid ng classroom namin. Dumapo ang mata ko kay Leon na natutulog sa desk niya. Nagliwanag ang mga mata ko. "... Leon! Si Leon! Magaling siyang sumayaw!"
Agad na naging blangko ang tingin niya sa akin. Tumawa ako sa reaksiyon niya.
"Bakit?" tanong ko. "Ayos naman kung si Leon, ah? Magaling naman talaga siyang sumayaw. Mas tataas panigurado iyong grade niyo sa subject na ito."
Tinaasan niya ako ng kilay saka humalukipkip. "At tingin mo naman magkakaintindihan kaming dalawa, ha?"
Ngumuso ako ng painosente. "Well... you can both work it out naman."
"Ays!" Ginulo niya ang buhok niya. "Sasayaw na lang akong mag-isa kesa sa makipagpartner diyan!"
Humagalpak ako ng tawa. "Ikaw. Basta ako, mag-d-drawing na lang dahil iyon lang naman ang kaya ng superpowers ko."
Kaya naging final na nga ang naging desisyon ko. Pinili kong magdrawing since iyon naman ang kinahiligan ko mula pagkabata. Marunong rin naman akong gumawa o magsulat ng tula, pero hindi ko bet na basahin sa harap ng maraming tao ang tulang gawa ko.
Pagdating ng submission, kailangan naming e-present sa harap ang napili namin. Kung sayaw, sasayaw sa harap. Kung kanta, kakanta sa harap. Kung tula, babasahin sa harap. At kung pagguhit, ipapaliwanag sa harap.
"Alright, Ortiz," tawag sa akin ni Ma'am Malamdag, ang literature teacher namin.
Ngumiti ako saka agad na naglakad patungo sa harap. Agad ko namang narinig ang cheer nina Amaya at Leon sa akin. Pati ang iba naming kaklase.
"Go, Traeh!" sigaw ni Amaya.
"Sasayaw iyan!" sigaw naman ni Leon.
Napailing na lang ako saka mahinang natawa. Humarap ako saka agad na pinakita ang hawak kong cardboard.
"Good morning, everyone. I want to show you the activity I made for this subject," sabi ko. "So, my drawing is quite common but this is the kind of art that is close to my heart somehow."
Agad akong nagtuturo ng mga elements na ginuhit ko para ipaliwanag sa kanila.
"As you can see here, there is a palm inked with a tattoo, wherein the tattoo is a dagger. This symbolizes how pain is implanted within us and how hard to erase it. It may fade out as time passes, but the scar that it was there will never disappear," saad ko.
Tinuro ko naman ang iba pa na elements.
"This as you can see here, is a dove. Of course, whenever we see a dove or any type of bird, we already would recognize it as freedom," sabi ko saka tumingin sa kanila. "And yes, in my drawing, it symbolizes freedom."
Tipid akong ngumiti.
"How contradicting, isn't it? I drew a tattoo dagger and yet I also drew freedom. Why is that?" I smiled softly, but sadly. "It is because the whole message of my drawing is to never dwell on the pain. Yes, it will not disappear because let's be honest, when something triggers us, the pain we had in the past will still come back. However, just because we were hurt in the past, doesn't mean we have to stay at that moment, because there are a lot of good things that will still happen. So, let's free ourselves from the pain to do better."
Sinasabi ko ito sa harap nila pero bakit pakiramdam ko ay sinasabi ko ito sa sarili ko?
Having a mother who will downgrade her own daughter once it will make a small mistake is such a horror. And it will always be my horror.
"Uhm... I think that is all po, Ma'am," sabi ko saka ngumiti.
Tumango si Ma'am saka tipid na ngumiti. "Alright, thank you, Ortiz. Next, let's have Perez and Go."
Agad akong naupo. Pero nagulat ako nang marinig na magkasama sina Amaya at Leon.
Bahagyang nanlalaki ang mga matang sinundan ko silang dalawa ng tingin. Nag-uungusan pa sila bago pumunta sa harap. Tapos si Leon ay nagplay ng music at saka nagsimula silang sumayaw na dalawa ng tango.
Napakurap ako saka napapailing habang pinapanood sila.
"Akala ko ba ayaw makapartner?" bulong ko habang may munting ngisi sa mukha.
Nang matapos ang performance nila ay agad kaming nagpalakpakan para sa kanila. Si Maya ay malawak ang ngiting naglakad palapit sa akin.
Ngumisi ako sa kanya. "Bakit partner kayo? Akala ko ba ayaw mo?"
Umirap siya. "Pwede ba? Wala akong choice. Buti na nga lang pumayag, eh. Huwag ka nang maraming sinasabi, please. Gusto kong kalimutan agad ang araw na ito," bulong niya sa akin.
Natawa ako. "Okay, okay. Chill."
"Next, let's have Lorcan," saad ni Ma'am.
Agad kaming tumingin ni Maya sa harap. Naglakad sa harap si Hussef. Nagpalakpakan naman syempre ang mga kadugo niya este ang mga feeling varsity.
"Good day po, Ma'am. Good day, classmates," bati niya sa amin.
"Good day rin sayo, brad!" sigaw naman ng mga ugok niyang kaibigan.
Napatingin siya sa mga ito saka natawa. "Today, I will present a poem. It is entitled as 'Stardust'."
Agad na nagkantyawan ang mga tropa niya. "Wow! Poem!"
"Ang utot, ang utot, ang utot!" Tumatawang pagtula ni Leon.
Natawa ulit siya. "Please be with me. This will be a short poem."
"Okay dokey!" sigaw na naman ng mga ito.
Napailing ako.
"Mga bugok talaga," bulong naman ni Maya na kinatawa ko.
"Stardust," simula niya.
Saglit siyang sumulyap sa gawi namin ni Maya. Nagtama ang mga mata namin pero pinagkaila ko lang.
"Never have I ever heard a wonder like you,
Tiny particle, speck of dust—like Earth's tiny dew.
Amongst all the particles you have the different glow,
Too many textures, too many sizes, but my eyes is on you.
A sprinkle of stardust would not be bad for me,
Like magic glistening—brightening up the day,
Pour those tiny particles all over me,
I would not mind being dazzled by the glow—I'll let it be."
Ngumiti siya saka binaba ang papel na hawak niya. "Iyon lang po, Ma'am. Thank you po." Saka yumukod siya.
"What a nice poem, Lorcan," saad ni Ma'am. "But we would like to know the message of your poem. I feel like the poem isn't just about a stardust." Ngiti ni Ma'am.
Mahinang natawa si Hussed saka napakamot sa buhok niya. May nahihiyang ngiti siya.
"Okay po," sagot niya. "Ah, the poem is about admiring someone so different, Ma'am."
"Oh..." Marahang tumango-tango si Ma'am.
Nagtilian naman ang mga kaklase kong hindi mapigil ang mga lalamunan. Pati si Maya ay napapatili rin, maypahampas pa sa akin.
"And is that 'someone so different' here in the room, Lorcan? Maaari ba naming malaman? Clue kumbaga," sabi ni Ma'am.
Mas lalong lumakas ang tilian nila. May pa-whistle pa ang magagaling niyang kaibigan.
Kinamot niya ang buhok niya. Tapos ay biglang nagtama ang mga mata namin.
Napakurap ako saka unti-unting kumabog ng malakas ang puso. Nagtagal ang mga mata niya sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin o kung saan ako magtatago.
Ano ba ang tinitingin-tingin niya?!
"Sabihin mo na, bro! Huwag ka nang mahiya! Alam naman ng buong school, eh!" Rinig kong sigaw ni Marquez.
Sana lang ay hindi ako ang tinutukoy ng gagong Marquez na ito, kung hindi ay tatanggalan ko siya ng ngala-ngala.
"Oo nga! Gusto mo kami na lang magsabi para hindi ka na mahirapan?" sabad naman ni Castro.
Kaunti na lang at malapit ko na silang mabato ng libro. Pero dapat chill lang tayo kasi baka hindi naman pala tayo ang tinutukoy nila, nakakahiya naman.
"Shh!" Natatawang saad ni Hussef. "Secret po iyon, Ma'am. Thank you po." Tapos patakbo siyang naupo pabalik sa upuan niya.
"Sayang naman." Natatawang sabi ni Ma'am. "Alright, since that was the last presentation, then let's give around of applause to all of you."
Agad naman kaming napangiti at nagpalakpakan.
Naglakad sa harap si Ma'am. "Firsly, thank you for cooperating. Sobrang saya ko na kahit pa may mga matitigas ang ulo rito ay nagpresent pa rin ng kani-kaniyang napili na activity. So, thank you very much."
Nagsigawan naman agad kami. Malakas ang palakpakan. Syempre, happy teacher, happy life.
Mahinang tumawa si Ma'am tapos ay pabirong pinaningkitan kami. "Ibig sabihin, hindi ako mahihirapan na bigyan kayo ng grades."
"Ayy!" Ungot naman namin.
Ngumiti siya. "Anyway, since I love all of your performance, I want those who chose drawing and poem, to give your piece to someone who matters to you. Or to someone who is the inspiration of the masterpiece you made. Tapos ko na rin naman na bigyan kayo ng ratings, so, sa inyo na iyan. Ibigay niyo sa inspiration niyo dito sa classroom, o kaya sa taong super close sa inyo."
"Dapat talaga nagtula na lang din ako, eh!" Rinig kong reklamo ni Castro.
"Maypasayaw-sayaw ka pa kasi, hindi ka na nahiya," saad naman ni Marquez.
"Syempre, kailangan para sa grades!" sagot naman nito.
"So, that is all for today. Again, thank you very much. Everyone did a great job. Take your snacks and goodbye," saad ni Ma'am saka agad na lumabas.
Agad na napalitan ng ingay ang buong classroom. Sumandal ako sa upuan ko saka napatingin sa drawing ko.
Kanino ko naman ibibigay ito?
"Kanino mo ibibigay iyang sayo, Traeh?" tanong sa akin ni Maya.
Ngumiti ako. "Parang nabasa mo iyong iniisip ko, ah. Iyon din ang hindi ko alam. Pwede naman sigurong huwag na lang. Tutal hindi naman lahat ang mabibigyan."
"Sabagay, ayos sana kung tayong lahat gumawa ng tula or drawing," sabi niya. Nilagay niya sa batok niya ang dalawa niyang kamay. "Tsaka buti na lang hindi ako nagtula. Wala rin naman akong mabibigyan rito sa classroom dahil wala naman dito ang baby ko."
Inirapan ko siya. "Ang OA. Pwede namang ako ang bigyan mo."
Tumawa siya. "Oo nga, 'no? Sorry na, 'te. Malandi lang."
Napailing ako. "Gaga talaga."
"Hindi ka ba mag-s-snack?" tanong niya.
Ngumuso ako. "Hindi ako gutom. Nagugutom ka ba? Samahan na kita."
Umiling siya. "Hindi rin. Matutulog na lang ako. Wala akong maayos na tulog kagabi. Inubos ko buong episode ng Weak Hero Class 1. Madaling araw na ako natapos." Sabay tawa.
Tumawa rin ako. "Gaga! Kaya pala ang laki ng eyebags mo. Alam mo bang nakakaliit ng utak iyan?"
Matunog siyang ngumisi. "Ayos lang, wala naman akong utak."
Humagalpak ako ng tawa. "Gaga talaga."
Tumingin ako sa drawing ko saka tipid na napangiti. Tapos ay bigla kong naalala na kailangan ko pala na manghiram ng aklat sa library para sa paparating namin na exam.
"Maya, sa library muna ako, ah?" Paalam ko.
"Sige, ingat," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin at nakasubsob ang mukha sa desk niya.
Agad kong isinuot ang bag ko. Iniwan ko na lang ang drawing ko sa desk ko. Tapos ay naglakad ako patungo sa library.
Pagdating doon ay malawak agad ang ngiti ng librarian sa akin.
"Good morning, Ortiz!" bati niya.
Ngumiti ako. "Good morning, Ma'am!"
"Hulaan ko? Manghihiram ka na naman ng aklat, 'no?" aniya.
Tumawa ako saka tumango. "Opo. Paparating na po kasi ang exam. Kailangang mag-advance study."
Tumango siya. "Okay. Maghanap ka na lang ng aklat diyan. Enjoy reading."
"Opo. Thank you po, Ma'am," sabi ko.
Agad kong hinanap ang mga aklat na kailangan ko. Tapos ay bumalik ako sa librarian para hiramin ang mga aklat.
"Ang dami nito, ah," puna niya.
Tipid akong ngumiti. "Oo nga po, eh. Ganoon po talaga kapag tuwing exam. Kailangan magtiis kahit gaano karami ang kailangang pag-aralan."
Ngumiti siya. "Kayang-kaya mo iyan. Matalino ka naman, eh."
Mahina akong natawa. Pero deep inside, nalulungkot ako.
Ganoon palagi ang tingin sa akin ng mga tao, eh. Matalino ka naman kaya kahit pa sampung makakapal na aklat ang pag-aaralan mo, kayang-kaya mo.
Mali. Hindi ko na kaya. Nakakapagod.
Anong matalino? Hindi ako matalino. Nag-aaral lang ako kaya nakakasagot ako. Kung hindi ako mag-aaral, tiyak akong wala rin akong masasagot. At sigurado ako, tatawagin naman nila akong bobo.
Ang saklap, diba?
At mas saklap, iyong tipong ayos lang sa kanila na mamatay-matay ka kakaaral, hindi ka man lang tatanungin kung ayos ka lang.
Tapos kung tatanungin ka naman, sa huli sasabihan ka lang din ng 'ayos lang iyan'. Hindi naman maayos.
Minsan gusto ko na lang maging langgam, eh. Pagapang-gapang lang, ganoon.
"Ayan, ayos na," sabi ni Ma'am.
Tumango ako saka ngumiti. "Thank you po."
Imbes na lumabas, muli akong bumalik para maupo. Tapos ay nagsimula na akong mag-skim read. Nilalagyan ko ng mga bookmarks ang parts na kailangan ng masusing pag-aaral. Sinusulat ko rin sa notebook ko ang mga terms na kailangan kong intindihin ng maigi.
Napabuntong-hininga ako nang mapansin ang nagkakapalang walong aklat sa mesa.
"Hindi pa man lang ako makakalahati sa isang libro," bulong ko. "Mamamatay na yata ako."
Marahas akong bumuntong-hininga. Akmang magsusulat ulit ako nang biglang may naglapag ng french fries at dalawang piraso ng fried chicken thigh sa harap ko. With yakult pa.
Napakurap ako. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa may gawa.
"Hussef?!" Impit kong bulong. "Anong kalokohan ito? Kapag ikaw nakita ng librarian na may bitbit na pagkain, patay ka."
Ngumisi lang siya sa akin. Hinila niya ang upuan sa harap ko tapos ay naupo. Ngayon ay kaharap ko na siya.
"Anong ginagawa mo?" Sa halip ay tanong niya.
"Kumakain," blangko kong sagot. "Obvious ba? Natural nag-aaral."
Tumawa siya sa sagot ko. "Sorry naman. High blood naman agad, eh. Nagtatanong lang. Malay ko ba na nagkukunwari ka lang nag-aaral diyan para maka-connect sa wifi rito sa library."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tse. Hindi ako ikaw."
Tumawa siya. "Oo na, oo na."
Natahimik siya. Ramdam ko bigla ang awkwardness sa hangin kaya nagsalita na lang ulit ako.
"Ilabas mo iyang mga pagkaing dala mo, Hussef. Baka makita ka ng librarian," sabi ko.
"Hindi naman niya makikita iyan kung kakainin mo na," sabi niya.
Napakurap ako at napatigil. Napatingin ako sa mga pagkain. Tapos ay sa kanya.
Kinunutan ko siya ng noo. "Ano bang pinagsasabi mo?"
Ngumisi siya. "Para sayo iyan."
Napakurap ulit ako. Sobrang tamis ng ngiti niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Biglang nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko sa hindi malamang dahilan.
Baka gutom lang ito.
"B-Busog ako," sagot ko saka muling tumingin sa aklat na nasa harap ko.
"Hindi ako naniniwala. Hindi ka kumain ngayon. Ang alam ko patay-gutom ka pa naman," sabi niya.
Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. "Tarantado ka talaga."
Tumawa siya. "Kumain ka na nga kasi. Teka, subuan kita."
Biglang binuksan niya ang cellophane na nilagyan niya ng manok.
Agad akong naalarma.
"A-Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
Nabuksan niya nang tuluyan ang cellophane. Tapos ay kumuha siya ng kaunti sa manok saka biglang nilapit sa mukha ko.
Nanlalaki ang mga matang tinikom ko ang bibig ko saka marahas na umiling.
Ngumiti siya. "Sige na, kainin mo na. Alam kong gutom ka. Ngayon lang kita nakitang hindi nag-snack."
Umiling ulit ako. "A-Ayoko. Huwag mo akong susubuan. May kamay naman ako!"
Mahina siyang natawa. "Okay." Binaba niya ang hawak niya. Tapos ay inilapit sa akin ang pagkain. "Sige na, kain na."
Dahil sa taranta ay napasunod tuloy ako. Agad kong pinulot ang isang piraso ng manok at mabilis kumagat doon.
Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.
Pansin ko ang munti niyang ngiti habang nakatingin sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Tapos ay habang nginunguya ko ang manok ay binuksan niya ang yakult. Tapos ay nilapag niya sa harap ko.
Marahas akong napabuntong-hininga saka kinuha ito at marahang uminom.
Lecheng Lorcan ito!
"Ah, may ibibigay sana ako sayo, Traeh," sabi niya sa mahinang boses.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa dalawang kamay niyang nakapatong sa mesa. Bahagya pang nakanguso ang bibig niya.
Nilunok ko ang kinakain ko saka uminom ulit ng yakult. "A-Ano?"
Tipid siyang ngumiti saka may kinuha galing sa bulsa ng suot niyang hoodie. Tapos ay nilapag niya ito sa harap ko.
Tapos ay tahimik siyang ngumiti, namumula ang tenga.
Napatingin ako doon. Napakurap ako nang mabasa ang 'stardust' doon.
Napatikhim ako. "Para... saan ito?" tanong ko.
Malakas ang kabog ng dibdib.
Ngumiti siya. "Para sayo."
Marahan akong tumango. "Okay. T-Thank you."
Iisipin ko na lang na binigay niya ito sa akin bilang pagpapasalamat dahil tinanggap ko ang pagkaing binigay niya. Wala tayong ibang iisipin dahil wala naman siguradong ibig sabihin ito.
"You're welcome," sagot niya.
Muli kaming natahimik. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakatitig na lang ako sa aklat na nasa harap ko. Wala nang pumapasok sa isipan ko. Ni-hindi na ako nagbabasa.
"Kumain ka pa," sabi niya. "Ubusin mo iyan bago ka pa maabutan ni Ma'am."
Tumango ako saka kumain rin.
Gaga ka ba, Traeh? Sinusunod mo?
Wala. Hindi nakikipag-cooperate ang katawan ko sa utak ko.
"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko sa kanya habang kumakain ako.
Napagdesisyunan kong huwag nang ipilit umastang nagbabasa gayung wala namang pumapasok sa utak ko. Ubusin ko na lang muna ang pagkain dahil ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Kahit pa bawal rito sa library kumain.
Ngumisi siya. "Pinapaalis mo na agad ako?"
Marahan akong tumango. "Oo. Nag-aaral ako, eh. Ikaw wala namang ginagawa. Kaya pwede ka nang umalis."
Humagikhik siya sa sinabi ko. "Mamaya ka na mag-aral. Hindi naman nakakatuwa iyang pag-aaral na iyan. Wala ring sweldo. Bakit kina-career mo?"
Inirapan ko siya saka muling sumubo sa fries. "Dahil gusto kong maging rich tita."
Tumawa siya saka napailing. "Ay! Iba! Rich tita? So, hindi ka mag-aasawa?" tanong niya.
"Oo," sagot ko.
"Bakit hindi?" tanong niya.
"Bakit mo tinatanong?" tanong ko naman.
Ngumuso siya ng bahagya. "Wala lang. Pero, di bale, magbabago pa naman iyang isip mo kapag tumanda ka na."
"Hays. Wala na. Wala nang makapagbabago sa isip ko," wika ko. "Hindi ako mag-aasawa. Hussle lang iyan."
"Sabi mo, eh," wika niya habang may munting ngisi sa labi.
"Oo. So, hindi ka pa ba aalis?" tanong ko sa kanya.
Matunog siyang ngumisi. "Oo na, oo na. Ito na. Aalis na po, Ma'am."
Natatawang tumayo siya. Tapos ay nang makalapit siya ay ginulo niya ang buhok ko tsaka pinisil ang pisngi ko.
"Pakabusog ka," sabi niya saka patakbong lumabas.
Naiwan akong tulala at puno ang magkabilang pisngi. Napakurap ako. Tapos ay marahan kong hinaplos ang tiyan ko.
"Ano ba itong mga paru-parong ito, pinapakain na nga, eh," bulong ko.
...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro