
Chapter 02
Do you know that feeling wherein you are always needed, but you have no one to turn to when you are the one in need?
"Ate, patulong nga ako sa PowerPoint presentation ko," sabi ni Trake, ang nakababata kong kapatid.
He is two years younger than me. I am on grade 12 now and he is on grade 10. Marami na rin silang reporting gaya namin kaya napapadalas ang paghingi niya ng tulong sa akin.
As an older sister, I feel obligated to help even though nahihirapan na rin ako. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtulong sa kapatid ko dahil may sarili rin akong iniisip.
Pero hindi ako nagreklamo. Siguro dahil nga mas nakatatanda ako at dapat intindihin at gabayan ko si Trake.
Nakasilip ang ulo niya sa pinto ng kwarto ko. Hawak niya ang doorknob at bitbit niya ang laptop niya.
Napatingin ako saglit sa pinag-aaralan ko para sa quiz namin bukas. Hindi pa ako tapos pero malapit na kaya siguro ayos lang kung unahin ko muna ang sa kanya.
Nilingon ko siya ulit. "Kailan ba kayo magre-reporting?" tanong ko sa kanya.
"Bukas," sagot niya.
Bumuntong-hininga ako saka tumango. "Oh sige, akin na."
Nilagyan ko na lang ng bookmark ang notebook ko para alam ko mamaya kung saan ako babalik.
Agad siyang pumasok sa kwarto ko saka binigay sa akin ang laptop niya.
"Kunin ko lang ang aklat ko, 'te. Naiwan ko sa kwarto," sabi niya.
Tumango ako. "Sige."
Mabilis siyang lumabas ng kwarto ko. Napatingin ako sa laptop niya saka napabuntong-hininga.
I tried saying 'no' to him last time. Sabi ko hindi ko na kaya kung pati activity niya gagawin ko rin gayung may sarili rin akong activities. Kaso nagalit si Mama sa akin, eh. Kaya simula noon hindi na ako umulit.
Muling bumukas ang pinto ng kwarto ko saka pumasok si Trake na may bitbit nang aklat.
"Alegorya ng Yungib po ang gagawan ko ng PPT, 'te," sabi niya. "Dapat may animation raw."
Tumango ako sa tinanggap ang aklat. "Okay. Huwag kang aalis, e-ga-guide lang kita sa kung ano dapat ang gagawin mo. Hindi ako ang gagawa nito lahat."
Tumango siya. "Opo."
Kaya kahit pa pagod at puno na ang utak ko, naglaan pa rin ako ng oras na e-guide siya sa PPT niya.
Ayoko rin kasi na maranasan ni Trake ang mga nararanasan ko. Iyong pakiramdam na kailangan ko ng tulong, pero walang tutulong sa akin kasi iniisip nila na kaya ko.
I guess that is one of the hardest part of being an academic achiever. People think you know everything and that you are smart enough to do all tasks yourself. Once you make a mistake, they will question your intelligence, and they will define you with it.
Kinabukasan, matapos kong magbihis ng uniform at matapos kong patuyuin ang buhok kong hanggang balikat lang, ay agad kong sinukbit ang bag ko saka patakbong pumunta sa baba. Dumeretso ako sa kusina.
Nakaupo na si Trake, si Papa, tsaka si Mama sa hapag. Ako na lang ang wala pa.
Agad akong naupo. "Sorry, natagalan po ako."
"Kumain ka na baka mahuli pa kayo sa klase," sabi ni Mama sa akin.
Tumango na lang ako saka kumain. Habang kumakain ay biglang nagtanong si Mama.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya saka tipid na ngumiti. "Okay lang po, Ma."
"Iyong grades mo? Kumusta?" tanong niya.
"Okay lang po. Gaya pa rin ng dati," sagot ko.
Tumango siya. "Mabuti kung ganoon. Galingan mo pa lalo para mas ma-improve pa ang grades mo. Tsaka make sure na no boyfriends muna, Traeh, ha? No suitors as much as possible. Magiging distractions lang ang mga iyan sayo. Tsaka huwag kang magbabarkada. Baka madala ka sa mga out of town trips nila pati na mga bisyo. Masisira ang pag-aaral mo."
Paulit-ulit niyang paalala iyan sa akin. Araw-araw. Lagi.
Minsan nakakarindi na, eh. Sa kakaulit niya niyan parang memorized ko na lahat ng sinasabi niya.
Nakakapagod rin. Madalas kasi tinatanong ako kung kumusta ang grades ko, kumusta ang pag-aaral ko, pero nakakalimutan nilang itanong kung kumusta ba ako? Parang... nakalimutan yata nila na bata lang din ako.
"Opo Ma," sagot ko na lang saka tipid na ngumiti.
"Good." Bumaling siya kay Trake. "At ikaw Trake, huwag kang magpapawis masyado sa school. Sa tuwing umuuwi ka palagi na lang madumi ang polo mo. Naku! Mabibigwasan kita mamaya kapag uuwi kang marumi na naman ang damit!"
"Opo, Ma," wika ni Trake. "Tsaka may laro kasi kami madalas sa field kaya nadudumihan ang polo ko."
"Dapat tinuturuan mo kasi itong si Trake maglaba, Merill," sabi ni Papa kay Mama. "Para siya na ang maglalaba sa sarili niyang mga damit."
Ngumuso si Trake. "May washing machine naman tayo, Pa. Ang dali lang niyan. Kahit turuan mo pa ako agad ngayon, Ma! Memorize ko iyan agad!"
"Ay sus! Tapos kapag sabado bigla kang umaalis!" saad ni Mama sa kanya. "Sa Sabado, hindi ka pwedeng umalis, ah? Maglalaba ka ng mga damit mo."
"Okay, go! Ako pa!" Pagmamayabang ni Trake.
Minsan, naiinggit ako kay Trake kahit hindi naman dapat. Naiinggit ako kasi bakit ako lang ang palaging may academic pressure dahil sa parents ko? Pero kapag si Trake, ayos lang kahit wala.
Hindi ko maintindihan kung bakit nasa akin lahat ang expectations nila. Wala kay Trake.
"At ikaw, Traeh, siguraduhin mong marunong ka rin sa gawaing bahay. Kasi kapag nag-asawa ka na, ikaw ang madalas maiiwan sa bahay, kailangan mong alagaan ang mga anak mo. Anong ipapakain mo sa mga bata kung hindi ka marunong?" wika ni Papa sa akin.
Gusto kong bumuntong-hininga pero pinigilan ko kasi nasa harap kami ng hapag.
"Matututunan ko naman po siguro iyan kapag nag-college na ako, Pa," sabi ko. "Tsaka, kung sakaling mag-aasawa man po ako, ayoko po na sa bahay lang ako. Kahit pa ako ang babae, maghahanap rin ako ng pera. Ayokong iyong role ko sa bahay ay asawa lang. Higit pa roon ang gusto ko at ang kaya kong gawin, Pa. Kaya kong maghanap ng pera. Hindi ako magpapaiwan sa bahay."
The older generation should understand that this rising generation aren't the same as theirs. We are built different. Hindi kami magiging asawa lang. Higit pa kami roon.
"Kapag nangyari iyon, Traeh, anak, hindi mo mababantayan at maalagaan ng maayos ang mga anak mo kung sakali," sabi ni Papa.
Ngumiti ako saka umiling. "Hindi ako naniniwala, Pa. May kakilala akong teacher sa school namin, kakapanganak niya pa lang, hindi siya nag-hire ng yaya para sa baby niya, dinadala niya iyong baby niya sa school. Marami naman po kasing paraan, Pa, eh. Nasa diskarte po iyan."
"Oo nga po, Pa! Si Ma'am Abby! Kakapanganak niya lang pero dinadala na niya iyong baby niya sa school. Pinapatulog niya bago siya pumapasok sa classroom," dagdag naman ni Trake sa sinabi ko.
Tumango ako. "Tama."
"Oh, siya, siya. Pinagtutulungan niyo na ako, eh. Kumain na kayo at nang hindi kayo ma-late sa klase," sabi ni Papa na naiiling na lang sa amin.
Kaya nang matapos kami kumain ay agad na kaming bumiyaheng apat. Si Mama ay ihahatid rin kasi ni Papa sa hospital dahil isa siyang nurse. At si Papa naman ay isang neurologist.
Pagdating namin sa parking lot ng school, agad na binuksan ng kapatid ko ang pinto ng kotse.
"Bye, Ma, Pa! Alis na po ako," sabi niya sabay halik sa pisngi nina Papa at Mama na nasa harap.
"Sige, ingat ka," wika ni Mama.
Tumango na siya saka lumabas ng kotse.
"Alis na rin po ako, Ma, Pa," sabi ko sanay halik sa pisngi nina Mama at Papa.
"Ingat ka," wika ni Mama.
"Opo," sabi ko.
Akmang lalabas na ako sa pinto ng kotse nang may green na big bike na tumigil sa harap mismo ng pinto. At alam ko na agad kung sino ang may-ari.
Napatingin ako sa kanya. Nakasuot siya ng uniform at as usual, nakabukas ang lahat ng butones ng polo niya kaya kitang-kita ang v-neck shirt niya sa loob.
Tinanggal niya ang green niyang helmet saka ginulo ang buhok niya sabay lingon sa akin na hindi pa nakakalabas ng pinto.
Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad akong nag-iwas ng tingin.
Bumaba agad ako ng kotse saka sinara ang pinto. Hindi ko siya tiningnan ulit at nang akmang papasok na ako sa school, bigla niya akong tinawag.
"Traeh! Sabay tayo!" sabi niya.
Bumuntong-hininga ako saka nilingon siya. Nakababa na siya sa motor niya tapos ay patakbong lumapit sa akin habang bitbit ang helmet niya. Tapos nang makalapit ay agad siyang umakbay sa akin.
Napasinghap ako sa gulat at nahampas palayo ang braso niya. Agad na hinanap ng mga mata ko ang kotse namin pero buti na lang at wala na, nakaalis na.
"Bakit parang takot na takot ka?" tanong niya sa akin.
Inis ko siyang tiningnan. "Paano kung nakita ka ng Mama at Papa ko?" saad ko.
Lumingon siya sa likod namin tapos tumingin sa akin. "Wala naman diyan ang Papa at Mama mo, ah."
"Kahit pa, Lorcan—"
"Hussef—"
"—paano kung nakita ka nila? Lagot ako!"
"Hussef nga." Ulit niya.
Inis ko siyang tinitigan. Pero hindi man lang siya nasindak sa klase ng tingin ko sa kanya.
Nakangisi siya sa akin na para bang tuwang-tuwa siyang makitang inis na inis sa kanya.
"Tapos ka na, Traeh? Kalmado ka na? Pwede na tayong pumasok?" tanong niya sa akin habang nasa bewang niya ang helmet niya.
Napabuga ako ng hangin saka napairap na lang sa inis. Gusto ko siyang murahin dahil parang chill lang siya samantalang ako kinakabahan.
Hindi na lang ako nagsalita saka naglakad ng mabilis papasok ng gate entrance. Pero pinigilan niya ang braso ko kaya napatigil ako at napalingon sa kanya.
"Bakit ba, Hussef?!" asik ko.
Tumaas ang kilay niya sa mangha. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha niya.
Naiinis ako sa magulo niyang buhok at sa may slit niyang kilay.
"Ang lambot ng boses mo magalit," aniya na manghang-mangha sa akin.
Inis kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Iiwan ko na sana siya nang biglang hilahin ang bag ko.
Napabitawan ko ang backpack ko saka napalingon sa kanya. "Ano bang sa tingin mo ay ginagawa mo, Hussef?" Gigil kong bulong sa kanya.
Ngumisi siya saka sinuot ang bag ko paharap sa kanya sabay haplos sa bag ko. "Dinadala ang bag mo para tumangkad ka ng kaunti. Tara na, huwag ka nang ma-stress diyan. Tara."
Saka nauna nang maglakad kaysa sa akin papasok. Iniwan akong naiinis at nalilito sa kanya.
Walang nagawang sumunod na lang ako sa kanya. Ang dami niyang kakilala habang naglalakad siya sa hallway. Kaya sa likod na lang niya ako naglalakad dahil ayokong mapansin pa ako ng mga kakilala niya.
"Kaninong bag iyang dala mo, Lorcan? Aba! Ngayon lang kita nakitang may bitbit na dalawang bag, ah!" saad ng isang lalaking kasama niya sa varsity.
Tumawa si Lorcan. "Ah, kay Traeh. Mabigat kasi kaya dinala ko," sabay turo sa akin.
Napakurap ako. Kita ko ang paglipat ng tingin nila sa akin.
Shit. Bwesit talaga itong lalaking ito kahit kailan.
"Uyy! Maypa-ganon na pala kayo, ah," tukso ng mga kasama no'ng lalaki.
Gusto ko na lang lamunin ng lupa. Sa dami ng lalaki, ito pa talagang si Lorcan.
Tumawa lang siya. "Shh... huwag niyong asarin baka umiyak," sabi niya.
Sumama agad ang tingin ko sa likod niya. Kung nakakatusok lang ang paningin, kanina pa butas iyang likod niya.
Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Nang makarating sa classroom ay agad akong naupo sa upuan ko.
Sumunod naman agad si Lorcan sa akin. Syempre, tinawag agad siya ng mga feeling varsity niyang friends sabay kantyaw.
"Uy! Bakit may dala kang ibang bag, Sef? Kailan ka pa naging matino?" tanong ni Tupaz sa kanya habang tumatawa.
Tumawa naman ang magaling na lalaki. "Hindi akin ito. Kay Traeh."
Agad namang napatingin sa akin ang mga kaklase ko saka natahimik. Pati si Leon na kakaupo lang ay nakatingin rin sa akin.
Napakurap ako.
Si Lorcan naman ay parang walang paking lumapit sa akin. Nilapag niya sa hita ko ang bag ko na agad ko namang tahimik na tinanggap.
"Bigat ng bag mo," sabi niya pa habang tumatawa.
Walang pakialam kung siya na lang ang nagsasalita sa loob ng classroom.
Hindi na lang ako tumingin sa mga kaklase ako. Alam kong may panunukso na sa mga mata nila.
"Oh, tahimik niyo?" rinig kong tanong ni Lorcan sa mga kaibigan niya.
Sinuot ko na lang ang earphones ko para hindi ko sila marinig tapos ay muling nag-study para sa long quiz namin ngayon.
Ma-s-stress lang ako kung iisipin ko sila.
Nang dumating na ang teacher namin, agad na kaming nag-quiz. Matapos ang quiz ay agad na kaming nag-check ng papers tapos ay pinasa na ang papers namin.
Agad na binasa ng teacher namin ang scores.
"Alright, the only person who got the perfect score is Ortiz," saad ni Ma'am.
Agad na nagpalakpakan ang mga kaklase ko. May pa sigaw-sigaw pa ang Leon at may pa-sipol-sipol pa ang mga feeling varsities.
"Wow! Talino mo talaga, Traeh! Mamigay ka naman ng utak!" rinig kong tawa ni Marquez.
"Shh... quiet!" wika ni Ma'am kaya agad naman silang natahimik. "Everyone of you have the chance to get a perfect score as well pero dahil hindi naman kayo nag-aaral tuwing gabi kaya hindi kayo nakaka-perfect score," saad niya. "You should be like Ortiz."
"Hindi namin afford ang utak ni Ortiz, Ma'am!" sabi ni Leon sabay tawa.
"Oo, kasi puros kayo kalokohan," wika ni Ma'am na naiiling.
"Hindi iyon kalokohan, Ma'am. Ine-enjoy lang namin ang life. Experience ba experience," saad ni Leon at nagsihagalpakan naman silang lahat.
Napailing na lang ako.
"Shh... tama na. Next person is..." Sinabi naman ni Ma'am kung sino ang pumangalawa sa quiz.
Nang umalis si Ma'am ay agad na naupo si Leon sa upuang nasa harap ko. Paharap siyang nakaupo sa upuan saka may ngisi sa mukha.
Inis ko siyang tiningnan. "Ano?" tanong ko.
"Nakita ko iyon kanina," sabi niya.
"Syempre may mata ka, eh," sabi ko.
Humagikhik siya. "Bakit bitbit ni Hussef ang bag mo?"
Ngumiti ako ng peke sa kanya. "Bakit malisyoso ka?"
Ngumisi siya lalo imbes na mainis. "Bakit hindi mo ako masagot?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Siya tanungin mo."
"Ay sus! Baka bigla niyan kayo na pala, ah? Tapos wala kaming kaalam-alam!" saad niya.
"Tarantado ka ba?" tanong ko na lang sa kanya.
"See? Hindi ka makasagot! Siguro kayo na, 'no?" Ngisi niya.
"Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa?" Biglang sumulpot si Amaya.
Humila rin ng upuan si Amaya saka paharap na naupo. Bumaling siya sa aming dalawa ni Leon.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya ulit.
"Tanong mo sa kaibigan mo. May tinatago sayo iyan," saad ni Leon.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang maniwala diyan kay Leon, tarantado iyan," sabi ko.
Sinamaan naman agad ng tingin ni Amaya si Leon. Inis niyang hinampas ang braso ni Leon.
"Huwag ka ngang tarantado, Leon! Shh!" saad ni Amaya.
"Aray! Isa ka na lang, Amaya. Masakit iyang kamay mo, puputulin ko iyan," sabi ni Leon na masama rin ang tingin kay Amaya.
"Shh..." Pinigilan ko sila. "Huwag kayong maingay. Sa labas kayo magbangayan."
"Pero bakit nga magkasama kayo ni Hussef kanina?" tanong ulit ni Leon.
Umirap ako sa kanya. "OA mo. Mabigat kasi nga ang bag ko kaya niya dinala. May puso iyong tao, eh."
"Weh? O baka nag-exchange hearts na kayong dalawa?" Ngisi ni Leon.
Bumuntong-hininga ako. "Umalis ka nga. Bwesit ka."
"Anyways! Iyong score ko nga pala sa long quiz kanina 40/80. Galing, 'no? Talagang nakatungtong lang." Hagikhik ni Amaya.
Natawa na rin ako sa sinabi niya. "At least may 40! Kesa sa wala!"
"Tama ka diyan, 'te! Real na real!" Tawa ni Amaya sabay high-five namin. Nilingon niya si Leon. "Ikaw? Ilan iyong score mo?"
"Ako? Hindi ka ba nakinig kanina?" tanong ni Leon.
"Oo, hindi ako nakinig. Lagi naman. Kaya sabihin mo na lang kung ilan ang score mo," sabi ni Amaya.
"Maliit lang," saad ni Leon.
"Ilan nga?" tanong ni Amaya.
"75," sagot ni Leon.
Agad na napamaang si Amaya. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Leon.
"Hala! Ang talino mo talagang gago ka!" May gigil niyang sabi sabay kurot sa tenga ni Leon.
"Aray ko! Ang tenga ko, Maya!" Napapikit naman si Leon habang hawak ang kamay ni Amaya.
Natatawa na lang ako habang pinapanood sila. Wala talaga silang pahinga sa pag-aaway. Lagi talaga.
"Paano mo ba ginagawa iyan? Sabihin mo sa akin technique mo," saad ni Amaya.
Hinahaplos ang tenga niyang ngumiwi si Leon. "Mag-aral."
"Kaya nga, bigyan mo ako ng technique para mag-aral rin ako!" saad ni Amaya.
"Ewan ko, kailangan, eh," saad ni Leon.
Napapailing na lang ako habang tumatawang pinapanood sila.
"Si Traeh ang tanungin mo dahil lagi niyang perfect ang mga long quizzes," sabi ni Leon sabay turo sa akin.
"Oo nga!" Nilingon ako ni Amaya. "Ikaw naman, Traeh, anong motivation mo?"
Ngumuso ako. Motivation ko?
Nagkibit-balikat ako. "Wala akong choice, eh."
"Grabe naman! Ang inspiring niyong dalawa!" Singhap ni Amaya.
"Leon, ayaw mo sumama?" Biglang sumulpot si Castro.
Nilingon siya ni Leon. Sa likod niya ang buong feeling varsities. Para talaga silang gangster na literal.
"Saan na naman kayo mag-e-eskandalo?" tanong ni Amaya sa kanila.
Tumawa sila. "Ang sama mo sa akin, Perez, ah? Gusto mo sumama ka na rin para may leader kami," saad ni Tupaz.
Umirap si Amaya. "Pass." Nilingon niya si Leon. "Sumama ka na sa kanila tutal magkasing-dungis naman kayong lahat."
Tinaasan ni Leon ng kilay si Amaya saka nanggigigil na kinurot ang pisngi. "Ikaw, ang OA mo talagang bruha ka. Hindi mo kinaganda iyan."
Inis na hinampas ni Amaya ang braso ni Leon. "Bitawan mo ako! Ang baho ng kamay mo!"
Natatawang tumayo na lang si Leon sa upuan saka tumingin sa grupo niya.
"Tara na. Saan ba tayo?" aniya.
"Sa gym tayo. Laro tayo, may nanghahamon sa amin, eh," sabi ni Castro.
Napairap si Amaya. "Ang OA, ah? Mga feeling varsity talaga."
Muling kinurot ni Leon ang pisngi ni Amaya. Tapos ay naglakad na siya paalis. Sumunod naman ang mga kaibigan niya sa pagkurot, kaya napapasinghap na lang si Amaya.
"Aray ko! Bwesit kayo!" Singhal ni Amaya sa kanila.
Natatawang pinanood ko na lang si Amaya. Pero nawala ang ngiti ko nang may kumurot rin sa pisngi ko.
Napatingin ako rito sa gulat.
Si Lorcan na naman.
May ngising pinasok niya sa magkabilang bulsa ang mga kamay niya saka naglakad pasunod sa mga kaibigan niya.
Nang tumingin ako kay Amaya, nakataas ang kilay niya sa akin.
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa hindi malamang dahilan. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.
Shit ka, Hussef Carter Lorcan.
...
Another one!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro