C28 #Danger
Nagpaalam si Sofie na pupunta munang comfort room. Kanina pa sila tapos kumain. Abala naman si Francis at ang daddy nito na nakikipag-usap sa ibang bisita doon na kakilala nila. Habang ang mommy ng binata ay abalang inaasikaso si Francine na sobrang likot at daldal.
Actually, hindi pa lumalabas yong sinasabi nila bida sa event na iyon. Si Miss Kassandra At Mr. Sebastian. May nagpaflash sa malaking screen na nasa gitna ng stage na mga pictures ng magfiance. Pero hindi makita ang mukha ni Kassandra. Kadalasan kasi ay nakaside view ito at nakatalikod. Maganda naman ang pagkakakuha.
Kahit side view at likod lang nito ang kita ay halatang maganda ito. Hindi naman na isyo yon sa mga bisitang pumunta. They are all aware of the late Mr. Klein Chan statement in his interview many years ago.
"I want my daughter to live a normal life in her young age. I don't want her to experience being followed by paparatzzi and being judge by what she does. Time come, you will meet her. When she'll get matured and ready to live the kind of life I am with. "
Bago makarating si Sofie sa comfort room ay madami pa siyang nadadaanang mga kalalakihang nahuhuli niyang nakatingin sa kanya. As well as ng ibang kababaihan at mga ginang na hindi mapigilang hangaan siya at puriin kahit hindi pa niya sila kilala.
Nahanap niya ang comfort room sa dulo at iilan lang ang mga tao dito. Pumasok siya at hinarap ang sarili sa salamin doon. Pinagmasdan muna ang sarili bago pumasok sa cubicle.
Maya-maya'y may narinig siyang pumasok din dito. At tantiya niya ay mukhang magreretouch lang kasi tumigil ang mga yapak ng mga ito sa harap ng salamin.
Nang maayos na niya ang suot at maiflash ang toilet ay lumabas na ito. Pero hindi niya inaasahan ang nakita niya pagkalabas. Dalawang lalaking malalaki ang katawan. Hula niya ay nakita niya kanina ang mga ito na nakatingin sa kanya noong hinahanap niya ang comfort room.
Nakaramdam siya ng takot. Wala namang kahinahinala sa kilos ng mga ito at bahagya pa nga silang nagulat noong lumabas siya ng cubicle. Dali niyang tinungo ang pintuan. At lumabas doon noong may makasalubong siyang lalaki na muntikan pa niyang makabangga.
Wait. Tama ba ang napasukan niya? Pagkalabas niya sa pintuan ay agad niya tinignan ang sign na nakadikit sa pinto.
Bigla niyang nasapo ang ulo. Paano niya nadulingan iyon. Panglalaking toilet ang napasukan niya. Kaya pala may mga lalaki sa loob. Buti nga at wala siyang naabutan sa loob kanina.
Maiyak-iyak siya sa hiya. Napakaembarassing sa kanya ang nangyari. At of course ayaw niyang malaman ito ng binata at pamilya nito. Dahil masasakal niya ang kanyang sarili sa sobrang hiya.
Hinihilot-hilot niya ang kanyang noo habang naglalakad pabalik nang may nagsalita sa likod niya.
"Kassandra? "
Nanlaki ang mata niya. It means nasa likod niya si Kassandra. Nagdesisyon siyang lumingon sa likod niya dahil gusto niyang makita ang dalagang sinasabi nilang kababata ni Francis.
Ngunit pagkatalikod nito ay isang matipunong lalaki ang nasa likod niya at nakangisi ito sa kanya. At wala naman itong kasamang babae. Kumunot naman ang noo niya at tumalikod na ito. Tinignan din niya sa harapan kung may Kassandra ba siyang makikita dito pero dalawang lalaki lang na nakaharap din sa kanya na parang inaabangan siya.
Lalo tuloy kumunot ang noo niya. Nang marinig ulit niya ang boses ng lalaki.
"Kassandra, kamusta? "
Napalingon ulit ito sa kanya. Sa isip-isip niya ay nababaliw na ata itong lalaking kaharap niya. Nang mamukhaan niya ito. Siya yong nasa magazine at yong lalaking kasama ni Kassandra sa mga larawan na naiflaflash sa malaking screen sa stage.
This is Sebastian Hidalgo.
Pero wait who is he talking. Siya ba? Dahil wala naman nang ibang babae doon maliban sa kanya. Ala, baka pinagkamalan siya nito. Kaya nagsalita na siya.
"S-sino po? I-im not Kassandra po. S-sorry. "
At tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad pero bago pa man siya makalayo ay nagsalita ulit ito.
"How can I forget you? We're always together since high school. We're just like the best buddy in the world. "
Seryosong pagkakasabi nito.
"Are you serious? 'Cause it is a bad joke for me. "
Anito na nakatalikod parin at nagsimula na ulit maglakad. Dahil natigilan siya kanina sa sinabi nito sa kanya.
"Yes, i know.. I knew you would reply that as you always do. But you cannot escape now. I'll make you mine. "
Bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito. Dahan-dahan itong lumingon sa binata upang tignan ang mukha nito at umaasang ginu-good time lang siya nito.
Pero pagkatingin niya ay madilim ang mukha nito at nakangisi. Ang kanina'y gwapong lalaki sa harap niya ay nagmukha nang beast ngayon na nakatingin sa kanya. Inihanda niya ang sarili para tumakbo dahil hindi talaga ito nagbibiro sa kanya.
Nagbilang pa siya ng one two three sa isip niya at tumalikod at tatakbo na sana ngunit may isang lalaking nagtakip sa ilong niya ng panyo at unti-unting lumabo ang paningin niya at hanggang sa magdilim na ito ng tuluyan.
Nabigkas pa niya ang pangalan ni Francis bago nawalan ng malay.
***
"Mommy, I'm not feeling okay. Let's go home. "
Yaya ni Francine sa ina. Bigla kasing lumakas ang tibok ng puso nito. She has a decerning spirit right. She can decern if something bad happened.
"Bakit anak? What did you feel? "
Yes, alam nga pala ito ng pamilya niya.
"Bigla po kasing lumakas yong tibok ng puso ko. Kinakabahan po ako. Hindi ko po alam kung bakit. "
"Wait anak, I'll just call dad okay. "
Anito at tinawag si Francis para samahan ang kapatid sa lamesa. At pumunta ito sa asawang medyo malayo sa kanila na kausap parin yoong mga negosyanteng kaibigan nila.
"Why baby, is something wrong? "
Tanong agad ng binata noong samahan niya ang kapatid sa lamesa at bigyan ito ng tubig.
"Kuya... Kinakabahan ako. Let's go home na. I was afraid if we stay pa. "
Binuhat naman ni Francis ang kapatid at kinandong nang maalala si Sofie na nagpaalam kanina pa na pumunta sa comfort room.
"Sofie? "
***
Haha... May irereveal akong secret.
Takot ako sa thrill at nakakakabang scene. Kahit hindi pa yan momo. 😨
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro