
C25 #InLove
Hindi makatulog si Sofie sa gabing iyon. Napakabold kasi ng pamilya ni Francis. Lantaran ang pagsasabi nila na gusto nila si Sofie para kay Francis.
Ilang beses na siyang bumalingkwas, pero patuloy paring naglalaro sa isip niya ang mga sinabi ng magulang at kapatid ni Francis.
Hindi niya namamalayang napapangiti na siya habang iniisip ang kakyotan at kabibohan ni Francine.
Bigla tuloy naglaro sa isip niya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng kapatid na kagaya ni Francine.
***
Kinabukasan, nagmadaling magbihis ang dalaga upang pumasok na sa trabaho, medyo nalate na siya gumising. Dagdag pa na walang magluluto at mag-aasikaso sa kanya dahil naiwan si yaya Flor sa bahay nila Francis. Doon daw muna ito habang nagbabakasyon ang pamilya ni Francis. At kada Sabado at Linggo lang ito pupunta kay Sofie.
Dali din siyang lumabas ng bahay at tumakbo sa may high way, at pumara ng taxi. Nagtext kasi si Francis sa kanya na hindi niya ito masusundo dahil may schedule sila ng pamilya niya. At naiintindihan naman niya ito. Bagamat medyo nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi niya ito makikita sa araw na iyon.
Pagkarating niya sa opisina ay deretso work naman siya. Nilibang nalang niya ang sarili sa pakikipaglaro sa mga bata.
Another part of her ay naiinis dahil sa kakaibang ikinikilos niya niya kapag si Francis ang pinag-uusapan. Gusto niyang maging especial sa mata ng binata. Naiisip nadin niya minsan na baka nagiging assumera na siya at binibigyan kahulugan ang mga ginagawang kabutihan ni Francis sa kanya. At sino ba siya, eh isa lang naman siya sa tinutulongan ng binata. At ang mamahalin siya ni Francis, sa isip niya ay it will never happen. Kaya mga ilang malalim na buntong hininga nalang siya sa sitwasyon.
Bigla naman ito napahinto sa ginagawa niya ng isipin na posible kayang mamahalin siya ng binata. Napahawak ito sa tapat ng dibdib niya.
"Totoo ba ito?"
Anito sa sarili nang isiping mahal na ba niya si Francis.
"Waaah! "
Sigaw ng nasa harap niya.
"Kyaaahh! "
Sigaw nitong mas malakas, huli na noong marealize niyang nasa nursery room pala sila at nakapaligid ang mga bata. Malakas ang tawanan ng mga bata maging ni Regine at Abby. Habang si Cristof naman at maiyak-iyak na sa tawa. Ito pala ang nangulat sa kanya.
Biglang itong pabirong umirap sa binata.
"Bakit ka ba nang gugulat ha! "
Pabirong singhal nito sa binatang tawa parin ng tawa.
"Hahaha nasaang mundo haha ka ba Sofie.. Haha.. Kanina pa kita kinakausap haha...nakatulala ka lang at hawak mo pa yang dibdib mo haha. "
Bigla namang napasinghap ng hangin si Sofie at namula ang mukha. Humahagilap ng salitang sasabihin sa binatang kaharap nito na nagpupunas ng mata dahil sa sobrang pagtawa niya kanina.
"Ah... Eh... Ahm... "
Napayuko nalang ito nang hindi malaman kung anong sasabihin. Napapaisip siya kung masyado na bang halata ang pagtingin niya sa binata.
"It can't be!!! "
Sigaw ng utak niya. Umangat ang mukha nito. Nakaramdam siya ng pag-iinit sa mukha. Sa sitwasyon niya ngayon ay parang nasa hot seat siya. Lahat kasi sila ay nakatingin sa kanya at nag-aabang ng sasabihin niya.
"Lord, patulong naman oh. "
Panalangin niya sa isipan. Nalingon niya ang pintuan at bigla itong tumayo. Tumakbo ito papunta sa pintuan at lalabas siya doon. Ayaw niyang sabihin sa kanila na si Francis ang iniisip niya.
Bogsh!!
Bumagsak siya sa floor nang tumama siya sa isang matigas na bagay sa harap niya. Hindi nito ininda ang sakit dahil familiar sa kanya ang amoy ng nakabunggo niya. Dahan-dahan nitong tiningala ang bulto sa harap niya. Nanlaki ang mga mata nito. Dali namang yumuko ang taong nasa harap niya.
"Okay ka lang?...may masakit ba? "
Pag-aalalang tanong ng binata sa harap niya.
"F-francis... "
Anitong hindi makapaniwala.
"Kaya mo bang tumayo---Ah no, kapit ka sa batok ko. "
Ani nito at kinuha ang kamay ng dalaga at binuhat na niya ito. Huli na upang tumanggi pa si Sofie. Bakas parin ang gulat sa mukha nito.
Biglang tumigil si Francis sa paglalakad papunta sa clinic. Naiilang siya sa titig na tinatapon sa kanya ni Sofie.
"S-sofie? M-may dumi ba ako s-sa mukha?.. "
Bigla namang bumalik sa matinong pag-iisip si Sofie.
"H-ha?... "
Gulat na tugon nito. Nang mapanasing nakaangat siya sa ere.
"Omg!! B-buhat ba niya ako! Totoo ba to!! "
Sigaw ng utak niya.
"Hindi ka ba comfortable na buhat kita? "
Naiilang na tanong ng binata sa kanya.
"No, o-okay lang. "
At bigla itong napatakip ng bibig. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa sinabi niya. Hindi dapat yon ang sinabi niya. Dapat nagpababa na siya. Pero wala na, nasabi na niya iyon.
Ngumiti naman ang binata sa kanya. At ikinagulat niya iyon. Halos mapaawang ang bibig niya nang makita ang matamis na ngiting iyon ni Francis.
"Diyos ko, mahal ko na talaga itong taong to. "
Anito sa utak. Pero ibang parte ng utak niya ang tumututol. Feeling niya ay hindi pwede ang mainlove dito. Magkaibang mundo sila ng lalaki.
Pero hindi parin niya mapilit ang puso na huwag tumibok para dito.
______________
😚😚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro