
C56 #TheUntoldProposal
Nakatingala si Sofie sa kalangitang punong-puno ng mga nagniningningang mga bituin.
Of course with Francis with her. It is their wedding day tomorrow. Tumagilid ito upang makita ang mukha ng fiancé na nakatitig din sa kalangitan.
Napapangiti parin siya sa surpresa sa kanya ng boyfriend niya bago ito hilinging maging Mrs. Morgan siya.
FLASHBACK
Monthsary nila noon nang abala siya sa kanyang office ay sinundo siya ng mga bodyguards niya. At pinunta siya sa isang bakery. At iniwan siya doon. Nag-aalburuto pa nga siya sa inis kasi wala man lang taksing tumigil para isakay siya. Kaya naupo nalang siya sa upuan doon. When she realized that she know the place. Dito siya tumatambay noon noong pagkatapos ng aksidente. Nang hindi pa siya nakakaalala.
Kung saan siya laging dinadaanan ng pagkain ni Francis.
Bigla nalang itong napangiti sa alaalang iyon. Naglakad ito patungo sa bodegang bahay na tinutuluyan niya noon.
Ganon pa din naman ito. Nakita niya ang mga tagpi-tagping karton na hinihigahan niya noon.
Hindi niya nga ma-imagine na nahiga siya dito noon.
When suddenly may mag beep-beep sa likod niya.
Ito yong sasakyang ginamit para ihatid siya dito kanina.
It was James naman ngayon ang driver niya. Buti nalang at hindi yong mga bodyguards niya kung hindi baka matandyakan niya ang mga ito.
Habang binabaybay nila ang daanan patungo nanaman sa lugar na pagdadalhan sa kanya ni James. Ay ikinwento ni James sa kanya ang mga panahon na nadadaanan pa siya ng mga ito sa bakery. Na una palang ay hola na nilang hindi talaga siya pulubi at nawawala lang. At kung paano nag-alala si Francis sa kanya kahit hindi pa niya alam kung sino ba siya noon. She was the unknown sofie ika nga ni Francis noong hilingin nitong maging girlfriend siya.
Dumating sila sa bahay nila Francis. Pero walang tao. Si Paw lang. Mukhang sinadya ata dahil dapat meron si manang Flor kasi regular naman na siya dito.
Dinala siya ni James sa kusina kung saan nakahanda na ang mga ingredients na lulutuin niya. May note pa doon. Na lutuin niya iyon at dalhin kapag may magsundo sa kanya. Dahil iniwan na siya ni James doon.
Napangiti naman si Sofie dahil ito ang mga potaheng unang itinuro ni Francis sa kanya. Dali niyang isinuot ang apron at nagsimula nang magluto. Bumalik din sa mga alaala niya ang mga moments nila ng binata noon dito sa bahay na ito.
Noong matapos siyang magluto at noong hinihintay niya ang sundo niya ay nilaro muna niya si Paw. Balak pa sana niyang pumunta sa rooftop pero may bumusina na sa labas. Kaya dali niyang kinuha ang mga niluto na nilagay niya sa baunan at nilagay sa paper bag at sinalubong naman siya ng mga body guards niya. At kinuha ang dala niya.
Next nilang pinuntahan ay ang restaurant na kung saan niya nalaman ang tungkol sa allergy. Natatawa pa siya noong maalala ang pagpilit niya kay Francis na omorder ng mga potaheng may egg sa menu. May note kasing inabot sa kanya kanina ang bodyguards para kunin nila ang take out na order daw ni Francis.
Nakakahalata na siya sa mga kalukuhang pinapagawa sa kanya ng boyfriend.
Dumiretso sila sa bahay na binili sa kanya ni Francis noon. At iniwan nanaman siya doon. Pero dinala na ng mga ito ang mga pagkain na niluto niya at inorder ni Francis.
Nagulat pa siya noong nandoon si manang Flor at may pinapasuot sa kanya na Dress. Suotin lang daw niya iyon. Dahil maya-maya ay aalis na siya. What? Hindi sasama si manang Flor. Ai, bakit nga ba pala siya sasama.
Pero bago siya umalis ay piniringan muna siya ni manang Flor. At inihatid sa sasakyang nagsundo sa kanya. She don't get it, bakit pa siya nakapiring eh magbabyahe lang naman sila.
Naramdaman niya na tumigil ang sasakyang sinasakyan niya at inalalayan siya ng kung sino pababa at papunta kung saan. Pinaupo siya nito at biglang inayos ang buhok nito. Napangiti pa siya. She knew it was Francis. Hindi niya ito nakilala dahil iba yong pabango niya. O maaring sinadya talaga ito ng binata.
"Babe? Ikaw ba yan? "
Pero walang umiimik. Akma niya sanang tangalin ang piring niya pero pinigilan siya nito.
"Not too excited babe.. "
Now she was sure. Sinunod nalang kung anong pakulo ng boyfriend niya.
Pero napakunot noo siya noong iniwan siya nito doon. Narinig niya kasi ang dahan-dahang pagsara ng pinto noong mukhang tapos na itong ayusin ang buhok niya.
"Babe? Francis?.. "
Anito pero walang sumasagot. Parang wala na nga siyang kasama doon. Kaya inalis nalang niya ang piring niya.
Napangiti pa siya noong nasa nursery room pala siya ng God's Love Foundation. Naisip niya ang mga panahong naging empleyado siya dito. Nang mahagip ng mata niya ang nakabitin sa doorknob.
Nilapitan niya ito. Napangiti pa siya noong mabasa iyon. Yong ID niya kasi iyon dito. Noong Sofie lang ang alam niyang pangalan niya.
"SOFIE MORGAN"
Pagkakabasa nito. May note doon na isuot niya iyon at pumunta sa chapel.
Sinunod naman niya iyon at pumunta na sa chapel. Pero ang tahimik doon. Noong nasa gitna na siya papuntang altar ng chapel ay may biglang nagplay sa powerpoint.
Nagulat pa siya sa nakitang picture nila doon ni Francis. Noong mga bata pa sila. Ang patpatin na si Francis at ang matabang siya. Maging yong litratong nakaupo siya sa tabi ng basurahan sa bakery. Meron pa yoong nakatulog siya sa sofa ng bahay nila Francis at nasa tiyan niyang natutulog si Paw. Noong naglilinis siya ng cr nila Francis noong tinetrained pa siya ng binata. At yong mga present pictures na nila. Yong sa engagement party nila noon ni Seb na hindi pa nila alam ang kataohan niya, puro stolen nga ang mga kuhang iyon. Yong sa kids camp, doon sa rooftop noong hilingin ng binatang maging girlfriend siya nito. At syempre yong mga photos na kuha lang sa mga normal na araw na magkasama sila. After non ay biglang may makukulay na ilaw sa paligid at nagkaroon ng romantikong musika. Nagulat pa siya noong lumabas si manang Flor at inabutan siya ng white rose, sunod si manong Jose yong guard, ang mga bata, si cristof at regine, si Abby, si James at Janet, mga staff ng foundation, mga body guards niya, halos hindi na nga niya mahawakan sa dami ng mga ito.
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro