C36 #TheMeeting
Agad na ipinark ni Francis ang sasakyan sa isang retaurant na itinext sa kanya ni Kassandra nitong umaga lang.
2:00 pm ang sinabing oras nito. Pero 15 minutes before two ay nakarating na siya.
It was already two days after ng first date nila. Hindi niya alam kung second date ba ito o ano. Basta pinapapunta siya ng dalaga.
Noong makapasok na siya ay naghanap agad ito ng uupuan para maghintay.
"Mr. Hunk!!! "
Tawag at kaway ng babaeng nasa pinakadulo na table sa bandang kaliwa ng restaurant. Kaya lumapit aiya doon noong mapansin niyang may kasama ito. At sa tingin niya ay namumukhaan niya iyon. Pero saan na ulit niya ito nakita?
"I'm glad you came.. Ah-- anyway, i bring my bestfriend with me. "
Ani ng dalaga noong makalapit na siya dito. Tumayo naman ang binata sa tabi ni Kassandra.
"Mr. Hunk--- i mean Francis, this is Seb. ..Sebastian Hidalgo, and Seb this is Francis Morgan. "
Nakipagkamay naman agad si Francis na agad ng tinanggap ng binata sa harap niya. Pero nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Pero kahit ganon ay walang planong patulan iyon ni Francis. Doon din niya maalala na ito yong ex-fiance ni Kasaandra.
Siniko naman ni Kassandra si Seb noong mapansin nito ang mga mata nito. Nilingon naman siya ng kaibigan at binigyan niya ng 'be-nice-look'. At saka ngumiti kay Francis bago sila umupo at omorder ng pagkain.
Hindi maiwasan ni Francis na kilatisin ang binata sa tabi ni Kassandra hindi dahil nati-threaten siya dito but may nararamdaman siyang kakaiba dito. And at first, ito ang kasama ni Kassandra noong nagising siya from comma kung totoo nga yon.
Pero, syempre kinikilatis din siya ni Seb. Ito kaya ang matagal na niyang karibal sa puso ni Kassandra. Ang daya nga lang kasi kahit hindi sila nagkikita eh may space parin ito sa puso ng kaibigan niya. Hindi niya tuloy mapigilang makuyom ang kamay sa inis.
Habang nakaramdam naman ng pressure sa hangin si Kassandra hindi naman siya shonga para hindi mapansin ang dalawang binata sa tabi at harap niya na mukhang ang lalalim ng iniisip. Gusto tuloy niyang batukan ang sarili dahil pinagtagpo niya sila. Ang crush niya at ang bestfriend niya na may gusto nga pala sa kanya. Huli na noong marealize niya.
Nag-isip siya ng paraan para maiba ang hangin. Nagkunwaring hindi niya nararamdaman ang pressure.
"A-ah.. A-ahm.... "
Pero wala siyang maisip sabihin.
"Yes Sofie? "
"Yes Kassi? "
Chorus pa ng dalawang binata sa harap niya. Parang may narinig siyang nagtawag sa kanya ng 'Sofie' pero inisip niya na baka namali lang siya ng narinig. Kasi ang mommy lang naman niya ang tumatawag non sa kanya.
Samantalang gusto nang suntukin ni Francis ang sarili dahil sa sinabi nito. Pero mukhang hindi naman iyon napansin ng dalaga.
Tinignan lang naman siya ni Seb. Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa isip ng taong ito.
"Ah, ---ayan na yong order oh. "
Buti nalang at dumating na ang mga orders nila kasi hindi pa niya alam kung anong sasabihin.
Gusto niyang sabunutan ang sarili.
'Asan na ang kadaldalan mo kassi.. '
Anito sa sarili.
Kinuha na ni Seb ang table napkin at iniayos ito sa lap ng dalaga. Bago niya inayos yong sa kanya. Hindi lang naman ito pinansin ni Francis. Anyway, they were bestfriends. Siguro ganon talaga sila.
Pero sa totoo lang ay tinapik ng palihim ni Kassandra ang kamay ni Seb noong ginagawa niya iyon. Na para bang nagsasabing 'don't do that'.
"Let's eat. "
Ani ni Seb.
"Let's pray first. "
Ani naman ni Francis. Medyo natawa ng kaunti si Seb.
"We don't do that. Deboto ka ba? "
Sarcastikong tanong nito.
"Lead the prayer Pat. "
Ani naman ni Kassandra na napahiya sa sinabi ng kaibigan. Feeling niya ay nilalaglag siya nito sa harapan ng crush niya o mahal niya na. Ano nalang ang iisipin ng binata sa kanya.
"You're kidding me!? Right? i know you'll laugh too. "
Namula ng husto ang mukha ni Kassandra. Wala na talaga ang pag-asa niya sa binata. Ano ba kasing pinagsasabi ng kaibigan niya ngayon. Siniko nalang niya ito at tinanguan si Francis para magpray na.
Hindi naman nagulat si Francis sa reaksyon ni Seb. Common na kasi iyon sa mga unbelievers. He actually understand him. Syempre kapag hindi talaga sanay, talagang matatawa talaga ito.
He prayed and then kumain na sila.
"Francis, i know Kassi a lot, so if you want to know her more, let's hang out sometimes. You know, with some shots. "
"No thanks, i want to know her by myself. And hindi ako umiinom ng alak. "
Nakuyom ni Seb ang kamay dahil sa sinabi ni Francis. Yon naman talaga ang gusto ni Francis, ang personal na makilala ang kababata at syempre para ipaalala sa dalaga ang pinagsamahan nila three months ago.
Napangiti naman ng bahagya ang dalaga. Inisip niyang may pag-asa pa siya sa binata.
"Seb, umayos ka nga... Mabait siya at sinasabi ko sayo ha! hindi na niya kailangan dumaan sa qualification mo ng magiging boyfriend ko. "
Bulong nito sa kaibigan noong may tinitignang text sa phone si Francis.
"Gusto ko lang naman yong best para sayo. "
Balik naman na bulong ni Seb sa kanya. Which actually a lie kasi gusto niyang siya mismo ang maging boyfriend nito.
After nilang kumain ay nauna nang magpaalam ni Francis kasi may kailangan daw itong asikasuhin sa kompanya nila. Si Jake nga pala ang nagtext sa kanya kanina lang.
Samantalang naiwan naman ang magbestfriend na nagbabangayan dahil sa naging usapan kanina.
"Gusto kitang batukan eh. Nilalaglag mo ba ako! "
Sigaw ni Kassandra sa kaibigan.
"Okay.., sorry... Not sorry. "
Anito at tumayo na pumunta sa parking lot. Naabutan naman niya si Francis na pasakay palang sa sasakyan nito.
"Hey! You know Sofie? "
Biglang tanong nito. Kanina pa niya ito gustong itanong kasi narinig niyang tinawag niyang Sofie kanina si Kassandra.
"She's a friend, why? Ah--i need to go. "
Anito at tuluyan nang pumasok sa sasakyan nito at umalis na doon.
He remember Kassi telling him that she was Sofie. It was before she fell sa hagdan.
FLASHBACK
"I told you, I'll make you mine Kassi. "
"Hindi nga ako si Kassi, ako si Sofie.. Namali ka lang ata sa akin Mr. Sebastian. Ako talaga si Sofie. Hindi ako si Kassandra. "
Umiiling-iling pa ito.
"Ayaw mo pa talagang aminin. It's no use now Kassi. Stop that drama. "
Napapangisi lang siya sa kaibigan. Alam niyang best actress ito. Para saan pa't lagi sila ang magkatambal sa mga theatre noong nasa middle school pa sila.
"I told you I am Sofie! Please, let me go... Please... "
"Ikulong niyo siya sa kwarto niya. "
Anito dahil sa asar sa dalagang nasa harap niya. What is she trying to do, he thought.
---end
Kassi don't want to be calked Sofie kasi pangbatang pangalan daw iyon. At gusto lang niyang ang mommy niya ang tumatawag sa kanya non.
Nabuo na naman sa isip ni Seb ang ideya na maaaring si Francis nga ang nagtago sa kaibigan niya noong nawawala ito. Pero naisip niya din na may ideya kaya ang binata o hinala sa mga ginawa niya bakit niya itinago si Kassandra. Kaya kailangan niyang mag doble ingat sa galaw niya. He also need to move fast. Kailangan niya nang mapasakanya ang kaibigan bago pa ito makaalala o maagaw ni Francis.
*****
Wew... Arrgghhh ayuko ng ganito. Ang gulo nila.
Baliw na ako. Haha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro