C10 #SearchingForAnswer
Nagulat si Francis ng makita ang dalagang nagpiprito sa kusina. Bahagya itong umatras at nagtago sa likod ng pintuan.
Pinapanood ang dalagang may hawak pang takip ng kaldero sa kaliwang kamay na parang shield nito sa tumatalsik na mantika at hawak naman niya ang tong sa kanan niyang kamay.
Napapatili ito ng "ouch! Ouch! "Sa tuwing natatalsikan ito ng mantika. Nang bigla itong sumigaw.
"NO!!! "
Sabay patay ng gasol at ini-off ang stove. Kinuha niya ang pagkaitim-itim na tilapia sa palayok gamit ang tong na hawak niya. Halos maiyak na ito..
Nakita din ni Francis ang mga nasa lima o apat na tilapia na nasa bilog na plato sa ibabaw ng lamesa na ganoon din ang itsura.
Napaupo ang dalaga sa upuan kasabay ng pagpout ng bibig niya na may kasama pang buntong-hininga. Nang-gilid ang mga luha sa mata nito habang tinitignan ang mga tilapiang kasing itim na ng pwet ng palayok na pinaprituhan niya.
Agad niya din itong nagpunas nang maramdamang mahuhulog na ang luha sa mga mata niya.
Bahagya namang nakurot ang loob ng binata ng makitang ginagawa ng dalaga ang best niya para makapagprito kahit na puro palpak ito.
Kaya nagdesisyon na siyang magpakita dito. Lumabas na ito sa likod ng pinto at naglakad patungo sa kanya.
Nang makita siya ni Sofie, ay biglang nanlaki ang mata nito at nataranta. Dali niyang itinago ang nakaplatong sunog na tilapia sa likod niya.
Ngumiti naman si Francis at lumapit sa kanya. Ginulo nito ang buhok niya at sabay sabing.
"You did well Sofie... "
At saka inalis ang kamay nito sa ulo niya pero nakangiti parin ito sa kanya.
"Sofie, Tara muna sa sala.. "
Anito sa dalaga na medyo maliwanag na ang mukha. Hinintay muna niyang tuluyang makaalis ang binata bago niya daling ibinasura ang mga tilapiang sunog na nasa platong hawak niya at inilagay sa lababo ang plato at maging ang lahat ng ginamit niya kanina. At sumunod na ito sa binata.
Naabutan naman niya si Francis na nasa sala at mukhang may binabasa ito. May isang libro din na nakalapag sa lamesa sa may harap ng binata. Lumapit ito at naupo sa tabi ng binata. Tinignan nito ang librong nasa lamesa at nabasa niya ang "Bible" na nakasulat dito.
Napakunot-noo tuloy siya. Nang biglang magsalita si Francis.
"Yang Bible sa lamesa, that is for you. "
"Pero bakit?? Ipapasok mo ba ako sa seminarya? Magmamadre ba ako?? "
Sunod-sunod na tanong niya kay Francis. Na nagpatawa naman ng kunti kay Francis.
"Bakit gusto mo ba? "
Biro nito sa dalaga.
"Hindi,... Pangako tututunin ko lahat ng itinuro mo... Bigyan mo muna ako ng sapat na time. Please, wag mo lang akong ipunta doon.. Parang ang creepy kasi doon. . Please Francis. "
Pagmamakaawa nito sa binata na mukha talagang naniwala sa sinabi niya.
Napatawa naman si Francis. Habang kumunot naman ang noo ni Sofie.
"Chill Sofie , Biro lang yon. "
Hawak-hawak ang tiyan na patuloy parin sa pagtawa at tinignan lang siya ng dalaga ng masama. Tumigil naman si Francis ng makita ang mga matang iyon.
"Hmm"
Pag-aayos nito sa lalamunan niya.
"S-sorry, ahm.. Binibigay ko sayo yang biblia kasi everyday magkakaroon tayo ng devotion. "
Napakunot-noo nanaman ang dalaga.
"Ano yon?..joke nanaman ba yan"
Bagot nitong tanong.
"Sofie, I'm serious and this is not a joke.. "
At ngumiti ito sa kanya.
"We need to have an intimate relationship to God. We have been created for this purpose to worship Him. And that's what we will do. Kaya kunin mo na yang bible sa mesa at buksan mo ito sa Genesis. Doon tayo magsisimula sa ating Bible reading and later on magseshare tayo ng ating reflection about sa nabasa natin."
Pagpapaliwanag nito sa dalaga na sumunod rin lang sa sinabi niya. Tinignan niya si Francis ng mabuksan na niya ang Biblia sa Genesis. Napatingin din sa kanya ang binata.
"Let's read chapter 1, three times then after that we'll share our reflection to this chapter. "
"Why? Pwede namang isang beses lang... "
Maang tanong nito sa binata.
"Please, gawin mo nalang Sofie ha.. "
Pagmamakaawang sabi nito dahil nakukulitan na siya sa dalaga. Di na rin nagtanong pa ang dalaga. At nagbasa nalang ito.
After fifteen minutes ay nagsalita na ang binata.
"You're done? "
Tanong nito sa dalagang seryosong nag-iisip. Napakunot-noo ito ng hindi sumagot ang dalaga at patuloy parin ito sa pag-iisip.
Mukhang hindi masisid ang lalim ng iniisip nito. Sabay salubong pa ng dalawang kilay nito.
"What's on that face, Sofie? Ano bang iniisip mo"
Di nito maiwasang tanong sa dalaga na nakaismid pa.
"Nirereflect ko kasi ang sarili ko sa mga nilikha ni God. Pero bakit ganon, parang wala akong koneksyon sa kanila? "
"Ha?? What do you mean?? "
"Sila kasi, may beginning.. Ako, parang kaboteng lumitaw nalang basta mula sa kung saan man ako galing.. Naguguluhan ako Francis.. "
Anang dalaga sa binatang napapangisi lang naman sa kanya.
"You know Sofie, we all part of God's creation. Through Adam and Eve. Sila yong mga ninuno natin until dumami ang tao sa pamamagitan nila at ng mga naging anak nila. Until ang dami nang nangyari then Jesus was born for one purpose. For our salvation, and after 2000 years, ito na ang generation natin ngayon."
Pagpaliwanag ni Francis kay Sofie.
"That makes you a part of God's creation Sofie. "
Dagdag pa nito.
"Bakit ganon Francis, Hindi ko maalala ang past ko? "
"That's another thing tho, you are still created by God. May nangyari lang siguro sayo na naging dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon.... "
He explained sa naguguluhang dalaga.
"Ahm, wait.. Wala ka ba talagang maalala sa past mo? Kahit kunti lang o part lang. "
Tanong naman niya sa dalaga na agad namang kumunot ang noo at nag-isip. At Maya-maya din at umiling ito.
"Wala talaga eh, except sa panaginip ko. About sa old woman na nagtulak sa akin palabas ng umaandar na kotse na siya ring sumigaw na tinawag ang pangalan ko. "
"Hindi kaya, konektado siya sayo? "
"I don't know.. "
Malungkot nitong tanong. At nag-isip naman ang dalaga.
Pero mamaya din ay hawak na nito ang ulo niya at hindi maipinta ang mukha nito .. Nag-alala naman ang binata at daling pumunta sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Dali din itong bumalik at ibinigay ang isang basong tubig sa dalaga. Na ininom naman agad ito ni Sofie.
"Sorry if I insisted you to remember your past".
Anito sa dalaga na bakas parin ang pag-aalala sa mukha nito.
"No, it's okay... Okay na din ito maya-maya. "
"Sige, let us pray.. Para makapagpahinga ka muna bago tayo kumain ng breakfast at magresume sa household chores na pag-aaralan mo. "
Pumikit na sila at nagsimula nang manalangin ang binata.
"Father God, . . . . . . . . . ."
________________________________
Who is Sofie in her past?
________________________________
Hanggang sa susunod na kabanata <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro