Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C8 #AboutFrancis

Tumigas sa pagkakatayo ang dalawa.

Si Francis ay dahil nahihiya siya na baka narinig siya ng dalaga.

Samantalang si Sofie naman ay dahil sa takot. Takot na may gumagalang kaluluwa doon at kausap ito ni Francis. Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib na nagmamasid sa paligid.

At ang kaninang gulat na binata ngayon ay kumunot na ang noo dahil sa itsura ng dalagang nasa harap niya.

"Sofie, bakit?.. "

"Ssshhhh. N-nakikita m-mo b-ba sila? "

" ha??? Sino?? Sinong sila?? . "

Nalilitong tanong nito. At saka tumingin din sa paligid niya.

Nang maya-maya'y may malambot at mabalahibong bagay ang kumikiskis sa paa ni Sofie.

"Kyaaahhh!!!! "

Gulat na sigaw nito. Napatalon ito at napatakbo papunta sa binata. Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Sofie at nakita din niyang tumakbo si Paw sa ilalim ng mesa.

Nanigas lang ito at hindi makagalaw dahil nakayakap si Sofie sa kanya. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib at sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya.

Nakaramdam siya ng pag-iinit ng kanyang katawan na para bang mawawalan siya ng hangin na ibubuga. Ayon nanaman ang malatambol na pagtibok ng puso niya. Na tanging ang dalaga lang ang pinagtitibukan nito.

"what is this feeling?.. .."

Anito sa sarili.

"Francis... W-wala na b-ba sila?? "

Nanginginig parin ang boses ni Sofie.

"S-sino ba k-kasing tinutukoy mo? Si Paw lang naman yon kanina. "

"Eeiih,.. Magsabi ka ng totoo... May kausap ka kanina... Narinig kitang nagsasalita. "

Pagkarinig naman ng binata sa sinabi ni Sofie, ay bigla naman itong nakahinga ng maluwag. Dahil di nga narinig ng dalaga ang sinasabi niya kanina.

"Ah, yon ba? Kausap ko lang ang sarili ko. At kung ano man yang nasa isip mo, kalimutan na, kasi that's not real. Sila lang yong mga Angels na nahulog from heaven dahil mas pinili nilang sundin si Lucifer at hindi ang Diyos na lumikha ka kanila. "

Hindi niya namalayang hinahaplos na pala ng kanang kamay ni Francis ang likod ni sofie. Na effective naman na nagpakalma sa dalaga. Kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang sinasabi ni Francis sa kanya.

"Calm now, Jesus is always with us at hindi niya tayo pababayaan. "

Tumango-tango na ang dalaga at kumalas na sa pagkakayakap dito.

"Maraming salamat Francis... "

Ngumiti na ito. Samantalang naiilang naman ang binata, dahil kumalas nga ang dalaga pero magkaharap parin sila at malapit parin ito sa kanya.

"Ah,... Francis.. Ano kasi,.. Ahm.. Wala kasi akong maisusuot eh.. Di mo pa kasi ako binigyan ng isusuot ko.."

Anito sa binata na nakayuko. Dahil nahihiya ito.

"Oo nga pala no. " anito sa isip.

"Ah eh... Sige.. Ibigay ko nalang sayo mamaya. Ligo ka nalang muna."

Tumango lang si Sofie at umalis na sa harap ng binata.

Nang matapos namang ayusin at hugasan ni Francis ang kanilang pinagkainan ay agad itong dumiretso sa kwarto nito, patungo sa closet niya. Napapaisip siya kung anong pwede pa niyang ipahiram sa dalaga. Halos lahat na ata doon ay maluluwang na at malalaki sa dalaga.

"Hmm,... What's fit her? "

Pumunta pa siya sa ibang kabinet niya. At tumingin din doon.

Nang maalala niya ang mga damit na naiwan ng mommy niya. Dahil hindi naman lahat ay dinala ng mommy niya noong pumunta na silang Canada.

Nagtungo agad siya sa second floor kung nasaan ang kwarto ng mom at dad niya. Hinanap niya doon ang closet ng mommy niya. At nang mahanap niya na ay agad din niya itong binuksan at tumingin doon ng kakasya sa payat na katawan ng dalaga.

Kinuha niya ang v-neck na blouse na kulay grey, at pedal na kulay black.. Tumingin na rin siya ng shoes ng mommy niya doon na naiwan. At napili niya ang flat shoes na kulay black din na paekis ang design nito.

At pumunta na ito sa tapat ng pintuan ng kwarto ng dalaga at marahang kumatok. Nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa pintuan at bumukas na narin ang pinto.
Nakaligo na pala ang dalaga at isinuot nito ulit ang damit niya kanina. Ngumiti ito ng makita siya sa labas ng pintuan niya.

"Here, wear this "

Sabay bigay sa dalaga ang hawak nitong damit at flat shoes.

"A-ah salamat. "

Inabot ni Sofie ang damit at ang shoes.

"ah, sige... Bihis ka na. Punta muna ako sa kwarto ko. "

Umalis na ito sa harap ng dalaga at pumunta na sa kwarto nito.

____________________

Isinuot na ni Sofie ang bigay sa kanya ni Francis. At sakto lang ito sa katawan niya. Hindi gaya ng unang pinapasuot sa kanya ni Francis na mga T-shirt na halos bestida na niya at shorts na malapit nang maging pajama.

Umikot-ikot siya sa salamin. Nakalugay lang ang kanyang haggang bewang na buhok na blonde at medyo kulot. Mas tumingkad pa ang maputing balat niya sa ibinigay ng binatang damit niya, kulay black at grey kasi ito. Hindi na siya naglagay ng make-up kasi wala naman siyang ganon. Lotion, pabango at pulbo lang kasi ang nandoon. .

Nang maayos niya na ang sarili ay saka siya lumabas sa pintuan at doon nalang niya sa sala hihintayin si Francis.

"Wait"

Anang boses na nasa likod niya. Napatingin siya sa kanyang likod. Andoon na pala ang binata, nakaligo at nakabihis na rin pala ito. Lumapit ito sa kanya at hinawi ang kanyang buhok na tumatakip sa parte ng mukha niya.

Napatigil ang binata na para bang may naisip siyang bright idea.

"Ah wait, stay here. I'll get something"

Anito at tumalikod sa kanya at naglakad pabalik. Akala ng dalaga ay babalik ito sa kwarto niya pero tumigil ito as pintuan ng kwartong nasa pagitan ng kwarto nila. Ang kwarto ng little sister niya na si Francine. Pumasok ito doon at hindi nagtagal ay lumabas na ito at may dala-dala nang pony tail at suklay. Lumapit ito ulit sa kanya.

"Sofie, tumalikod ka"

Utos nito sa dalaga. Na sinunod naman agad ng dalaga.

Sinuklay ito ng binata at maya-maya'y nagsimula itong manghila ng parte ng buhok niya mula sa itaas at naramdaman niyang bumababa ang kamay ng binata patungo sa dulo ng buhok niya. Hindi kaya'y tinitirintas siya nito.

Nakaramdam ng pananaba ng puso ang dalaga. Napangiti tuloy siya. Feeling niya kasi ang special niya sa ginagawa ng binata. Ewan niya ba kung bakit nalang niya naramdaman iyon.

Nang itinatali na ni Francis ang buhok nito ay bigla itong nagsalita.

"You know what, I really miss my younger sister. Lagi kasi siyang nagpapatali sa akin ng ganito. She cried kapag ayuko. Kasi ano bang alam ko sa pag-gaganito. And then everyday, before she went to school she always insisted me to fix her hair. Dahil mahal ko siya, pinag-aralan ko talaga to. Sa una mahirap, kasi kahit anong gawin ko. Magulo eh.. Pero lagi akong nagprapraktis kaya heto natuto ako. And guest what's next? "

Bahagya ito tumigil na parang naghihintay ng sagot ni Sofie. Naramdaman naman ito ni Sofie kaya sinagot naman niya ito.

"Ano... ?"

"Hindi lang ako nakuntento doon, nag-aral pa ako ng maraming techniques sa pag-aayos ng buhok and.... "

Napatigil ito at napabungisngis.

"and... "

Pukaw nito sa binata na halos maiyak na sa kakatawa nito na patuloy parin sa ginagawa niya sa buhok niya.

"Ginawang business ito ng kapatid ko.. Every week ends kasi pumupunta ang mga kaibigan niya at lagi niyang ibinibida na magaling daw akong mag-ayos ng buhok. Kaya gusto naman ng mga kaibigan niya na magpaayos sa akin. Then after ko silang ayusin they need to pay, candies and chocolates to my sister. "

"Ang cute naman ng kapatid mo.. Asan ba siya? . "

"Nasa Canada siya with my parents..
Hmm, ayan ayos na ang buhok mo.. Tara na, madami pa tayong gagawin pagdating natin mamaya."

At nagpatiuna nang maglakad si Francis.

Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod dito at hindi na siya nakapagtanong pa ulit sa binata.

___________________

Thanks for reading!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro