Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C26 #Like?

Hindi parin mawala sa isip ni Sofie ang moment nila ni Francis sa clinic kahit dalawang araw na ang nakakalipas.

Fresh na fresh pa sa kanyang memorya ang lahat.

FLASHBACK

Ibinababa siya ng binata sa kama doon sa may clinic. Bukod kay regine pala ay mayroon pang ibang nurse ang foundation. Inasikaso siya agad ng nurse. Wala naman itong nahanap na injury. Kaya pinayohan nalang siyang magpahinga muna. Hindi naman umalis sa tabi niya si Francis.

"S-salamat Francis ha. "

Anito na medyo nahihiya pa sa binata dahil sa nangyari. At ngumiti lang naman ito.

"Ahm, Sofie.... "

Nakatingin naman si Sofie sa kanya at naghihintay sa kung ano man sasabihin nito.

"My mom said that she wanted you to come with us... "

"H-ha? S-saan naman? "

"Sa ahm, engagement party ng kababata ko. Sa friday na pala iyon. "

Napaisip naman ang dalaga. Three days from now pa naman yong party.

"Ah, eh h-hindi ba nakakahiya. L-lagi nalang akong--"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil nagsalita ulit si Francis.

"Besides you are a member now of the family.. "

Nanaba naman ang puso niya dito tama ba ang narinig niya? Hindi tuloy siya makasagot agad.

"Ah no, you will soon be part of the family ."

Pagrephrase ng binata. Na kinalaglag naman ng balikat niya. Bigla kasing naging malabo ang ibig sabihin nito. Okay na siya kanina eh, pero bakit binawi pa.

"F-francis?... "

Gulong-gulong sabi nito. Tumingin naman ang binata at ngumiti ulit.

"Ang weird ko no?... "

Biglang sabi nito na bahagya pang napatawa.

"H-ha? "

Maang na ani Sofie.

"I actually don't know what happened.. "

Kumunot ang noo ni Sofie.

"Why my parents and sister like you the way i like you also. "

Bigla namang naghisterikal ang sistema niya. Nananaginip lang ba siya. Ano kayang ibig sabihin ng binata sa sinabi nito sa kanya. Napaawang pa ang bibig nito sa narinig.

Sinalubong naman ni Francis ang mga mata niya. Nakaramdam tuloy siya ng pag-iinit ng mukha niya.

Hindi naman lingid sa binata ang pagbablush nito sa harap niya. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ni Sofie. Dahilan upang yumuko si Sofie para maitago ang namumulang mukha nito sa binata.

"I get going. Rest ka muna dito. "

Paalam ng binata. Gusto niyang mag salita pero walang salita ang lumalabas sa bibig niya. Gusto niyang linawin ang sinabi ng binata sa kanya.
Pero hindi niya mahanap sa dila nito ang tamang salita na sasabihin.

Naglakad naman na si Francis papuntang pintuan.

"Ah----eh. "

Napatigil ito sa paglalakad ng marinig ang dalagang nagsalita. Lumingon ito sa kanya.

"Ano yon Sofie? "

Bigla namang nataranta si Sofie dahil hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Ah, h-hindi ba kayo natuloy? "

Thank goodness sa sinabi niya. Muntik na siyang madulas. Kahit gusto din niyang sabihin na may gusto din siya dito. Pero naalangan siya if anong klaseng "like" ang sinasabi ni Francis.

"Ah, we already went. Pumunta kami sa bahay nila Kassandra. Pero sinabi ng assistant niya na she is so busy para harapin kami. "

Napaisip naman si Sofie kung sino si Kassandra?

"Sige mauna na ako Sofie. "

At muli ay ngumiti ito sa kanya ng dinescribe niyang nakakatunaw na ngiti.

---end

Nawala tuloy ang "ngiting wala nang bukas" sa pagkatamis-tamis ng maalala si Kasaandra. Who is she? May something ba sila ni Francis?

Nakaramdam naman siya ng kunting kirot sa dibdib ng isipin iyon.

Umabsent kasi siya ngayon dahil nirequest ni Francis. Namili kasi sila ng susuotin nila para bukas sa party na pupuntahan nila kasama ng pamilya ni Francis. At kasama din niya si manang flor sa bahay niya ngayon kasi nag-aalala daw ang mommy ng binata sa kanya dahil wala siyang kasama sa bahay.

Half day lang naman kasi iyon. After nilang maglunch at makabili ng isusuot ay agad din naman silang umuwi at inihatid siya ng binata sa bahay niya.

"Oh nak? Kanina pa ba diyan? Kumain ka na ba? "

Tanong ni manang flor sa kanya. Ngumiti naman ito sa kanya bago sumagot.

"Upo ."

"Ah, sige don muna ako sa kusina nak ha.. Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. "

Maglalakad na sana ulit si manang Flor nang hindi mapigilan ni Sofie ang magtanong.

"Ahm, manang Flor, sino po ba si Kassandra? "

Ayan at nasabi na nga niya. Wala nang bawian. Tsaka gusto niya talagang malaman kung sino ito sa buhay ni Francis.

"Ah, si Kassi?.... "

Bumalik ang matanda at naupo sa tabi nito. Natuwa naman siya dahil heto at kwekwentuhan nanaman siya ni yaya Flor. Naupo na eh. Mahilig talaga ito magkwento.

"...yong kababata ni Francis iyon. Laging kalaro yoon ni Francis noong bata siya. Ang cute nga nong batang iyon. "

Pagtutuloy ni manang Flor.

"...at ang tawag niya kay Francis noong bata sila ay Pat.. Haha at ayaw na ayaw yon ni Francis. "

Tumango naman ito at tutok na tutok sa pakikinig ng kwento ni yaya Flor.

"Pero kalaunan, tumira na sila Kassi sa u-UK ba yon? Kaya hindi na sila nagkita. "

"Ah.... "

So mayaman pala si Kassandra. Mongkahe niya sa isip.

"Ah! Saglit lang anak, may kukunin lang ako. "

Tumango naman siya at daling tumayo si manang Flor at mukhang pumasok ito sa kwarto niya.

Agad din itong bumalik na may hawak nang parang maliit na papel. Naupo ito sa tabi niya at pinakita sa kanya ang papel na hawak niya. Isa pala itong litrato. Nakita niya dito ang dalawang batang masayang magkaakbay sa larawan.

"Si Francis yang payat na lalaki, iyan naman si Kassi... Malusog daw, hindi mataba haha. "

Ang cute nga nilang tignan sa larawan. Habang tinititigan niya ito biglang may kung anong naalala siya.

"...parang alam ko po yang lugar manang Flor. "

"Ah, kinuha yang larawan na yan sa likod ng bahay nila Kassi. Alam mo ba na anak mayaman yang bata na yan. Anak siya ng kilalang si Mr. Klein Chan, ang may-ari ng Chan group of companies.... "

Tumango-tango naman siya at tama nga yong hinala niyang anak mayaman ito.

"Siya yong dadaluhan niyo ng engagement party bukas. "

"H-ha? Totoo po? "

Medyo gulat na tanong niya.

"Oo anak, si Sebastian Hidalgo ang fiance nito. "

So sure talaga iyon. Bigla namang nagdiwang ang loob niya. It means lang na wala something si Kassandra na yon at ni Francis niya.

Ai possessive..

*****

😄😄😄😄😄

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro