C11 #TryingHard
Pagkatapos nilang mag-umagahan sa umagang iyon ay dumiretso sila sa paglalaba ulit, pagluluto at kung ano-ano pa.
At paulit-ulit ding pumapalpak si Sofie sa kanyang mga ginagawa. Napabuntong hininga tuloy ito ng pagkalalim-lalim sabay pout ng bibig na naupo sa sofa.
Kasama niya din doon ang binata na nakaupo na din sa sofa at mukhang pagod na pagod sa pagtuturo sa kanya.
"I'm sorry Francis... "
Nahihiya nitong sabi sa binata.
"Don't say sorry, it's okay."
At tumayo ito mula sa pagkakaupo niya.
"Akyat ka na at magrest, bukas nanaman ulit. "
Anito dahil inabot na sila ng 8:00 ng gabi. Saka umakyat na ito sa hagdan paitaas papunta sa kwarto niya. Naiwan naman ang dalagang tinititigan lang ang binata na paakyat ng hagdan. At napabuntong hininga ulit ito.
Maya-maya din ay nagdesisyon na itong umakyat sa kwarto niya. Maalumanay itong umaakyat sa hagdan, na para bang ang bibigat ng paa niya sa pag-hakbang.
Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi siya natutoto ng mga tinuturo ng binata.
Pagkarating niya sa harap ng pinto niya, ay bahagya pa siyang lumingon sa pintuan ng kwarto ni Francis.
Bumuntong hininga ito. Bago niya pinihit ang door knob at pumasok. Nang mapansin niyang parang may papel na nakadikit sa pintuan niya.
Umatras siya at tinignan niya ito. May sticky note nga na nakadikit sa may pintuan niya. Dali niya itong kinuha at saka pumasok sa loob. Dumiretso ito at ibinagsak ang katawan niya sa kama.
Iniangat niya ang kanyang kanang kamay kung saan niya hawak ang sticky note na kulay green. May nakasulat dito, kaya binasa niya ito.
"YOU DID GREAT TODAY :) read your Bible first then pray before you sleep. Good night! -Francis"
Natuwa naman ito sa kanyang nabasa. Lagi nalang ganon si Francis sa kanya. Mapagpasensya, maunawain at magaling ding magcomfort. Which is mas lalong nagpaguilty sa kanya. Francis is always good to her, while she feels that she's always a burden to him.
Napatayo tuloy ito at kumuha ng pamalit na damit saka dumiretso na sa banyo. Saglit lamang siyang naghugas at lumabas din doon.
Naka-t-shirt ng white ito at nagleggings ng kulay grey. Kumuha siya ng tali at itinali ang kanyang mahabang medyo kulot na blonde na buhok.
Kinuha nito ang Bible niyang nasa lamesa na maliit sa may malapit sa kama niya at saka ito lumabas ng kwarto at dahan-dahan itong isinara. Dahan-dahan din siyang bumaba ng hagdan dahil ayaw niyang marinig ang kaluskos niya ng binata.
Balak niya kasing isekreto ang gagawin niya sa gabing iyon. Plano niya kasing ipraktis mag-isa ang mga itinuro ni Francis sa kanya na potahe kanina.
Pagkababa niya ay dumiretso ito sa kusina at inihanda na ang kanyang mga lulutuin.
Una ay hiniwa muna niya ang mga ingredients niya, gaya ng repolyo, patatas, sayote, broccoli, karots, mushroom, bawang, union leaves at iba pa. Pati na rin ang karne ng baboy. Hinati niya ito ng lima na salangan ang bawat ingredients. Upang kapag pumalpak siya sa unang luto ay may apat na try pa siya para sa potaheng iyon.
Kumuha muna siya ng maiinom na tubing sa dispenser at uminom ito bago magsimula.
Nilagyan niya ng mantika ang palayok, maya-maya, nang mainit na ang mantika ay inilagay na niya ang bawang at ang union leaves, ang karne ng baboy at inihalo ito gamit ng sandok na hawak niya. At noong medyo luto na ang karne ay nilagay niya na ang medyo matitigas na gulay.. Hanggang sa mailagay niya na lahat.. Isa nalang ang kulang ang pangtimpla ng lasa nito. Naglagay na siya ng asin, at hinintay na kumulo ito at maluto lahat ng gulay.
Kinakabahan niyang pinatay ang stove at isinalin sa mangkok ang niluto niya.
Bumuntong hininga muna ito bago niya ito tinikman.
Pagkasubo nito, ay agad siyang tumakbo papunta sa lababo na hawak-hawak ang bibig at saka iniluwa doon ang pagkaing nasa bibig niya. At napaubo-ubo pa siya, dali-daling kumuha siya ng maiinom na tubing at ininom ito ng isang lagok lang.
"Ahhh... Alat! " anito sa kanyang sarili.
Kinuha nito ang nakamangkok na pagkain at itinapon sa basurahan.
"Kaya ko to! " pang-aalo nito sa sarili.
Kumuha ulit siya ng bagong palayok at nasimula na ulit itong magluto.. Inulit niya ulit ang procedure na ginawa niya kanina.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tinikman niya na ito pagkatapos isalim sa mangkok. Pero nadismaya ito dahil sa itsura ng niluto niya. Kasi napadami pala ang nailagay niyang tubig na naging dahilan kung bakit nagmistulang swimming pool ang mangkok na malaki sa harap niya at masayang nagswiswimming doon ang mga gulay at karne.
Ilang beses pa siyang nagpaulit-ulit. Segundo, minuto at oras na ang lumipas at umabot na siya ng 2:00 am. Mabibigat narin ang talukap ng mata nito. Umupo ito sa upuan na malapit sa lamesa.
Napabuntong hiningang tinitignan ang mga niluto niya. Ni hindi na nga niya nilasaan pa ang huling niluto niya.
Tumayo ito at kukuha sana ng tubig ng matabig ng siko niya ang babasaging baso sa tabi niya at nahulog sa floor at nabasag ito.
Nataranta ito sa pag-pulot ng bubog sa harap niya kasi baka nagising niya ang binata dahil sa ingay na yon. At winalis nalang niya ang natitirang maliliit na bubog sa floor.
Wala pa namang bumababa, kaya nakahinga na siya ng maluwag dahil maaring hindi nga siya narinig ni Francis.
Nagdesisyon muna siyang magpahinga at saka itutuloy nalang ulit mamaya. Naupo siya sa lamesa, nakainat ang dalawa niyang kamay sa mesa at ipinatong ang ulo sa kanang braso niya.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
__________________________________
Aja! Sofie! Kaya mo yan!
____________________________________
Please click the star if you like this chapter. GOD BLESS YOU!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro