Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C52 #HappyMoments

Palabas si Francis ng hapong iyon sa kanyang opisina upang sunduin si Sofie sa office nito noong makasalubong niya si Seb na papasok sa GLF.

"Oh, what brings you here? Susunduin ko pa lang si Sofie. Are you that excited? "

Biro nito kay Seb. Birthday kasi nito at isecelebrate nila iyon sa pinagtataguan ng mommy niya. Siyempre maingat din siyang pumunta doon dahil alam niyang pinapahanap na siya ng ama nito. Nagpalit kasi siya ng simcard para hindi na siya macontact ng ama.

"A-ah, ahm, pwede bang isama si Abby? "

"Abby?? O-okay.. Paalam ka sa mama niya. "

"H-ha?? K-kailangan pa ba yon?? "

Napatawa naman si Francis ng kaunti.

"I smell something fishy.. Just ask her, don siya sa kwartong yon. Kung hindi pa siya nakauwi. "

At tinuro ni Francis ang pintuang nasa kanan.

"Thanks. "

Ani Seb at nagtungo na siya doon.

Napailing-iling nalang si Francis at nakangiti parin. At nagpatuloy na ito sa paglalakad papuntang sasakyan niya. Pinaharurot hanggang sa opisina ni Sofie. May mga bodyguards si Sofie, mahirap na. Hindi nga nila alam kung bakit wala silang balita ngayon masyado sa ama ni Seb. O baka naman naghahanda ito at lumilikha ng magandang plano para pabagsakin ang Chan. Dahil si Sofie nalang naman ang natitira sa kanila.

"Francis! "

Bungad ni Sofie noong makitang pumasok sa opisina nito si Francis.

"Oh, parang sobra ka namang excited? "

Biro ni Francis.

"Syempre, you came just on time. May one hour pa before the party... "

At nakangiti ito kay Francis. Napakunot naman ng noo ang binata.

"Fix my hair please... "

Nagpout pa ito at nagpuppy eyes.

"Pfft-silly girl... Yon lang naman pala eh.. Come here hon. "

"What did you just called me? "

"Hon? Bakit ayaw mo? "

"Yong pagtawag mo sa akin ng Sofie parang endearment na nga yon eh. "

Napangisi naman si Francis.

"Halika na.. "

Lumapit naman na si Sofie at naupo sa couch. Pumunta si Francis sa likod ng dalaga at nagsimula nang ayusin ang buhok nito.

"I love you Sofie.. "

Ani Francis sa kalagitnaan ng pag-aayos  nito sa buhok ng dalaga.

Hindi naman maiwasan ni Sofie ang mamula. Syempre tuwang-tuwa ito. He is now her boyfriend. Her long time crush. Napangiti nalang ito kahit hindi nakikita ni Francis kasi nakatalikod siya dito.

"Mahal din kita... "

Maya-maya pa ay niyakap siya ni Francis mula sa likod nito. Sa balikat ng dalaga ito nakayakap. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba ni Francis sa ulo niya. Nakayuko ngayon si Francis sa likod niya dahil nakaupo ito sa couch.

"I love you more.. "

Ani ulit ng binata. Bago hinalikan si Sofie sa tuktok ng ulo nito at inalis na ang pagkakayakap dito.

"Let's go! "

Tumango naman si Sofie at kinuha na ang bag nito. Pinakiusapan din niyang huwag na siyang sundan ng mga bodyguards niya.

Nagkita-kita na silang lahat sa tinitirhan ngayon nila Seb at ng mommy niya. Malaki din naman ito. Marami ding handa na inihanda lahat ng mommy ni Seb at ng dalawa nilang katulong doon.

Nandoon din si James at Janet, magkakaibigan na sila ngayon. At of course si Abby na mukhang nahihiya.

"Abby, smile.. "

Bungad ni Francis kay Abby na mukhang nahihirapan sa pag ngiti.

Paano ba naman kasi eh itong mga kasama niya ay mga anak mayaman at siya ay anak lang ng katulong ng boss niya.

Hindi naman pinaparamdam ng mga ito na iba siya pero hindi niya lang maiwasang maramdaman iyon. Nahihiya talaga siya.

"What's up bro! "

Bati ni James kay Francis.

"Oh Sofie--"

Shems, nakatingin na ito sa pagkain. Kaya natigilan si James.

Bigla itong napatawa.

Kinurot lang naman siya ng buntis nitong asawa, si Janet.

Namula tuloy ang dalaga.

Napangiti naman si Seb na nakatingin sa kaibigan. Of course he already knew his bestfriend kapag pagkain na ang pinag-uusapan.

Inakbayan naman siya ni Francis at bumulong pa ito sa tenga niya.

"It's okay.. "

Anito at naglakad na sila papasok ng bahay.

Lingid sa kanila na may nagmamanman pala sa hindi kalayuan.

"Sir, confirmed .. "

Ani ng taong ito sa telepono na hawak at bumalik na ulit ito sa pagmamanman.

Nagkakatuwaan sila sa veranda ng bahay nila Seb. Syempre nauna silang nanalangin bago latakin lahat ng nakahanda. Si Sofie naman ay mahinhin na kumakain pero sa totoo lang pang lima na ata niya iyon. Hindi naman makagalaw ng maayos si Abby kasi nahihiya talaga siya sa kanila.

"So Sofie, buti at dumating ka. Nag-aalala na ako sa kaibigan ng asawa ko eh baka tumandang binata na! "

Tawanan naman sila sa sinabi ni janet.

"Tsskk.. Syempre hindi will ni Lord. "

Presko naman sagot ni Francis.

"Wala namang pinagkaiba, kasi parehas naman sila ni Kassi. "

Biglang sabat ni Seb na siyang ikinalakas ng tawa ng lahat.

"Oi--grabe kayo ha--b-bakit Seb nagkagirlfriend ka na ba? Ang alam ko, wala pa din naman ah! "

Dipensa ni Sofie. Pero hindi maitago ang pamumula nito.

Nagtawanan naman silang lahat. Ngayon ay parang si Seb naman ang nasa hot seat.

Napatingin ito kay Abby na bagamat nahihiya ay tumawatawa parin ito.

"Bakit ikaw? Ilan na naging ex mo? "

Biglang tanong ni Seb kay Abby. Natahimik ang lahat at tinitignan si Abby. Namula naman si Abby while she froze. Ano ba to pasahan ng hot seat?

"Nevermind. "

Agad na sabi ni Seb nang makita ang pamumula ni Abby.

"I-isa palang po.. "

Mahinang sagot ni Abby at napatingin naman sila dito.

"Naku, talo pala kayo ni Abby eh. Yan ang hindi tatandang dalaga. "

Biro ni Janet.

Habang pinipigilan naman ni Seb ang ngiti sa labi, pero traydor talaga ito at napapangiti siya.

Nakita naman ito ni Francis.

"Oo, hindi talaga siya tatandang dalaga. "

Napalingon naman lahat kay Francis.

"Oh, bakit ako tinitignan niyo. Siya yong may alam oh. "

Sabay turo kay Seb na napatigil naman sa kangingiti nito at napaayos ng upo. Hindi naman mainit pero bigla nalang siyang pinagpawisan.

"B-bakit ako? "

"Asus!! Hay naku Seb tatanda ka talagang binata. "

Biro naman ni Sofie.

"Tumigil ka Kassi ah.. S-sinundo ko siya kasi kaibigan din natin siya. "

Depensa nito.

"Oh!  Really! Sinundo mo siya? Bakit hindi ko alam!? "

Nangingising ani ni Sofie sa kaibigan dahil hindi naman talaga niya alam.

"Huli!! "

Sabay sabi naman ng mag-asawa na si James at Janet.

Tumingin naman ng masama si Seb kay Francis.

"Ops.. "

Anito at nagkunwari pang izinipper ang bibig. Nagtawanan ulit sila ng malakas.

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. "

Kanta ng ina nito na galing sa kusina at may hawak-hawak pa na cake at may nakasindi nang kandila sa tuktok ng cake.

Nakikanta narin ang mga magkakaibigan.

Naging masaya ang lahat sa oras na iyon. Nakalimutan nila ang mga alalahanin at problema nilang kinakaharap. Lalo na kay Seb.

***

😘😄😄

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro