C48 #PagbabalikTanaw
Nakaupo si Francis at Sofie sa sofa sa bahay na ibinigay noon ng binata sa kanya. Nakasandal ang mga likod nila sa sofa at nakatingala ang kanilang mga ulo sa kisame. Dalawang araw na ang nakararaan noong nalaman ni Francis na nakakaalala na siya.
Kanina pa sila doon na nagkwekwentuhan at nagbabalik tanaw sa una nilang pagtatagpo.
"Sofie.. I like you. "
Biglang sabi ni Francis noong matapos sila sa kanilang kwentuhan.
Napamulagat naman si Sofie at tumingin sa kanya.
"Kahit noong nasa poder pa kita, noong wala ka pang iniisip kundi ang mga pagkain.. "
Bigla naman siyang hinampas ng unan ni Sofie. Nahiya kasi siya sa sinabi nito. Napatawa bahagya si Francis.
"..noong hindi pa nakamagnitude ten ang kadaldalan mo. Noong laging sunog ang piniprito mo.. "
Namula naman si Sofie kasi napapahiya talaga siya.. Pero hindi din maikakaila ang saya sa puso niya.
"Noong 'mama prantis' palang ang tawag mo sa akin.. Noong hindi ka pa marunong tumayo para sa sarili mo.. "
"Francis.. "
Yon lang naman ang nasabi ng dalaga.
"At kahit hanggang sa tawagin mo akong 'Mr. Hunk', kahit sobrang straight to the point ka magsalita, at kahit naging si Kassandra o Kassi ka pa.. "
Grabe, sasabog na ata ang puso ni Sofie sa sobrang saya ng naidudulot ng sinasabi ni Francis.
"Ikaw parin ang 'Sofie' na proprotektahan, aalagaan at mamamahalin ko. "
Ani ng binata at tumingin sa kanya na kanina pa nakatitig sa binata.
"Pwede ba kitang ligawan? "
Bigla tuloy napaayos ng upo si Sofie. They both know na mayroon silang mutual feeling pero imbes na sabihin ng binata na 'can you be my girlfriend' ay yon pa ang sinabi nito. Hindi naman siya nadissappoint doon dahil nakita niya
ang pagiging totoo ng binata sa nararamdaman nito sa kanya at pagkakaroon ng respeto nito sa kanya.
Umaayos din ng upo si Francis.
"Pero kong hindi ka pa handa, maghihintay ako. "
Napatingin si Sofie sa binata na nakangiti na sa kanya.
"Francis... "
Yon lang naman ang nasabi nito.
****
"S-sir? Bakit po? Pinapatawag niyo daw po ako sabi nong guard. "
Maang tanong ni Abby kay Seb na nakasandal sa sasakyan nito. Nasa harap sila ng God's Love Foundation.
Ngumiti naman ang binata at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.
"Get in. "
Mahina ngunit seryosong wika ni Seb.
"P-po? May trabaho po ako sir. Aalis po ba tayo? --"
"Please, sumama ka nalang. "
Buong pagsusumamong wika ni Seb. Hindi naman makatanggi si Abby. Kasi ngayon lang naman ito nakiusap ng maayos sa kanya.
Dali siyang pumasok sa sasakyan ng binata. Sumakay nadin si Seb at naglakbay na sila.
Dinala naman siya ni Seb sa burol kung saan siya nito dinala noong magkaaway si Seb at si Francis.
Naglakad nang nauna si Abby at umupo sa damuhan. Tanaw nila ang malawak na palayan at mangilan-ngilang bahay sa baba.
"Thanks for coming with me. "
Ani naman ni Seb na umupo na sa damuhan. Isang dangkal ang layo sa kanya.
"The truth is, i need someone to talk to. "
Napatingin naman si Abby kay Seb. Halata ang lungkot sa mukha nito.
"So friends na ba tayo sir? "
Biro ni Abby. Nakakailang kasing ganito ang itsura ni Seb para sa kanya.
Ngumiti naman ang binata sa kanya.
"Hindi ko alam, pero ikaw ang gusto kong makausap sa ngayon.. "
Napangiti naman lalo si Abby.
"Sige sir, makikinig po ako. "
Ani naman ni Abby.
"Mahal na mahal ko ang mommy ko, sobra.. Kaya noong makita ko siya noong isang araw, gusto ko siyang takbuhin at yakapin. .pero--pero hindi kaya ng pride ko. "
Tumango lang naman si Abby at hindi nagtanong ng kahit ano.. Pinanindigan niyang makikinig lang siya.
"May tampo ako sa kanya.. Iniwan niya ako noong bata pa ako.. Kaya ang daddy ko ang nagpalaki sa akin.. Mahal ko ang dad ko. Pero may nararamdaman akong parang mali. "
"Anong ibig niyo pong sabihin? "
"Lagi niya akong sinusuportahan sa lahat ng gusto ko, pero most of the time ay napapasunod niya ako sa lahat ng gusto niya. Which is okay lang naman sa akin kasi parang don ko narin siya nababayaran sa lahat ng pag-aaruga at pagpapalaki niya sa akin. I became his good son, at he became a good father to me... But.. "
Tumulo na ang luha ni Seb, nagulat naman si Abby. Nataranta siya kasi hindi niya alam kong anong gawin nito. Hindi din niya namalayan na kanina pa pala ito nagpipigil ng luha.
"Abby,.. Hindi ko tanggap na palabas lang lahat iyon. Kung hindi pa nagpakita sa akin yong mommy ko ay hindi ko pa marirealize iyon. I actually told dad that i met mom. Sinabihan niya akong huwag lumapit kay mommy. ..at narinig ko siya pagkaalis ko sa office niya. Bumalik kasi ako dahil may sasabihin pa dapat ako.. He was calling somebody i don't know. At..
..pinapahanap niya si mommy at he is planning something that scared me. I also heard na isa akong sakit sa ulo as always daw. Na sayang daw yong pagpapalaki niya sa akin. Na wala daw akong kwentang anak, at madami pang hindi ko malunok na sinasabi niya..
Abby, daddy won't tell me all of those kapag nakaharap ako. Naniwala ako na I am a good son, mga papuri at supporta niya lagi ang nagpapalakas sa akin. Kahit minsan ay natatakot akong magfail dahil sa laki ng expectation niya sa akin..
But... But.. Those are lies, hindi ako naging anak sa kanya.. Ginamit niya lang ako.. For his selfish gain..
Aarrgh!!!! "
Tuluyan na itong sumigaw na mukhang sasabog ang dibdib niya sa galit, inis at awa sa sarili niya.
"What am I going to do?? , saan ako nagkulang... Why all of these happening to me... Why!!! Why!!! "
Napatayo si Abby palapit sa binata. Natataranta siya dahil hindi niya alam ang gagawin..
"S-sir.. "
Actually kinakabahan din siya. Paano niya ito mapapakalma.. Nagsisigaw na kasi si Seb. Napapaluha na din siya na makita ang binatang nahihirapan at nasasaktan..
"Abby,... My life is a lie..!"
Anito bago iniyuko ang ulo sa tuhod nito at sobrang hagulgol..
"Aargh!! Pesteng buhay to!! "
Naestatwa si Abby ng ilang sandali bago makaisip ng gagawin upang makalma si Seb. Maaring ito nga ang kailangan niya ang may magparamdam sa kanya na mayroon paring taong may pakielam sa kanya.
"What an AWESOME LIFE!! INIWAN NG INA! GINAMIT NG AMA!! PERFECT!! ANO!! ARE YOU SATISFIED!! ...
...PESTE! BAKIT NIYO PA AKO GINAWA!! DON'T TELL ME NA BUNGA LANG DIN AKO NG HINDI NIYO MAKONTROL NA KALIBOGAN NIYO! WOAH!!..
...WOW!! AS IN WOW NA WOW!! CONGRATULATIONS MY DEAR PARENTS!! "
Biglang tayo nito at biglang spread pa ng kamay nito. Tumatawa siya pero nag-uunahan ang mga luha niya sa pisngi niya..
"Sir.. Tama na po.. "
Ani ng dalagang nakayakap na sa likod ni Seb..
Actually nagulat si Seb sa ginawa ni Abby, hindi niya inaasahan iyon. Pero ang sarap sa pakiramdam niya. Unti-unti nitong pinapawi ang bigat ng loob niya. Hanggang sa napapikit nalang ito at dinama ang yakap ng dalaga sa likod niya..
"Tama na po sir, nahihirapan po akong makita kayong nahihirapan.. Sir.. May--may dahilan po lahat ng bagay.. Alam kong may rason ang Diyos sa bawat nangyayari.. At sigurado po ako na para po lahat iyon sa ikabubuti natin.. Sir.. Tama na po, wag na kayo umiyak at sumigaw.. "
Medyo humihikbi na na sabi ni Abby..
Hindi malunok ni Seb ang sinasabi ng dalaga, pero bakit ganon at kumakalma siya. Ayaw maniwala ng isip niya pero ang puso niya ay napapaamo ng sinasabi ni Abby.
Aalisin na sana ni Abby ang pagkakayakap nito noong biglang hawakan ito ni Seb para manatili doon.
Hindi na niya iyon itinuloy pa kundi hinayaan nalang niyang nakayakap muna ito sa likod niya. Ito siguro ang kailangan ng binata.
*****
😭😭😭😭😭😥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro