Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 40

Sa first challenge ang team ni Seb ang nakakuha ng 1000 points,  ang team ni Francis ang nakakuha ng 500 points at dahil nahuli ang team nila Kassi sila ang nakakuha ng 300 points.

After nilang maglunch ay dumiretso naman sila sa lecture. Story telling based sa story sa Bible. Si Regine ang nagturo at si Cristof naman ang nagpacraft. Habang busy ang mga counselor na nag-iisip ng idea ng papraktisin mamaya ng mga bata sa rehearsal time nila para sa activity mamayang gabi. Mayroon kasing cheering competition.

***

Bandang alas siyete na ng gabi nang dumating ang mga bata sa event hall. May kanya-kanya pang costume ang mga bata.

Si Kassi ay parang natataranta pa at panay ang bilin sa mga bata. Habang sila Francis naman ay nag-aayos lang ng costume nila. Nakaupo lang naman at nakabusangot si Seb. Nakaupo lang din naman ang mga bata sa team niya. Nag-uusap lang naman ang mga ito.

Hanggang sa sinimulan na si Abby ang activity ng gabing iyon. May kaunting presentation pa silang tatlo nila Cristof at Regine maging ang mga staff. At maya-maya ay binigyan na ng limang minuto ang bawat kalahok upang maghanda para sa cheering nila.

Nagbunutan narin ang mga counselor.

Mauuna ang team nila Kassi,  next sina Francis at last na magpeperform ay sila Seb.

Ang magjajudge naman sa kanila ay si James at ang kanyang asawa na si Janet pumunta kasi sila doon ngayon,  at si Abby yong isang judge.

Si Cristof naman at si Regine ang host sa competition.

Ang bawat grupo ay magpeperform ng tig sasampong minutong cheering.

Pumagitna na sina Kassi. Napuno lang ng tawa ang mga nanonood. Ang dami kasing pakulo ng grupo nila Kassi. Halos nakakatawa lahat.

Noong sina Francis naman ay puro 'woah!' 'astig' ang sigaw ng mga nanonood maging ng mga judges.

Sumunod naman ay sina Seb. Hanep din ang pinakita nila. Halos hindi na kumurap ang mga mata ng mga nanonood. Samantalang umiling-iling lang naman ang asawa ni James na si Janet.

Lahat ay excited na malaman kung anong resulta ng competition. Nagpresent muna sina James at Janet. Kumanta sila, actually maganda talaga ang harmony ng boses ng mag-asawang ito.

Then after non ay tumayo na si Abby para i-anounce ang nanalo.

"Ang unang grupo na matatawag ay ang 2nd runner up, at ang matitira ay ang 1st runner up at ang champion. Sino ang nararamdaman niyong 2nd runner up!! "

Sigaw ni Abby at itinutok pa ang mikropono sa audience.

Kanya-kanya namang sigaw ang mga bata.

Napuno ng sigaw at tili ang event hall.

"The 2nd runner up for tonight's competition is....... No other than.. ...the Joy Team! "

Lumakas ang sigawan ng mga kanya-kanyang grupo lalo na sa Growth at Faith. Nakuyom naman si Seb ang kamay at inirapan ang dalagang nag-aanounce.

"Okay lang po iyon counselor, marami pa naman pong games eh at tayo naman ang nanalo kanina. "

Sabi ni Henry sa kanya ang leader ng grupo nang mapansin siya nitong naiinis sa resulta ng competition.

Hindi naman sumagot ang binata.

"Ngayon ang grupong babangitin ko ay ang 1st runner up. Handa na ba kayo! "

Sigaw naman ni Abby ulit sa audience.

May sumisigaw ng Growth, at may sumisigaw din naman ng Faith.

"Okay! Our first runner up is no other than....... The Faith team! "

Sigawan ulit ang mga bata. Habang si Seb naman ay nakatingin na kay Francis at nakakuyom ang kamay.

Nakipag apir naman si Francis sa mga bata.

"And the winner is no other than the Growth team!! "

Final na anunsyo ni Abby. Tumatalon pa ang mga bata sa tuwa. Napatugtog si Cristof at nagsayawan ang mga bata sa gitna. Hinila-hila pa nila ang mga counselor nila. Nakisayaw naman ang ibang Staff.

"Hi Janet, buti at sumama ka kay James ngayon. "

Bati ni Francis sa asawa ni James.

"Namiss ko din kasi ito. "

Agad naman na sagot nito.

"Ah bro, mauna na kami. Alam mo na, tatlo na kami ngayon. Bawal mapuyat si misis, kawawa si baby. "

Anito at hinimas pa ang tiyan ng asawa.

"Oh sige, ingat kayo. "

Paalam naman ni Francis.

"Sige. "

Ani naman ni Janet bago sila umalis doon ni James. Napangiti naman si Francis habang hinahatid sila ng tingin.

"Masaya siguro magkaroon ng anak. "

Mahinang sabi ni Francis sa sarili at nilingon si Kassi sa hindi kalayuan na nakikipaglaro at sayaw sa mga bata.

Ilang sandali pa ay sinarhan na nila ng panalangin ang activity nila ngayong gabi bago pumunta ang mga bata sa kaniya-kaniya nilang cottage para magpahinga na.

Naiwan naman ang mga Staff at maging sina Abby, Cristof at Regine sa event hall. Kasama na din ang mga counselor. Magkakaroon muna kasi sila ng evaluation sa first day ng event. Pag-uusapan nila kong may naging problema at kung ano pa ang pwedeng iimprove.

Noong matapos sila ay nagsialisan na din sila. Except kay Abby na organizer ng event. Kailangan pa niya kasing reviewhin ang mga activity kinabukasan para maihanda.

Agad din naman itong natapos at sumunod na din sa kanila para magpahinga na.

"Kya--"

Napigil ang sigaw niya dahil natakpan na ng kamay ang bunganga nito. May bigla kasing humila sa kanya at dinala sa madilim na bahagi ng resort.

"S-sino k-ka? "

Anito nang alisin nito ang kamay na nakatakip sa bibig niya.

Bigla nalang itong humarap sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Bakit kami natalo! ? Dinaya mo ba kami! ?"

Mas nagulat si Abby nang makitang si Seb pala ito at galit na galit.

"S-sir? "

"Alam kong maganda yong performance namin! Kaya huwag mo akong lukohin! Sinabi ba niya! Yong boss mo! "

"S-sir ano po bang pinagsasabi niyo? Wala naman pong sinasabi si sir Francis. Tsaka maganda din naman po sa kanila ah. "

Humigpit ang pagkakahawak nito.

"Then tell me!  Bakit kami natalo! "

"Aray ko po sir.. Masakit po. "

Nag-iba naman ng expresaion ng mukha si Seb nang malamang napahigpit pala ang pagkakahawak nito sa braso ng dalaga.

"A-ah... "

Hindi tuloy niya malaman kung anong sasabihin. Binitawan na niya ito. Hinawakan lang naman ni Abby ang braso nito.

"G-ganito po kasi yon sir k-kaya hindi kayo nanalo. Actually, maganda naman po yong performance ng grupo niyo pero kasi puro worldly song po kasi ang ginamit niyo. "

"W-what? Kailangan pa ba yon!?"

"Kailangan po eh. "

"Okay! "

Anito at naglakad na ito palayo. Pero bigla din itong tumigil at bumalik sa kinaroroonan ni Abby.

"M-may sasabihin pa po ba kayo sir? "

Naalarma ulit bigla si Abby kasi baka hilain at sigawan ulit siya ni Seb.

"A-ah S-sorry! "

At nagmadali na itong tumalikod at naglakad palayo. Dahil it felt awkward sa kanya ang magsorry. Di bale sana kung si Kassi ito.

Ngumiti naman si Abby.

"Okay lang po sir!  Pinapatawad na kita! "

Sigaw naman ni Abby sa binatang malayo na sa kanya.

Bigla ulit tumigil si Seb at lumingon sa likod niya. Abby was smiling to him. Mas lalo tuloy siyang nainis at nagpatuloy nalang ulit sa paglalakad palayo dito.

****

Naks! Abby ha..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro