Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

level twenty one

    "Guys this is not a simple murder. All of these were forms of punishment. I mean, an old version of punishment for sinners and criminals a long time ago," seryosong saad ni Daz natapos naming madiskubre ang mga drawing.

     "This must be connected to the public execution craps that's on the newspaper from Nath's phone," dagdag niya pa dahilan upang muli kong maramdaman ang tingin ng mga kasama.

     "May public execution na naganap noon dito sa Yawaka?" bulalas ni Chenzo at maski ang iba ay nagulat din. Muli kong pinagmasdan ang mga drawing na mukhang dugo pa ata ang ginamit na pinta.

     "Maski ako hindi ko rin nga alam ang bagay na 'yon. Parang katulad ng ibang karahasan sa bayang ito ay binaon 'din sa lupa ng Nobe Families ang tungkol doon," pagsisimula ko at bahagyang napatingin sa direksyon ni Ivan.

    Gusto ko sanang magsabi ng, "No offense," dahil isa nga pala siyang Dazarencio, pero mas pinili ko nalang na panatilihin ang pagtitig sa mga mata niya.

    "Nalaman ko lang ang tungkol sa public execution dahil sa mga dyaro doon sa kuta na inembestigahan namin ni Ivan noong nakaraan. Para bang ipinapaalam talaga ng salarin kung ano ang pinagmumulan nila. Na para bang pinapaalam niya na ang dahilan kung bakit siya humantong sa lahat ng ito."

     "Are you saying the culprit was also just a victim of this shitty city? That he's just doing a massacre for vengeance?" seryosong tanong ni Markian at humakbang palapit sa 'kin.

     Bahagya akong natigilan dahil sa tanong niyang iyon, ngunit bago pa man makabuo ng mga salita para sa sagot ay naunahan na ako ni Ivan. "But if it's a public execution then the one who is being executed were criminals. No matter how horrendous their punishments before, criminals aren't innocent either. They are not victims."

     Muli ay seryoso akong pinukol ng tingin ni Ivan bago dumagdag. "It's not because you can understand where they came from, doesn't mean that you should tolerate them."

    "Iyan ay kung mga totoong kriminal talaga ang nadadali ng mga brutal na parusang 'yon."

    Halos lahat kami ay napalingon kay Rui dahil sa naging turan nito. Hindi alintana na kakaunting flashlight lang ang gamit naming ilaw upang makita ang sinseridad sa mga mata niya.

    "What do you mean?" ani Dennis at mas lalong sumiksik kay Markian.

    "I know it's cliché but what if the history is just repeating itself? If Nathalie was innocent but is being judged and percecuted, then how are we sure that everyone that has been slain by the brutal punishment before were really guilty?" Bahagya itong natawa at napasulyap kay Daz.

    "Knowing how biased and crooked the justice system here in Yawaka, what if those Misfits were killed not because they are criminals but because Noble Families wanted to shut them up," nakangisi nitong pahayag na para namang katuwatuwa ang salitang pumabas sa bibig niya.

    "No offense, Ivan Dazarencio," dagdag niya pa ngunit inismiran lang ito ni Ice Bear.

    "Chrisostomo ang apilyedo ko."

    "Okay, chill. But seriously, we need to investigate further and also equip ourselves with weapons that can protect us. Because if this house is a place where those people dwell, then how are we going to make sure that they won't come back here?" Napatigil si Rui at isa isa kaming tinapunan ng seryosong tingin.

    "And how are we going to make sure that those people aren't here to begin with? What if they're just hiding in the dark and waiting for the perfect moment to prey us?"

    Kapwa kami nagpalinga linga sa paligid dahil doon, sa huli ay napagdesisyunan ni Ivan na sundin ang sinabi ni Rui. Na imbestigahan ang buong bahay, i-lock ang pwedeng pasukan ng kung sino at maghanap ng mga armas na maaaring magamit laban sa mga Manslaughterer wanna be na iyon.

    Oo, nakakatakot lalo't kakaunting ilaw lang ang dala namin. At kahit naman manatili kami doon sa sala, magyakapan at gumawa ng prayer circle, hindi pa rin naman namin mapipigilan ang panganib na hatid ng mga nilalang na iyon. Naiintindihan ko si Ivan kung bakit ang unang laging sinasabi niya sa amin ay humanap ng sandata at ipagtanggol ang sarili.

     Kasi kailangan naman talaga. At hindi rin naman namin magagawang protektahan ang mga kasama namin kung kami mismo ay hindi iyon kayang gawin sa mga sarili namin. Kailangan naming maging matatag at-

    "Ayos ka lang?" Mabilis akong napaigtad ng marandaman ang marahang paghawak ni Rui sa balikat ko. Oo nga pala't naghiwa-hiwalay nanaman kami at siya lang ang nagpresinta na maging kasama ko, habang halos lahat ay ilag pa rin sa 'kin dahil sa mga paratang ni Lana.

    Well, to be fair pati naman si Daz gustong sumama sa 'min pero hinila na siya ni Markian sa grupo niya. Kailangan daw kasing may malakas na tao ang po-protekta sa isa sa dalawang braincells ng grupong ito. Hindi nalang ako umalma kasi kahit naman na 'di hamak na mas malakas ako kay Markian, kaibigan naman niya si Daz. At baka nga mas ligtas kung hindi nila ako kasama.

    Ni hindi ko nga alam kung bakit hindi parin ako iniiwan ng Rui na 'to hanggang ngayon 'e.

    Muli ay tinapunan ng ng tingin ang maligalig na babaeng may hawak ng flashlight na nagsisilbi naming ilaw. Habang tinatahak ang daan patungo sa mga kwarto malapit sa entrance kung saan kami naka assign, medyo may naamoy akong parang gasolina pero hindi ko maiwasaang maalala ang nadiskubre ko noong nakaraang araw.

    Ang tungkol sa picture frames ng younger self niya na kamukha noong batang babae sa alaala ko.

    "Rui, alam kong hindi mo rin naman ako sasagutin ng maayos kapag nagtanong ako," pagsisimula ko, dahilan upang bahagya itong napalingon sa akin.

    "At siguro nga ay may dahilan din naman kung bakit ka humantong sa ganiyang estado ng buhay, Female Joker, kumbaga." Humito ako sa paglakad sa gitna ng mga pasilyo at seryoso siyang tinitigan sa mga mata. Sinubukan niya pang mag iwas ng tingin pero agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at inirapan lang ito sa akin.

    Akala niya ha.

    "Siguro nga ay may dahilan kung bakit parang hindi mo na kayang magpakatotoo at idinadaan nalang sa biro halos lahat ng bagay. At baka nga tama si Ivan na hindi porket naiindindihan ko ang dahilan ng mga bagay ay kailangan ko ng i-tolerate lahat, pero kung magkakilala tayo noong mga bata pa tayo at nakalimutan lang kita sa hindi pa alam na dahilan..."

    Bumuntonghininga ako saka siya marahang binitawan. "Gusto kong malaman mo na hindi mo kailangang matakot kung sakaling bumalik man ang mga alaala ko sa nakaraan at hindi ka na katulad ng kung anong paggakakilala ko sa'yo noon. Kesyo pakiramdam ko mas masaya at totoo ka dati, gusto pa rin naman kitang manatili sa buhay ko sa kung ano ka ngayon. Tanggap pa rin naman kita at patuloy naman siguro kitang tatanggapin." Doon ko lang naramdaman ang paginit ng pisngi ko dahil sa mga pinagsasabi. Sa pagkakataong iyon ay ako na tuloy ang napa iwas ng tingin at nagpatuloy nalang sa pagsasara ng mga bintana.

    "Ano, gusto ko lang sabihin na masaya ako na nagkita tayo ulit. At sana palagi tayong magtagpo sa kahit na anong beryson ng mga sarili natin. Simula sa nakaraan, sa kasalukuyan at pati na rin sa hinaharap. Sana palagi nating matagpuan ang isa't-isa." Yumuko nalang ako at gusto nang magpakakain sa lupa. Bakit ba kasi ang tahi-tahimik ni Rui ngayon? Dapat nga humagalpak na siya sa katatawa at pinagkamalan akong nantitrip lang.

   Tumikhim ako at nag akmang dadagdag pa sana, ngunit bahagya namang natigilan nang maramdamang mas umiinit hindi lang ang pisngi ko kundi pati na rin ang mismo kong katawan. Makapag-iisip na sana ako ng kung ano kung hindi ko lang napansin ang kakaunting usok sa buong kwarto.

    Nang mapagtanto ang mga kaganapan ay agad na akong nagpalinga linga sa paligid ng kuwarto. Huwag mong sabihing bigla nalang nawala si Rui?

    At mas lalong huwag mong sabihin na hindi niya narinig lahat ng pinagdadadada ko kanina? Sa hinaba haba at ilang kilong lakas ng loob pa ang inipon ko para lang masabi ang mga iyon tapos nagsasalita ang pala akong mag-isa dito?

    "Tama ba 'yon Rui? Bigla ka nalang nawawala?" bulalas ko at sinubukang sundan kung saan nanggagaling ang liwag.

    Kasi naman, si Rui ang may hawak ng tanging cellphone na may flashlight na mayroon kami at paanong may ilaw pa rin naman na nagmumula sa flashlight kung wala si Rui?

    Medyo malayo ang liwanag sa kinaroroonan ko at sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nakaramdam ako ng kilabot sa kadiliman na hatid ng buong pangyayaring ito.

    Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa ilaw at alamin kung sino o ano ang nasa likuran noon o hayaan ko nalang na tuluyang mawala ang liwanag at mangapa ako sa dilim.

    Although medyo nasanay din naman ako ni Ivan na makipaglaban ng naka blindfold, sa gabing ito ay hindi ko parin talaga maiwasang hindi malamig at magsitaasan ang mga balahibo sa katawan. Hindi dahil takot akong masaktan ng kung sino mang nilalang ang may kagagawan ng lahat ng ito, kundi dahil baka hindi ko na makita si Rui ulit.

    Napakuyom ako dahil sa isiping iyon at pigilhiningang hinakbang ang natitirang distansya sa pagitan ko at ng liwanag na nagmumula sa cellphone ni Rui. Sa bawat hakbang ay pinakikiramdaman ko ang paligid. Sa bawat hakbang ang pinakikinggan ko ang hangin at tibok ng puso hindi ng sarili ko kundi ng kung sino mang nilalang ang kasama ko sa kwarto.

    Nadatnan kong nakapatong sa mesa sa loob ng silid na ito ang cellphone ni Rui na pinagmumulan ng flashlight. Agad ko itong kinuha at pinag-iilawan ang paligid. Katulad ng inaasahan ay may naaninag akong imahen ng isang nilalang na sinusubukang magtago sa dilim. Sa mga sulok na hindi naaabot ng liwanag ng flashlight na hawak ko.

    Masyadong mabilis ang kilos niya, mas mabilis siya sa liwanag at oo nga't nahahagip ko siya ng konti, ngunit hindi naman magawang mahuli ng mga mata ko maski kung ano ang suot niya. Nagmimustula siyang anino at hindi na ako natutuwa sa bagay na 'yon.

    "Huwag mo akong ginigigil Manslaughterer wanna be, iluwa mo si Rui," seryoso kong saad ngunit ang naging kaibahan lang ngayon ay naririnig ko na ang mga hakbang ng paa niya. Nagpapalipat lipat pa rin siya ng pwesto ngunit sa pagkakataong ito ay para bang naglalakad na talaga siya ng normal at hindi... lumilipad?

    Impossible. Tao lang siya. Hindi 'yon magagawa ng normal na tao!

    Bahagya akong napaatras at hinigpitan ang hawak sa flashlight na dala. "Hanggang kailan ka magtatago sa dilim? Ha? Plano mo bang tumakbo lang ng tumakbo kasi alam mong lamang ako sa pisikalan? Ano? Suntukan nalang oh?" ngitngit kong saad at sa pagkakataong iyon ay nakarinig ako ng matinis na tawa.

    Parang boses ng duwente. Pero hindi 'yon maaari. Baka voice changer nanaman katulad noong nakaraan.

    Huminga ako ng malalim ng tuluyan ko na siyang naaaninag papalapit sa 'kin... habang gumagapang sa sahig.

    Anak ng tokwa anong klaseng hayop ba ang isang 'to?

    "Do you want to hear the tragic ending of your tale?"

    At englishera siya.

    Ilang gapang pa ay nanatili na siya sa sahig na kinalalagyan niya at nakipagtitigan sa akin. Suot niya ang lorong maskara ng fictional character na ginawa ko ilang years ago ay nagpakawala ito ng mga linyang pansamantalang napatuod sa akin sa kinalalagyan.

    "A black hole will resurrect, but the hunter will be brave enough to give up. A clown will always be a clown and the fallen angel will die."

    Naindindihan ko ba ang sinabi niya? Siyempre hindi. May pakialam ba ako? Siyempre wala. Sa isang iglap ay ako naman ngayon ang nagpakawala ng isang nakakalokong tawa at marahas na napailing.

    Taas noo akong humakbang palapit sa nilalang na iyon at seryosong tinitigan siya. "Hawak ko ang kapalaran ko. Wala kang karapatan para mag desisyon sa kahihinatnan ng istoryang hindi naman ikaw ang nagsusulat. Manslaughterer wanna be."

Third Person's POV 

    "The knight is indeed the foolest of them all." 

    Inosenteng napadapo ang tingin ni Ivan kay Pauline nang bigla nanaman itong magsalita. Hindi pa sila tapos sa paghahalughog sa cellar ng bahay na ito, pero mukhang nakikinita na ni Ivan ang kahihinatnan ng gabing ito.

    Marahang napatango si Ivan dahil sa narininig at idinampi ang kamay sa maalikabok na shelves bago nagsalita. "But in this manipulative world, the foolest actually has the upper hand." 

     Inayos niya ang frame ng salamin na suot at muling tinapunan ng tingin ng babaeng napili niyang makasama ng magdesisyon siyang paghiwahiwalayin ang grupo. "They have the upper hand because they don't have an image to maintain and they can just freestyle their way in a society who wanted to control everything." Nagkibit balikat pa ito bago nagpatuloy.

    "You will never know what would be their next move. All you can do is to overthink."

    Kasabay ng mga katagang iyon ay ang malakas na pagpabagsak ng kung anong katawan sa pintuan ng cellar. Sa sobrang lakas ay nawasak lang ang pinto at tumilapon ang katawan papasok sa silid na kinaroroonan ni Ivan.

    Blankong napatako ang tingin ng naglalakad na yelo sa nilalang na halos nasa paanan niya na ngayon. 

    "You didn't expect that, don't you?" Walang damdamin pa itong natawa at sa pagkakataong iyon ay seryoso na niyang ibinalik ang mga titig kay Pauline. 

     "Take off that face, that's so disgusting by the way," saad nito na akala mo naman talaga ay susunod nalang basta basta ang mga babaeng kausap niya. 

    "Ice Bear naman kung makapagsalita ka akala mo nagkakaroon tayo ng Presidential Meeting sa Malacañang e! Konting emosyon naman! Saka nasusunog na nga ang buong lugar hindi pa rin natutunaw 'yang yelo mong kaluluwa!" suminghal si Nathalie at parang basahang dinampot ang katawan na itinapon niya kani-kanina lang. 

     Well, buhay pa naman iyon, ngunit sa pagkakatong ito ay mukhang namimilipit na sa sakit. 

      "T-that's impossible, how did you manage to even touch her?" Napaatras ni Pauline ngunit hindi rin naman siya pinigilan ni Ivan. Kumunot lang ang ilong nito dahil sa usok at dahil mga sigawan na naririnig niya mula sa mga kaibigan. 

    "Sunog mga tarandato, lumabas na tayo sa bahay na 'to!" 

     "Markian, hindi mo kailangang magmura magkatabi lang tayo nila Daz." 

     "Mahal kita Denden alam mo 'yan pero hindi 'yon para sa 'yo. Para 'yon sa grupo nila Zoeni at Rui. Mga bingi kasi sinabi nang magsilabasan na nagtatagal pa sa kung saan saan! Oy Chenzo dito!"

     Kapwa napailing sina Ivan at Nath dahil sa mga pinaggagawa nila Markian, ngunit pasimple lang na napatikhim si Ivan bago ito sinagot sa malakas at maotoridad na boses. 

     "You know what to do Mark, lead the pack and make sure everyone is safe. I just need to settle some unfinished business before I follow."

    Sa kabila ng init na nanunuot sa buong silid ay sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang biglang nanlamig ang paligid. Hindi lang nila alam kung dahil ba 'yon sa mga katagang binitawan ng bibig ni Ivan o dahil sa tono ng pananalita niya. Ngunit pansamantala, bigla noong pinatayo ang mga balahibo nila sa katawan. 

     Napalunok ng laway si Nath upang hindi ma-disctract at sumagot nalang din kay Mark at pinahanap pa si Rui. Pagkatapos no'n ay muli na niyang binalingan ang babaeng kasalukuyang nakasuot ng mukha ng kanilang kaklaseng nanggagalang Pauline. 

    "Paano ko siya nadakip? Simple lang, kasi kung ang Manslaughter wannabe #1 ay mayroong malakas na mga paa at mahahabang biyas, itong si Manslaughter wannabe #2 naman ay mayroong maliksing mga kilos at madulas na mga estilo. Pero kahit na gaano pa ka bilis si number 2, hindi pa rin siya makakatakasb sa oras na nahawakan ko siya," pagaabalang sagot nito sa tanong kanina. Kumawala ang isang nakakalokong ngiti sa labi ni Nathalie at mas napapalakas pa ang prisensya noon dahil wala siyang suot na salamin ngayon at dahil na rin siguro sa apoy na unti-unti nalang lumalamon sa paligid niya.

      "At walang mga buto ang nakakaligtas sa kamay at gunting ko." 

    Sa mga mata ni Pauline noong sandaling iyon ay parang nasa impyerno na siya at nakatayo sa harap niya ang dalawang demonyong mayroong pinakamataas na ranggo sa sangkayawaan. Isang naglalakad na yelo at isang nagbabagang apoy na nagkatawang tao. 

     "Isn't it ironic, you were the villain but you are now being victimized by your supposedly victims?" mapakpang tanong ni Ivan at mabilis ngunit magaan nang tinakbo ang distansya sa pagitan nila ng isa sa mga Manslaughterer wannabe. Sinubukan pa nitong magpumiglas ngunit ano nga naman ang laban ng mga serial killer sa mga demonyong bihasa sa pakikipaglaban, patayan man kung patayan? 

     "You were sinners, yes. But what can your sins do in the presence of the demons who was born in the flames of hell?" 

    Hawak ni Ivan si Pauline sa magkabilang kamay at walang ibang nagawa ang huli kundi panlisikan ito ng mga mata. Ang akala nila ay tapos na, ang akala nila ay matutuldukan na ng pagkakahuli sa mga salarin ang mga patayang nagaganap sa bayan nila. 

     Ngunit mukhang akala lang ata talaga nila 'yon. Nang sandali kasing mapanatag ang loob nila Ivan ay nagpakawala lang ng isang halakhak si Pauline at walang ano ano'y binalibag ang pagkakahawak ni Ivan dito. 

     Bahagya pang napasinghap si Nathalie sa nasaksihan dahil buong buhay niya ay wala pa siyang nakikitang kayang makawala sa mga kamay ng Ice Bear. Pero imbis na magpahalata ay mas hinigpitan nalang niya ang hawak sa Manslaughterer wannabe #2 at mabilis na binalingan ang huli. 

     Napailing iling pa si Pauline at ginagawa na nga ang kani-kanina lang ay utos ni Ivan dito. Ang tanggalin ang maskara na suot niya. "If you think hell is the most absolute and worst place that ever exists, then you haven't seen the real world at all." 

   Isang kahilahilakbot na ngisi ang kumawala sa mga labi nito at mabilis nang sumugod sa direksyon ni Ivan. Gusto mang rumisponde ni Nath ay hindi na niya nagawa nang bigla nalang siyang mapadapa sa sahig ng kalaban na inakala niyang napatumba na niya kanina. 

    Bahagya mang nabigla ay kunot noo paring binalingan ito ng tingin ni Nath habang ito'y nagsasalita. "My sister is right, and please lang, between demons and sinners, the latter one actually has the advantage."

    Napasinghal ito. "Because demons are nepo-babies and sinners on the other hand are self-made out of society's bullshit. Some of us stop giving credits to Satan for the things we've done ourselves."

    "What you're supposed to fear aren't the devils my dear but what a mare human can do."

    Hindi pa man tuluyang napo-process ni Nathalie ang pinagsasabi ng kalaban ay mas napaawang ang bibig nito dahil sa sigurado siyang naghihingalo na ito kanina at wala ng lakas. Kaya paano pa nagagawa ng nilalang na 'to na magda-daldal ng gan'yan, hindi ba?

    "Sino ba talaga kayo? T-tao ka pa ba?" 

    Nagkibit balikat lang ito at inilabas ang isang katana mula sa kung saan at itinutok sa leeg ni Nathalie. "We can be human in form but a monster by choice. We are an Ideale. One of the families from the Fallen Aristocrats of Yawaka City."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro