C41 #Guilty
Sa ikalawang araw, ang grupo ni Francis ang nangunguna. Puro ball games at outdoor games ang nilaro nila. 2500 na ang puntos nila Francis, sila Seb naman ay 2300 points at nasa 1650 points naman kina Kassi.
Lahat ng mga bata at staff ay nag-eejoy. Maliban kay Seb na ginawang totoong competition ito sa pagitan nila ni Francis. Ngisi, simangot at galit lang ang makita sa mukha nito.
Pagdating ng ikatlong araw ay medyo napapagod na ang mga bata. May iba na late nang magising.
"Good luck sa ating lahat mamaya. Tiyak hahabol kami kaya huwag kayong pakakasigurong dalawa. "
Biro ni Kassi sa dalawang binata na kasama sa table niya. Nag-aalmusal palang sila.
"I'll beat you. "
Seryoso lang namang sinabi iyon ni Seb kay Francis. Ngumiti lang naman si Francis sa kanya.
"Go on. "
Matipid nitong sagot sa binata.
"Tssk. "
Ngisi naman agad ni Seb. Na parang nagsasabing 'lalampasuhin talaga kita.'
"Abby! "
Tawag ni Francis sa dalaga noong mapadaan ito bigla.
"Ah, ano po iyon sir--ai good morning sir Seb at So--ma'am Kassi."
Bati pa nito sa mga kasama ni Francis.
"Half day lang ang games ngayon di ba? Para ngayong hapon let the kids enjoy themselves bago tayo umalis mamayang gabi after ng victory night."
"Ah sige po sir. "
"And don't forget to tell all staff to be alert for emergency. "
"Yes sir!"
Anito bago tumunog ang phone ni Francis. Lumayo ito ng kaunti bago sagutin ang tawag.
"Good morning kuya! I am so excited. Kararating lang namin kaninang madaling araw ni mommy.. Papunta na kami diyan!"
"Good morning din honey! Hindi ka ba magpapahinga muna? "
"No! I can't wait to go there. "
"Okay, okay.. Kuya is waiting. "
"Bye kuya! I love you! "
"I love you too honey. "
Anito bago naputol ang tawag. Bumalik na ito sa upuan nila.
"Honey? Do you have girlfriend!? "
Sadyang tanong ni Seb dahil nakita niya ang kanyang kaibigan na nakayuko. Hindi niya sinabi iyon para damayan ito, kundi para malaman ng kaibigan niya na siya lang ang laging nandoon para sa kanya at wala na itong pag-asa pa kay Francis.
"No. You get it wrong. "
Biglang umangat ang tingin ni Kassi. Kumunot naman ang noo ni Seb at nainis siya kasi patuloy lang na umaasa ang kaibigan kapag hindi pa ito umamin na may girlfriend ito. Yon kasi ang tingin niya.
"So what's the 'i love you honey' means? ha. "
Diin nitong tanong.
"Ah--eh, ano po kasi--"
Biglang sabat ni Abby na hindi pa pala umaalis doon.
"It's my little sister. Papunta sila dito para magbigay ng give aways sa mga bata na kasali sa camp. "
Humarap ito kay Abby.
"Thanks Abby, asikasuhin mo na ang dapat asikasuhin. "
"Wow! Ang bait naman ng kapatid mo. Never heard of her. "
Tanong naman ni Kassi na lumiwanag na ang mukha. Habang nainis naman si Seb at tumayo paalis doon.
"Hmm never mind him. "
Sabi agad ni Kassi noong nakalayo na si Seb sa kanila.
"Ilang taon na ang kapatid mo? Who's with her? Si tita Cecilia ba? "
"Oo, they are on their way. She's eight years old.. Nasa UK ka na noon noong magkaroon ako ng kapatid. Layo ng agwat namin no? "
"Ang cute nga eh, may big brother na magtatangol at mag-aalaga sa kanya. "
Ngumiti lang naman si Francis sa sinabi ng dalaga.
****
Bumalik si Abby sa cottage kasi may nakalimutan siyang gamit para sa games mamaya. Kagagaling niya lang sa retaurant ng resort para magbreakfast.
"Aii! --"
Biglang niyang sigaw noong may manghila sa kanya at ipaharap ito. Hawak pa ang dalawang braso nito.
"S-sir Seb? B-bakit nanaman po? "
"Kapag hindi ka kinakausap, huwag kang sasabat ha!! "
"U-upo sir. "
Yumuko ito bigla. Mukhang napahiya ito sa sinabi ni Seb kaya namula ang mukha nito. Bigla namang naguilty agad si Seb.
"S-sorry! Next time huwag ka nang sasabat na lang bigla. "
Anito at binitawan na niya si Abby at umalis na siya doon.
"S-sir! "
Lumingon siya at tumigil sa paglalakad noong tawagin siya ni Abby.
"Ano!? ---i mean ano yon? "
Napasigaw ulit ito pero biglang bumaba ang boses niya. Kasi Abby was smiling again to him.
"Pinapatawad na po ulit kita. "
Napatulala si Seb sa sinabi ni Abby. Pero bigla din siyang tumalikod sa dalaga kasi hindi talaga siya sanay sa ganon. Parang mas okay pa sa kanya na bulyawan siya nito kaysa yong ganon na ang bait-bait nito sa kanya.
****
Nag-enjoy ulit ang mga bata kahit na half day lang. After nilang maglunch ay iniannounced na ni Abby na pwedeng maligo sa pool, mamasyal at maglaro sa resort ang mga bata. Dahil 7:00 PM pa magstart ang program sa victory night.
May iba na namasyal, ang iba ay naligo sa pool at ang iba ay naglaro sa event hall.
Nakakalat na rin ang mga staff para bantayan ang mga bata.
"Tara, let's enjoy ourselves also. "
Yaya ni Francis sa mga organizer ng event kay Abby, Regine at Cristof at kay Kassi at Seb na co-counselor niya.
Nagpapahinga naman ang mommy niya at ng kapatid niya na kararating lang sa cottage niya.
"Sige po sir. Sunod ako, tatapusin ko lang po ito. "
Ani ni Abby habang tinatali ang mga puntos. Napatingin si Seb sa kanya. Nahalata nito ang pagod sa mukha ni Abby. Naisip din niya ang mga ginagawa nitong pag-iistress dahil sa lame na reason niya. Bakit ba kasi hindi niya magawang huwag maging competition ang lahat sa kanila ni Francis.
"Tara na,. Mamaya na yan. You need to freshen up.. You forget why we came here--"
Hindi na naituloy ni Francis ang pangungumbinsi niya noong pinaghihila nanaman ni Seb si Abby. Hindi na siya nakapasalita maging ang mga kasama niya doon na si Regine, Cristof at Kassi.
"Kyaah! S-sir!... "
H--hindi
A-ako ma-runong
Lu-mangoy!... "
Parang doon lang nataohan ang mga ito. Nasa pool na si Abby at sa bandang malalim pa. Doon pala siya dinala ni Seb at itinulak.
"W-what! W-wait! "
Anito naman ni Seb at inalis ang tsinelas at damit pangtaas.
Pero tumakbo na doon si Francis at nagdive, bago pa ito makalusong sa tubig para iligtas sana si Abby.
"Seb paalalay! "
Nang mahawakan ni Francis si Abby at linalangoy patungo sa gilid ng pool kung saan nag-aabang na ang kamay ni Seb para iahon si Abby.
"Thanks God.. "
Ani naman ni Kassi na nasa tabi na ni Seb.
Naiahon na nila si Abby at nakaupo ito sa gilid ng pool at umuubo-ubo.
Hinihimas naman ni Kassi ang likod ng dalaga. Nakaupo naman sa gilid din ng pool si Francis at humuhingal ito. Nilagyan naman ng twalya ni Regine si Abby sa balikat. Samantalang nakatulala naman si Seb sa umuubong dalaga.
Nagiguilty ito. Bakit niya kasi ginawa iyon. Ang gusto lang naman niya ay makabawi sa dalaga. Gusto niya itong mag-enjoy kasi halata sa mukha nito ang stress at pagod. Pero, mali nga lang ang paraan niya.
Gusto niyang magsorry pero maraming tao. Hindi niya kayang gawin iyon.
"Oi Seb! San mo siya dadalhin! "
Sigaw naman ni Kassi ng walang paalam na buhatin ni Seb si Abby at naglakad ito palayo sa kanila.
"Ako nang bahala! "
Sigaw nalang nito at hindi na niya pinansin ang iba pang sinasabi nila.
Napangisi naman si Francis.
"May saltik yong bestfriend mo no. "
At tumawa na ito bahagya.
"S-sir okay lang po ba talaga na hinayaan natin si Abby kay sir Seb. "
Alalang sabi ni Regine.
"Don't worry Regine, He won't kill her. "
Nakangisi parin nitong sabi bago tumayo at biglang binuhat si Kassi at tumalon sa pool.
"Kyaah----"
Hindi na naituloy ni Kassi ang sigaw dahil lumubog na sila sa tubig.
At nong lumitaw na sila.
"Hahaha, i know you can swim... "
Tawa ni Francis. Inirapan lang siya ni Kassi na natatawa na rin at sinabuyan ng tubig ang mukha ni Francis.
*****
😘😚😄😍😝
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro