Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C47 #TellingTheTruth

Isa lang ang sigurado ni Seb, hindi niya pagkakatiwalaan si Francis. Pero may nagtutulak sa kanyang pumunta sa office ng binata para alamin ang patungkol sa kanyang ina.

Nagulat pa nga siya nang hindi niya inaasahang makita doon ang kanyang ina. Hindi na kasi ito kumatok at tuloy-tuloy nalang itong pumasok sa loob.

"S-Sabby.. "

It was his mom. Hindi siya makareact agad. He missed his mom. Yong boses niya, yong ngiti nito at maging ang pagtawag nito sa kanya sa pangalan na siya lang ang tumatawag.

"Excuse me. "

Ani Francis at lalabas na sa office niya. He gave them privacy to talk. Alam niya kasing hindi komportable si Seb na nandoon siya.

Ngunit nagulat pa siya noong hawakan siya ng binata sa braso nong matapat si Francis sa kanya noong palabas na ito. Nasa may pintuan pa kasi si Seb. Hindi nagsasalita si Seb pero nagets nito ang ibig nitong sabihin. Hindi nito kayang harapin ang ina ng mag-isa. Nakakabakla di ba? Pero siya si Seb. Matapang sa panlabas pero ang loob niya ay nababalot ng takot at pag-aalinlangan.

Kaya bumalik si Francis sa upuan nito at sumunod si Seb na umupo sa couch sa tapat ng mom niya. Umiwas ito ng tingin sa matadang babae nakatingin sa kanya ng may pag-aalala.

"I-I'm sorry Sabby.. Sinubukan kong lapitan ka noon at itakas pe--"

"Ano!? "

Sigaw ni Seb sa ina. Napakunot noo ito sa sinabi niya. Naiinis siya kung anong gustong mangyari ng ina niya. Pagkatapos silang iwan ng ama niya. Noong kailangan niya ng ina magpapalakas ng loob niya, magmamahal at mag-aaruga.. Asan ito.

"Anong ibig mong sabihin!? Itakas? Para ano.. Iwan si dad? Siguro may bago kang asawa kaya mo kami iniwan! "

"Hindi yan totoo anak, maniwala ka sa akin. Hindi ko sinasadyang iwan kayo. Iwan ka.. "

"Stop lying!! Bakit ngayon ka lang bumalik at nagparamdam. Ha!! Your selfish! "

Napayuko naman ang matandang babae. Hindi kayang tignan iyon ni Francis. Pero alam niya kung saan siya lulugar.. At naiintindihan niya si Seb.

"A-anak, Sabby... "

"Ano magsasabi ka nanaman ba ng kasinungalingan!? "

"Hindi anak, hindi ako nagsisinungaling.. "

Ani ng humahagolgol na na ginang.

Ngumisi lang naman si Seb. Pero halata sa mata nito ang sama ng loob.

"Yo-your d-dad planned it all. ."

Mahinang sabi nito sa kalagitnaan ng kanyang hagulgol.

"Your lying!!! "

Anito at tumayo at naglakad patungo sa pintuan.

Humagolgol naman lalo ang matandang babae.

"Your dad is a Psychopath !! "

Sa wakas ay nasabi ng ginang kay Seb na dahilan upang tumigil si Seb sa paglalakad. Bumalik ito at mabilis nitong nahawakan sa braso ang ginang.

"Huwag mong babangitin ulit yan! Naintindihan mo! Baka makalimutan kong ikaw ang nagluwal sakin.. ! "

Napatayo pa si Francis dahil sa ginawa ni Seb. Pero pagkatapos sabihin iyon ni Seb ay dumiretso na ito palabas ng pinto.

Naiwang namang humahagolgol ang matandang babae sa office ni Francis.

Hahabulin sana ni Francis si Seb pero hinawakan ng ginang ang kamay niya para pigilan. Hindi naman mapakali si Francis. Pero maya-maya din ay kumalma ito. At kumuha ng mineral sa ref nito sa loob ng office niya. Meroon din kasi siya non.

Iniabot nito sa matandang humahagolgol.

"S-salamat iho.. T-tatanawin ko iyong malaking utang na loob. "

Nakaramdam ng awa si Francis sa ginang pero nakuha niya parin itong ngitian.

"Wala pong ano man. "

"Oh my God!! Tita your back! What happened.. Arr you okay? "

Nagulat pa ang dalawa noong sumigaw at tumakbo si Kassi mula sa pintuan ng office niya.

Hindi niya alam kung bakit nandoon iyon dahil wala naman silang usapan.

Napakunot-noo ang binata dahil aa nalamang magkakilala pala sila.

"Kassandra... "

Niyakap ng ginang si Kassi at lalo pa ito humagolgol.

Natahimik lang naman si Francis na nakaupo sa couch.

"I'm sorry tita, iniwan ko po siya noon. I should remember yong pangako ko sa inyo. Mukhang nabrain wash na po siya no tito. He even believed na may iba na kayong pamilya. --wait saan po kayo nagpunta nito mga nakaraang araw? I was looking for you.. Ai--"

Bigla niya naalala na nagkaamnesia paka siya kaya paano niya ito hahanapin. Matagal na pala iyong sinasabi niyang hinahanap niya ito. Before pa nangyari ang aksidente.

"Kassandra, thank you so much sa tulong mo.. Anak,  humihingi ako ng pabor. Tulungan mo ako..kailangan ka ni Seb.. "

"Upo tita, huwag po kayong mag-alala.. Gagawin ko po ang lahat para makunbinsi ko si Seb? "

"Thank you iha.. "

Tuloy parin sa pag-iyak ang ginang. Habang haplos naman ni Kassi ang likod nito.

Si Francis naman ay nakakunot-noo. Mayroon pa nga siyang hindi nalalaman.

"Hmm.. "

Paglilinis ni Francis ng lalamunan nito dahil mukhang nakalimutan siya nang dalawang babae sa harap niya.

"Ah, Francis.. Thank you so much--"

Bigla itong natigil at halatang nagulat. Hindi naman nakaligtas iyon kay Francis na mas lalong nagpakunot-noo sa kanya.

"P-pat i mean.. S-salamat ulit. "

Sa huli ay bulol na sabi ni Kassi. Bakit kasi nakalimutan niya. Paano to.. Pero agad din siyang nakabawi ay nagdecide nang sabihin sa binata ang totoo. Ngunit naunahan siya ng binatang magsalita.

"Your back.. "

"H-ha? "

Naguguluhang anito kasi hindi niya magets ang ibig sabihin ni Francis. Ngumisi lang si Francis.

"Mrs. Hidalgo, pwede po kayong magpahinga muna dito. May bakante pa namang kwarto ng mga bata. "

Suhesyon ni Francis kasi alam niyang kailangan nito ng pahinga.

"Salamat iho, pero kailangan ko nang umalis.. May gagawin pa ako.. "

Anito sa binata bago tumingin sa dalaga.

"Please Kassi help me.. I don't want to lost them both.. Kailangan nang maipagamot si Sandy. "

Ani naman ng matanda.

"Upo tita.. "

"Sige anak, aayusin ko lang lahat ng dapat ayusin para kapag nakunbinsi mo na si Seb na kunbinsohin ang daddy niya para magpagamot ay handa na ang lahat. Sige mauna na ako. "

Anito at tuluyan nang lumabas ang ginang sa office ni Francis. Nakatulala lang naman si Kassi habang pinapanood ang ginang na naglalakad palayo.

Magkakilala sila noon pa. Siya ang naging daan upang makita at mapalapit ang ginang sa anak nitong si Seb kahit hindi iyon alam ni Seb. Gusto niya sanang sabihin sa kaibigan pero binalaan siya ng ginanv kasi magiging komplikado daw ang lahat. Ay hindi pa daw panahon. Kaya sinabihan niya lang ang dalaga na huwag iwanan ang anak niyo. That's why they became bestfriends.

"Sofie... "

Nagulat si Kassi nang maramdaman niyang niyakap siya ng binata mula sa likod. Kinilabutan pa siya dahil ang kamay ni Francis ay nakayakap sa balikat niya. At sa mismong tenga niya iyon sinabi ni Francis.

"I miss you so much.. "

Namiyok pa nang bahagya ang boses ni Francis pagkasabi non.

Unti-unti namang lumambot na ang puso ni Kassi. Hindi na niya kayang magpanggap pa.

Napahikbi naman ito at umikot upang makaharap si Francis at niyakap na din ito ng mahigpit.

Ipinatong naman ni Francis ang baba nito sa ulo ng dalaga dahil malaki ang ikinatangkad niya sa dalaga.

"I'm sorry... I'm sorry Francis... Kailan lang naman bimalik ang ala-ala ko.. "

Humahagolgol na ang dalaga sa dibdib ni Francis habang magkayakap pa sila.

"Ssshh.. Ang mahalaga ay nakakaalala ka na.. Hindi mo alam kong gaano ako kasaya.. "

At humigpit pa ang yakap nito..

*****

😍😍😍😍😍😭

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro