Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 39

Magkakaroon ng event ang God's Love Foundation. Yearly nila itong ginagawa sa kompanya. It was what they called 'Kids Camp' it's like a festival made for kids. Kung saan magrogroupings sila, may competition ang bawat groups at may counselor and leader din dapat ang bawat grupo.

Francis thought it was a good idea to invite Kassi as one of the counselor, siguro si James na ang isa sa counselor at siya din yong isa. Kasi si Abby naman na ang organizer at kasama na nito si Cristof and Regine. With the other staff.

"Yes! I love to! "

Agad naman na sagot sa kanya ni Kassi. Parang kanina lang ay naalangan siyang tanungin kasi di ba nga kahit iisa silang tao ni Sofie ay ang dami nilang differences. Baka ayaw nitong pumayag.

"Ano yon? "

Nagulat sila noong may magsalita sa likuran nila. Nasa opisina kasi sila ng dalaga. Gusto kasi niyang personal na imbitahin ito sa event.

"Ah Seb! Kids camp sa foundation nila Francis. I was invited na maging counselor ng mga bata. Three days camp. .--Saan na ulit ang venue? "

"Sa Fuerto Resort. "

Tipid na sagot naman ni Francis. Umupo naman sa tapat niya si Seb. At mukhang seryoso ito na nakatingin sa kanya.

" Can I join also? "

Nagulat at naalangang sumagot si Francis kasi una ay pinaghihinalaan niya talaga si Seb. Lalo na noong may narinig siyang usapan nila ng dad niya doon sa parking lot.

"Pwede ba Pat--- I mean Mr. Hunk? "

Tanong naman ni Kassi.

"W-why not. "

Sagot nalang nito. Mas maganda narin siguro iyon para makilala niya din si Seb. Baka kasi judge na siya ng judge eh baka may pinagdadaanan pala ito at baka mabait din pala ito.

"It will be fun! "

Sigaw naman agad ni Kassi.

Ibinigay na ni Francis ang mga schedules at programs at sinabi din niya na 8:00 AM ang time travel nila sa Fuerto Resort dahil 9:00 AM ang simula ng Event. Three days sila doon. Kaya sinabi din niya ang mga dadalhin ng mga ito. Dahil bukas na rin ito magsisimula.

***

Kinabukasan ay maagang hinanda nila Abby ang mga dadalhin sa camp. Si Regine ay naghanda din ng first aid kit, syempre safety first din ang event. May isinama silang mga staff din para may kasama ang mga ito na titingin sa mga bata. Mga 51 lang naman ang mga bata na kasama nila. Mga bago lang ang iba at yong iba ay hindi pa nahahanapan ng mag-aampon.

Sumakay ang mga ito ng nirentahang bus going to Fuerto Resort. At 30 minutes lang naman ang byahe.

Dinala nalang ni Francis ang sasakyan nito in case of emergency.

Napag-usapan din nilang magkikita-kita nalang sila nila Kassi at Seb sa Resort. Magsasabay daw kasi yong dalawa. Pinaiwan nalang niya si James sa kompanya para may mag-aasikaso sa mga kailangang asikasuhin doon habang wala sila at sa victory night nalang ito pupunta.

Very thankful naman siya kasi maaasahan talaga yong kaibigan niya na iyon.

****

Pagkarating nila sa Fuerto Resort ay agad din nilang inihatid ang mga bata sa kanilang cottages . Ang mga boys ay dalawang cottages ang naoccupy nila. Si Cristof ang sasama sa kanila at may iba pang staff with him. Tatlong cottages naman sa mga girls, si Regine at Abby naman ang sasama sa kanila. With the other staff din. Siya ay mag-isa sa cottage, ganon din si Kassi and Seb.

Nagkaroon muna ng welcome speech si Francis para magsimula na ang event. Natipon sila sa isang event hall sa resort. After ng speech niya ay nagtake over na si Abby. They were groups into three. Si Francis, Seb at Kassi ang counselor ng bawat grupo. Francis is Growth Team, si Kassi ang Faith Team at si Seb ang Joy Team.

Napili narin ang leader sa mga bata which is sa Growth ay si Jacky, sa Faith ay si Simon, at sa Joy ay si Henry.

Ipinaliwanag na rin ni Abby ang lahat ng rules ang regulations ng camp. Hindi lingid na sobrang excited ng mga bata.

"Now, in our first game you will earn 1000 points if you will win, second place is 500 points and last is 300 points . Then all the games left you will earn 500, 300 and 150 points. So, to get ahead to the other groups , you need to win the first challenge. "

Hiyawan naman ang mga bata at mas lalong naexcite.

Ang naging first game ay ang pagkuha ng mga flags nila. May mapa sila na susundin kung saan sila pupunta para mahanap ang mga flags nila.

Pagkapito ni cristof ay nagsama-sama na ang magkakagrupo. With their counselor. At nagsimula nang pumunta sa kanya-kanya nilang direksyon. Marami ding mga obstacles ang nakahanda para sa kanila kaya hindi ito magiging madali.

Nagkalat narin ang mga staff para mabantayan ang mga bata.

Higit dalawang oras na ang nakakaraan ay wala pang bumabalik.

Tumitingin lang sa orasan niya si Abby habang naghihintay sa event hall.

Inaayos ni Regine ang first aid kit para ready na in case na kailangan.

"Joy team for the win! Yahoo! Yahoo! Joy team for the win! Yahoo! Yahoo! "

Yon ang unang bungad sa kanila ng Joy team habang papasok na ng hall. Hawak na ng leader ang flag nila.

Masaya silang lahat bukod sa counselor nila. Parang may hinahanap at hindi ito mapakali.

"M-may problema po ba sir? "

Pukaw ni Abby kay Seb. Tumingin lang si Seb at hindi siya nito pinansin.

"Ah sir! M-may..... "

Lumingon naman si Seb sa dalaga. At may tinuturo pa ito sa bandang ulo ng binata. At hindi naituloy ang sasabihin.

Kaya napasigaw na tuloy si Seb ng-

"What!? "

"May uod sa ulo niyo sir! "

Sigaw na ng tuluyan ni Abby. Nanlaki bigla ang mata ni Seb at lumapit sa dalaga.

"Alisin mo! "

Sigaw nito na medyo namumutla. Takot ata ito sa uod eh.

"Sir! Kyaah! "

Imbes na alisin ay lumayo ito sa kanya ng kaunti.

Hinawakan naman ni Seb ang kamay nito.

"I said! Alisin mo! Bilis! "

Halata ang pandidiri at takot ni Seb.

Pero imbes na alisin ni Abby ay pumiglas ito at tumakbo.

"Ayuko sir! "

Tumakbo din si Seb para habulin siya.

"Tangalin mo sabi eh! "

Naghahabulan na sila sa event hall. Napuno na din ng tili at sigaw nila ang loob.

Tumatawa naman ang mga bata dahil sa ginagawa nila.

Palabas na ng hall si Abby ng magkros ang paa nito at nadapa. Hindi naman nakita iyon agad ni Seb na humahabol sa kanya at natisod at nadaganan ang dalaga.

"Kyaah! "

Malakas na sigaw ni Abby ng mahulog ang uod na kulay green sa dibdib nito.

"W-wait, tatangalin ko. "

Ani naman ni Seb na agad na umalis sa pagkakadagan sa kanya.

Kumuha ito ng stick para sungkitin ang uod sa dibdib ni Abby.

"Bilis sir! "

Naiiyak na sabi na ni Abby. Gumagapang na kasi ito papunta sa leeg niya.

"Sir! Bilisan mo na sir! "

Maluha-luha na sabi na nito at hindi parin tumatayo sa pagkakadapa.

"O-kay, O-kay..huminahon ka! "

Halata talaga kay Seb na nandidiri at natatakot ito sa uod.

Pabigla-bigla nga ang pagsundot nito sa uod. At nanginginig pa ang kamay nito.

Pero bigla nitong binagsak ang stick.

"Hindi mo nga ako tinulungan kanina! Bakit naman kita tutulungan! "

Anito nito, pero it sounds like an excuse kasi takot talaga siya sa uod.

"Sir naman.. "

Humihikbi na si Abby. Naalarma naman si Seb dahil umiiyak na ang dalaga na nakadapa pa sa floor.

"Sige na po Counselor, kawawa naman po si Ate Abby! "

Sigaw ng mga bata sa hindi kalayuan.

Tinitignan niya ang uod, gosh takot talaga siya pero anong gagawin niya umiiyak na ang dalaga at sinasabihan na siya ng mga bata na tulungan niya ito.

Yumuko siya at kinuha ulit ang stick at huminga ng malalim pumikit pa ito ng bahagya pra sundutin ulit ang uod na nasa leeg na ni Abby.

"Tangal na. "

Nagulat siya dahil tanggal na sabi ng boses pero wala pa naman siyang ginagawa.

"Salamat po sir Francis. "

Sabi naman ni Abby at tumayo na at pinunasan nito ang kanyang mga luha.

Bigla namang uminit ang ulo ni Seb dahil inunahan siya ni Francis. Bumalik na sila sa may table sa harapan nang hilahin ni Seb ang kamay ni Abby.

"Hoy! Ako, hindi mo ba papasalamatan? "

Lumingon si Abby sa kanya. Sumisinghot-singhot pa.

"S-salamat din po sir. "

Anito bago ito tumalikod na ulit sa kanya. Samantalang siya ay naiwang tulala. Akala nga niya ay bubulyawan siya nito dahil sa balak niyang huwag tulungan kanina dahil takot din siya. Pero nagpasalamat ito sa kanya.

***

Haha any Idea?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro