Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C44 #PlanRuined

Nakaupo si Francis at Seb sa may couch ng room kung saan dinala si Kassi. Sinabi naman ng doctor na magiging okay na rin naman ito. Kailangan niya lang magpahinga. Nabanggit din nito ang tungkol sa amnesia ng dalaga. Na maaring napilit niya ang sariling makaalala kaya naging ganon ang epekto sa kanya. Sinabihan din sila ng doctor na wag siyang piliting makaalala,  and let the time heal her.

Napakunot si Francis sa sinabing iyon ng doctor. Alam niyang may amnesia nga si Kassi. Pero alam nitong hindi alam iyon ng dalaga. Kaya paano niya pipilitin ang sariling makaalala.

Nang magkaroon siya ng ideya kung anong nangyari kagabi.

"What exactly happened Seb? "

Mahinahon nitong tanong sa binatang katabi na kanina pa ay hindi mapakali.

Tumingin ito sa kanya ng madilim.

"Why should i tell you? It's none of your business. "

"Sa sinabi mong yan,  hindi ko tuloy maiwasang isipin na may kinalaman ka nga sa mga nangyari. "

Seryosong ani ni Francis. Bigla nalang siyang kinwelyohan ni Seb.

"Peste ka, huwag kang pabida dito ha. Dahil ako ang nandoon noong kailangan niya ng taong masasandalan.. Ang tanga niya lang dahil ikaw --"

Hindi niya masabing gusto siya ng kaibigan  niya dahil ang isipin palang iyon ay umaakyat na ang dugo niya sa ulo.

Ngumiti lang si Francis. Maya-maya'y bigla itong sumeryoso.

"Ni hindi mo nga ako pinahirapang hulaan kung sino ang nasa likod ng lahat. "

Napakunot si Seb ng noo. Alam niya kung anong ibig sabihin nito pero who cares na sabihin iyon o aminin iyon sa taong karibal niya.

"I'll kill you! Huwag mo akong binabantaan Mr. Morgan! You don't know kong anong kayang kong gawin. "

"Of course i know, i certainly know Mr. Hidalgo. "

At nagsusukatan sila ng tingin. Si Seb ang unang umiwas. Inalis nito ang pagkakakwelyo nito sa kanya at naglakad palabas.

Habang napabuntong hininga naman si Francis at isinandal ang katawan sa couch. Pinikit nito ang kanyang mata.

Nag-aalala talaga siya sa dalaga. Pero he needs to be strong. He trust God. Alam niyang may gagawin ang Diyos at hindi sila pababayaan.

"Gumising ka na Sofie, get well soon.. Please. "

Anang binata habang ganon parin ang position niya.

Nang makalma na ni Francis ang sarili ay nagdesisyon itong lumabas upang magpahangin at makapag-isip kung ano ang susunod niyang gagawin ngayong clear na ang lahat sa kanya.

Eksakto namang may pumasok na nurse at ibinilin niya munang bantayan nito ang dalaga. Papunta palang kasi sina Abby. Nagpabili siya ng damit na pwedeng pamalit ni Sofie habang nakaconfine pa ito. Dipende kasi ang pagstay nila doon sa paggising ni Sofie. Isa nalang ang nais nito ngayon ang gumising si Kassi kahit madelay na na maalala siya nito. Hindi pa naman huli ang lahat sa kanila.

Dumiretso ito sa likod ng hospital kung saan ay matatanaw ang kagubatan. Hindi kasi ito nasa sentro ng bayan. Kaya wala masyadong building at pollution sa hangin.

Gusto tuloy niyang bigyan ng dalawang thumbs up ang may-ari ng hospital dahil sa location nito. Talagang gagaling ang sinumang may karamdaman ipapagamot dito dahil bukod sa magandang tanawin ay may sariwang hangin pa.

"Dad.. Anong gagawin ko.. "

"I'm sorry dad, no!  Please dad.. No! "

"Dad hindi ko kaya... Please spare her. "

"I'm sorry dad.. No please.. Please,  gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo wag lang---dad?! "

"Hello dad? Dad!!!! "

At naibato nito ang cellphone sa may puno na katabi. Napakunot noo si Francis sa mga narinig at kilala niya iyon kahit nakatalikod pa ito sa kanya.

"Hhhmm"

Ani ni Francis upang ipaalam kay Seb na nasa likod siya nito.

"Why are you here! "

Alertong wika ni Seb. Halatang naseshaken ito. Na may kung anong bumabagabag sa kanya.

"I think you need someone to talk to. "

Ani ni Francis. It is not to insult him but with clear sincerity.  He wanted to help him. Alam niyang may pinagdadaanan lang si Seb kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon. He know the reason behind those behavior. Nalaman niya ito before ang event ng Foundation na kids camp. Sinabi iyon ng private investigator niya. Simula ito noong bumalik si Sofie and knowing na ang kasama niya noong nawala siya ay Seb kaya he was curious kung anong dahilan ng mga nangyayari sa buhay ni Sofie and anong agenda ni Seb.

Napangisi si Seb.

"Who do you think you are? Hypocrites! Show me your real color! Baka kagaya din kita o mas masahol ka pa!  You don't need to pretend in front of me! "

At dinuro pa niya ito. Naiinis talaga siya sa mga taong mabait.

"Seb, i am willing to listen. Stop being a gay.. "

Biglang kinwelyuhan ni Seb si Francis. Naiinis na siya sa sinabi nito.

"Who told you that i am a gay! "

"Then,  be a man.."

Seryosong sabi ni Francis. Namula na sa galit si Seb. At hindi na niya napigilang suntukin sa panga si Francis.

"Stop acting like your the only real man!! "

Anito, he was expecting Francis would punch him also. Pero wala siyang nahintay tumayo lang si Francis sa pagkakadapa dahil sa lakas ng suntok ni Seb.

"Tssk!  Ikaw pala ang bakla eh!  If you are a real men lumaban ka! "

Anito at kinwelyuhan ulit si Francis na nakatayo na.

"I pity you.. "

Mas naiinis si Seb sa pinagsasabi ni Francis. Nakuyom niya ang kanyang kamay. At madilim ang titig nito kay Francis. Humigpit pa ang kamay nito sa kanyang kwelyo.

"You can be a man Seb... do what you want without your father dictating you what to do. "

Nag-aapoy na sa galit sa mata ni Seb, at gusto niya itong suntukin ulit pero napapaisip siya kung paano nalaman ni Francis ang sitwasyon niya.

Kaya hindi siya makasagot ulit. Parang umurong na ang dila nito dahil nawalan na siya ng sasabihin.

"You can be a better person Seb if you just choose to.. "

"Stop! "

Yon lang ang kaya niyang sabihin. Dahil sa totoo lang natatamaan siya sa sinasabi ng karibal niya. He want to become a better person na gaya ng sinasabi nito. Pero naiinis siya kasi bakit nito sinasabi sa kanya. Rival sila at hindi niya malunok na ito ang nagsasabi sa kanya non.

"Sir! "

Bigla siyang natauhan nang may sumigaw at nakita niya si Abby sa likod ni Francis at hindi kalayuan. Hindi niya alam kung bakit pero kumalma siya unti-unti nang makita ito. Pero syempre ayaw niyang ipakita.

"Makakabawi din ako sayo Mr. Morgan! Mark that! "

Anito at bigla itong binatawan ang binatang nakatingin lang sa kanya ng may halong awa at concern sa kanya. Naiinis siya dito. Umalis na siya doon at noong makatapat na siya kay Abby ay bigla nalang nitong hinawakan ang braso nito at tuloy-tuloy na naglakad. Kaya nakakaladkad si Abby at wala na siyang nagawa kundi ang magpakaladkad sa binatang galit na galit parin. How she wish na tulungan siya ng boss niya.

"Seb,  if you want to see your mom, visit me in my office. "

Habol na sabi ni Francis. Bigla siyang napatigil sa paglalakad. Pero maya-maya rin ay nagtuloy na si Seb sa paglalakad.

While si Abby ay sinabihan nalang ang sariling 'asa' ,asa siya na tutulungan siya ng boss niya at 'bahala na'. Wala naman sigurong ibibigay na pagsubok si God na hindi niya kayang pagtagumpayan kahit itong si Mr. Sungit at kaladkad boy pa na si Seb.

****

Kawawa naman si Abby.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro