Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03

"Nanggigigil talaga ako sa babaeng iyon!" Magkasalubong ang kilay na wika ni Amaya. Nakakuyom pa ang mga kamao niya.

Nasa library kami, nagsusulat ng notes para sa English communication namin. Pero imbes na mag-notes itong si Amaya, iniinis niya iyong sarili niya.

Gigil na gigil, eh.

Nakangusong nagpatuloy lang ako sa pagsusulat. Nakakalat ang mga highlighters ko sa mesa na may iba't ibang kulay, green, pink, orange, tsaka yellow.

Nakalapag rin ang notebook ni Amaya at ang aklat sa harap niya pero hindi naman siya nagsusulat. Gigil lang niyang hawak ang ballpen niya.

Iyong buhok niyang kulot ay naka-double bun na para niyang sungay.

"Hayaan mo na iyon, magsulat ka na lang diyan. Hindi ka matatapos niyang trabaho mo, eh," saad ko sa mahinanong boses habang nag-h-highlight ng notes ko.

"Anong hayaan ko, 'te?! Ang kapal ng mukha niyang ipagkalat sa classmates natin na nag-k-kodigs ka, eh siya lang naman ang may gawa niyan palagi! Hindi mo naman kasalanan kung matalino ka! Tsaka hindi mo kasalanan kung hindi siya matalino!" asik niya, tumataas pa ang boses niya.

Mabilis kong tinaas ang hintuturo ko sa bibig ko. "Shh... Kapag ikaw narinig ng librarian, hindi ka na ulit makakapasok rito sa library," wika ko. Muli akong nagsulat. "Tsaka, hindi ako matalino, Maya. Wala rin namang taong bobo, hindi ako naniniwalang mayroon. Nakadepende iyon sa motivation na mag-aral ng mabuti. Ako, kaya nagkakaroon ako ng good scores tuwing exam at quizzes ay dahil nag-aaral ako palagi. Tsaka, siguro kaya mababa ang scores ng iba ay dahil hindi sila nag-aaral o hindi nakapag-aral."

"Psh! Ay hindi! Sarado iyong isip ko! Sige, maiintindihan ko iyong iba, lalo na iyong kahit walang masagot hindi nag-k-kodigs! Pero iyang si Niña?! Jusko! Hindi ko iyan patatawarin!" Pabulong niyang asik.

Si Niña ang top two sa classroom namin. Top two rin siya tuwing recognitions. Matalino siya. Magaling sa public speaking. Iyon na nga lang, mukhang may galit siya sa akin.

Bumuntong-hininga ako saka mahinang napailing. "There a lot of factors as to why people make mistakes, Maya. Hindi natin alam ang background ng family ni Niña. What if pressured pala siya ng parents niya kaya niya nagagawa iyan?"

"Ay hindi! Hindi ako naniniwala diyan, Traeh! Ganito kasi iyan. No matter how pressured you are with your parents, making a sin will not make sense. Dahil pressure ka, mag-k-kodigs ka? Paano naging reasonable iyon? You can study if you want. You can have all the time in the world to study, bakit mag-k-kodigs pa rin?!" saad niya.

Tama naman. May point siya.

Napatango ako saka pinulot ang pink na highlighter sabay highlight sa notes ko.

"Tama ka naman diyan. Pero let's not disregard the fact that some don't have all the time to study, Maya. Iyong iba kasi, hindi gaya natin na pag-aaral lang ang ginagawa pag-uwi sa bahay. Iyong iba, may mga ibang reponsibilidad sa bahay," saad ko. "But you got that right though. Hindi pa rin iyon talaga dahilan para mag-kodigs."

"Well, tama ka rin naman. Pero talagang nanggigigil ako sa kay Niña! Niña iyong pangalan niya tapos siya demonyo!" asik niya sabay taas na naman ng boses niya.

Mabilis na namang napalipad ang hintuturo ko sa labi ko saka tumingin sa kanya.

"Shh! Ano ka ba!" saad ko saka mahinang tumawa.

Agad naman siyang napasapo sa bibig niya saka luminga-linga sa paligid. "Ay, sorry!"

Napailing ako saka natatawang bumalik na lang ako sa pag-take notes. Pero hindi pa rin siya tumigil sa kakareklamo niya kay Niña.

"Pero nanggigigil talaga ako, Traeh! Bakit parang kasalanan mo pa na malaki iyong scores mo kaysa sa kanya?!" saad niya.

"Shh! Mag-notes ka na diyan," saad ko.

Marahas siyang bumuntong-hininga saka padabog na nilapag ang ballpen na hawak niya. Sumandal siya sa sandalan ng upuan.

"Hindi talaga, Traeh, eh! Bakit ba napakakalmado mo lang? Bakit hindi ka nanggigigil sa kanya?" tanong niya sa akin.

I glanced at her but kept on writing. Muli kong binalik ang tingin sa notebook ko.

"Wala naman akong mapapala kung maiinis ako sa kay Niña. Ang mahalaga wala akong ginagawang masama sa kanya," sagot ko sa kalmadong tinig.

"Grabe ka talaga! Ang haba ng pasensya mo! Bakit ka ganyan, 'te? Ako iyong gigil na gigil sa kanya! Hindi naman kasi talaga tama iyong mga ginagawa niya, eh!" saad niya.

"Alam ko, alam ko. Pero iyong parents niya ang dapat magsabi sa kanya niyan, hindi tayo, Maya. Hindi niya tayo kadugo. Pwede natin siyang pagsabihan, oo, pero ano ba ang karapatan natin gayung hindi naman natin alam ang background niya, diba? Paulit-ulit tayong babalik sa private life ni Niña," wika ko.

Muli siyang marahan na bumuntong-hininga. "Hay! Buti na lang talaga napipigilan ko pa ang sarili ko, eh. Kanina talaga muntik ko na siyang singhalan. Sisihin ka ba naman sa baba ng score niya? Tapos pagbintangan kang nag-k-kodigs. Mali iyon!"

"Shh... iyong boses mo, tumataas na naman," saad ko saka nailing. "Tama na, Maya. Mag-notes ka na diyan. Hayaan mo na lang siya, okay? Darating iyong araw na maiintindihan na niya ang lahat."

"Kailan ba iyang araw na iyan at nang ma-fast forward ko na itong oras? Nanggigigil ako sa kanya ngayon, eh! Pati ako nagkakasala dahil sa inaasta niya!" saad niya sabay tingala sa bubong ng library.

"Shh... sige na, sige na. Mag-notes ka na diyan," saad ko ulit sa kanya.

She sighed hard. Naupo siya ng maayos saka pinulot muli ang ballpen niya.

"Sige na nga. Kapagod naman itong buhay na ito. Aral. Kain. Tulog. Aral. Kain. Tulog. Hays!" bulong niya pero nagsimula na rin namang nagsulat.

Naiiling na lang ako habang pinapakinggan siyang bubulong sa inis. Nasanay na rin talaga ko sa kanya.

Hindi ko makakalimutan iyong pinakaunang araw na naging close kaming dalawa. Dahil iyon may kaklase kaming galit rin sa akin tapos pinagbintangan akong nag-cheat sa exam. Tapos siya na nakakita roon sa classmate namin na sila pala ang totoong nag-cheat, siya ang nagtanggol sa akin dahil walang nagkusang magtanggol sa akin noon.

Kaya simula noon, hindi na kami mapaghiwalay na dalawa.

Siya iyong klase ng kaibigan na hihintayin ka habang tinatali mo ang sintas mo habang naglalakad na iyong iba.

Maswerte ako na nakilala ko si Amaya. Kahit papaano, naging magaan iyong high school life ko sa kabila ng mga taong pilit akong hinihila pababa.

"Wow! Mga good student!"

Napalingon kami nang sabay sa pabulong na nagsalita sa hindi kalayuan. Napa-tsk si Maya nang makitang sina Leon at Hussef pala ang paparating.

Parehas silang nakabukas ang polo at kita ang t-shirt sa ilalim ng polo.

Para silang yagit na gangster.

"Kung nandito lang kayo para mang-asar, Leon. Lumayas na lang kayo. Hanggang fourth floor itong library, pwede kayong pumili kahit saang floor, huwag lang dito sa first floor," saad ni Amaya sa kanila na kinatawa ko.

Rinig ko rin ang tawanan nina Leon at Hussef. Pero tumuloy pa rin sila palapit sa amin.

"Wow naman! Mag-n-notes pa pala?" saad ni Hussef habang nakatingin sa notebook kong puno ng kulay.

Bumunot sila ng upuan saka naupo. Magkaharap silang dalawa sa magkabilang-gilid ng mesa.

"Ganyan talaga ang mga matatalino, 'tol. Nag-n-notes talaga iyang mga iyan," wika naman ni Leon.

"Ang OA niya naman. E-ch-check ni Ma'am itong notes natin bukas kaya kami nagsusulat. Bakit hindi na lang din kayo magsulat?" saad ni Amaya na nagsisimula nang magsulat.

Buti na lang at nagsulat na rin siya. Baka silang tatlo iyong walang notes kung sakali.

"Notes? Importante pa ba iyon?" tanong ni Leon sa amin.

"Hindi. Required lang," sagot ni Amaya na kinatawa ko.

Pati sina Leon at Hussef at natawa na rin sa kanya.

"Sus, si Amaya, nagkukunwaring nag-n-notes para feeling niya matalino rin siya," saad ni Leon.

Si Hussef ay patawa-tawa lang habang pinakikinggan ang dalawa. Buti nga at tahimik siya ngayon, hindi siya nakikisali sa kalokohan ni Leon.

"True, true. True iyan," sagot ni Amaya. "Kaya ikaw, Leon, huwag ka nang magsulat ng notes, ha? Para ma-feel mo talaga iyong pagiging bobo mo."

Napahagalpak ng tawa si Hussef. "Wala ka pala kay Amaya, 'tol, eh. Masyado palang honest itong si Amaya."

"I know right. Ganon lang," confident na sabi ni Amaya.

"Hindi na baleng bobo ako at least pogi," sagot naman ni Leon.

Ganyan iyan sila, kaya hindi natatapos ang away nila dahil palaging may idadagdag si Leon. Napakagaling mang-asar.

"Iyan ka. Hindi ka lang pala bobo, delulu ka rin pala. Pa-check-up ka na, malala na iyang lagay mo. Kung ano-ano nang iniisip mo sa sarili mo, wala namang katotohanan," wika ni Amaya sa kalmadong paraan na kinatawa ko. "Ikaw, Lorcan, samahan mo itong si Leon sa doctor, ha? Ikaw ang kaibigan, eh."

"Edi, sumama ka na lang din, Amaya. Mukhang kailangan mo rin ng tulog, eh," wika ni Leon.

"Anong ibig mong sabihin? Maaga akong natutulog tuwing gabi," wika ni Amaya.

"Ah ganon, ba? Bakit mukha kang walang tulog?" saad naman ni Leon sabay high-five nilang dalawa ni Hussef saka nagtawanan.

"Ikaw nga gising na gising, eh. Matulog ka na kaya habang-buhay?" wika naman ni Amaya sa kanya na hindi na nagsusulat.

Sigurado akong inis na kay Leon itong isang ito. Hindi nito titigilan si Leon hangga't hindi ito aalis.

"Hindi na muna. Baka ma-miss mo ako, eh," sagot naman ni Leon.

"Pass, hindi kita type," saad naman ni Amaya.

Napailing ako habang nag-h-highlight. "Kapag kayo nagkatuluyan, ewan ko lang sa inyong dalawa," sabi ko.

"Wow. Nagsasalita ka pa pala, Traeh?" tanong bigla ni Hussef sa akin.

Mabilis akong napatingin sa kanya. Ayan na naman iyong ngisi niyang iniinis ako palagi. Wala na talaga siyang magawang matino sa buhay, eh.

"Manahimik ka, hindi ikaw ang kausap ko," wika ko saka nagpatuloy sa pagsusulat.

Nagsi-aww naman ang dalawang aso sa harap ko. Feel na feel naman nila talaga ang pang-aasar ngayong araw na ito. Mukhang hindi ako tatantanan.

Bigla siyang tumayo sa upuan niya. "Aalis na lang ako, 'tol. Ayaw pala ng kaibigan niyo na nandito ako, eh."

Mabilis siyang pinigilan ng dalawa. Nakatayo na rin ang mga ito.

"Ay, hindi, hindi. Joke na lang iyon. Upo ka, upo ka. Mabait talaga iyang si Traeh, sinasabi ko sayo," wika ni Amaya.

"Oo, tama, tama. Upo ka, 'tol. Huwag kang mahiya, mabait at understanding talaga itong si Traeh. Hindi lang halata," sabi naman ni Leon.

Sure ako na nag-a-acting lang itong mga ito. Ang OA talaga!

"Ang OA niyo. Maupo nga kayo ulit. Kapag kayo narinig ng librarian," sabi ko saka tiningnan sila.

May mga ngisi ang mga mukha nila. Nagkakaintindihan talaga sila kapag asaran, eh. Silang tatlo.

"Upo daw tayo," sabi ni Leon.

"Oh, tara, upo," wika naman ni Amaya. "Lorcan, upo ka."

"Ito na, uupo na," saad naman ni Hussef.

Saka sabay silang naupong tatlo. Pinag-t-tripan talaga ako ng tatlong ito, eh.

"Ganyan ka ba palagi sa bahay niyo, Traeh? Nag-aaral ka lang palagi?" tanong ni Hussef sa akin.

"Oo," sagot ko.

"Hindi ka ba napapagod diyan?" tanong niya.

Hindi ba nakakapagod mag-aral? Nakakapagod syempre.

Madalas iniisip ng mga magulang natin na sobrang dali lang mag-aral. If your aiming for higher grades and be part of the honor lists, then it would be a tough ride.

Dumadating pa sa punto na kahit anong seryoso mo sa pag-aaral, kahit anong sikap mong makakuha ng matataas na scores, kahit may pruweba kang matataas ang scores mo, if your teacher is not close to you, wala ka pa rin. All the sacrifices you'll make will all get wasted.

Sobrang hirap mag-aral. We should not be looked down by anyone without knowing the sacrifices we did in school. Even by our parents.

"Wala akong choice. Wala tayong choice. This is the hardest thing we're going through so far, kaya pagsikapan na lang natin. Pagdating ng araw, kapag nakawala na tayo sa paaralan, ibang hirap naman ang daranasin natin," wika ko sa kanila.

"Tinatakot mo naman ako, 'te. Parang ayoko na tuloy tumigil sa pag-aaral," wika ni Amaya.

"Totoo naman. Maswerte na tayo na sa ngayon pag-aaral lang ang problema natin. Pagdating ng araw, mararanasan na natin iyong totoong buhay," wika ko. "Isipin niyo, maghahanap ng trabaho. Hindi naman sa tuwing mag-a-apply ka ng work, tanggap ka agad, eh. Maraming company pa ang mag-r-reject sa atin. Tapos hindi naman pwedeng sa bahay lang tayo, magpapabuhay sa mga magulang natin. Nakakahiya na iyon. The pressure we are going through in school is nothing compared to the pressure we're gonna experience someday."

Kaya dapat sanayin na natin ang sarili natin. Manatili tayong matatag. Magtiwala sa Diyos. Hangga't naniniwala tayong kasama natin siya palagi, walang imposible.

Bumuntong-hininga si Amaya. "Ano ba iyan? Bigla ko tuloy na-imagine iyong sarili ko na ilang ulit ni-reject sa ina-apply-an ko."

Mahina akong tumawa sa kanya saka tumingin sa kanya. "Magtiwala ka lang, Maya. Tsaka matagal pa iyon. Sa ngayon, school muna ang isipin mo. Mag-notes ka muna. Kapag nakita ni Lord na nagsisikap ka, hindi ka niya bibiguin."

Ngumuso siya. Pati si Leon na nakahawak sa baba niya habang nakatukod ang siko sa mesa ay nakanguso rin na nakikinig sa akin.

"Dear Diary. Sayo ito, Traeh?" Biglang tanong ni Hussef.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak niya ang green notebook ko.

Ang diary ko!

Nilingon ko ang bag ko at kanina pa nga pala iyon nakabukas.

Mabilis akong umabante palapit sa kanya para agawin ang notebook ko pero mabilis niyang inilayo sa akin.

"Akin na iyan, Lorcan!" asik ko sa kanya saka sinamaan siya ng tingin.

May ngising tumingin siya sa akin. Nasa ere ang kamay niyang hawak ang diary ko.

"Bakit?" Ngisi niya. "May mga secrets ka rito?"

"Kaya nga diary, eh! Lahat ng hinanakit ko nandiyan! Kaya akin na!" Pabulong kong asik sa kanya.

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Wow. Patingin nga."

Tapos umasta siyang bubuksan ang notebook ko kaya napasinghap ako saka mabilis na nakalapit sa kanya. Halos mangunyapit ako sa braso niya dahil hindi ko maabot ang notebook kong nasa ere.

"Lorcan, papatayin kita! Akin na!" asik ko sa kanya saka pilit hinihila pababa ang braso niya pero hindi man lang siya natinag.

"Ano ba kasing laman nito? Anong hinanakit ang sinulat mo rito? Gaya ng?" tanong niya.

Masama ko siyang tiningnan. "Wala kang pakialam. Walang nakakaalam at wala akong planong sabihin sayo. Akin na!"

Naningkit ang mga mata niya pero may ngisi pa rin sa mukha niya. "Nakasulat rito ang crush mo, 'no?"

Umiap ako sa kanya. "Wala akong crush. Ang OA niyo. Akin na." Muli akong tumalon para abutin ito pero nilayo niya ulit.

Tumingin siya kay Amaya. "Walang crush itong kaibigan mo?" tanong niya.

Kumurap si Amaya. Parehas silang nanonood ni Leon sa amin. In fairness, ang tahimik nilang dalawa na nanonood sa amin.

"Wala. Hindi ko alam kung bakit wala?" sabi ni Amaya.

Agad akong lumingon kay Hussef saka tinaasan siya ng kilay. "See? Wala akong crush. Kaya akin na ang diary ko."

Ngumisi siya sa akin saka tumango. Binaba niya ang kamay niya saka binigay sa akin ang diary ko. Mabilis ko itong inagaw sa kanya saka pinasok sa bag ko. Sinara ko ang bag ko saka naupo ako tapos nilagay ang bag ko sa mga hita ko para hindi niya mahawakan.

"Ang damot," wika ni Hussef saka naupo ulit sa upuan niya.

"Huwag mong hahawakan iyong mga hindi sayo," saad ko.

"Iyan!" sabat ni Leon. "Huwag mo kasing hahawakan iyong hindi sayo, 'tol!"

Nagtawanan silang dalawa. Tapos ay tumango si Hussef.

"Okay, saka ko na lang hawakan kapag akin na," saad niya na parang may malalim na kahulugan.

Nang mapagod silang mang-asar sa amin ay sa wakas naisipan na nilang lumayas. Kaya nagpatuloy na lang kami ni Amaya sa pagsusulat ng notes.

Nang matapos kami, at palapit na ang next period namin, agad na naming niligpit na dalawa ang mga kagamitan namin sa mesa. Tapos ay nagmamadali kaming bumalik sa classroom.

Pagkarating ko sa classroom ay unang napansin namin ang nagtatawanan na sina Niña at ang kaibigan niyang si Alie, kaklase rin namin.

Nang pumasok kami ay mas lumawak ang ngisi nilang dalawa habang nakatingin sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na sila pinansin dahil wala rin naman akong mapapala kung makikipagtigasan ako sa kanya.

Naglakad na lang ako patungo sa upuan ko. Pati na si Maya.

"Ma-zero na ako't lahat-lahat pero hindi ko talaga maiisipang mag-kodigs," rinig kong wika ni Niña habang tumatawa.

Tumawa rin si Alie. "Ay same! Makokonsensiya talaga ako! Mag-k-kodigs para lang isipin na sobrang talino ko? Ew! Pass! Huwag na!"

Nagtawanan silang dalawa. Napabuntong-hininga na lang ako saka kinuha ang notebook ko mula sa bag at nilagay sa desk ko. Tapos ay nagsimula akong magreview na lang para sa next period.

"Bakit kaya ang lakas ng loob mag-kodigs ng iba, 'no? Like girl?! Kailangan mo ba talagang gawin iyan para lang masabi ng lahat na matalino ka? Saan ang talino mo kung ganoon?" Tawa ni Alie.

"Shh... tama na, Alie. Baka may tamaan sa mga sinasabi mo diyan, umiyak pa," tumatawa rin na sagot ni Niña.

"Tama. Itigil niyo na iyan. Hindi ba kayo naaawa sa sarili niyo? Pinapatamaan niyo masyado," rinig kong sabad ni Amaya.

Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong napalingon sa kanya. Nakaupo siya sa upuan niya, iyong mukha niya ay nasa desk at nakapikit ang mga mata.

Napatingin ako kina Alie at Niña. Nandidilim ang paningin na tumingin sila kay Amaya.

"May sinasabi ka, Perez?" tanong ni Niña sa kanya.

Nanatiling nakapikit si Amaya. "Hindi naman siguro kayo bingi. Gusto niyo bang ulitin ko pa? Okay. Sabi ko, huwag niyo masyadong saktan iyong mga sarili niyo. Mananakit na nga lang kayo, sarili niyo pa."

"Nanghahamon ka ba ng away, ha, Perez?" banta ni Alie.

"Saan doon sa sinabi ko ang nanghahamon? Nagsasabi lang ako ng totoo. Huwag niyo masyadong pagtsismisan ang mga sarili ninyo dahil baka masira ang peace of mind niyo," kalmadong sagot ni Amaya.

Marahas na tumayo si Niña sa upuan niya. Bigla niyang tinadyakan ang desk ni Amaya. Galit ang itsura niya.

"Bumangon ka diyan, Perez! Hindi kita aatrasan!" asik ni Niña sa kanya.

Kalmadong nagmulat si Amaya saka umayos ng upo. Mapanuyang ngumiti siya kay Niña saka tiningala ito.

"Amaya, tumira ng tres, Niña natagpuang guilty sa pag-k-kodigs," wika ni Amaya sabay ngisi.

Napapikit ako ng mariin. Kilala ko si Amaya, hindi niya tatantanan ang dalawang ito.

"Hindi ako nag-k-kodigs! Tanungin mo iyang kaibigan mong feeling alam ang lahat ng bagay! Feeling matalino!" asik ni Niña saka tinuro ako.

Marahas akong napabuntong-hininga. The audacity to brag.

Tumawa bigla si Amaya. Nilingon ko siya. Tinuturo niya si Niña pati si Alie.

"May sakit ka ba sa utak, 'te? Pa-check-up ka kaya? Parang hindi na normal na pinagbibintangan mo ang ibang tao sa isang bagay na ikaw naman ang gumagawa," ani Amaya.

"Wala kang pruweba na nag-k-kodigs ako, Perez! Dahil hindi ko iyan gawain. Talagang pinagtatakpan mo lang iyang kaibigan mo!" asik niya.

Tumawa ulit si Amaya. "Pruweba? Wala akong pruweba. Pero marami akong witness. Gusto mo tawagin ko lahat ng classmates natin?"

"Bwesit ka!" asik ni Niña saka mabilis na hinawakan ang buhok ni Amaya na naka-bun.

Agad akong napatayo. Mabilis na nagkagulo ang classroom. Mabilis akong lumapit sa kanila saka pilit tinutulak si Niña palayo kay Amaya.

Kahit pa hawak-hawak na ni Niña ang buhok ni Amaya, nagawa pa rin ni Amaya na tumawa. "Ano? Masakit ba marinig, Niña? Masakit ba?"

"Epal ka!" sigaw ni Niña.

Pero napatili ako nang may biglang humila sa buhok ko. "Aray!"

Napahawak ako sa kamay na nasa buhok ko. Sumasakit bigla ang anit ko.

"Kasalanan mo itong babae ka! Feeling matalino ka kasi! Feeling mo alam mo ang lahat! Sipsip ka pa!" Agad kong nakilala ang may-ari ng boses, si Alie.

"Hindi ko kasalanan na nag-aaral ako, Alie! Bakit niyo binibintang sa akin ang gawain niyo, ha?! Aray!" Tili ko dahil ramdam ko ang hapdi ng kuko niya sa anit ko.

"Dahil nga, sipsip ka! Pabida ka! Epal!" aniya saka bigla akong hinila gamit ang buhok ko kaya napaupo ako sa sahig.

Pero bago pa niya ako masaktan lalo, biglang may humila sa kanya palayo sa akin. Tapos may biglang bumuhat sa akin patayo.

"Tangina, anong ginagawa niyo, Niña?!" asik ni Leon kay Niña na sirang-sira na ang buhok.

Hawak ni Leon si Amaya na para bang tinatakpan niya. Habang ako ay hawak rin ni Hussef. Samantalang sina Niña at Alie ay hawak ng iba naming classmates.

"Huwag kang makialam, Go! Hindi ka kasali sa gulong ito!" asik ni Niña.

"Kaibigan ko ang kaaway mo, Niña. Natural, kasali ako," wika ni Leon. "Hindi mo ba talaga matanggap na mas matalino si Traeh kaysa sayo, ha? Tanggapin mo na lang, 'te. Nagawa mo na lahat ng klase ng cheating, eh, pero hindi ka pa rin naging top one!"

"Leon, tama na," sabi ko sa kanya.

Hindi siya tumingin sa akin. Si Amaya naman ay nanunuyang tiningnan si Niña at Alie.

"Wala kang karapatan na sabihin sa akin iyan, Go! Hindi mo alam ang kahit na isang bagay tungkol sa buhay ko!" sigaw ni Niña sa kanya.

"Pwes, wala ka ring karapatan na saktan si Traeh o si Amaya. Hindi ikaw ang nagpapakain sa kanila, kaya anong karapatan mo? Ang lakas naman ng loob mo," saad ni Leon.

Nilingon niya ang ibang kaklase namin. "Tawagin niyo si Ma'am. Sabihin niyo may nag-away rito sa classroom. Bilis!"

Agad namang nagsikilusan sina Tupaz at Marquez. Tumakbo agad sila palabas para tawagin si Ma'am.

Ngumisi si Amaya. "Mukhang magkakaalaman na kung sino talaga ang totoong nag-k-kodigs ngayon, Niña. Hindi mo kasi ginagamit ang utak mo, eh."

"Tama na," saad ko.

"Tsk. Feeling anghel ka rin, 'no, Traeh?" saad ni Niña sa akin. Nanunuya ang klase ng tingin niya.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ako nag-f-feeling anghel rito, Niña. Baka nakakalimutan mong apat kami at dalawa lang kayo? Pustahan, hindi kakampi sayo ang mga kaklase natin dahil sa ugali mo. Violence is not the solution to any problem," wika ko. "Tsaka, ayaw kitang pag-aksayahan ng oras, Niña. Hindi sayo umiikot ang mundo ko."

"Ortiz, Lee? Anong kaguluhan ito?" Biglang dumating si Ma'am Francisco.

Agad kaming napatingin sa kanya. Si Alie ay tahimik na lang sa tabi ni Niña.

"Iyang si Niña ang nagsimula, Ma'am! Pinagbibintangan niya si Traeh na nag-k-kodigs gayung siya naman ang palaging may gawa niyan!" wika ni Amaya sabay turo sa dalawa.

"Hindi po iyan totoo, Ma'am. Huwag kang maniwala diyan sa babaeng iyan. Alam niyo naman kung anong klaseng estudyante iyang si Perez," wika naman ni Niña.

Agad uminit ang ulo ko. Anong ibig niyang sabihin doon? Na pariwara si Amaya?

"Tama na ang pagsisinungaling, Niña. Hindi mo iyan kinabuti," wika ko.

Tumingin ako kay Ma'am Francisco. "Pwede po bang sa opisina niyo po tayo mag-usap? Kung ipapatawag niyo po ang parents ko, ayos lang po. Basta ba, ipatawag niyo rin po ang parents ni Niña."

Tumango si Ma'am Francisco. "Sige. Go to my office."

Mabilis na naglakad sina Leon at Amaya pasunod kay Ma'am. Pati na rin ako, nasa tabi ko pa rin si Hussef at hindi nagsasalita. Ramdam ko pa rin ang masamang tingin ni Niña sa akin.

Nang makarating kami sa opisina ni Ma'am ay naupo kaming lahat sa sofa. Sa tabi ko ay si Amaya, pinagigitnaan kami nina Leon at Hussef. Si Ma'am ay nasa single sofa sa harap namin, at sa kabilang sofa ay sina Alie at Niña.

Bumuntong-hininga si Ma'am. "Hindi na bago sa akin ang mga away-away ninyong apat. Pero hindi ko inaakalang aabot kayo sa pisikalan."

"Hindi po kami ang nagsimula. Sina Niña po, Ma'am," saad ni Amaya.

"Manahimik ka, Perez. Parang ang linis-linis mo," asik ni Niña.

"Manahimik ka rin, Niña. Mas marumi ka kung tutuusin," sagot pabalik ni Amaya sa kanya.

Bumuntong-hininga ako saka tumingin kay Ma'am. "Anong punishment po ang ibibigay niyo sa amin, Ma'am?"

Bumuntong-hininga rin siya. "Ipapatawag ko ang parents ninyong apat. At nang mapag-usapan ng maayos itong behavior niyo rito sa school. Hindi ito maganda. This might also affect your future."

"Bakit parents naming lahat ang papupuntahin, Ma'am? Iyong may kasalanan lang dapat," saad ni Niña.

Ma'am Francisco sighed and looked at her. "Alam ko lahat ng pinanggagawa mo, Lee. Alam kong madalas kang mag-cheat sa classroom tuwing may quizzes pero pinalagpas ko. Pati ang pam-bu-bully mo sa ibang mga classmates mo ay pinalagpas ko dahil akala ko magbabago ka. Pero mukhang nagkamali ako. I will call your mother and your father, Lee. And I will make sure you will be disciplined properly. After this, I will bring you and your friend to the disciplinary office. I will let them decide what to do with you."

Kita ko ang pagbabago sa itsura ni Niña at Alie. Pansin ko ang kaba at takot sa itsura nila.

"Ma'am, huwag mong ipatawag sina Mommy at Daddy! Pagagalitan nila ako—"

"And that's why you shouldn't have done any of this in the first place," wika ni Ma'am. "My decision is final." Tumingin siya sa amin. "Ortiz, Perez, dalhin niyo rin ang parents niyo rito. Bukas na bukas. For now, the two of you may go back to class. While you, Lee and Duazo, you stay here until your parents will arrive."

...

Like my Facebook page: Thorned_heartu

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro