Kabanata 6
Magkaharap ngayon si Sofie at Francis sa sala ng bahay ng binata. Hindi na siya mapakali dahil napaka-rare ng pulubing kagaya ni Sofie. Malakas talaga ang kutob niyang hindi lang basta ito pulubi. Napapaisip tuloy siya ng malalim habang tinititigan ang dalagang lamon ng lamon ng tinapay sa tapat niya.
"Hindi kaya nawawala ito? Or meron kayang pamilyang naghahanap sa kanya?"
Tanong niya sa sarili....
_________________________________
FLASHBACK!
Mga 6:00 pm na nang pauwi palang galing sa opisina sina Francis at Sofie. Dahil kumain pa sila sa labas at nagrocery ng pagkain ng dalaga. Sinigurado ng binata na hindi sila makakakuha ng pagkaing makakasama sa dalaga.
Inihatid muna ng binata ang dalaga sa bakery, pero dahil umuulan nagpasya itong ihatid sa pinagtutuluyan niya. Ngunit nakita niyang wala itong bubong at hindi naman kaya ng konsensya niyang iwan nalang basta dito ang dalaga. Tumingin ito sa dalagang natutuwa naman sa bawat pagbuhos ng ulan.
"Hmmm ..ahm, Sofie.. Gusto mo bang tumira muna sa bahay namin?"
Nag-aalangang tanong nito. Kasi hindi siya sigurado sa pagpapatira dito dahil wala namang tao sa bahay nila bukod kay Paw. Dahil nga nasa ibang bansa ang mga magulang at ang kapatid niya. Pero gusto niyang subukan kahit papano. Balak din kasi niya itong turuan ng mga basic skills upang mabuhay at hindi nalang laging umaasa sa iba. Sumagot naman ang dalaga.
"Sure !! "
-----end
Kaya ayan sila ngayon sa sala ng bahay nila Francis.
"Sofie, can we talk? "
Tumingin ito sa kanya at bumalik din sa pagkain. Napasabunot tuloy si Francis sa buhok niya.
"This is kinda hard.. " anito sa sarili.
Mukha kasing mahihirapan siya sa pagtuturo dito. Kasi nakafocus lang siya sa pagkain. Kaya hinayaan nalang muna niya ito sa paglamon.
Pero another side of him ay natatawa kasi kain ito ng kain pero hindi naman siya tumataba. Natanong din niya sa sarili kung gaano kaya kalaki ang bituka nito kasi kahit madami siyang kinakain ay mukhang flat parin naman ang tiyan nito.
At naramdaman nanaman niya ang malatambol na pagtibok ng puso niya. Agad din niya itong ikinalma nang tinitigan siya ng dalaga. Nakakaloka ang mga ngiting umusli sa bibig nito. At sabay sabing,
"Francis.... Bukas gusto ko ng fried chicken.."
Nahulog naman ang balikat ng binata. Kasi all this time pagkain parin ang nasa isip ng dalaga. Kala pa naman niya kung ano na sasabihin nito dahil sa nakakalokang ngiti nito.
"Sige ibibigay ko bukas..."
Na may lihim na pinaplano sa isipan nito.
"tara, sa taas. Ipapakita ko sayo yong magiging kwarto mo."
Anito saka naglakad na paakyat ng hagdan, sumunod naman ang dalaga habang hipu-hipo ang tiyan niya. Nakarating sila sa third floor. Pumunta sila sa isang kwartong walang ibang laman kundi ang mga kabinet at kama lang. May sariling cr na din ito.
Bigla tuloy may naalala si Francis nang pumasok sila dito.
Sa third floor kasi ng bahay nila ang kwarto nilang magkakapatid. May tatlong kwarto doon. Ang kwarto niya ay sa may malapit sa hagdan, sa kaliwa, katabi ng kwarto niya ay kay Francine at sa dulo malapit sa may terrace ay kay Francheska.
Naisip niya si Francheska, ang kambal ng little sister niyang si Francine. Kambal nga sila pero nung maipanganak sila hindi pantay ang developement growth nila. Normal lang naman kay Francine pero si Francheska ay mas mabagal ang development nito. Parang ngang napunta lahat kay Francine ang dapat sana ay hati sila. Malambot lang ang katawan ng kapatid niyang iyon, na para bang walang buto. Hindi nila inaakalang noong anim na taon na ito ay saka ito bumigay.
Naalala niya ito dahil ang may-ari kasi ng kwartong pinasukan nila ay si Francheska.
Pero agad din siyang bumalik sa kamalayan niya. Nang maalala niya na may nakalimutan pala siya. Ang bilhan ng damit ang dalaga. Sinabihan niya ang dalaga na hintayin siya nito doon dahil may kukunin lang siya sa kwarto niya.
Nagkalkal ito sa damitan niya ng pwede muna niyang ipasuot sa dalaga. Kumuha siya ng medyo manipis na kulay black na damit at ng pajama niya. Buti nalang pala at set yong binili niyang underweas. Kaya may magagamit pa ang dalaga. Bumalik na siya doon at nadatnan naman niya ang dalaga na nakaupo na sa kama. Iniabot nito sa kanya ang damit maging ang paper bag na naglalaman ng binili niyang underwears.
"Sofie, suot mo muna to.. Doon ang cr hugas ka nalang don. Pagkatapos ay magpahinga ka na. ."
"Salamat Francis. "
Anang dalaga at lumabas na si Francis. Dumireso ito sa kanyang kama at nahiga na ito. Doon palang niya naramdaman ang matinding pagod niya sa trabaho. Dagdag pa ang bagong responsibilidad sa dalagang pinatira niya sa bahay nila. At Hindi pa niya nasasabi ito sa mga magulang niya.
"Bahala na.. " anito sa sarili.
_____________________________________
Kinabukasan naman ay maagang gumising at nagluto ng request ng dalaga si Francis. Ang fried chicken nito.
Pero hindi lang yon ang inihanda niya, maging ang nilihim niyang plano kagabi.
Nang maya-maya'y napansin niya ang dalagang palabas ng bahay nila. Kumunot-noo ito.
"Saan naman kaya pupunta ang babaeng iyon? "
Sabi niya sa sarili. Kaya sinundan niya ito nang mapansin niyang palabas na ito ng gate nila. Kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na tawagin ito.
"Sofie! "
Sigaw nito pero parang walang narinig ang dalaga.
"Sofie!!!! "
Mas nilakasan niya ito. At bigla namang napatigil ang dalaga sa paglalakad. Tumingin sa likod, sa gawi niya. Lumaki ang mata at maya-maya din ay ngumiting pilit sabay kamot sa ulo at mukhang may inaalala ito.
"Ay, oo nga pala. " anito.
Saka dali itong bumalik sa kinaroroonan ni Francis.
"Saan ka pupunta? "
Tanong agad ng binata ng makarating ang dalaga sa tapat niya. Nagkamot naman ng ulo ang dalaga, habang hawak-hawak ang garteran ng pajama niya.
"Sorry, kala ko kasi nasa bahay pa ako. "
Ang tinutukoy nito ay ang abandonadong bahay.
Sabay ngiting-batang tugon sa binata. Bigla namang nagkaroon ng kakaibang naramdaman sa dibdib niya ang binata dahil sa ngiting iyon ng dalaga. Kaya medyo napayuko ito, nang pamansing hawak hawak ng dalaga ang garteran ng pajama nito. Sa tingin niya ay upang hindi ito mahulog.
Kahit hindi naman nagreklamo ang dalaga ay nakaramdam parin siya ng hiya. Payat lang kasi ang dalaga pero hindi naman ito butot balat na. Agad naman siyang umakyat sa kwarto niya at kumuha ng mas masikip ang garter sa mga shorts niya. Nang makahanap siya ay agad din itong bumaba at ibinigay sa dalaga ang short.
"Oh, palit ka ng pang-ibaba mo. Doon ang cr sa tabi ng kitchen. "
Sabay turo sa pintuan na malapit sa kusina.
Nang makapalit na ang dalaga ay pumunta na siya sa kusina at nadatnan naman niya doon ang binatang naghahada ng pagkain nila. Natakam naman siya nung makita ang fried chicken na nakaahin sa lamesa. Kukuha sana siya ng isa, nang biglang tapikin ng binata ang kamay niya. At kanya itong ikinagulat.
"Ops.. Kung gusto mong kumain, you need to follow my rules"
Seryoso ang itsura nito ng sabihin iyon. Napaismid nalang ang dalaga. Wala na itong nagawa kundi ang tumango nalang sa binata bilang pagsasang-ayon dito. Kahit naglalaway na siya kasabay ng di maitagong lunok niya habang pinagmamasadan ang mga pagkain sa mesa.
_________________
Happy reading <3
God loves you!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro