Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C9 #Panaginip

Tumigil ang sasakyan ni Francis sa garahe ng bahay nila. Naunang lumabas si Sofie mula dito na bitbit-bitbit sa magkabilang kamay ang mga pinamili nila. Sumunod din ang binata na may bitbit-bitbit din sa magkabilang kamay nito.

Dumiretso sila sa sala at inilapag sa sofa ang mga bitbit nila at sabay pa silang napaupo at isinandal ang katawan sa sofa.

"Haayy... Nakakapagod.... Pero salamat ha Francis. "

"No problem... Consider it as a gift from God. "

"Hmmm"

Tango ng dalaga.

"Rest ka muna, I'll call you after thirty minutes. May gagawin tayo"

Pagkasabi nito ni Francis ay umakyat na ito papuntang kwarto niya at sumunod na din ang dalaga.

*****

Inalis ni Sofie ang kanyang sapatos at saka nahiga ito sa kanyang kama.. Hawak-hawak ang kanyang paa at minamasahe ito ng marahan. Mukhang ngayon nga lang siya napagod ng ganon. Kasi noon kahit lakad siya ng lakad sa kalye ay parang wala lang sa kanya.

At di niya namalayang nakatulog na pala ito.

*****

"I can't!! I can't!!! "

Pagmamatigas nito.

"You leave me no choice baby! I love you but I need to do this.!"

Anang matandang babae sa tabi niya. At itinulak ang dalaga sa labas ng pinto ng umaandar na sasakyan, nang hindi inaasahang nahagip ng pintuan ng sasakyan ang ulo ng dalaga.

"Soofffiiie!!!!!! "

***

Napabalingkwas si Sofie sa pagkakahiga nito. Naliligo na ito sa pawis at malalakas ang bawat paghinga nito.

Nang hindi niya namalayang tumulo sa mga mata niya ang mga luhang kanina lang ay nagbabantang bumuhos.

Mabilis itong bumaba sa kama niya at tumakbo palabas ng kwarto niya. Papunta siya sa tapat ng pintuan ng kwarto ng binata.

Kumatok ito. Mga katok na halos magiba na ang pinto sa lakas. Nakarinig siya ng yabag mula sa loob na papalapit sa pintuan. Bumukas ito at iniluwa nito ang binatang kinukoskos pa ang mga mata niya. Mukhang kagigising lamang ito.

"Francis... "

At bigla nalang itong yumakap sa binata at humagulgol.

Habang puzzled at nag-aalala naman ang binata dahil sa postora ng dalaga. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at saka marahang itinulak, pero sobrang higpit ng pagkakayakap ng dalaga. Kaya wala na siyang nagawa kundi yakapin nalang din ito at marahang hinahaplos ang likod niya. Na para bang nagsasabing nandoon lang siya.

"Ssshh.. What happened?... "

Maalumanay na tanong nito sa kanya. At bahagya niya itong hilahin paatras sa kwarto niya at uupo sana sila sa couch doon pero biglang magsalita ang dalaga.

"Please, let's stay like this... Please.. Francis"

"Okay,. ." Anito kahit nagulat siya sa biglaang pagpapakita ni Sofie ng emotion niya. Ibang-iba sa sofie na nakilala niya kailan lang. Habang patuloy parin sa paghagulgol ang dalaga.

"Why, did she pushed me out of the car... "

Sabay sinok nito.

"Who?.. "

"Yong babae sa panaginip ko.. Bakit ganon, Francis, sabi niya mahal niya ako... "

"Ssshhh.. Hush now, maybe she need to do it"

"Sabi niya kailangam niya daw itong gawin, pero bakit hindi ko maintindihan.. Sino ba siya??? "

"Hush now, Sofie.. Everything's will be alright. Let's trust God's plan for you. Hush now... "

Sabi niya sa dalaga, dahil maging siya ay nahihirapang nagkakaganon ang dalaga. Ewan ba niya pero mas gusto nalang niyang makitang maganang kumakain ito kaysa ang makitang siyang nagkakaganon.

Nanatili silang ganon ng ilang minuto at humupa na din sa pag-iyak ni Sofie. Kumalas narin ito sa pagkakayakap sa binata. At pinunasan ang basang pisngi niya dahil sa luha niya.

"Salamat.... Francis... "

"Walang anuman, halika na... Baba na tayo at magmiyenda muna tayo... "

Yaya nito ng makitang okay na ang dalaga at bumaba na ito. Sumunod lang naman sa kanya si Sofie.

Nagpalaman ito ng tinapay at nagtimpla ng juice sa pitsel. Nagsalin ito sa isang baso at ibinigay sa dalaga.

"Salamat, is it my turn? "

"It's okay, I'll pray. "

Anito, dahil alam niyang hindi pa ito ready.

Pumikit na sila at nanalangin na rin si Francis. After non ay kumain na sila, pero walang imikan. Hanggang matapos na sila. Ang Awkward tuloy.

"Ah, Francis... Ano palang gagawin natin? "

Basag nito sa katahimikan nila.

"Ah, I will teach you household chores ..okay lang ba sayo? Anyway, isa iyon sa mga rules ko. "

"Yap, .. It is for my good naman di ba? ...ahm Francis pwede ba akong humingi ng favor.. "

"Yes, ano yon? "

"Please help me to find out who really I am ... "

Napatigil ng bahagya ang binata. Pero agad din naman itong sumagot.

"Yes, I will.. "

Anito at saka ngumiti.

"Thank you so much Francis... "

Anito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

*****

Natapos ang maghapon na iyon na puno ng tawanan at bagong kaalaman sa dalaga. Kahit na bakas sa mukha ng dalaga na nahihirapan siyang gawin ang mga ito.

Lahat kasi ng itinuturo ng binata sa dalaga ay hindi ito nakukuha ng maayos ni Sofie.

Sa paglalaba, nahahalo ni Sofie ang puti at de color na dahilan upang maghalo-halo din ang kulay ng mga damit. Ang puti ay naging blue, ang iba ay naging black at red. Pumuti naman ang mga makukulay na damit dahil naglagay ito ng bleach.

Sa pagluluto naman ay laging palpak ito. Pagpiprito na nga lang ay nasusunog pa. Muntik na ngang mainis ang binata kasi nakaapatnapo na silang ulit ay hindi parin niya nakukuha. Naaawa lang siya dito kasi madami nang maliliit na bilog na namumutla sa braso at mukha ng dalaga. Mukhang mga talsik ito ng mantika.

Sa paglilinis naman ay medyo okay dito ang dalaga. Ito lang ata ang nagawa niya ng tama.

At marami pa siyang pinagawa dito.

Kaya sa gabing iyon, wala silang choice kundi kainin ang sunog na hotdog, meatloaf, Shanghai, beef steak at pork chop na prinito ng dalaga. Ang iba naman na hindi na talaga pwedeng kainin ay itinapon na nila.

Kahit sa kanilang hapunan ay tawa parin sila ng tawa. Silang dalawa na rin ang naghugas. At sabay na din silang umakyat sa kanikanilang kwarto.

Pero bago pa sila makapasok ay nagsalita si Sofie.

"Ah... Francis, maraming salamat ha... "

Ngumiti ito kay Francis na kasalukuyan ding magbubukas sana ng pinto ng kwarto niya.

"Ah walang anuman yon.. Isipin mo nalang that God cares for you that much. "

Ngumito din ito sa dalaga.

"Ah sige... "

Paalam ng binata at pumasok na ito sa kwarto niya.

Napangiti nalang din ulit ang dalaga at tuluyan nang pumasok sa kwarto niya.

*****

Nagustohan niyo ba?
God bless you!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro