Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

level twenty eight


    Sino ba namang makakatulog ng maayos pagkatapos ng mga bagay na natanto ko? Mabuti nalang at kinatok ng bagong body guard ang pinto sa kwarto kaya agad na lumabas si Typo para paunlakan ito. Doon lang din nag sink in sa akin na ang kwarto nga pala na kasalukuyan kong ginagamit ay ang kwarto ni Typo bago siya pinadala sa France. 

    Kaya ayon ay nagmadali akong nagimpake at lilipat na sana, kasi nga bumalik na siya at malamang ay siya na ulit may ari ng kwarto niya. Kaso ang mokong ay bahagya lang akong tinawanan. 

   "It's all right you can sleep here." Alala kong saad niya matapos makausap 'yong bodyguard sa labas ng kwarto. "I'm going to sleep on the master's bedroom," dagdag niya pa dahilan para mapakunot ang noo ko. 

    "Pero hindi ka kumportabe doon, Young— este Master."

    "Do you want me to sleep with you here?" 

    "Hindi po! Ano, ako nalang ang mag-aajust. Sa dating kwarto ko nalang ako matulog!" giit ko pa ngunit marahan lang siyang umiling

   "Come on, Nathalie you're safe to stay here. Besides I'm not afraid of that room anymore. Especially because I am now the Master."

    May kung ano sa paraan ng pagkakasaad niya sa huling mga kataga ang naging dahilan kung bakit banggag ako ngayon. Oo nga at doon siya sa Master's Bedroom natulog, pero pakiramdam ko parin naman ay mayroon akong kasama sa loob ng kwarto niya. 

     Nakakakilabot. Nakakagago. 

    Dapat masaya ako na bumalik niya siya. Kasi magkakaroon ako ng tyansa na bumawi at mas maging mabait. Na kahit ngayon nalang ay mapagsilbihan ko siya dahil gusto ko, dahil bukal sa puso ko, at hindi dahil sa pwersa na kaakibat ng apilyedo niya. Pero heto ako at pinag-iisipan siya ng kung ano ano. 

    Napasinghal nalang talaga ako at mas binilisan nalang ang mga hakbang pasunod kay Typo sa pasilyo ng main building. Andito kasi ang Grade 10 sections, malapit lang sa library na pagsasaulian ko ng mga librong natambay ko sa mansyon. At since naka balik na nga siya ay napagdesisunan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral dito sa Somber High. 

     Malugod ang pagtanggap sakanya ng eskwelahan, lalo na ng mga kapwa niya aristokrata. Kulang na nga lang ay magkaroon ng meet and greet at welcome home party sa buong eskwelahan, dahil pati iyong mga dati niyang mga naging kaklase, maging iyong mga hindi, lahat sila ay naka abang sa pagbabalik niya na akala mo naman talaga ay isa siyang artista. 

    Pero sino nga bang hindi nakakakilala sa isang Typo Dazarencio? Kahit na tinatrato ko siyang parang batang asungot, tanyag pa rin naman talaga siya sa Somber High pati na sa buong Yawaka City. Maliban kasi sa pagiging miyembro ng Noble Family, hindi rin naman maikakailang may itsura ito, kaya madalas na kinababaliwan ng kahit na sinong mga babae. 

    Habang abala siya sa pagkaway sa mga nakakasalubong ay hindi ko maiwasang matawa. Kasi kung tutuusin, lahat naman ng mga miyembro ng Noble Families ay mga magaganda, para nga silang mga gods and goddesses dahil sa mga angkin nilang wangis, masyado lang talaga akong galit sakanila kaya hindi ko ina-appreciate. 

    Pero sa mata ng ibang mga tao, sinasamba naman talaga nila ang mga aristokrata kaya hindi na bago sa sakanila ang ganitong mga klase ng eksena. 

   "Are you okay?" 

    Nabalik lang ako sa reyalidad nang bumaling si Typo sa akin. Doon ko lang namalayang bahahya pala akong napatigil sa paglalakad. Sinuklian ko nalang siya ng isang ngiti at tumango. Akmang magpapaalam na nga ako dito dahil ilang hakbang nalang ang library ba pupuntahan, ngunit agad lang ding natigilan dahil sa isang pangyayari. 

    Dahil biglang iniluwa ng pintuan ng library ang inosenteng si Ivan. Medyo magulo ang buhok nito at mukhang hindi rin ata nakatulog ng maayos. 

    Ngunit sa kabila ng kasalukuyang estado niya ay hindi napigilan ni Typo ang pagtuonan ito ng pansin. At sa isang iglap ay animo'y natahimik ang lahat. 

    Parang biglang numipis ang hangin sa paligid, lalo na dahil sa magagaang mga hakbang na ginagawa ni Typo patungo kay Ivan. 

    Patungo sa kanyang nakatatandang kapatid.

    "Long time no see Mr. Loverman," taas noong sambit ni Typo at pasimpleng hinarangan ang daanan nito.

    Doon ko lang din napansing halos magkasing tangkad nalang silang dalawa. Pero kung ang tindig at dating ang pagbabasehan, parang napakaliit na ni Ivan ngayon. Idagdag mo pa ang katotohanang hindi manlang ito kumibo o maski nakipag pantayan ng tingin kay Typo.

    Napakunot ang noo ko sa nasaksihan pero wala naman akong sapat na lakas upang awatin sila. Kasi first of all, wala namang ginagawang masama si Typo. Sinasalubong lang naman niya ang kapatid niya. 

   "Are you just going to stay silent and keep your head low? Where the hell is your pride now, Ivan?" mapaklang natawa si Typo at bahagya pang napatingin sa paligid. 

   Mayroong mga estudyante nagkukumpulan na para bang soap opera ang pinapanood nila. Mukhang nagustuhan naman ni Typo ang bagay na iyon kaya marahan niya pang tinapik tapik sa pisngi si Ivan. 

   Pero imbis na magreklamo o tapunan manlang ito ng tingin ay mas pinili ni Ivan na lagpasan lang ito. Ang akala ko nga ay magagawa niya, kaya ganoon nalang talaga ang pagsinghap ko nang marahas siyang hilahin ni Typo pabalik!

   Ang nakakaloko lang ay dahil sa lakas ng pagkahatak sakanya ni Typo ay napatumba ito sa sahig! Oo si Ivan na teacher ko sa pakikipaglaban, napatumpa lang ni Typo ng gano'n kabilis!

   Anak ng tuleg, kailan pa siya naging ganyan ka lakas?

   Magkabilang bulungan at mga ingay ang ang nanaig sa paligid. Mayroong nangaasar at pinagtatawanan ang sinapit ni Ivan, mayroon din namang masasama ang tingin kay Typo. 

   At heto nanaman ako sa parte ng buhay ko kung saan hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko rin naman kasi problemang magkapatid 'yan kaya dapat silang dalawa rin ang mag resolba. Masyado akong maraming pinagdadaanan ngayon para maging referee pa sa nangyayari sakanila, kaya napalunok nalang talaga ako ng laway sa isang tabi. 

  "Did just the down grader downgraded for real? How pathetic. But anyway, if you're not gonna talk to me then whatever. You can just call at the Dazarencio's Master Hotline if you finally want to beg and catch up. Ciao." 

   Right after that, Typo casually bidded me his goodbye then walked his way towards his classroom. Napakurap kurap pa ako ng ilang ulit habang nagsisi alisan na rin naman 'yong ibang mga estudyante sa paligid ko. Nang mahimasmasan ay agad akong napakamot sa ulo at pinagmasdan si Ivan na ngayon ay nakatayo na at nagpapagpag ng sarili. 

   "What the hell was that?" kunot noong tanong ko. 

   "What the hell was what?" Sawakas ay sagod niya na, ngunit wala naman iyong damdamin. 

   Like seriously? Nakapamaywang ko nalang talaga itong sininghalan. Hindi ko akalaing sa dinami dami ng pinagdaanan namin at mga bagay na nalaman ko tungkol sakanya, mabubwisit pa rin pala talaga ako sa pagmumukha niya. Pwede pala 'yon?

   Sa huli ay napailing iling nalang talaga ako at sinubukan siyang hilahin papuntanta sa kung saan. "Nevermind, may mas seryoso tayong dapat pag usapan."

  

   

Third Person's POV

     "Kapapasok lamang pong balita, natagpuang patay sa sariling selda ang isa sa mga miyembro ng "Shapeshifter Clan" na kinilala bilang si Hecate Id****. Isa siya sa tatlong magkakapatid na sangkot sa serial killing na naganap sa Somber High, pati na rin sa Mephistopheles Town noong nakaraang araw." 

    "Sinasabing nangagaw daw ng baril ang salarin saka ito ipinutok sa sarili. Samantalang pinaghahanap pa rin magpadahanggang ngayon ang mga kasamahan niya." 

   "I can't believe they censored Hecate's surname like that." Umismid si Ivan na ikinataas lang ng isang kilay ni Nathalie. 

    "At mas may pakialam ka pa sa bagay na 'yon kaysa sa katotohanang nagpakamatay si Hecate?" giit nito. 

   

   Nagkibit balikat naman si Ivan at inayos ang frame ng suot na salamin. "She's been exposed as the culprit so that cleared your name already. Besides, the only reason for her and her crew to copy your killing ideas and hide behind your shadow is because they are not supposed to be publicize. They are supposed to stay at the darkness to put a mask. Them, being a surviving Ideale should remain as a secret because that will stir a was against the other Noble Family. And would eventually lead them to start their searching operation against the remaining Ideales." 

    "The Noble Families on the other hand wouldn't want the Ideales to be publicize either, because that would just expose the crimes, injustices and the betrayal that they've done to that Clan. Ban ang mga Ideale at ang pagmention sakanila sa Yawaka City, ganoon na rin pati sa ibang mga Clan na binansagang Fallen Aristrocrats." 

    Napakunot lang ang noo ni Nathalie dahil doon at inusog konti ang upuan para makabulong. "Pero kung pabor pala sa mga Noble Family ang pananahimik at pagtatago ng mga Ideale at ng ibang mga Fallen Aristrocrats, eh bakit hindi sila magsanib at sabay sabay na tumindig? Para malaman ng nga tao sa bayang ito na huwad ang mga sinasamba nilang mga pinuno?" 

    "It's easier said than done. Although that's the goal but I think everyone wasn't ready yet. It needed time. It needed plans. It needed understanding and a fucking collaboration, and that, ladies and gentlemen is the biggest problem that we have," ngumiwi si Ivan at mas nagpaliwanag pa patungkol sa mga bagay bagay. 

    Hindi nga rin niya inaakalang aabot ang panahong makikipagdaldalan siya kay Nathalie patungkol sa pangit na sistema ng bayan nila, at mas lalong hindi rin inaasahan ni Nathalie na hahayaan siya ni Typo na gawin ang lahat ng ito. 

    Kung noon kasi ay halos hindi siya pwedeng magkahiwalay ng Young Master, ngayon naman ay mas malaya na itong makagalaw at magawa ang mga gusto niya. Hindi na masyadong nakatuon kay Nathalie ang atensyon ni Typo, hindi na rin ito sobrang higpit sa kung sino ang mga dapat kinakausap niya at nilalapitan. 

    Simula pa lang kagabi ay hindi na siya tinantanan ng pagkabagabag. Dahilan upang mapatingin nalang ito sa kawalan at wala sa sariling naisiwalat ang nasa isipan niya. 

    "Pakiramdam ko hindi si Typo ang kasama ko sa bahay. Pakiramdam ko ibang tao siya." 

    Nabitin naman sa ere ang mga bagay na gusto pa sanang sabihin bi Ivan dahil sa pahayag na iyon. Kasabay kasi noon ay ang pagtunog ng bell para sa paguumpisa ng klase. Pero mukhang wala naman na silang pakialam pa sa bagay na iyon at ni hindi manlang nagmadali. Maski gumalaw manlang sa mga pwesto nila sa pinaka gilid na mesa sa library ay hindi na nila alintana. 

   Bahagyang nagsalubong lang ang kilay ni Ivan dahil doon at binalingan si Nathalie. "What do you mean para siyang ibang tao? Eh, gano'n na gano'n naman talaga si Typo. He's been dying to have a moment where he could become higher than me." 

  "So umarte lang lang kanina na mahina para mapagbigyan siya?" 

    Ivan scoffed. "Nope, he really did became stronger. But I do believe that the person you're with right now is still Typo." 

    Napasinghal nalang talaga si Nath dahil sa pagkadiskumpyado. "Hindi, Ivan eh. Hindi mo naiintindhan. Halos buong buhay kong kasama si Typo, sabay kaming lumaki. Sabay kaming nangarap at nasaktan. Kilala ko siya, at ang kasalukuyang namumuno sa mansyon ng Dazarencio ngayon ay hindi si Typo," giit ni Nathalie at halos mabaksak pa ang magkabilang kamay sa mesa. 

    "Evidence. Give me your evidences then. If you feel like he's a fraud then investigate and align those feelings with a strong evidence," walang ganang saad ni Ivan na akala mo naman talaga walang saysay ang mga pinagsasabi ni Nath sa harapan niya. 

    Napapadyak nalang talaga si Nathalie dahil sa sobrang inis ngunit hindi naman sapat ang mga iyon upang makatagpi ng mga salita para sagutin ang huli. Bahagya namang natawa si Ivan dahil doon at napailing iling nalang talaga. 

   Para talagang si Orion. Sa isip isip ni Ivan. 

   Because that very moment reminds him of how Orion used to react too. Everything about Nathalie made Ivan think of Orion, actually. Her face, her eyes, her rants, her attitude, even her impulsiveness. Maybe that's the reason why despite of not liking to be associated with persons that aren't beneficial for his greater plan, he still help her how to fight and continously becoming her mentor even if their contract has long been expired.

   Not because he like her. But because he likes everything she's reminding him about. 

    Oh, it's also because of pity, conscience and other related things but—

   "And speaking of Orion!" 

    Agad namang nabalik sa reyalidad si Ivan dahil sa mabigat na saad ni Nath. He didn't expect the sudden change of topic, and even the topic itself. They where just talking about the cases, Typo and investigation earlier, so what's this?

    Was he thinking out loud? 

    In an instant, he casually stood up, gather his things and didn't even bother to answer Nathalie's question. He was planning to escape just like that, but who is he kidding? Nathalie is her student, and he's indeed a great teacher. Of course, he thought Nathalie how to corner people whose too distracted to even made a move, and right now, she's doing that very well. 

    "Hindi ka muna aalis, sagutin mo ang tanong ko," seryoso nang saad ni Nathalie at pinaupo ulit si Ivan. 

    "Naging kayo ba ng kuya ko?" 

    Ilang sandaling binalot ng katahimikan ang buong silid, bago nabuo ang isang marahang tawa sa bibig ni Ivan. 

    "Nope," mababa ang tono nitong saad at seryosong tumingin sa mga mata ni Nathalie. 

    "Then, what the hell was that yesterday? That doesn't look like a pure friendship at all." 

    "Wala kaming label noon, that's it." 

    Talagang napaawang nalang ang bibig ni Nath dahil sa sagot na iyon. Hindi niya alam ko titili ba siya o magtatalon dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngunit sa mga magpapakatong iyon ay hindi maialis ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. 

     "So hindi talaga para sa akin 'yong mga tula at love letters sa facebook page mo?" Abot tenga ang ngiti na tanong ni Nathalie. 

     At masaya pa siya sa bagay na iyon?

    Dahil sa panandaliang pagkagalak ay nakahanap ng tiyempo si Ivan upang maka takas sa harapan ni Nathalie. Nagmadali na itong maglakad palabas ng library ngunit ganoon lang din naman ang ginawa ni Nath, hanggang sa tuluyan silang maka labas ng building. 

    "You really thought that was for you?" sagot nalang ni Ivan sa tanong nito kanina. Pinanliitan ito ng mga mata ni Nath, ngunit agad rin namang bumalik sa tono ng pananalita niya kanina. 

    Akalain mo mga naman at nagkaroon ng kumare si Ivan.

   Ngunit ang panandaliang ngiti ay unti unti lang ring nawala sa labi niya nang bumalik sila sa reyalidad. Nang sawakas ay natanto na niya ulit kung anong klaseng kasalukuyan ang mayroon sila. 

   Gusto pa man sanang kulitin ni Nath si Ivan tungkol sa kapatid niya ay mas pinili nalang niyang manahinik. Lalo na nang maaninag si Orion sa ilalim ng isang puno sa Senior High Department. 

   Naka upo ito sa isang bench at ganoon nalang ang galak na makita si Daz na nalakad patungo sakanya na mayroong sukbit na bag ng gitara. Mukhang maging sila ay lumiban sa klase at doon niya lang din natanto na mukhang matagal na palang may nawawasak na puso sa gilid. 

   Agad siyang napabaling kay Ivan at sa walang ekpresyon nitong mukha. Nagpatuloy lang rin ito sa paglalakad patungo sa building nila. Mabigat man ang bawat hakbang ay hindi pa rin siya tumigil hanggang sa hindi na niya sila matanaw.

   "Orion and I's story has long been ended. There's always a reason why we're no longer part of each other's present." Bahagya itong bumaling sa kaliwa at inantay ang magiging sagot ng kasama, ngunit doon lang niya natantong mukhang naiwan niya ata sa kung saan si Nathalie. 

    Pero imbis na balikan ay napailing nalang si Ivan at nagsimula nalang na umakyat sa hagdan ng building. He should be used to it by now. But he ended up taking a deep breath and put on another mask in order to keep going. 

    After all, he himself was also an Ideale. 

    "What do you mean you want us to stop?" 

    "I mean, what I said. Let's end everything about us. You're distracting me. Ori, I have a goal and no matter what I do, you couldn't just be a part of it." 

   "W-was it because we're both guys?" 

   "No. It was never because of that. It's just that, I can't be what you needed. You're too good for someone whose bound to become the Modern Day Lucifer. You deserve nothing but heaven, and heaven isn't supposed to be this manipulative."

   "But you said you love me, Van." 

   "I never said I love you. I just said that I want to spend my whole life with you." 

   "That's the same thing you idiot! So stop thi—" 

   "No, Ori listen, it wasn't the same thing. Because if love can save people, then why am I destroying you?"

•••

   Sa dami ng mga bagay na natuklasan ni Nathalie kay Ivan dahil sa Ideale Sisters, alam na niyang matatag itong klaseng tao, pero hindi naman niya akalaing nawalan na ata ito ng puso sa mga pinagdaanan. Nanatili lang si Nathalie sa kinatatayuan at pinagmasdan si Ivan na lumisan. 

She thought, he's been a manipulator ever since he was a kid, but maybe that's the tragic ending of a his kind. Either they'll ended up pretending to love someone or gaslight themselves into thinking that they never really love a certain person for the rest of their life. And perhaps there's no in between. 

    And Ivan is doing the latter.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro