Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C13 #OoohEeemGiii

Tatlong linggo na ang nakakaraan ng dumating si Sofie sa bahay ni Francis. Marami naring nangyari, at marami na ring nagbago sa dalaga.

Naging effective ang ginawang pagtuturo at pag-gabay ni Francis sa kanya.

Pero may damdamin din ang hindi maiwasang mabuo. Ang damdaming akala lang noong una ni Francis ay awa ay siya rin palang magtutulak sa binata upang mahalin si Sofie. Alagaan at protektahan.
Maaring ipinanalangin na rin niya.

Sobra talagang natutuwa si Francis sa development ng dalaga. Kung dati ay parang patay-gutom sa takaw si Sofie, ngayon ay naging normal na tao na siya. I mean, meron na siyang hiya at kumikilos na ng normal. She already knows kung ano ba dapat ang gawin at hindi. At hindi maitatanggi that she had learned a lot from Francis.

Actually, hindi pa nga tapos ang isang buwan. Nasa tatlong linggo palang siyang nakatira kina Francis since the day na dinala siya ng binata doon pero pasado na siya sa training niya.

Napapaisip tuloy si Francis na nakaupo sa sofa ng sala habang si Sofie naman ay busy sa pagluluto sa kusina.

"What's next?.. ."

Anito sa isip habang kagat kagat ang hinlalaki ng kanang kamay niya.

Sa foundation kasi nila, after ng training ng mga bata ay nagrerecruit na sila ng family na gustong mag-ampon. Pero sa case ni Sofie? -ewan lang niya kung may gustong mag-ampon dito.

Napakamot tuloy siya ng kanyang ulo at napahilamos ang mga kamay sa mukha niya.

Tumayo ito at pabalik-balik sa paglakad. Nag-iisip kung ano bang magandang gawin para sa dalaga. She can't stay forever sa bahay nila. Lalo na't lumalalim na rin ang pagtingin ng binata sa kanya. Ayaw niyang may mangyari pang kung ano sa kanila.

As long as Sofie stays in their house the temptation will only become stronger.

Umupo nalang ulit ito at napalakas ang kanyang buntong hininga.

"Francis, kain na tayo.. "

Bahagyang nagulat naman si Francis nang makita ang dalaga. Ni hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa bagay na kanyang iniisip. Hawak-hawak ni Sofie si Paw. Hindi naman nakatingin sa kanya ang dalaga dahil nilalaro nito si Paw. Kaya malayang napagmasdan siya ni Francis.

"What will you feel kung liligawan kita Sofie.. "

"Ha!? "

Bigla itong napatingin sa kanya at nanlaki ang mata nito.

Hindi naman makareact si Francis dahil maging siya ay nagulat mismo sa sinabi niya.

"K-kain n-na tayo, k-kanina ka pa s-siguro g-gutom, kaya k-kung ano-ano na sinasabi mo.. "

Utal na sabi nalang ni Sofie at nagpatiuna nang maglakad papunta sa kusina. Halatang nagulat ito sa sinabi ng binata sa kanya.

Pagkarating naman niya sa kusina ay agad niyang ibinababa sa upuan si Paw at mabilis na kumuha ng maiinom na tubig sa dispenser.

Samantalang ang binata naman na naiwan sa sala ay nakaupo parin at sabunot nito ang buhok. Parang gusto niyang suntukin ang sarili dahil sa sinabi nito.

Maya-maya ay tumayo na rin ito at pumunta na ng kusina. Naabutan naman niya ang dalaga doon na nakasandal sa lababo at may hawak na baso sa kamay nito pero parang nataranta itong naupo noong makita siya.

Kaya maging si Francis ay nao-awkwardan na rin sa kanila. At nagsisi sa sinabi niya.

"Ahm, S-sofie k-kalimutan mo na yong s-sinabi k-ko k-kanina. J-joke lang yon. "

Utal na sabi nito kahit ayaw niya sanang sabihin iyon pero sa tingin niya ay hindi pa panahon para sa bagay na iyon.

"O-oo. ..k-kain na tayo. "

Anito sa binata. Nakaramdam siya ng pagsisikip ng kanyang dibdib hindi niya alam kung bakit pero parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib niya ang sinabi ni Francis dahilan kung bakit hindi siya makahinga ng maayos. Dumagdag pa ang biglaang pagsakit ng ulo niya.

"Sofie... Okay ka lang? parang namumutla ka.. "

Anito nang makitang namumutla ang dalaga at lumakas ang paghinga nito.

"Okay..... Lang... Ako...Francis,... Excuse me, masi-cr lang muna..... Ako"

Habol hiningang bigkas nito at tumayo na at naglakad papuntang cr. Ngunit hindi pa siya nakakarating ay natumba ito bigla at buti nalang ay maagap ang binata at nasalo naman niya si Sofie. Ngunit wala na itong malay.

***

Nagmulat si Sofie ng kanyang mata at napansin niyang nakahiga ito sa malambot na kama. At tinignan niya ang kanyang paligid. Nasa kwarto na niya pala siya, nakita naman niya sa may malapit sa pintuan si Francis at isang mamang nakasuot ng white na gown or should I say isang doctor.

Naalala niya ang nangyari kanina. Inaamin niyang natutuwa siya sa sinabi ng binata na una sa kanya, kasi kailan lang noong makaramdam siya ng kakaiba sa binata. Every time na ngumingiti ito, nag-iiwan ng notes sa door niya, ginugulo ang buhok niya at lahat ng ginagawa ng binata sa kanya ay nararamdaman niyang special siya kay Francis.

Hindi niya maiwasang maramdaman iyon, dahil since magkamalay siya sa tabi ng abandonadong bahay ay si Francis palang ang nagpakita ng ganong pag-aaruga sa kanya.

Sobrang thankful siya dahil may Francis noong time na yon. Tumanggap sa pagkatao niya, umintindi sa situation niya and even tumulong sa kanyang mabago ang buhay niya.

Ilang araw na rin niyang pinagpipilitan sa isip niya na mabait lang talaga si Francis, na siya lang ang nag-aassume na may feelings ito sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ito sa pag-iisip at muling sinulyapan ang binata at ang kasama niya na nasa may pintuan ng kwarto niya.

******

What do you think?
Comment please 😊

Salamat po sa mga silent readers! God bless you... Nais din kitang makilala 😉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro