Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

level twenty nine

Nath's POV 

    Ang akala ko ay tatahimik na ang buhay ko at tapos na ang lahat. Pero nang magpakamatay si Hecate sa kulungan, pati ang katotohanang pinaghahanap pa rin sina Helga at Harley, pakiramdam ko bumalik lang ulit ako sa umpisa. Pakiramdam ko talo pa rin ako, lalo na't ilang araw lang ay may tumulak sa 'kin sa hagdan kaya napadausdos ako't nawalan ng malay.

    Nasugod pa ako ng wala sa oras sa ospital dahil lang sa sinabuyan ako ng ketchup ng salarin. Kaya ayon at inakala ng lahat, lalo na ni Orion na patay na ako. 

   At oo, alam kong ang tanga ko naman para mahulog sa trick na 'yon, pero nangyari na e. Ang nakakaperwisyo lang ay dahil sira daw ang mga cctv sa malapit sa pinagyarihan ng insidente. Kaya heto ako ngayon at halos hindi tantnan ni Markian para lang mabantayan ako. Nakwento niya na pa sa 'kin lahat ng panghihimutok niya kay Ivan dahil sa mga bagay na hindi nito sinabi. Akala niya raw magkaibigan sila so bakit si Orion kilalang kilala kako ng mga tatay ni Ivan pero sila ni Dennis ay hindi. 

   Na kesyo ganito at kesyo ganyan. Ang dami niyang kinuda at sapat na ang lahat ng iyon para hambalusin ko siya ng hard bounded na dictionary na nahablot ko sa arm chair. Although maganda bagay naman ang pagdaldal niya sa nangyari sakanila sa Crisostomo Residence, pero ang ingay niya pa rin kasi talaga. 

   "Aray ko naman, Nathalie! Pati ba naman ikaw? Sasaktan mo rin ako?" Napayakap si Markian sa sarili ngunit sa pagkakataong iyon ay pinanliitan ko siya ng mga mata.

    "Ako pa ang nanakit? Hindi ba ikaw 'yong hindi naniwala sa 'kin noong nasa kakahuyan tayo ng Mephistopheles Town? Halos ipagtabuyan mo pa ako kahit umuulan! Bakit, hindi ba ako kasali sa mga betlog mo?" pabiro kong saad at sinadya pang idagdag 'yong infamous line ng drummer ng FDIHI. 

   Nakwento rin kasi sa'kin ni Archie na habang tumatakbo daw sina Mark papunta sakanila ay bigla nalang sumigaw si Rath habang turo ito. Siya at 'yong mga betlog niya daw, tukoy sa mga kaibigang kasama ni Markian. Tawang tawa akong pinaghahampas siya ngunit napanguso lang ito at yumuko. 

       "Hoy, anong problema mo?" kunot noong tanong ko at sinipat sipat ito. Mas lalo lang siyang ngumuso at kulang nalang ay mag uwu fingers pa na akala mo namang kina-cute niya ang pinaggagawa niya. 

     "Gago, napano ka?" Gusto kong humagalpak sa katatawa, ang kaso lang ay napakaseryoso kasi ng loko. Mukhang maiiyak na nga siya maya maya kaya hindi ko rin maiwasang mag alala. 

   "M-matagal ko na 'tong gustong sabihin, kaso hindi ako makahanap ng tyempo. Ano…s- sorry pinagdudahan kita." 

    Napapatnig ang tenga ko dahil sa narinig at tinapunan ito ng tingin. Sa pagkakataong iyon ay sinsero na niya itong hinarap at bumuntonghininga pa bago nagpatuloy. 

    "Hindi ako magdadahilan, hindi ako nagtiwala sa'yo at pinasisisihan ko ang bagay na 'yon. Sorry. Babawi ako." Muli itong yumuko pero agad ko na itong tinapik sa balikat. 

    "Ano ba ayos lang, naiintindhan ko naman. Kasama mo si Dennis pati si Daz at ayaw mo lang namang mapahamak sila kaya ka mas naging protective." 

   "Siyempre mas mahalaga parin ang mga kababata mo, sino ba naman ako—" 

    "Sorry na, babawi nga sabi ako!" bulalas nito at parang bata na kumapit sa manggas ko para magpayakap. Natatawa ko naman itong tinugunan at kalaunan ay inalo na rin. 

    Grabe, hindi ako makapaniwalang ang mukhang sangganong lalakeng 'to ay iyakin pala at napaka expensive.

   Pero kung tutuusin hindi rin biro ang naging sitwasyon niya nang ibilin ni Ivan ang kaligtasan ng lahat sakanya. Takot din siya, gusto niya rin sigurong umiyak at mag panic, pero kung hindi siya magpapakatatag, guguho silang lahat na naiwan. Kaya kinaya niya. 

   Simula pa lang nang mapadpad kami sa lugar na 'yon ay ginawa ni Mark ang lahat ng makakaya niya. Nakipagtalo pa siya kay Ivan na huwag kaming magwatak watak, prinotektahan niya ang sa tingin niyang may kailangan no'n ay sa huli ay inilabas niya ng buhay sa nasusunog na mansyong ang mga kasama. 

    Hinanap at binalikan niya ang walang malay na si Rui sa nagliliyab na lugar na iyon. Kahit nga si Lana na pinagsasapak at nagwawala ay hinatak niya parin palabas. 

    Mabuti nalang at natagpuan nila ang mga kabanda ni Orion sa labas pati na sila Ate Cat at Archie. Laking pasasalamat ko rin sa ate ni Rui kasi inalalayan niya sina Mark at Orion noong mga panahong pati sa ay nahihirapan nang magpakatatag. 

   Speaking of her, kailangan ko palang hanapin si Rui para mapasalamatan ang ate niya! 

   "Ah talaga ba?" 

    Natigilan ako dahil sa pasaring ni Chenzo na bigla nanamang pumuslit papasok sa classroom namin. Napakurap kurap pa ako at akmang ipapaliwanag na ang pakay ko lang naman talaga ay pasalamatan si Ate Cat, ngunit nang matantong kay Markian pala ito nakatingin ay naka hinga ako ng maluwang. 

   Gagatong pa ang loko e, mabuti nalang at nahimasmasan na si Markian. Kaya ayon at hinatak niya ang munting m Chenzo saka ito pabirong niyakap sa leeg gamit ang kanang braso niya. 

   Ang mga sira ulo ay nagkumpulan na akala mo naman talaga ay may maibubuga si Chenzo sa laki ni Markian. Baka nga isang pitik lang siya niyan lalo't mas maaliit pa siya kay Dennis. Matapos ko silang hayaan sa mga buhay nila, pati narin ang mga matang nakatitig sa direksyon namin ay sawakas naman at tumigil na sila. 

   "By the way Nath, ayos ka lang ba sa inyo?" seryosong tanong ni Chenzo at naki upo sa armchair ng upuan kung saan naka pwesto si Mark. 

    "What do you mean?" 

    "I mean, bumalik na si Typo. At base sa mga naging kwento ni Hope sa 'kin kapag nasa gig kami saka sa mga narinig ko sa Mephistopheles Town, sa tingin ko medyo hindi naging maganda ang mental health mo noon dahil sa prisensya niya." 

   Dumakwang ito at akmang bubulong. "So gusto mo ba ng bagong bahay? Naghahanap ng roommate si Rui sa nilipatan niyang boarding house. Para daw may kahati siya sa bayad."

    Bahagya lang akong natawa dahil doon saka napailing iling. Kasi oo nga pala at kailangan ko pang kausapin si Rui pagkatapos ng lahat ng 'to. Pero bago iyon ay muli ko nalang na itinuon ang pansin kila Chenzo at Mark. 

    "Well, honestly pareho namang hindi naging maganda ang mga mental health namin dahil sa isa't isa. At kahit nga nagkahiwalay kami ni Typo ay hindi pa rin naman ako naging okay," sagot ko sa tanong ni Chenzo kanina.

    Kapwa naman sila nagsiksikan sa harap ko na para bang top secret ang isinisiwalat ko sakanilang kwento.

   "Tapos?" 

    "Tapos dapat nga maging masaya ako dahil nakabalik na siya. Pero may parte talaga ng pagkatao ko ang hindi kumbinsido sa pagbabalik niya. Pakiramdam ko… ibang tao siya. Pakiramdam ko nagpapanggap lang siyang si Typo." 

    "Paano kung pinatay nga nila si Typo doon sa France at may isa pang miyembro ng Ideale Clan ang nagnakaw ng katauhan at buhay niya? After all malaking role ang pagiging heir." Napasinghap ako dahil sa sariling tinuran lalo't maging sila Chenzo ay nag umpisa nang mag panic. 

    "Kung ganoon delikado kayo ng nanay mo doon sa mansyon. Kailangan niyo nang lumayas!" suhestyon ni Mark at halos maalog pa ang utak ko dahil sa pagkakahawak niya sa 'kin sa magkabilang balikat. 

    Ano ba kagagaling ko lang sa ospital!

    Sinalag ko ang kamay niya at siya naman ngayon ang pinagaalog. "Mabuti sana kung ganoon kadali 'yon Markian. Itinago ni Don Alejandro si tatay ka sung saang lugar, at kahit pa si Typo na ang namumuno, hindi parin kami pwedeng umalis ng hindi kasama si tatay!" 

   "Kung nagpapanggap siyang si Typo, napaka galing niya dahil alam niya ang lahat ng dapat niyang malaman. Kaya malamang ay gagamitin niya si Tatay para makulong ulit ako. At kung si Typo nga talaga ang kasama ko, asa naman akong hahayaan niya akong umalis."

   "Edi hanapin natin ang tatay mo tapos tumakas na kayo. Magpatulong tayo sa mga tatay ni Ivan, o kaya ay sa tatay namin ni Rui." 

    Hindi ko maiwasang mahabag dahil sa effort at pagaalala na bibibigay nila sa 'kin ngayon. Kung sana hindi ko kinimkim ang lahat at nagtiwala ako sakanila, sana nabawasan ng kahit na konti ang paghihirap ko noon. Sana pinagkatiwalaan ko sila ng mas maaga. 

    "Salamat," buong galak kong saad saka napangiti. Isang totoong ngiti na hindi ko nga alam na kaya ko pa palang ipinta sa mga labi. 

   "Pero kailangan ko munang bumalik sakanya ngayon. Mag iinbestiga ako at hahanap ako ng paraan para maisiwalat ang kung ano man ang totoong nangyari kay Typo sa France." 

   "At sasama kami para magbantay," giit naman ni Markian at napatayo na. 

   "Gusto mo lang makapasok sa mansyon ng mga Dazarencio e— Aray! Oo nga! Makiki sleepover kami para hindi ka nagiisa!" bulalas ni Chenzo at agad na hinaplos ang nasapok niyang batok. 

   Muli akong natawa dahil sa mga kalokohan nilang dalawa at sa huli ay tumango nalang. "Oo na sige. Ipapaalam ko muna kay Typo na may gagawin tayong project at kailangan nating mag sleepover. Sana lang talaga pumayag siya—"

    "Sleepover? Magsi-sleep over kayo?" Agad nanlaki ang mga mata ko nang biglang iniluwa ng pinto si Orion at walang ano ano'y nakisali sa usapan.  

   Parang sirang nagtataas din tuloy ito ng kamay at tumabi kila Markian para makitalon. "Sama ako! Isama niyo rin ako!" 

•••

    At ayon na nga ang nangyari, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pumayag si Typo na magsleep over ang tatlong ugok. Sa katunayan ay niyaya pa nga nila sina Daz at ang iba pa, kaso ay kapwa naman ito mga busy at ang iba ay hindi pinayagan.

    Maging si Rui ay hindi sumama kaya silang tatlo lang talaga ang andito. Mabuti kako at medyo malapit lang ang bahay na tinitirhan ni Mark kaya nakapag impake pa siya at nagpahiram ng mga damit kila Chenzo at Orion. 

    Hindi ko nga alam kung ba't kung maka balot sila ng gamit ay akala mo ay dito na sila titira e. 

   "Grabe, hindi ako makapaniwalang makakapasok na ako sa mansyon ng isang aristokrata! Magla-live ako!" 

   "Baliw mag panggap ka namang may class! Saka kung magpaplano ka, sana doon sa hindi maririnig ni kuyang driver! Mahiya ka naman kahit manlang sa mga trabahante ng Dazarencio Clan!" bulalas ni Chenzo at nag umpisa nanaman silang magkumpulan doon sa backseat. 

    Wala tuloy akong ibang nagawa kundi matawa ng pilit at napatingin kay Mang Ernie. Gusto kong ipahiwatig na pagpasensyahan na kako niya ang mga kaibigan ko at hindi ko rin alam kung saan ko sila napulot, pero mukhang naindindihan naman niya ako. 

    "Mabuti naman ineng at ikaw na ang may dala sa lalaking iyan at hindi si Sir Ivan." 

   "Eh?" napabaling naman ako kay Mang Ernie dahil sa sinabi niya. Sakto ay naka liko na kami sa kanto papasok sa mansyon.

    "Noong huling dalaw kasi ni Sir Orion dito ay pinatumba niya ang mga anak ko e. Kaya mabuti kako at napapayag mo si Young Master Typo na bumisita si Sir Orion. At least sa pagkakataong ito ay hindi na kailangan ng bodyguards na susugod sakanya." 

   "P-pasensya na po! Na carried away lang!" Yumuko ito at hindi na muling bumangon dahil sa kahihiyan. Lalo't ang tinutuko'y ni Mang Ernie ay 'yong araw na nagpunta sina Ivan at Orion dito para mang hiram ng van kay Don Alejandro. 

   Curious namang nagtanong ang dalawang itlog sa kung ano ba daw ang tinutukoy ni Mang Ernie. Kaya ayon at ikinwento niya ang buong detalye hanggang sa tuluyan na nga kaming maka rating sa loob. 

   Mabuti nalang talaga at napapagaan nila ang sitwasyon, kasi hindi tulad kay Typo, hindi ko pa nadidiskubre ang paraan kung paano makikitungo kay Orion. Well… sa kapatid ko. Masyadong maraming nangyari kaya hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataong makapagusap ng seryoso. At sa tingin ko nga ay hindi pa ako handa e. 

    Nasaan ba si Ivan kung kailan siya?

    "Welcome, Nathalie's friends." 

    Agad akong nabalik sa reyalidad dahil sa boses na 'yon. Doon ko nadatnan si Typo na nakatayo sa gitna ng mga naka set-up na fairylights at hanging lanters. 

   Sa kabila ng lamig na dulot ng katabing swimming pool ay nag init parin ang tenga ko dahil sa pagka bigla sa mga pangyayari. I mean, hindi naman kasi niya kailangang magpahanda pa ng ganito, sila Markian lang naman 'to kaya bakit halos magpa red carpet pa siya at bubble maker! 

    Naiiyak ako sa sobrang hiya! 

    "Young Master!" agad akong nagtatakbo palapit dito at bago pa man mapigilan ang sarili ay nasalubong na ito ng malumanay na yakap. 

   Ganoon kasi ang nakasakanyan namin simula mga bata pa kami. Force of habit na kumbaga, ang nakaka asar lang ay nagtagbuhan rin sila Markian pasunod at pumila sa likuran ko!

   "Uhm, what where you guys doing?" tanong ni Typo at sinipat sipat ang mga ito.

   Napakamot naman ng batok si Markian na nasa unahan ng linya. "Ano lang, makikiyakap din? Hehe." 

   Hindi ko maisasang mapasapo sa sariling noo at mapabuntonghininga. 

    Sa huli ay tumambay muna kami sa may swimming pool at pinagmasdan ng nakangiting buwan. Nagpaalam nga si Typo na babalik na siya sa loob pero agad siyang pinigilan nina Markian at sinali pa sa mga kagaguhan niya. 

  Napakurap kurap nalang talaga ako sa isang tabi habang pinagmamasdan sila. Kasi naman, akala ko ba mag iimbestiga kami at pinagdududahan namin si Typo? So bakit mas mukha na silang magbarkada simula no'ng una kahit pa ilang minuto palang naman silang nagkakasama? 

    Sumandal ako sa sunlounger na kinauupuan at hinayaan ang ilang mga bubbles dumampi sa mukha ko. Pero kung tutuusin, hindi ko nakitang ngumiti ng ganyan si Typo noong ang mga pinsan niya ang kasama niya. Well, what am I even saying, ni hindi ko nga siya nakitang nagkaroon ng ibang kaibigan maliban sa akin at sa mga kadugo niya. 

   Kaya hindi ko rin talaga maalis ang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan siyang maging malaya. Nakakagaan ng loob. Pakiramdam ko deserve na deserve naman niyang magkaroon ng mga totoong kaibigan at maging masaya. 

   "Arin, Lanzell, come here! Play with us too!" tawag niya sa mga bodyguard niya at wala na nga ring nagawa ang mga ito nang hilahin sila nina Chenzo papunta sa pool. 

   "So what now? Do you think he's the real Typo?" biglang puslit ni Orion sa katabing sunlounger at ipinwesto rin ang sarili doon. 

    Napakibit balikat nalang ako. "Masyado pang mahaba ang gabi para makumperma ko ang bagay na 'yan."

   "Now you're starting to sound like someone I know." 

    "Si Ivan?" pasimple kong sagot ngunit hindi parin inaalis ang tingin kila Typo sa di kalayuan. 

    "I was about to say Daz, but they're quite similar tho, so I won't mind."

    Tumango ako. Grabe, hindi ko akalaing mawawalan ako ng social skills sa ganitong mga klase ng sandali! Sigaw nalang kaya ako at tawagin si Typo? Iaalis niya ako sa sitwasyong 'to sigurado! 

    Pero on the second thought, kailangan ko pa rin naman 'tong harapin. Kapatid ko si Orion, magkapamilya kami. Dapat magkaayos na kami ng bonggang bongga kasi kailangan pa naming bawiin si Nanay mula sa kalungkutan niya, pati na rin si Tatay sa kung saang lugar man siya dinala ng Don Alejandro na 'yon. 

   Napabuga nalang talaga ako ng hangin bago magsalita ulit. 

    "If you like Daz, then make sure you won't become like her father. Made up your mind and be honest with her. Don't make her feel like an idiot for falling inlove with you, especially when you were actually the one who made the first move. And more importantly, don't you dare to comfort her with white lies." 

    "Where was that coming from?" 

    Sa pagkakataong 'yon ay hinarap ko na siya at napasinghal. "Akala mo ba hindi obvious? Iniiwasan mo siya dahil lang umamin siya sa 'yo doon sa hospital noong nakaraan. Baka nga kaya ka sumama dito para ma-distract at hindi na muna siya maisip ng pansamantala!" 

    "And how did you know that?" 

    Marahan ko lang na inilahad ang palad ko sa direksyon ni Markian na busy pa rin sa pagaagawan ng inflatable duck kay Chenzo. And good job self, sabi ko dapat magkaayos kami, ngayon nanghihimasok pa tuloy ako sa buhay niya! 

    Gusto ko nalang talagang magpakain sa lupa. Aaaaaaah! 

    "Well, I guess it'll be like that." 

    "Anong it'll be like that? Ha?" 

    "Chismoso talaga sila Markian." 

    Hindi ko mapigilang matawa dahil sa bigla niyang sinabi, ang seryo-seryoso ng usapan namin dito tapos gagatongan niya pa 'yong dalawa. 

   "But anyway, with regards to what you've said. I'll try tho. I don't want to be like her father either," seryosong saad nito at marahang tumingin sa kalangitan. 

   "I couldn't just figure out what moves should I make in order to be a better man. Because at the end of the day, I couldn't stay here forever. I realized that I myself was also married to Death eversince I woke up. So how can I say that I'm really loyal?" 

    Kunot noo ko itong tinapunan ng tingin at nginiwian. "Pwede bang magsalita ka ng normal, hindi kita maintindihan! Bakit ba bigla bigla nalang kayong gumagawa ng tula out of nowhere? Can we just… communicate casually?" nanggagalaiti kong saad at muling napasinghal. 

    "Parepareho lang kayong lahat. Kapag nagtatanong ako ng ekspilansyon, bigla niyo nalang kayong parang sinasapian ng espiritu at humahabi ng salita, parang mga timang! Mapa intensyon ng Ideale Sister, normal na konbersasyon ko kay Daz, mga plano ni Ivan, pati ikaw! Mga sira ulo!" 

   Akmang tatayo na sana ako at magwa-walk out, ngunit agad ring natigilan dahil sa sunod niyang sinabi. 

   "I know Ivan's plan tho." 

   Mabilis akong napaharap sakanya at kulang nalang ay sugurin ko na talaga. "You mean ang dahilan kung bakit siya lumayas at ginawa akong babysitter ni Typo? You mean ang kahihinatnan ng pagsakripisyo niya sa lahat, maging sa'yo?" 

    Tumango lang ito at napabuga ng hangin. Doon lang napansin na mas maputla siya kaysa sa normal niyang pagka putla. Pero dahil sa sobrang excited ko ay iniwagli ko na lang iyon sa isipan at tumabi na sakanya. Nag abang ng kung ano mang sasabihin niya.

    Aba kailangan kong malaman, buong childhood ko ang nasakripisyo dahil sa ginawa ni Ivan ano! 

   "Well, Ivan's plan is to actually end the heiarchy bullshits in Yawaka. For us to have a democracy and let the people vote for who they really wanted to lead." 

    Napaawang ang bibig ko. 

    "To have our freedom back. To have our rights back. To have our voices back, and to have our justice back without biases…"

    "Even if it means he'll be seen a villain by his family and even by the people he's trying to help. Even if it means he'll be labed as the Modern Day Lucifer for wanting the people to be fred from this rotten city that the blinded still called as paradise." 

    "And of course he can't do that without having his hands dirty. So he just embraced that name calling well, just for the future generation to not experienced how oppressive the heaven had become." 

    "How is he going to do that then? Magko-konsehal siya?" 

    Sa isang iglap ay napahagalpak sa katatawa si Orion na akala mo naman talaga nakikipagbiruan ako. 

    "Nope, he's going to be an English Professor." 

    "Anong connect?" 

    "He'll teach people about their choices and rights as a human. So that someday those people will grow into better citizen in this rotten city and can make a change. He might also just find a righteous person with an unwavering character to train as the future leader." 

   "Eh?" 

    Tumungo lang si Orion at pinagdadakip ang mga bubbles na lumilipad sa harap niya. 

    "His first choice was actually Ybrahim Chrisostomo. The reason why he wanted to be adopted as a Christomo. Because he saw the old man's potential. The problem is that, Sir Ybrahim is old and dying so he can't lead that long, and none of his children's fraction can do the leading." 

    Sinamaan ko siya ng tingin. "Why not? Sa pagkakakwento sa'kin nila Archie mabuting tao naman ang mga naging magulang ni—" 

    "That's actually the reason why. Shunari and William were perfect just the way they are. They are great parents and they don't need to risk their life for this shitty place and Ivan knows that." 

   "Anyway the second option is Gio Hernandez. Chenzo and Rui's adoptive father who also happened to be the lead guitarist of the forgotten band named Mooncalf Mavens, and also our current manager. Too bad tho, because Boss Gio blantly refused the offer." 

   "So that just leave Ivan to his third and currently last option," saad ni Orion at muling itinuon ang tingin sa mga kaibigan naglalaro pa rin sa swimming pool. 

    "And who is the third and last option?"

    Sa pagkakataong ito ay ginaya lang ni Orion ang ginawa ko kanina. Pasimpleng inilahad niya ang palad niya patungo sa direksyon ng sira ulong lalake na kasalukuyang ginawang bandana sa noo ang na T-shirt na dapat ay suot suot niya. 

    "You're kidding right?"

    "Unfortunately, not. According to Ivan, Markian has the potential to become this city's hope."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro