C57 #ThisIsIt!
Nagulat pa si Sofie nang ang sumunod na magbigay sa kanya ng white rose ay si Francine. Francis' younger sister. Sinalubong niya ito at binuhat. Mabigat na ito dahil lumaki na din at nagkalaman na.
"I told you ate Sofie eh! Mahal na mahal ka talaga ng prinsepe ko.. Ai sayo na pala.. "
Biro pa nito.
Nagtawanan tuloy sila. Bumaba na ito sa pagkakakarga kay Sofie dahil nandoon din ang mommy at daddy ni Francis na pagkalaki-laki ng ngiti.
"Tito! Tita! "
Nakipagbeso-beso pa si Sofie sa kanila.
"Mommy, Daddy.. Yon dapat iha. "
Wika naman ng ama ni Francis na nakangiti pa.
Napangiti na din si Sofie. Naalala tuloy niya ang mga magulang niya.
"Hindi pa nga tapos ang surpresa ko, umiiyak ka na. "
Biro ni Francis na nasa likod na ng magulang niya. Binigyan naman siya ng daan ng mga magulang nito upang makalapit kay Sofie at maibigay ang isang bouquet ng red rose. At umupo na ang mga ito sa upuan sa chapel at naiwan naman ang magkasintahan sa gitna.
"May i have this dance? "
Sabay lahad ng kamay ni Francis. Kinuha naman ng mga body guards ni Sofie ang mga bulaklak na hawak niya.
Mangiyak-ngiyak na napapangiti si Sofie nang abutin niya ang kamay ni Francis upang tanggapin ang alok nitong sumayaw sila kasabay ng musikang mukhang nilikhang para lang sa kanila. They dance na para bang sila lang ang tao doon. Bakas din ang tuwa sa mga mata ng mga nanunood sa kanila maging ang pamilya ni Francis.
Nang maya-maya'y biglang lumuhod si Francis sa harap niya at binuksan ang hugis cupcake na box. Lumantad dito ang isang diamond ring. Nanlaki ang mata ni Sofie, kasi hindi niya talaga naisip iyon. Akala niya ay para lang ang lahat ng to sa monthsary nila.
"Sofie, you are one of the most precious gift I have received from God. Mahal kita maging sino at ano ka man. I want our love story will be forever. You know what, I'm always praying that you and I would end up together. Hindi ako mapapagod na mahalin ka, kahit na makalimutan mo pa ako ulit, pero in Jesus name, wag na sana Lord.. "
Bahagya pang tumawa ang mga nanunood sa kanila at silang ding dalawa.
" ..together we will serve God, together we will follow God's will in our lives. Together we will prove that there is forever when we make God our love triangle. "
Tuluyan na ngang tumulo ang luha ni Sofie sa tuwa.
"I love you sweatheart, honey, babe, kassi, sofie.. And I want to marry you Sofia Kassandra Chan. Can you become Mrs. Morgan for me? "
Buong pagmamahal nitong tanong sa dalagang kaharap.
"Of course, Pat, Mr. Hunk, Pantis (you remember this name?),sweetheart, honey, babe.. yes I want to marry you and spend the rest of my life with you. I want to become your Mrs. Morgan. Mr.Francis Morgan. Yes, together we will follow and serve God. I love you too. "
Tumayo si Francis at niyakap si Sofie sa sobrang tuwa at nagpalakpakan na ang mga nanunood sa proposal na iyon na ang iba ay maluha-luha pa sa natunghayan. Kabilang na ang pamilya ni Francis.
After noon ay inilabas na ang mga niluto ni Sofie maging ang order ni Francis na pagkain. At mayroon ding nakahandang ibang pagkain doon.
----end
"Why are you staring at me babe.. "
Ani ni Francis at lumingon na sa dalaga.
"Coz, i couldn't keep my eyes to stare to this great blessing in front of me. "
Anito na nagpangiti kay Francis.
"I love you babe.. "
Ani naman ni Francis sa kanya bago nito halikan ang noo niya.
"I love you too honey.. "
"Tara na, hahatid na kita para makapagpahinga ka na para bukas"
ani ni Francis na tumayo na. Sumunod na din si Sofie at bumaba na sila galing sa rooftop ng bahay nila Francis. Naabutan pa nila ang magulang ng binata na mukhang nagkakatuwaan sa sala. Nagpaalam na sila sa kanila at inihatid na ni Francis si Sofie sa bahay nila.
****
😍😍😍
I hope you like it.
Thank you if you vote 😄
God bless you!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro