
Chapter 01
The beauty of teenage love lies in its impermanence. The passing nature of young love makes it more precious and impossible to forget. It is temporary but it is like an ink tattooed on the skin—indelible.
Hindi ba ang funny isipin na ang mga temporaryong bagay ang pinakamagandang bagay na nangyayari sa buhay? Madalas iyon ang nagbibigay buhay sa madilim na araw.
Iyong tipong nakaupo ka lang sa loob ng karenderya upang kumain habang pinapanood mo ang malakas na ulan sa labas, tapos noong papalabas ka na ay may naglahad sayo ng payong para hindi ka mabasa. Ang mga ganoong bagay, iyon ang mga hindi malimot-limutan.
Iyong naglalakad ka sa hallway tas may nakabangga sayo tapos sabay kayong pumulot sa aklat na nahulog. Tapos nagkatinginan kayo. Tapos nag-slow motion ang lahat.
Oh, diba, ang OA?
Sa tinagal-tagal kong nag-aaral wala pa rin akong nakabanggaan sa hallway tapos nakatinginan kami pagkahulog ng aklat ko.
Mga walang sense of romance yata ang mga lalaki rito sa LSHS, eh.
O kaya iyong simpleng pagkuha ng stolen photo sa atin ng mga feeling photographer sa kalsada tas e-po-post tayong nakanganga. Iyong mga ganoong bagay. Mga simple pero hindi makalimutan.
"Oh, Hussef, serve ka!"
"Tangina, kanina pa ako serve nang serve dito."
"Uugod-ugod ka kasi! Ayusin mo ang kilos mo, anyare sayo?"
"Loser kasi! Loser!"
"Manahimik ka! Makikita niyo!"
Hay. Ang ingay! Hindi ba sila makapaglaro ng tahimik? Bibig ba ginagamit sa paglalaro ng volleyball?
Kasalukuyang naglalakad ako sa field. Bitbit ko sa dibdib ang laptop ko at sa kabilang kamay ay cup ng kapeng mainit-init pa.
I could hear the laughter of the other students around the field. Sa laki ba naman ng field at sa dami ng students, talagang kada-lingon mo, tao. Sobrang ingay!
Hindi na ba talaga ito pwedeng bawasan? Kahit random sampling lang ang pagbawas?
"Ang bobo naman, Sef! Parehas bang kaliwa iyang mata mo?" Rinig kong hagalpak ni Leon.
"Sorry, ah? Iyong hangin kasi!" Rinig ko namang sagot ni Larcon.
Bumuntong-hininga ako saka akmang aakyat na ako sa hagdan nang bigla kong narinig ang sigawan nina Leon.
"Hala, gago!"
"Tarantado ka, Sef!"
Tapos ay napasinghap ako nang may tumamang bola sa braso ko dahilan para mabuhos sa dibdib ko ang kape.
Napanganga ako sa gulat. Buti at mabilis kong nailayo ang laptop.
"Aray, shit!" bulong ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa dibdib ko pababa sa tiyan. Naramdaman ko ang init ng kape na dumadaloy sa katawan ko. Amoy na amoy ko pa ito.
Piste! Pisteng bola iyan! Bakit ba diyan sila naglalaro sa taenang field na iyan, may gym naman?!
"Ortiz, ayos ka lang?" tanong sa akin ng mga lalaki doon.
Hindi, tangina mo!
"Sorry, Traeh. Hindi sinasadya!" rinig kong sabi ni Leon.
Hindi, hindi ko kayo patatawarin!
"Ortiz, galit ka ba?" tanong ni Tupaz.
Hindi ba halata?!
Sumagap ako ng maraming hangin sa katawan. Tapos ay dahan-dahan akong tumingin sa kanila. Sobrang init na ng ulo ko.
Tapos ay ngumiti ako ng matamis. "Okay lang ako."
Piste, hindi ako okay! Ang init ng kape!
Nakatingin silang anim sa akin. Si Leon, si Lorcan, si Tupaz, si Gomez, si Marquez, at si Castro. Ang mga varsity sa classroom namin. Mga feeling varsity pala.
Lahat sila matatangkad. Pero sa kanilang lahat, si Lorcan ang pinakamatangkad. Siya rin ang pansin kong pinakaangat ang istura kaysa sa iba. Malakas iyong karisma niya, bad boy na ang datingan, iyong tipong kapag naglalakad siya sa gitna ng maraming tao, mapapatingin ka talaga.
Pero ang alam ko lang, palagi silang nambe-bwesit sa amin. Sila ang mga bwesit sa classroom. Silang lahat.
Patakbong lumapit sa akin si Leon. Si Leon ang pinakamalapit kong kaibigan maliban kay Amaya.
Agad siyang tumingin sa uniform kong basang-basa ng kape. "Hala! Sorry, Traeh!" Nilingon niya si Lorcan na nasa field pa rin at nakatingin sa amin. "Hoy, gago! Tingnan mo ang uniform ni Traeh, basang-basa sa kape! Halika rito, gago!"
Nanlalaki ang mga matang tinuro naman ni Lorcan ang sarili niya. "Ako? Ba't ako?"
"Anong ba't ikaw? Ikaw ang nag-spike ng bola! Halika rito!" sabi ni Leon sa kanya.
Agad naman siyang natatawang tumakbo palapit sa amin. Nakabukas ang mga butones ng uniform polo na suot niya. Pero may suot naman siyang puting t-shirt sa ilalim.
Tapos nang makalapit ay agad tumingin sa akin.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Hindi naman kasi kami close ni Lorcan. Ewan ko kung bakit ayaw ko sa vibes niya. Siguro ay dahil sikat siya sa school.
Ayoko sa sikat.
Tinuro ni Leon ang uniform ko. "Tingnan mo ang uniform niya, tarantado ka. Anong gagawin mo diyan?" tanong ni Leon sabay kuha sa laptop ko.
Tumutulo pa ang kape sa damit ko. At ramdam ko pa ang init ng kape.
May ngising napakamot siya sa buhok niya. Iyong kaliwang kilay niya ay may slit na mas kinadagdag ng karisma niya.
Hinawakan niya ang uniform ko gamit ang dalawang daliri niya. Tapos ay sinilip niya ang mukha ko.
"Galit ka ba sa akin, Traeh?" tanong niya.
Hindi lang galit, Lorcan! Poot rin!
Pero ngumiti pa rin ako saka umiling. "Hindi naman iyon sinasadya. Ayos lang ako. Akin na ang laptop ko, Leon. Magbibihis na lang ako."
"Bilhan na lang kita ng bagong kape, Traeh. Anong flavor gusto mo?" tanong niya sa akin.
Aba, tarantado. Ipainom ko pati cup sayo, eh.
"Hindi na. Ayos lang ako," sabi ko saka kinuha kay Leon ang laptop ko.
"Dapat magalit ka sa kanya, Traeh. Kung maka-spike kasi akala mo nasa Haikyuu siya!" saad ni Leon saka pabirong inambahan ng hampas si Lorcan.
Humagalpak ng tawa si Lorcan. "Hindi naman sinasadyang matamaan siya ng bola, eh! Kaya nga bibilhan ko na lang siya ng kape—"
Hinampas siya ni Leon sa braso. "Bagong uniform ang bilhin mo, gago! Uniform!"
"Oh sige, uniform. Anong size mo, Traeh? Small o extra small?" tanong niya sa akin habang natatawa.
Napakurap ako. "Medium."
Ngumisi siya sa akin. Kaya ayoko sa kanya, eh. Maloko siya palagi kung ngumisi. Naiinis ako.
Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. "Sure ka, medium ka? XXSL ka nga yata, eh."
Nakitawa na rin sa kanya ang magaling na si Leon. Nag-high five pa silang dalawa. Tuwang-tuwa.
Napairap ako. Bumuntong-hininga ako saka tinalikuran na lang sila.
Akmang aakyat na ako sa hagdan patungo sa locker sa hallway nang pigilan nila ang braso ko.
"Joke lang, joke lang, Traeh. Sige, medium. Bibilhan kita," wika ni Lorcan habang natatawa.
Blangko ko siyang tiningnan. "No need. I told you I'm fine. Magbibihis na lang ako."
"Ayan! Ayan! Nagalit na tuloy si Traeh, Sef! Ikaw kasi, gago ka!" sisi ni Leon sa kanya.
"Sorry, Traeh. Hindi na mauulit," wika ni Lorcan.
Tumango na lang ako. "Okay. Sige na, magbibihis na ako."
Hinila ko ang braso ko kaya binitawan nila ako.
"Sure ka? May extrang t-shirt ako doon sa locker, baka gusto mong hiramin," sabi ni Leon sa akin.
Umiling ako. "Hindi na. May dala akong PE uniform sa locker ko. Iyon na lang ang isusuot ko."
Tumalikod na ako. Narinig ko namang nagsalita ulit si Lorcan.
"Sorry, Traeh!" ulit niya.
Umirap na lang ako saka pumunta sa locker ko. I pushed the code and opened the locker.
Nilagay ko muna sa loob ang laptop ko tapos kinuha ang PE uniform ko. Agad akong naglakad patungo sa female's CR at pinunasan ng wipes ang dibdib at tiyan kong nabasa ng kape. Pati na ang leeg ko. Saka ako nagbihis.
Nang matapos ako ay lumapit ako sa sink at tumingin sa salamin. Napabuntong-hininga ako saka inayos ang buhok ko.
Biglang pumasok si Amaya sa pinto. Hinihingal siya saka mabilis na napatingin sa akin.
"Are you okay? I heard what happened. Gago talaga iyang grupo nina Leon, eh!" asik niya saka lumapit sa akin.
Sinuri niya ang damit ko. "Buti may dala kang PE. Naku kung wala, malalagot sa akin iyan si Hussef!"
"Ang sarap nga bigwasan ng lalaking iyon, eh! Kung pwede lang tanggalin ko iyong dalawang kilay niya, eh!" Inis kong sabi habang inaayos ang buhok ko para mag-ponytail.
"Edi sana ginawa mo! Bulag ba siya? Tsaka bakit ba kasi sila doon naglalaro sa field?! Isusumbong ko iyang mga iyan sa principal," sabi niya.
"Hayaan mo na. Piste talaga sila pero hayaan mo na. Aksidente lang din naman iyon," sabi ko saka bumuntong-hininga. "Tara na sa classroom."
Tumingin siya sa uniform ko na basa sa kape. "Wala kang cellophane diyan?"
Umiling ako saka ngumuso. "Wala. Sa locker ko na lang siguro ito ilalagay."
"May cellophane yatang binibenta ang canteen. Bili na lang tayo doon," sabi niya.
"Okay sige. Tapos ilagay ko na lang after sa locker ko," sabi ko.
"Okay," aniya.
Agad kaming naglakad palabas ng CR.
"Ay, Traeh, alam mo ba? Kanina habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Hilary! 'Te, ngumiti siya sa akin, 'te!" Impit siyang tumili saka napapatalon pa tapos ay tinutulak ako.
"Aray ko! Hindi sayo nakangiti iyon. Feeling mo lang iyon," sabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin saka hinampas ang braso ko. "Panira ka talaga. Hindi ko feeling lang iyon! I swear, I saw him look at me tapos he smiled at me! 'Te, nagagandahan sa akin iyon, feel ko!" Sabay ipit ng kulot niyang buhok sa likod ng tenga niya.
Natatawang napailing ako. "Ewan ko sayo. Lahat na lang ng gwapo rito sa LSHS feeling mo nginingitian ka."
Hinampas niya ang braso ko. "Hoy! Ang sakit mo magsalita, ah! Pero nakikita ko naman talaga silang nakangiti sa akin, Traeh. Hindi ako nagsisinungaling."
Napahimas ako sa braso ko. "Hindi ka nga nagsisinungaling pero guni-guni mo lang naman lahat. Kumusta na iyang utak mo, 'te?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ay, ewan ko sayo. Basta ako, feeling ko crush niya ako kasi tumingin siya sa akin."
Napakamot ako sa leeg ko. "Lahat naman ng tumitingin sayo feeling mo crush ka, eh. Tumingin lang sayo, crush ka na agad? Baka iyong nasa likod mo iyong tinitingnan."
Inirapan niya ako saka humalukipkip. "Ang supportive mo talagang eabab ka! Ramdam na ramdam ko iyong support mo."
Tumawa ako. "Alam ko. Ganyan kita kamahal."
"Ew! Hindi ako pumapatol sa babae, 'te! Pass sayo!" aniya.
Tumawa ako saka hinampas ang braso niya. "Ayaw rin kitang patulan, tanga!"
"Wewewew!"
Napalingon kami agad nang may tangang biglang umakbay sa aming dalawa.
"Buti nakapagbihis ka na, Traeh," wika ni Leon sa akin.
Umirap ako saka humalukipkip. "Oo. Thank you sa inyo ng mga feeling varsity mong friends, ah?" sarkastiko kong sabi.
Tumawa siya saka pinisil ang pisngi ko. Inis namang inalis ni Amaya ang braso ni Leon na nakaakbay sa kanya.
"Lumayo ka nga, Go! Ang init-init, dikit nang dikit!" asik ni Amaya sa kanya.
Tinaasan siya ng kilay ni Leon. "Ang arte mo naman, Amaya. Araw-araw ka na lang gigil sa akin. Inaano ka ba?"
Mahina akong natawa saka inalis rin ang braso niya sa balikat ko. "Totoo naman. Lumayo ka, inis pa ako sa kalokohan niyo."
Wala siyang nagawa saka naglakad na lang sa gitna namin ni Amaya. Patungo na kami sa canteen para bumili ng cellophane.
"Oo nga! Bakit ka ba nandito, ha, Go? Bumalik ka doon. Maglaro ka ng volleyball, tutal feeling varsity ka naman. Pagpatuloy niyo iyong laro niyong mga OA," sabi ni Amaya sabay irap kay Leon.
Mahina akong natawa habang nakikinig sa kanila. Palagi kaming magkasamang tatlo at palagi ko rin silang naririnig magbangayan. Walang tigil.
Tumingin si Leon sa kanya. "Ang OA mo talaga, Amaya. Hindi naman sinasadya iyon. Bakit galit na galit ka? Hindi naman galit si Traeh, ah—"
"Anong hindi? Dinibdib ko iyong nangyari!" asik ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin. May munting ngisi sa mukha niya. "Dinibdib? Bakit may dibdib ka ba?"
Napasinghap ako saka mabilis na sinuntok ang braso niya. Pero wala lang naman sa kanya iyon dahil maliit naman ang kamao ko.
"Piste ka talaga!" asik ko habang natatawa.
"Ayoko talaga sa mga lalaking dibdib lang ang hanap sa babae!" Parinig naman ni Amaya.
Lumingon siya kay Amaya. "At nagsalita na naman ang bubuyog."
"Ikaw mukhang lamok!" singhal ni Amaya sa kanya.
Humagalpak ako ng tawa. Pati si Leon ay tumatawa na rin.
"Aba, aba! Hindi ko kakalimutan iyang sinabi mo, Amaya. Baka ten years from now, biglang magkagusto ka sa akin, ipapakain ko iyang words mo!" saad ni Leon.
"Ew, ha! Ang feeling mo! Hindi ka makakapasok sa standards ko, Leon! Kupal ka!" sagot naman ni Amaya sabay irap.
"Wow, ha! Hindi mo ba alam na nasa dugo namin ang mga gwapo, ha, Amaya?" ani Leon.
"Nasa dugo nga lang wala sa mukha," sabi ni Amaya.
Humagalpak ako ng tawa. Napatakip ako sa bibig ko habang kantyaw na tinitingnan si Leon.
Masama na ang tingin ni Leon kay Amaya. Tapos at hinila niya ako tinulak sa gitna para mapagitnaan nila ako.
"Diyan ka, Traeh. Baka mainis ako at isako ko iyang kaibigan mo," sabi niya na masama ang tingin kay Amaya.
Ngumisi si Amaya sa kanya saka dumila. "Pikon! Leonardino pikon!"
"Puta—huwag mo akong tawagin niyan, Amaya. Makikita mo," banta niya kay Amaya.
Ngumisi lalo si Amaya. "Okay po, Leonardino Go."
"Tsk. Ang dungis mo!" asik ni Leon sa kaniya.
Matapos naming bumili ng cellophane ay nilagay ko agad ang uniform ko doon. Tapos ay bumalik kami sa locker at pinasok doon ang uniform ko. Saka kami bumalik sa classroom.
Nang makarating kami sa classroom ay naabutan namin ang mga baliw sa loob. Nagbabatuhan ng papel sina Lorcan, Tupaz, at Marquez. Iyong mga babaeng iba ay nag-tsi-tsismisan. Ang iba ay make-up ang inaatupag. At ang iba ay pinapanood lang ang kabaliwan nina Lorcan.
"Wow! Ang saya niyo, ah!" ani Leon saka patakbong pumulot ng papel na nasa sahig tapos binato kay Lorcan.
"Hala! Hala! Nakikisali!" kantyaw ni Marquez.
Binato pabalik ni Lorcan si Leon. "Sino ka ba? Bakit ka ba nakikisali, ha?"
Patuloy niyang binabato si Leon. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang dumi na naman ng classroom.
Naglakad na lang ako patungo sa chair ko. Si Amaya naman ay inis na sinigawan ang mga lalaki.
"Bwesit kayo! Ang dumi ng classroom!" sigaw niya.
"Ang ingay mo, Perez!" saad ni Tupaz sabay bato ng papel kay Amaya.
Sinamaan niya ng tingin si Tupaz. "Bwesit kang singkit ka!" Inis siyang pumulot ng papel saka binato si Tupaz.
Natatawa na lang ako habang pinapanood sila. Naiiling na tumalikod na lang ako saka kumuha ng notebook sa bag ko at coloring pens para mag-notes sa genetics namin.
I took my earphones from my bag and wore it. Tapos ay nag-play ako ng music.
I hummed as I listened to Taylor Swift's Everything has changed.
Nasa kalagitnaan na ako sa pagsusulat ng notes nang may tumama sa batok ko. Agad akong napatigil saka napalingon.
Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Lorcan na may kinakabahang ngiti at nakatingin sa akin. Ang dalawang braso ay nasa ere na para bang nagsho-shoot ng bola sa basketball. Wala na siyang suot na polo, t-shirt na lang.
Samantalang ang mga kaklase ko ay may ngising sinisisi si Lorcan.
Tinanggal ko ang earphone sa kanan kong tenga.
"Hala ka!" ani Gomez.
"Lagot ka! Ang dami mo nang kasalanan kay Ortiz," asar ni Marquez sa kanya.
"Sorry, Traeh," may kinakabahang ngisi na sabi niya sa akin sabay lapat ng dalawang palad niya sa harap ng dibdib niya.
Lord, nakikita mo iyang lalaking iyan? Kunin mo na.
I sighed. "Tumigil na kayo sa pagbabatuhan. Itapon niyo iyang mga kalat niyo. Malapit na ang klase," sabi ko saka muling sinuot ang earphone ko.
Bumalik akong muli sa pagsusulat ng notes.
Matapos ang klase ay nilagay ko sa ilalim ng desk ko ang notebook ko. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. I am going to the canteen to eat.
"Canteen ka?" tanong ni Amaya sa akin.
Kagat-kagat niya ang dulo ng ballpen habang nakasuot ng earphones.
Tumango ako. "Oo. Sama ka?"
Agad siyang tumayo. "Tara!"
Umakbay siya sa akin. Agad kaming lumabas ng classroom.
"Parang feeling ko pinag-t-tripan ka ni Hussef, 'te," biglang sabi niya.
"Ha?" tanong ko sa kanya.
"Si Lorcan. Feeling ko pinag-t-tripan ka," ulit niya.
"Alam ko. Narinig ko. Pero bakit naman niya ako pag-t-tripan? Hindi kami close," sabi ko.
"Hindi nga kayo close pero lagi ikaw ang tinatamaan ng mga binabato niya. Isipin mo, that time no'ng may art class tayo, tapos nagbabatuhan sila ng papel na may puno ng paint ni Leon, tapos sa dami ng tao, ikaw ang tinamaan no'n?" Paalala niya.
Napaisip ako. Inalala ko iyon.
Tama naman si Amaya. Sobrang inis ako sa kanya no'n dahil iyong paint na ginamit nila doon sa papel ay hindi natatanggal. Kaya iyong puti kong t-shirt, hindi na magamit ulit.
"Aksidente lang iyon. Bibigyan mo na naman ng malisya," kibit-balikat ko.
"Anong aksidente? Remember that time during foundation day? Iyong binombahan tayo ng tubig?" aniya.
"Oo, bakit?" tanong ko.
"Bakit sa dami ng tao no'n, bakit ikaw ang tinamaan ng payong na bitbit niya?" tanong niya.
Inalala ko iyon. I also remembered that. Nasa field kami no'n, may tatlong firetruck sa field para sa waterbomb. Nagtatalon kami ni Amaya sa gitna habang nakikinig sa malakas na music nang biglang tinamaan ako ng isang yellow na payong. Tapos ay nag-sorry si Lorcan sa akin at pinahiram ang payong niya.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya ako pinapahiram ng payong, eh, waterbomb nga iyon, eh! Magpapakabasa ako.
"Diba? Isipin mong mabuti, 'te! Isipin mo!" ani Amaya habang gigil na hinawakan ang balikat ko na parang ginigising ako.
Inis akong bumuntong-hininga. "Tumigil ka nga, Amaya. Bitawan mo ako. Kung ano ang iniisip mo. Baka nakakalimutan mong ngayon ko lang naging kaklase iyang si Lorcan. Kaya hindi namin kilala ang isa't isa."
Sadyang sikat lang iyan siya kaya kilala ng lahat. Ayoko talaga sa taong kilala ng lahat.
"Aba, malay mo, 'te!" aniya.
Umiling ako. "Shh. Shh. Ang ingay. Ang baho ng hangin."
Inis niyang hinampas ang braso ko. "Bwesit ka talaga!"
Sakto namang nakapasok na kami sa canteen. Agad akong pumunta sa counter para bumili.
"Ay wait, 'te, naiihi ako. CR muna ako!" Paalam niya sa akin saka tumakbo palabas ng canteen.
"Pabili po ng pansit, ate— aray."
"Gago ka, Lennan!"
Inis akong lumingon. "Ikaw na naman, Lorcan?"
"Wala dito ang Tatay ko," sabi niya na may ngisi sa akin.
Nakakainis talaga ng kilay niyang may slit. Sarap kalbuhin.
"Pinagsasabi mo?" Kunot-noong tanong ko.
"Tinatawag mo ang tatay ko, eh. Wala rito," sabi niya sabay linga-lingaw sa paligid.
"Bakit? Ano bang apelyido mo? Para kang tanga," sabi ko sabay irap.
"Bakit apelyido ko ang itatawag mo sa akin kung may pangalan naman ako?" tanong niya.
Saglit ko siyang tinitigan saka inis na inirapan. Tumalikod na lang ulit ako saka humarap kay Ate.
"Ito na ang pansit mo, hija. Ano pang bibilhin mo?" tanong niya.
"Iyan lang po, Ate—"
"May binebenta po ba kayong pasensya diyan, Ate? Bibili po siya," sabad ni Lorcan sa likod ko.
Kumulo agad ang dugo ko. Bakit ba niya ako iniinis? Mukhang pinag-t-tripan pala talaga niya ako.
Tumawa si Ate. "Suyuin mo na lang, Sef."
Tumawa si Lorcan sa likod ko. Nagtawanan rin ang dalawang ugok sa likod niya.
"Susuyuin na iyan," rinig kong kantyaw ni Gomez.
"Sef, ah? Bakit may suyuan nang nagaganap diyan?" rinig kong tanong ni Marquez.
"Ito na po bayad ko," sabi ko kay Ate at hindi na lang sila pinansin.
"Salamat," sabi ni Ate.
Tipid akong ngumiti saka agad na tumalikod kay ate kaya nakaharap naman ako kay Lorcan. I stepped on the right side but he stepped on the right side as well kaya hindi ako makaalis. I stepped on the left side but he also stepped on the left.
Inis ko siyang tiningnan.
"Sorry," mahaba niyang sabi.
Sarap talaga kalbuhin ng kilay niya.
Naglalakad na ako palabas ng canteen nang biglang sumulpot na parang kabuti si Amaya.
"Tapos ka na?" Bumaba ang tingin niya sa kinakain kong pansit. "Iyan lang ang snack mo?"
Tumango ako. "Oo. Bumili ka na doon, hintayin na lang kita rito."
"Okay! Antayin mo ako!" sabi niya sabay jog patungo sa counter.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtagpo bigla ang mga mata namin ni Lorcan. Kakalingon niya lang rin kasi sa direction ko.
Bakit ba siya tingin nang tingin rito? Baka gusto niyang bulagin ko rin siya?
Nakatayo lang ako sa entrance ng canteen. Hinihintay si Amaya.
Habang naghihintay ay dumaan na naman ang tatlong ugok sa harap ko. Si Gomez ay sumisipsip ng zest-o, si Marquez ay kumakain ng turon, at si Lorcan ay ngumunguya ng rebisco.
Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil pansin ko ang pagtingin nila sa gawi ko habang naglalakad patungo sa akin. May malokong ngisi sa mukha.
Pero kahit anong iwas ko hindi talaga papaawat ang tatlo. Natatawang tinawag ako ni Marquez.
"Ortiz, tanungin mo raw si Hussef kung bakit rebisco ang binili niya?" Natatawang tanong sa akin nito.
Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa kanila. "Bakit?"
Humagikhik si Hussef saka nilunok ang kinain niya. "Kasi may pasobra dahil special ka."
Agad na naghagalpakan silang tatlo. Napairap ako. "Umalis na nga kayo. Wala na talaga kayong matinong magawa sa buhay, eh."
"Sorry naman. Bakit mag-isa ka lang rito?" tanong sa akin ni Lorcan.
"Bawal?" tanong ko sa kanya.
Bakit ba kasi siya tanong nang tanong?
Ngumisi siya. "Ang suplada. Hindi mo kinatangkad iyan."
Inirapan ko siya. "Umalis ka na. Tantanan mo ako."
"Sorry," mahaba niyang sabi saka tumatawang umalis sila ng mga alipores niya.
Masama ang tingin na sinundan ko sila ng mga mata ko. Kaya sila sikat, eh. Ang galing kasi nilang mang-inis. Maliban pa doon, kahit saan sila ilagay, sobrang ingay nila.
Wala na silang ginawang tama.
"Oh, ang sama ng mukha mo?" tanong sa akin ni Amaya nang makalapit siya.
Agad kaming naglakad paalis ng canteen.
"Wala. Nakukulitan lang ako kina Marquez," sagot ko.
"Kina Lorcan ba kamo? Hussef Lorcan?" Ulit niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sila nga. Bakit parang... may malisya iyang mga mata mo, 'te?"
Ngumisi siya. "Ay sus! Sabi ko kasi sayo ikaw iyong pinag-t-tripan ni Hussef. Ayaw mo maniwala sa akin, eh."
"Psh! Bahala ka. Ikaw lang naman ang may sabi niyan," sabi ko na lang.
Nang mag-uwian na, kinuha ko mula sa locker ko ang uniform kong nabasa ng kape kanina. Si Amaya ay hindi pa raw uuwi dahil may gagawin pa siyang activity na kailangang e-comply kaya nauna na ako.
Pagod at walang lakas na naglakad na ako sa hallway, palabas ng building patungo sa garage ng school.
Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng paglalakad nang marinig ko ang boses ni Leon na tinatawag ako.
"Traeh! Antay!" aniya.
Nilingon ko siya. Akala ko ay mag-isa lang siya. May kasama pala siyang alien sa tabi niya.
Naka-jersey uniform silang dalawa. Mukhang galing training. Kasi real na real talaga iyong part na feeling varsity sila.
Patakbo silang lumapit sa akin. Sa mga balikat nila ay may nakasukbit na bag. Si Lorcan ay may bitbit na shoe bag.
"Ba't ikaw lang mag-isa? Nasaan iyong bruha mong kaibigan?" tanong sa akin ni Leon.
Mahina akong natawa. "Sumbong nga kita sa kanya."
Agad siyang tumawa saka umakbay sa akin. "Huwag, huwag! Baka kagatin na naman ako no'n. Last time pa naman no'ng galit siya sa akin, kinagat niya ako sa braso. Ayon, sakit!"
Tumawa na rin ang katabi niya. "Nagkakagatan pala kayo, 'tol?"
"Gago, literal na kagat iyon, 'tol," sabi ni Leon.
Biglang siyang tumigil. "Shit! Naiwan ko sa gym ang shoe bag ko. Teka, balikan ko lang."
Agad siyang tumalikod saka tumakbo pabalik. Napakurap ako habang pinapanood siyang lumalayo.
Tapos? Iiwan niya akong mag-isa rito sa kaibigan niyang kupal?
Biglang sumipol si Lorcan. "Tara na. Mamaya pa iyon, malayo ang gym," aniya.
Bumaling ako sa kanya. Hindi ako nagsalita saka naglakad ng mabilis. Ayoko siyang makasamang maglakad, naiinis ako.
Pero dahil sobrang tangkad niya at ang hahaba ng binti niya, nasasabayan niya pa rin ang lakad ko.
"Nandiyan na ba ang sundo mo, Traeh? Ba't nagmamadali ka yata?" tanong niya habang naglalakad sa tabi ko.
"Oo," maiksi kong sagot.
"Ah, okay." Tumahimik siya. Tapos biglang nagsalita. "Mabigat ba iyang bag mo?" tanong niya bigla.
Sinulyapan ko siya ng masama. "Hindi."
"Ah, okay." Tumahimik ulit siya. "Dalhin ko na."
Bigla niyang kinuha sa akin ang bag ko. Napasinghap ako sa gulat dahil hindi ko man lang naihanda ang sarili ko. Hindi ko nahigpitan ang hawak sa bag ko.
"Ang bigat pala nito," sabi niya sabay suot ng bag ko sa dibdib niya. "Ano bang laman nito?"
Hindi ko na lang inisip na naiinis ako sa kanya at hinayaan siya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Wala," sagot ko.
"Dapat ang mga maliliit na babaeng kagaya mo hindi nagdadala ng ganito kabigat na bag. Paano ka tatangkad niyan?" tanong niya.
Paki mo?
"Pwede ka bang tumahimik saglit, Lorcan?" saad ko sa kanya.
"Hussef," aniya.
Umirap ako. "Ang OA. Pangalan mo pa rin naman iyon."
"Kahit pa, marami kaming Lorcan pero iisa lang si Hussef. Kaya Hussef," sabi niya.
Inirapan ko siya ulit. "Oh, siya, siya, tumahimik ka na. Ang baho na ng hangin."
"Aba! Suplada. Buti na lang rebisco ako!" aniya sabay tawa.
"Pinagsasabi mo?" tanong ko habang magkasalubong ang kilay.
"Rebisco. May pasobra dahil special ka," aniya sabay hagalpak ng tawa.
Inis kong hinila ang bag ko sa kanya. Agad naman siyang napabitaw rito. Sinuot ko agad ito sa likod ko.
"Huwag kang susunod sa akin, ah. Wala ka na talagang nagawang tama," saad ko saka mabilis na naglakad paalis.
Iniwan ko siyang nagtataka at gulat na nakatingin sa akin.
Bahala siya. Tarantado.
...
Traeh (Trey)
Hussef (Yusef)
meet HuTraeh ya'll, i miss this couple
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro