level twenty three
Third Person's POV
"Orion, calm down," marahang saad ni Cat at nagpalinga linga sa paligid.
"H-how can I…"
"As I said earlier, the flames won't be the cause of death but a person with grunge. So as of this moment, there's a possibility that they are still alive. Hope, did you manage to call the cops?"
Mabilis na tumango si Hope sa kabila ng pagaalala sa mga mata nito. "Good. Right now we need to retreat and go to a safer place. Let the police and firefighters do their jobs."
Tumalikod na si Catastrophe sa nagaapoy na bahay sa kabila ng ulan. Ibinigay niya kay Chenzo ang wala pa ring malay na si Rui at siya ang pinagakay dito, saka niya binalingan ang babaeng may kaparehong mata na taglay ni Orion. Patay.
"You, the last braincell."
Kumurap kurap si Daz at napaturo sa sarili niya. "Eh?"
"Yes you. I'll drive the van and you sit on the front seat. Tell me everything you've witness and learn from all of this mess. Let us investigate this crap on our own way too."
Walang lingon likod na isinenyas ni Cat ang kanyang mga kamay at punamunuan na sila. "The rest, follow me."
Sa mga oras na iyon ay parang mga basang sisiw na nagsunuran ang mga ito sa inahin nila. Dala na rin siguro ng pagod at ng bigat ng sitwasyon, maski sila Orion ay Markian ay tahimik lang na sumampa sa van. Ni hindi na sila pumalag, nagwala o nagtatakbo pabalik.
Pinanghawakan nalang talaga nila ang sinabi ni Cat at sana nga ay tama siya.
Nath's POV
Nagising akong naka higa sa malamig na sahig. Mariin pa ako napapapikit pikit dahil sa sakit ng mga kasukasuan pati narin dahil sa sobrang liwanag ng paligid. Gusto kong itanong sa sarili kung patay na ba ako at nasa langit na, pero ang gaga ko naman kapag ganoon. Sa dami dami ng mga kabulastugan ko sa buhay, paniguradong ipanggagatong ako sa impyerno kung sakaling katapusan ko na.
But nevermind. It's not like I was afraid though, they can save my seat in hell for all I care because I might come with a throne anyway. Pagak akong natawa dahil sa sariling isipin at nang unti-ynti nang nakakapag-adjust ang mga mata ko sa paligid, agad akong natigilan.
Puro puti ang lahat. Ang sahig, ang kisame, ang dingding. Pati na rin ang suot kong… hospital gown?
Marahas akong napaupo at nagpalinga linga sa paligid. "Anak ng—Nasa mental ba ako?" bulalas ko at kasabay ng pagsubok na maging alerto ay ang pagbalik din ng mga alaala ko sa mga pangyayari.
Abandonadong mansyon. Kagubatan. Sunog. Manslaughterer wannabes. Si Ivan.
"Hala oo nga pala si Ivan!" Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong napatayo. Agad akong sumugod sa direksyon ng nagmimistulang pinto ng blankong kwarto na ito. Sinubukan kong kumatok at pwersahang buksan ang bakal pinto kahit alam ko namang kagaguhan lang iyon.
Pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay mahanap ko si Ivan at maisugod siya sa pinakamalapit na ospital. Dahil kung hindi… baka …
"Oh my gosh! You're finally awake!"
Ang malalalim kong paghinga ay pansamantalang naurong nang marining ang pamilyar na boses na iyon. Napatingala ako at doon nagtama ang mga mata namin ng bruhang may pakana ng lahat lahat.
Nakasuot ito ng itim na tracksuit habang naka lugay naman ang hanggang baywang niyang buhok na hindi naman pantay ang pagkakagupit. Nasa labas ito at nakasilip lang sa maliit na glass panel ng bakal at puting pintuan. Natatakpan pala ito kanina kaya hindi ko napansin, mukha ngang wala naman talaga iyong glass at nagsisilbing maliit na bintana lang, pero wala pa rin naman iyong kwenta dahil hindi ko parin naman maaabot ang lock sa labas.
Dahilan para mapabuga nalang talaga ako ng hangin at pinanliitan ng mga mata si Lori.
Iyon ngang kaklase kong miyembro ng fans club ni Ice Bear? Iyong nakipag close agad kay Mark pagkalipat nito sa section namin dahil kababata niya si Ivan? Oo 'yon! 'Yong nakitawag pa ng Ice Bear kay Ivan, at iyong bangkay na nakita namin sa may kakahuyan na animo'y nakapako sa puno.
Oo siya nga.
Ngunit dahil narin sa kaalamang magaling silang mag shapeshift, baka nga ay pinagsuot niya lang ng maskara ng mukha niya iyong totoong biktima para akalain naming patay na siya, at mawala siya sa mga listahan ng mga posibleng suspect.
At paano naman ako nakakasigurong ang totoong Lori nga ito? Well, nagsampalan, nagsabunutan, kalmutan at nagsuntukan kami kanina sa nasusunog na gusaling iyon, kaya alam kong legit na mukha niya talaga 'yan.
Nilakasan ko eh.
Gusto ko mang matawa dahil sa sariling isipin ay mas pinili ko nalang na mapailing iling at humakang pa palapit sa maliit na panel at seryoso itong tinapunan ng tingin.
"Ano bang problema mo? Bakit mo ba ginagawa lang lahat ng 'to?" Nakapamewang akong suminghal.
"I mean, hindi ka naman relevant para sa 'kin at hindi nga tayo close! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o madi-disapoint, kasi sawakas nalaman ko na kung sino ang sira ulong gumugulo ng buhay ko for the past years, para lang malamang ikaw lang pala iyon. I mean, hindi ikakasakit ng loob ko ang bagay na 'yon e, walang tiwala ang mawawasak sa akin at hindi ko iyon ikakadurog kasi nga wala naman tayo halos interaction masyado! Nakaka, WTF? Alam mo 'yon?"
Hindi ko na napigilang magdabog ngunit bahagya niya lang akong pinagtawanan na akala mo naman talaga nakikipagbiruan ako!
"Lori, alam mo ba kung paano ko pinagdudaha si Daz at Rui dahil sa'yo? Alam mo ba kung paano ko nilayo ang sarili ko kina Archie at Hope kasi maski sila ay hindi ko na kayang pagkatiwalaan noon? Ha?" Tuluyan nang nangilid ang mga luhang hindi ko nga alam na baon baon ko pala.
"Alam mo ba Lori kung paanong pati si Orion, na sarili ko palang kapatid, ay pinaghinalaan ko ng sobra sobra? Ilang taon! Ilang taon kong ikinulong ang sarili ko sa misteryong kagagawan mo, para lang malamanlaman kong inosente pala talaga lahat ng mga kaibigan ko? Na ako lang talaga 'yong tangang pinasan mag-isa ang lahat at hindi nagtiwala sakanila?"
"Kung nagtiwala ako sakanila…baka mas madali pa naming nalutas ang lahat ng 'to. Baka nasalba pa sana namin iyong mga schoolmates namin… Baka—"
"God, shut up Nathalie. Stop acting like a hero and a saint, you're not going to fool anyone." Inirapan niya lang ako at bahagyang umatras mula sa pannel.
Dahil doon ay medyo naaninag ko ang itsura sa labas ng silid na kinalalagyan ko. Puro puti pa rin naman ito, ngunit parang mas banal? Ibig kong sabihin, parang mas elegante at nagmumukhang altar?
Kinusot kusot ko ang mga mata at pilit pang inaaninag ang bawat sulok upang— teka si Ivan ba 'yong naka higa sa loob ng nakatayong kabaong?
Anak naman talaga ng—
Akmang pinoproseso ko pa lang ang nakita nang bigla ulit bumaling si Lori sa maliit na pannel. Dahilan upang magtama ang ulit ang mga mata namin. At sa pagkakataong ito ay bahagya na akong napaatras.
"Lori hayop ka anong ginawa mo kay Ivan!" ngitngit kong saad ngunit wala naman itong epekto sakanya.
"And please stop calling me Lori. That's just sa fake name. My real name is Hecate. Hecate Ideale."
Ideale.
Sinabi rin iyan noong babaeng una kong nakalaban ko sa kabilang kwarto.
"We can be human in form but a monster by choice. We are an Ideale. One of the family from the Fallen Aristocrats of Yawaka City."
"Fallen Aristocrats?" kunot noong tanong ko, dahilan upang kumawala ang isang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi.
"You're curious aren't you? So why not let Ivan spill all the tea and we listen to him? Shall we? Go Harley, let him talk." Humagalpak ito sa katatawa at bahagyang umusog sa kanan upang makita ko ang kabaong kung nasaan si Ivan.
Dahil naka tayo iyon ay nakita talaga ng dalawang mata ko kung paano binuksan ng mas maliit at nakababatang Ideale na tinawag niyang Harley, ang taas na bahagi ng casket. Ito iyong nakasaupa kong parang hangin sa bilis noong nakaraan. Hindi na siya naka maskara ngayon, pero hindi ko rin naman ata siya kilala. Ngunit hindi rin naman maitatanggi ang pagkakahawig nito kay Lori— este Hecate.
Kanina pa naka blindfold saka naka busal ang bunganga ni Ivan. At sa totoo lang, hindi ko akalaing makikita ko siya sa ganitong estado.
Bihag. Mahina. Agrabyado.
Malayong malayo sa Zoen Ivan na kilala ko.
Napalunok ako ng laway ng sandaling tanggalin no'ng Harley ang itim na busal sa bibig ni Ivan, maging ang blindfold nito. Katulad ko kanina ay nag-adjust pa ito sa liwanag, ngunit nang mahimasmasan ay masuri ang buong paligid, ni hindi manlang ito nagpumiglas o gumalaw manlang.
Hinayaan niya lang ang sariling magapos sa nakatayong kabaong na iyon, kaharap namin sa 'di kalayuan at itinuon lang sa sahig ang paligid.
"Go Ivan, tell her about how Dazarencio Clan teamed up with Asteranzas to massacre my entire Bloodline and erase our existence on the entire Yawaka City. How a Noble Family betrayed their co-Noble Family because they were afraid of ideals and principles. Tell her how hard was it for us to hide like a helpless rat being haunted down by giant monsters just because we are still alive." Suminghal si Hecate.
"To hide our real surnames just for us to not be killed. To wear different kind mask in order to live, to fake our identity a million times and to learn how to blend in, just to survive another day of suffering. And you know what's more bullshit?" Ngitngit na saad ni Hecate at bumaling sa akin, sa kabila ng galit sa kanyang mga mata.
Bahagya akong natigilan. Dahil sa mga oras na iyon ay hindi na siya bilang isang Ideale ang nakikita ko, kundi isang mamamayang katulad ko na pinagkaitan ng normal na buhay ng bayang ito.
"The bullshit part is how the remaining Noble Families were the same. Wearing deceitful mask just to appear holy in the public's eyes, pretending, lying and hiding their real identity. Pero at the end of the day, bakit kami lang ang nagsu-suffer?" Marahas niyang pinunasan ang mga luhang hindi nga niya ata gustong tumulo.
"Nagsusuot din naman ang pamilya nila ng maskara katulad namin, pero bakit marangya ang mga buhay nila? Bakit nakakatulog sila ng mahimbing sa gabi? Bakit nasa taas parin sila?"
Hindi ko alam kung ako ba talaga ang kausap niya or nagkataon lang na nadala siya ng emosyon at ako ang andito. At siguro nga ay ito ang toxic trait ko, kasi pagkatapos kong marinig ang mga dahilan niya, parang biglang nashe-shake ang moralidad ko. Parang hindi ko kayang gawin sa ngayon ang bilin ni Ivan na paghiwahiwalayin ang pag-intindi at pag-tolera.
Nabalik lang ako sa reyalidad ng may biglang pumasok sa pintuan ng silid na kinaroroonan nila. Matangkad ito at mabibigat ang mga hakbang. Katulad ng dalawa ay nakasuot lang din naman ito ng itim na tracksuit at itim na boots, hindi rin maayos ang pagkaka wolfcut ng maikli niyang buhok pero kahit papaano ay bumabagay naman sa mukha niya. Gusto ko pa sanang suriin ang buo niyang itsura pero nang sandaling bumaling ito sa direksyon ko, agad akong dinapuan ng panlalamig sa sistema.
Hindi ko alam kung dahil ba tahimik lang siya o dahil sa prisensya niya pero kinikilabutan ako. Napaka pamilyar ng awra niya. Kamukha lang din naman siya ni Lori/Hecate pero mas mature ang features nito. Saka maliban sa bahay nila Dennis kung saan hula ko ay siya 'yong naka enkwentro namin (dahil sa pamilyar na mga yapak ng paa niya at bigat nito), pakiramdam ko nakita ko na ang gan'yang klase ng mga mata noon. Hindi ko lang alam kung saan at kailan pero hindi katulad nila Hecate at Harley, pakiramdam ko nagkaroon na kami ng interaksyon nitong nakatatanda nilang kapatid, at hindi iyon naging maganda.
"Ate Helga, nagawa mo na ba iyong misyon mo ngayong araw?" nakapamewang na tanong ni Hecate nang magdisisyon itong maupo sa lamesang mas nagmumukha pang pinagaalayan ng kaluluwa kaysa hapag kaninan.
Tumango lang ito at bahagyang napabaling sa direksyon ko. "Are you having a storytelling here?"
Hayop naman, pati 'yong boses niya napaka lalim! At partida hindi na siya gumagamit ng voice changer nyan!
Nagpalipat siya ng tingin sa direksyon ni Ivan at sa direksyon ko habang naka dekwatro pang nakaupo sa lamesang parang altar. Napasinghal lang si Hecate dahil doon at tumango, habang si Harley naman na nasa paanan lang ng kabaong kung nasaan si Ivan, ayon, kumakain ng saging.
"While you're at it, why not let Ivan tell us the story of how he killed one of our captivated sister when he was 6, just to prove his loyalty as the supposed to be Heir of his Father's throne?"
Sa pagkakataong iyon ay bahagyang napakunot ang noo ni Ivan at sumilay ang kirot sa kanyang mga mata. Kaparehong ekspresyon nang mga panahong sinumbatan siya ni Typo at ibinunyag dito na ginagamit ko lang naman siya para makapasok sa Bloodshed Tournament.
"Come on, why don't you tell us how you killed my sister Helheim?"
"I-I didn't kill her…" mahinang saad lang ni Ivan habang nakayuko pa rin.
"Oh? Then why isn't she here with us anymore? Just admit it, you trained yourself hard enough to join that Tournament, just so you can kill an Ideale! Just so you can kill Helheim and make your father proud!" bulalas naman ni Harley na nasa tapos na atang kumain ng saging kaya pipapasadahan na ito ng mga salita ngayon.
At dahil doon ay tuluyan nang nag angat ng tingin si Ivan at tinapunan ng isang napakatalim na tingin ang nakababatang Ideale.
"Why the fuck would I kill my own mother?" puno ng galit niyang sigaw, dahilan para bahagya pang mapaatras si Harley. Ilang saglit pang nabalot ng katahimikan ang buong paligid bago magkibit balikat si Hecate at humakbang na patungo sa direksyon niya.
"But you still failed to save her from that prisoner. Still a loser," mapaklang saad ni Hecate na akala mo naman talaga nagpapaiyak lang siya ng bata ng daan.
'Di ako agad makapagsalita, nawiwindang ako sa mga kaganapan, lalo na sa mga bagay na nalalaman ko. Ngunit kahit na ganoon, pakiramdam ko sinasadya ng Ideale Sisters na pikunin si Ivan kaya ginagamit nila ang nanay niya. Katulad ng ginawa nila noong nagkasagupa kami noon.
Agad kong binalingan si Ivan, halos mabibigat na ang ginagawang paghinga at matalim parin ang tingin sa sanlibutan. Umiigting ang panga nito at baka nga kung hindi siya nakagapos ay kanina niya pa nasakmal ang magkakapatid sa harapan niya.
Marami gustong sabihin ang mga mata niya. Parang gusto niyang magpaliwanag at ipaalam sa buong mundo lahat ng mga bagay na pinasan pasan niya buong buhay niya. Dahilan para mabilis kong kinalampag ang pintuan upang maagaw ang atensyon niya.
"Ivan huwag kang makinig sakanila! Alam mo ang mga pinagdaanan mo at alam mo kung para saan lahat ng mga sakripisyo mo. Alam mo ang totoong nangyari at minsan sapat na 'yon! Minsan sapat nang pagkatiwalaan mo ang sarili mo!"
Ang kapal din naman kasi ng mga 'to, e! Kilala ko si Ivan at hindi siya maglalayas sakanila kung gusto niya ang apilyedo niya! Hinding hindi niya iiwan si Typo nang mag-isa kung hindi siya napuno sa mga kagaguhan ng tatay niya!
"Really? An unsolicited advice?" sarkastikong pahayag ni Hecate at inismiran ako. "But anyway, since we don't have plenty of time we need to cut the introduction short. Let us now proceed to the main act," bahagya pa itong natawa sabay pintod sa isang remote na nakuha niya sa bulsa ng suot na itim na tracksuit.
Kasabay noon ay ang biglaan pagbukas ng inakala ko kaninang dingding ng silid na kinalalagyan nila. Tumbad sa amin ang mga nakagapos sa upuang mga lalake.
Mga kinse ata silang lahat na andidito, at lahat siya ay mga Dazarencio. Ang mas malala, sa pinaka gitna ay doon nakapwesto ang isang nakapamilyar na taong mayroon na ngayong mga busal sa bibig.
Si Don Alejandro.
"Oh shit."
"Oh shit indeed," walang damdaming saad ni Harley, at siya naman ngayon ang para paring hangin na nagakad patungo sa direksyon ko. Ni hindi ko marinig ang mga yapak ng paa niya e!
"Napaka daldal kasi ni Ate Hecate kaya kung saan pa napapadpad ang usapan pero simple lang naman talaga ang lahat." Nang mapagtantong hindi abot ng height niya ang maliit na pannel na nagsisilbi kong binata para makita sila sa labas, pasimple lang itong humakbang paatras hanggang sa maaninag na namin ang isa't isa.
"We kidnapped Zoen Ivan so he'll be the one to kill his bloodline, especially this bastard called Don Alejandro."
Napasinghal ako at akmang magsasalita na sana ngunit naunahan nanaman niya ako.
"You, on the other hand, Miss Manslaughterer, will be the one who will take all the blame. We will frame you up so every evidences will lead to your persecution."
Aba, talaga naman!
Tuluyan na akong napapadyak at gusto na nga rin atang sakmalin ang batang nasa kaharap. Sumpain talaga 'tong bakal na pintong 'to!
"Ang kapal naman ng mga mukha niyo, gagawa gawa kayo ng krimen tapos ibang tao ang pagbabayarin niyo? Tangina naman, ni hindi ko nga alam kung bakit ako nadadamay sa lahat ng kagaguhang 'to e!" asik ko.
"We choose you because you're perfect. The perfect person that can fill up the role as a serial killer."
"Gago! Ngayon na nga lang may tumawag sa 'kin na perfect, sa pagiging mamamatay tao pa!"
"Uhm, excuse me."
Kapwa kami natigilan sa pagtatalo nitong Harley na 'to, nang biglang magsalita ang kanina pa tahimik na si Ivan. Walang bahid ng kahit anong emosyon lang ito ngayong nakikipagsikatan ng tingin kay
Helga, na nasa may altar pa rin.
"I won't. I will not kill my bloodline."
"Why not? Didn't you hate your father and your entire Clan?"
Grabe din talaga ang trip ng mga Ideale e. Parang kanina lang gina-gaslight pa nila si Ivan na pinatay niya ang sarili niyang mama para patunayan ang sarili niya sa tatay niya tapos babaliktad siya ngayon?
Pero seriously tho, ano ba talaga ang totoo tungkol sa pangyayari noon? Ano ba talagang mayroon sa Bloodshed Tournament at naging ganito ang kinahinatnan ni Ivan? Gusto ko pa sanang malunod sa sariling isipan kung hindi lang ito muling nagsalita.
"Well you see, I am both Ideale and Dazarencio. But I still grow up with them. Somehow, I am still one of them."
"So are you proposing to be killed with them?" panunuya ni Hecate na mas ikinasinghal ko.
Anong to killed with them? Anong to be killed with them, ha? Dati ka bang gago, Hecate?
Mapaklang lang na natawa si Ivan at bahagya pang napalingon sa direksyon ko. Nang mga sandaling iyon ay parang tumigil ang oras. Pakiramdam ko nga ay nabingi ako dahil sa mga sumunod na salitang kumawala sa mga labi niya.
"Nope. What I want to propose is, to might as well just kill me, and let them live," ani Ivan at pasimple akong ginagawaran ng isang matamlay, ngunit sinserong mga ngiti.
"Get Nathalie away from all of this because I will take all the blame. I will become villain for your murder mystery. After all... I am the only perfect creature in this entire city."
Hayop ka talaga Ivan, magaalay ka nalang nga ng buhay at lahat lahat, ang yabang mo parin!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro