C45 #Friendship
Inabutan ni Seb ng isang mineral water si Abby na nakaupo sa damuhan. Nasa isang burol sila.
Walang imikan sa pagitan nila. Hindi kasi alam ni Abby kung paano sisimulang kausapin si Seb dahil galit na galit ito kanina.
Naupo si Seb sa di kalayuan sa tabi ni Abby.
"Bakit tayo nandito sir? "
Sa wakas ay natanong ni Abby sa binatang ngayon ay nakatulala sa tanawin na nasa harapan nila.
"Dahil dito ay malaya ako sa daddy ko.. "
Simpleng sagot naman ni Seb. Nacurious naman si Abby.
"Bakit niyo naman po nasabi iyan? "
"Only those who are friends share their secrets. "
Ngising sabi ni Seb na nakatingin na sa kanya.
Sasabihin niya sanang bakit hindi siya tumakbo o kay Kassi pumunta dahil siya lang naman ang alam niyang kaibigan nito. Pero naalala niyang wala palang malay si Kassi at nakaconfine pa. At 'ouch' kaya yong sinabi niya. Hindi nga naman sila friends.
"Pero if you are willing to risk your life to be my friend why not. "
Nanlaki ang mata nitong tinignan si Seb. Anong pinagsasabi nito na may nalalaman pang 'risk your life'.
"See, hindi mo ako gustong maging kaibigan. "
Ani naman ni Seb na bumalik na ang tingin sa tanawin.
"Ah -eh, hindi naman po sa ganon--"
"It's okay Abby. Sino ba namang gugustuhin maging kaibigan ang tulad ko.. "
Nagulat si Abby dahil for the first time ay tinawag siya nito sa pangalan niya. Naisip niya tuloy na okay lang naman sigurong i-risk ang buhay niya para maging kaibigan itong kaladkad boy at mr. Sungit na si Sebastian Hidalgo.
She was about to speak pero naunahan siya ng binata.
"Ewan ko ba kung bakit nanaman kita kinaladkad at isama dito na supposed to be ay hiding place ko lang. "
Napatingin naman bigla si Abby kay Seb kasi kanina ay tumingin na ito sa tanawin.
Hindi ito nagsalita. Kundi nakikinig lang siya sa sasabihin ng binata. Kahit gusto din niyang tanungin kung bakit sila nag-away ni Francis pero sure naman siya na dahil iyon kay Kassi. Paano naman kasing pareho pa sila ng taong mahal.
"I need someone to talk to. Di ko alam kung sino. I was frustrated kanina kaya nagkainitan kami ng boss mo. "
Anito na hindi tumitingin sa dalagang alam niyang nakatitig na sa kaniya.
"Abby.. I'm sorry kung napagbubuntungan kita ng galit ko.. Kailan lang noong makilala kita pero you already know who really i am. Actually Kassi doesn't know that side of me yong pagiging hot tempered ko. Except nalang kung makaalala na siya. "
Bumalik naman na ang tingin ni Abby sa tanawin. Wala naman siguro siyang dapat sabihin dahil ang kailangan lang ng katabi niyang binata ngayon ay ang makikinig sa kanya.
"And thank you, kahit hindi ko maintindihan kung bakit ang bait mo parin sa kabila ng lahat. .aarrgh! "
Nagulat naman si Abby dahil sa huling sinabi ni Seb.
"B-bakit po sir? "
Alalang sabi nito.
"This is---"
Nahihiyang ituloy ni Seb ang sasabihin. Hindi niya alam kung bakit niya sinasabi ang lahat ng ito kay Abby. Hindi siya sanay.
"Ano po? "
Kunot noong tanong ni Abby.
"This is-----awkward! Tara na. "
Mukhang bumalik sa kasungitan itong si Seb. Pero napangiti si Abby sa naging reaksyon ng binata.
Tumayo na si Seb papunta sa sasakyan nito pero naiwan lang si Abby na nakatingin sa kanya palayo.
Nang maramdaman ni Seb na hindi sumusunod si Abby ay lumingon ito. Nagulat pa siya noong makitang nakangiti si Abby sa kanya. Biglang may kung ano siyang naramdaman.
"Ang cute niyo po sir! "
Uminit ang mukha ni Seb dahil sa sinabi ng dalaga.
"Tara na! o iwan na kita diyan!? "
Sigaw ni Seb at nagtuloy na sa paglalakad at pumasok na ng kotse nito. Bago lang kasi itong pakiramdam na ito sa kanya.
Tumakbo naman si Abby pasakay sa sasakyan ni Seb. Mahirap nang maiwan siya doon, dahil hindi pa naman niya alam iyon.
****
"Sir.. Gising na po yong pasyente, may hinahanap po. "
Ani ng nurse noong pabalik na si Francis sa kwarto ni Kassi. Hawak na niya ang bag kung saan nandoon yong pinabili niyang damit kay Abby. Nahulog iyon noong kinakaladkad ni Seb si Abby.
Dahil masyado siyang naconsume kanina ng sagutan nila ni Seb ay nakalimutan niya si Abby. Mukha pa naman itong natatakot kay Seb na kumakaladkad sa kaniya.
Dali itong pumasok sa loob ng kwarto ng dalaga nang makapagpasalamat siya sa nurse.
Naabutan niya ang dalagang nakaupo sa kama at nangigilid ang luha.
"Francis... "
Anito at nataranta naman si Francis na lumapit na dito. Nagulat siya noong niyakap siya ng dalaga at humagolgol na ito.
"Sshhhh.. Tahan na, nandito na ako.. Sshh. "
Ani ni Francis habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.
Bigla din siyang nakaramdam ng saya kasi tinawag siya nito sa pangalan niya. Simula kasi noong bumalik ito ay 'Pat' o ' Mr. Hunk' na ang tawag nito sa kanya.
"Sofie... "
Biglang lumuwag ang pagkakayakap ni Kassi sa kanya nang sabihin niya iyon. At sumisinghot-singhot nalang ito ngayon.
"Ko-call me K-kassi, I'm not S-sofie. "
Anito at kumalas na nang pagkakayakap sa kanya at nag-iba ito ng tingin.
Napabuntong hininga naman si Francis. Kasi akala niya ay naaalala na siya nito.
"May masakit ba sayo? "
Tanong nalang nito sa dalaga para hindi masyadong nakakailang sa kanilang dalawa.
"Di naman na masyadong masakit ang ulo ko.. "
Ani naman ni Kassi na sumisinghot-singhot pa.
"Gusto mo bang magpalit muna? Pawis na pawis ka na diyan sa damit mo.. Ito oh--ah wait tatawagin ko lang yong nurse. "
Tumango lang naman si Kassi.
"Sorry Fra- i mean Pat.. "
"It's okay Kassi. "
Ani naman ni Francis bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.
Nang makaalis na nang tuluyan si Francis sa kwartong nakaconfine-nan niya at hinayaan niya nang tumulo ang mga luha sa mata nito. Sa totoo lang ay bumalik na ang alaala nito. Ngunit may iba parin siyang hindi maalala.
Sobrang sakit sa kanya ang pagkawala nang magulang niya. Knowing na their death is not accident. It was planned. Pero sino..
Kahit may clue na siya ay pinili niyang huwag munang maghusga. Gusto niyang alamin ang lahat ng palihim. Kaya hindi niya muna sinabi kay Francis ang lahat. Even if gustong gusto na niyang maging si Sofie ulit. Ngayon nga lang din niya narealize na there is differences sa pagtrato ni Francis sa kanya ngayon at noong nasa poder pa siya nito. Francis is gentle and kind. At she feel special to him.
Pero hindi pa napapanahon. She want justice for her parents. Alam na niyang ampon siya. Pero hindi nito binago ang pagmamahal niya sa mga itinuring na niyang pamilya ang katutuhanang hindi siya kadugo nito. Alam at ramdam niyang mahal na mahal siya ng mga ito. Kaya ang sakit-sakit sa kanya na wala na sila.
And to her bestfriend who betrayed her, Seb. She realized na maaring tama nga ito noong iniwan niya ito noong panahon na kailangan siya nito. Sinabi noon ni Seb na magbabago na siya, pero masyado siyang naconsume ng galit at iniwasan niya ito. She don't even realized na Seb was also a victim of Mr. Hidalgo's craziness, ang papa ni Seb. Napapansin niya na noon pa na laging sunod-sunoran ang kaibigan sa ama. He don't decide on his own, because his dad already did. That's why she want to give a chance to him.
Hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil sa bigat ng nararamdaman nito.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro