Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

level three

    Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba si Satanas, pero simula nang makita ko 'yong mamaw na naka puting hoodie sa kuta, aba hindi na talaga niya ako tinigilan!

     Ang mapayapa kong pag-eensayo para sa tournament ay naging kalbaryo dahil sa mga tawa at panlalait niya. Kaya heto ngayon, habang nasa kalagitnaan siya ng panghuhusga sa mga ginagawa kong exercises, marahas kong itinuon sa direksyon niya ang suntok imbis na sa punching bag na katabi.

    Gusto ko sanang magdiwang ngunit ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang mabilis niya itong masalag at sa isang iglap, iginapos niya ako!

    Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nagawang itali ang mga kamay ko ng ganoon kabilis! Para bang eksperto siya sa larangang ito!

    Kulang na lang ay may lumabas na usok mula sa mga ilong ko nang tapunan ko ito ng masamang tingin. "Bitawan mo ako!" sigaw ko pa at nagpatuloy pa sa pagpupumiglas.

    Hayop naman, nahahawakan niya 'yong mga sugat ko sa braso!

     "Can you atleast listen to me? Don't let your emotions overrule your actions, okay?" aniya at walang ano-ano'y itinapon ako sa nagkapatong patong na mga karton sa gilid.

     Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ako nakapalag at nawalan pa ng balanse! Nadaganan pa tuloy ako ng mga 'yon, mabuti nalang at wala itong mga laman!

    "Ano ba, kalagan mo nga ako! Magpa-practice pa ako sabi!" giit ko ngunit napahawak lang siya sa sentido niya. "Why the hell are you so stubborn?"

   "Why the hell do you care?" pasigaw ko ring sagot at gusto na nga talaga siyang kagatin, ngunit agad ding natigilan nang maupo siya't ini-lebel ang sarili sa 'kin.

     M-masyado siyang malapit!

     "Bakit mo ba ginagawa 'to? Pinaparusahan mo ba ang sarili mo?"

    Bahagya akong natawa dahil doon at napairap. "Hindi. Nagsusumikap ako ng ganito, para makalaya kami sa parusang iginawad sa 'min ng bayang 'to." Gusto ko sanang sabihin ngunit agad nalang akong napa iwas ng tingin.

      "W-wala lang 'to, naglalabas lang ako ng sama ng loob." Agad kong nilagyan ng isang pekeng ngiti ang mga labi. "Saka gusto ko lang matuto ng self defense," dagdag ko pa at painosente itong tinignan.

     Mukhang tama nga si Archie. Magaling nga ata talaga akong um-acting.

     Pero kasi, hindi ko naman pwedeng sabihin sa lalakeng 'to na may plano akong makipagpatayan sa isang tournament at magkapera. Baka mamaya mabulilyaso pa lahat ng plano ko, mahirap na.

    Saka sino ba naman kasing magtitiwala sa estrangherong naka face mask, shades at puting hoodie na may design ni Ice Bear? Mas mukha pa siyang may masamang balak kaysa sa 'kin e!

    Napatango lang ito dahil sa naging sagot ko at mabuti naman at napagdesisyunan na niya akong kalagan. "Well, if that's the case. I can help you."

     Pakag akong natawa at binawi ang sarili sakanya. "Ay nako, huwag na Ice Bear. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Umiling ako't bahagyang dumistansya.

     Huwag mo akong paausahin sa isang bagay na paulit-ulit din namang winwasak ng mundo sa mismong harapan ko.

     Aktong tatalikuran ko na ito, ngunit agad ding natigilan nang sa pagkakataong ito ay siya naman ang natawa. To think of it, parang pamilyar ang boses niya, lalo't hindi na siya ganoon ka paos. Napalingon naman ako dahil doon at pinanliitan ito ng mga mata. "Ano sa tingin mo ang nakakatawa?"

     "You just called me Ice Bear."

     Nagkibit balikat lang ako. "Wala e, hindi ko alam ang pangalan mo at mukhang wala ka namang balak ipaalam. Saka palagi mo kasing suot 'yang jacket na may design na gan'yan kaya 'yan nalang itatawag ko sa 'yo."

     "Wait, excuse me, ibang jacket 'to. Saka iba ang design."

     Napakunot ang noo ko nang ma-realize 'yon at agad napatango. Oo nga ano. Whole body na ni Ice Bear ang design ng puti niyang jacket ngayon. Parang mukha lang 'yon noong nakaraan e.

    "But going back to the topic, bakit ayaw mong turuan kita? Halata namang walang tama sa ginagawa mo."

   Sa isang iglap, bumalik ulit ang asar ko sa lalakeng 'to at agad ko nalang siyang tinaasan ng kilay.

   "And you know, you don't always have to endure everything on your own. You can always ask for help. Someone out there might save you."

    Great, gusto ko na sana siyang murahin pero agad din naman niyang binawi. Nabitin tuloy sa dila ko lahat ng masasamang words na gusto ko sanang sabihin kanina. Ngunit imbis na mas magpa apekto, mas pinili ko nalang na pagmasdan ang walang kabitwin bitwin na kalangitan.

   "Ask for help? To whom? Ni minsan wala namang tumulong sa 'kin kahit ilang beses akong nagmakaawa noon." Napa iling ako. "Isa pa, matagal ko nang sinukuan ang ideyang may magliligtas sa 'kin, kasi kung meron nga, bakit hindi nila 'yon ginawa noong mga panahong kailangang kailangan ko 'yon?"

    And the most tragic part, I wasn't the only one who experienced at felt that way. This city might not be known for murder, but it successfully killed all the dreams, hope, and faith that a poor people can have and easily burry all the people's screams and their justice on the ground. So if someone can help, then why didn't they appeared at my weakest? When I couldn't still hold a knife?

    Seryoso kong dinamdam ang mga salitang lumabas sa bibig at bahagya pang inalala ang nakaraan. Dahilan para ganoon nalang ang pagka gitla nang bigla niya akong tapikin sa balikat. "Maybe because the world wanted you to be stronger that time?"

    Mabilis akong nag iwas ng tingin at agad nang iniwagli ang kanyang kamay. "Ice Bear, bata pa ako noon at bata pa rin naman ako hanggang ngayon. What I needed isn't to be stronger, but to feel safe and protected."

    And it didn't happen.

    Napabuga ako ng hangin at tinalikuran na siya. Partida, mukhang maghahanap na lang din talaga ako ng ibang kuta. "Bause if all the world has ever wanted was for me to be stronger, then it succeeded. I've been strong enough to the point that I couldn't feel my heart with me anymore."

     Bahagya ko itong nilingon at ginawaran ng isang pekeng ngiti. "So please tantanan mo na ako. There's no need for saving. I'm not a damsel in distress."

•••

     Ilang linggo ang lumipas at mabuti naman ay tinigilan na ako ni Ice Bear. Humanap na lang din ako ng ibang kuta dahil wala na akong dahilan para manatili sa lugar na 'yon, lalo't pagmamay-ari pala niya ang kuta ko. Kukuhanin ko nalang 'kako 'yong mga naiwan ko pang gamit 'pag naka hanap ako ng tiyempo.

     Ngunit dahil naghahanda ang lahat para sa kaarawan ni Don Alejandro, sa tingin ko ay matatagalan ito. Saka dahil na rin siguro sa nagawa ko kay Archie noong lunes, pati na rin kay mama kagabi, medyo nagdadalawang isip na rin tuloy ako.

    Kasi naman napagbubuhatan ko na sila ng kamay, kahit hindi ko naman sana sinasadya. Para bang... minsan, hindi ko na kontrolado ang lakas sa sinusubukan kong angkinin. Bagkus ay ito ang umaangkin sa'kin.

     Pero kahit na ganoon, alam kong kailangan kong magpatuloy. Hindi ako pwedeng huminto ngayon.

    "Hoy Prinsesang hilaw! Anong tinutunganga mo d'yan? Tumulong ka dito!" 

    Matamlay ko lang tinanggap ko ang tray ng ulam na inabot ni Kuya Bogart at pinanliitan ito ng mga mata. Lalo't nabalik tuloy ako sa reyalidad kung saan mayroong nagaganap na piging sa bahay nila Don Alejandro, para sa kaarawan nito.

     "You should stop calling me a Princess, I'm a monster," wala sa sarili kong saad at nagsimula nang maglakad patungo sa mga mga bisita. Actually,nag hire na namana talaga ang butler ng catering crew. 

    Ang kaso lang ay masyado pa rin talagang busy ang loob dahil sa mga bisitang halos magpa bonggahan pa sa suot na mga bestida at suits. At sa ilang ulit kong nagpaikot ikot sa kasumpa sumpang bahay na 'to, halos takasan na ako ng lakas at katinuan.

    Napabuntong hininga nalang ako at maingat na tinahak ang gilid na daan para wala ako masyadong makasalubong na Aristokrata. Nang makarating sa malaking mesa ay inilapag ko na doon ang hawak na tray at binalak nang lumisan. 

    Hindi ko kasi maatim na makita si Nanay sa magarang kasuotan, habang naka pulupot naman dito ang kamay ni Don Alejandro. Although normal lang ang polygamy sa mga Noble Families, pero nakakabastos pa rin, lalo na siguro sa parte ni Doña Celeste. Para kasing ipinamumukha ni Don Alejandro na mas paborito niya si Nanay kaysa dito. 

    Mariin akong napa pikit dahil doon at bahagyang napa hilot sa sentido. Talagang sulitin na ni Don Alejandro ang mga sandali na hindi ko pa siya pwedeng kutusan. Kapag kasi talaga naka pasok ako sa tournament at manalo ng pera. Madidiskubre ako ng mga Underground Family na nagtatago lang sa kadiliman ng Yawaka pati sa na iba pang mga bayan, tulad ng mga Mortelove at Danneggiare clan.

    At kapag nagustuhan nila ako't i-recruite bilang miyembro, magagamit ko sila para mabawi ko ang pamilya ko mula sa mga Noble Families! Sinabi ko na at sasabihin ko ulit, lintik lang talaga ang walang ganti!

    "Oh, look at that. Dating servant ni Don Alejandro 'yang isa niya pang wife, right?" 

    "Yeah. What an eyesore." 

    "Such an opportunist. Ano bang nakita ni Alejandro 'dyan at isinama niya pa talaga dito sa party." 

    "Malamang, dinaan sa landi 'nong babae." 

    Agad na napapatnig ang tenga ko dahil sa mga bulungan sa paligid. Gusto ko sana silang panlisikan ng mata ngunit agad nalang ding napabuntong hininga nang may maisip na kalokohan. Well, habang andidito pa ako sa sitwasyong 'to, sasamantalahin ko na lang pala muna. 

    Napailing ako't pinigilan ang sariling mapangisi ng malapad. Mukhang madadagdagan na naman kasi ang listahan ko ng mga pangalan na pwedeng patayin sa story ko. Mahanap nga ang Master List ng mga imbitado. 

    Nagpalinga linga ako sa paligid upang hanapin si Mr. Chuuya, ang butler sa mansyon na 'to. Nang mahagilap itong nakatayo sa gilid ng front door, agad ko itong nilapitan. Mabuti nalang talaga dahil mas mabait pa ito kaysa kay Kuya Bogart, kaya naman ay pinabasa niya sa 'kin ang Master List basta ba huwag ko lang itong dalhin kung saan. 

    Kaya ayon, kinabisa ko ang mga pangalan na kapatay patay at ganoon nalang ang pag kunot ng noo nang may makilalang isa. 

    78. Crisostomo, Zoen Ivan 

    Agad akong napasinghal. Anong ginagawa ng mamaw na 'to dito?

•••

    "You're looking for someone?" 

    Para akong natuod sa kinatatayuan nang may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran. 

    "H-hindi ah. Trabaho ko talagang mag palinga linga sa paligid at magbantay," mabilis kong saad nang harapin siya. Pilit hindi pansinin ang katotohanang mas nagmumukha siyang hindi nakaka inis dahil sa suot na mamahaling suit. 

    Hindi naman kasi sa hinanap ko siya. Nagpe-prisinta lang talaga ako kila Kuya Bogart na maghatid ng kung ano ano sa piging, para patagong makatikim ng mga handa!

    Ni wala nga akong pakialam kahit hindi siya naka salamin ngayon at kung paano bumagay sa maputi niyang kutis ang suot na blue contact lense. 

    Para nga siyang Hari ng Yelo e. 

    Siguro kapag kinulayan ng puti ang buhoy niya ay magmumukha siyang gunggong na version ni Jack Frost. 

    Agad naman akong natigilan dahil sa mga pinag-iisip at agad nalang na napa iwas ng tingin. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Hindi ka naman miyembro ng Noble Family hindi ba?" pag-uungkat ko nalang sa kuryosidad. 

    "My family belongs to the Working Class. Kahit papaano ay may business naman kami," sagot din naman ni Ivan at kapwa namin pinapayagan maukupa ng musika ang buong lugar. 

    "Inimbitahan kami ng mga Dazarencio para sa negosyo. How about you?" Ramdam ko ang panghi-head to foot niya sa 'kin kaya muli ko itong binalingan at tinaasan ng kilay. 

    "Ano? May problema ka?"

    "Dito ka nagta-trabaho?" tanong niya matapos sipat sipatin ang suot kong maid's uniform. Aktong sasagot na sana ako ngunit naputol ito ng pagtawag ni Kuya Bogart.

    "Princess, andito ka pala! Ipainom mo na ito sa Young Master Typo mo. Ilang araw na ba 'yong may sakit? Ay wag mo nang sagutin sige na, dali! Oras na para sa gamot niya!" Mabilis kong tinanggap ang tray na inabot niya at pinagmasdan siyang lumisan. 

     Sa isang iglap ay naiwan ulit akong nakatayo sa harap ni Ivan habang hindi pa rin nito naiaalis ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Young master? Servant? Is that your endearment? That sounds fake." 

    Napasinghal ako at kunot noo itong tinitigan. Bakit ba napaka sama ng tabas nang dila ng isang 'to? Kalalakeng tao!

"Ano bang pakialam mo? Eh sa 'yon ang gusto namin." Suminghal ako at sinubukan na siyang lagpasan. Kahit naman kasi hindi ko rin gusto ang jowa thingy sa pagitan ni Typo, hindi ko naman siya pwedeng ipahiya.

    Lalo na sa harapan ng Ivan na 'to. 

    Akmang hahakbang na sana ako patalikod sakanya, ngunit natuod lang din sa kinatatayuan dahil sa isang pamilyar na sigaw. Mabilis akong mapalingon ako sa direksyon no'n at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata nang makita si Doña Celeste na sinasabubutan si Nanay!

    "Wow, Noble Families really are shits," sarkastikong saad ni Ivan. 

    "Are you insulting us?" rinig ko sabat nang isang babae na nakarinig

    "No dear, that wasn't an insult. That was a declarative statement." 

    Gusto ko mang suportahan ang pambabara ni Ivan doon sa babae ngunit hindi ko maalis ang tingin kay Doña Celeste. Mahigpit akong napahawak sa tray na bitbit. Gusto kong iyong ihambalos kay Doña Celeste ngunit masyado akong napako sa kinatatayuan at tanging mabibigat lang na paghinga lang ang nagawa. 

    Katulad doon sa pinaka sunusumpa kong lugar sa Somber High, pinagkakaisahan lang din ng iba si Nanay. Pinagtatawanan pa nila ito habang nasa sahig at pilit sinasalag ang mga sampal ni Doña Celeste. 

    Napatingin ako kay Don Alejandro na balak sanang pigilan ang dalawang asawa. Ang kaso, hinawakan siya sa magkabilang kamay ng mga kapatid na sina Don Roberto at Don Fernando kaya hindi makalapit. Masyado nilang sinusuportahan ang kagaguhang ito at noon ko lang namalayan ang mainit na likidong tumutulo mula sa mga mata ko. 

    Bakit hindi ako makagalaw? 

    "'Yan ang napapala ng mga Meager Class na pumapatol sa Noble Families."

    "Buti nga sakanya. Habang buhay kayong magiging alipin, ano!"

    Nag umpisa na ang mga bulungan sa paligid at ang mga cheer ng iilan na para bang boxing ang pinapanood nila. Although may iilan namang lumalayo sa gulo at hindi nakikisali, bwisit pa rin silang lahat!

    Mahigpit pa rin ang hawak ko sa tray, dahilan upang bahagya pa akong magitla nang agawin ni Ivan sa 'kin 'yon at ilapag 'yon sa kalapit na mesa. Ngunit kahit ganoon, hindi ko pa rin makundisyon ang sarili na humakbang at saklolohan si Nanay. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito. Masyadong nangangatog ang tuhod ko at wala akong ibang magawa kundi bumulong sa hangin ng "Tama na." 

    "Oh, look guys oh, its Nathalie! Anak siya nung maid na kinukuyog ni Tita Celeste!" Napakunot ang noo ko nang mamataan si Lana sa may 'di kalayuan at itinuro ako.

    "At may relasyon din sila noong anak ni Tito Alejandro na si Typo. Like mother like daughter talaga!" dagdag niya pa dahilan para pagtinginan din ako ng nasa paligid. Ngunit dahil sa sinabi niyang 'yon ay para akong sinapak pabalik sa reyalidad. Doon ko sinimulang tinigilan ang pagyuko at sinuklian ang mga tingin nila. 

    Kailangan kong tatagan ang loob ko dahil kailangan ako ni Nanay. 

    "Aba, mukhang mayabang, turuan nga din natin ng leksyon." Nagulat ako nang magsalita ang kapatid ni Lana na si Jinny at humakbang papalapit. Pati nga ang iba ko pang mga schoolmates na miyembro ng Noble Fam ay isa isang nag silapitan na parang mga demonyong may masasamang balak. 

    Nag uumpisa na nilang harangan ang direksyon kung nasaan si Nanay, ngunit dahil sa poot nananalaytay sa buo kong sistema, isang mapaklang ngiti lang ang isinukli ko sa kanila. Well I guess, a morbid fairytale will happen in this shithole mansion. 'Cause if they represent the devils, then they're pathetic. 

    Because just like what Manslaughterer, my username/fictional serial killer stated...

    "If Satan was a lady, she's definitely me."

    "Ah, talagang ngumingisi ka ng ganyan?" natatawang saad noong lalakeng mukhang Asteranza rin at itutulak ako. Sasakmalin ko na nga sana siya pabalik ngunit sabay akong sinugod ng tatlo pa nilang kasama. 

    Sa isang iglap ay nadaganan nila ako. Tumilapon pa nga sa kung saan ang salamin ko, ngunit patuloy lang ako sa pgpupumiglas. Gustong gusto ko silang kagatin ngunit hindi ako maka kuha ng tyempo lalo na nang sumali din sila Lana at pinagsasabunutan ako! 

    "Argh!" 

    Nagpatuloy ako sa pagsisipa at ilang sandali pa ay isa isa kong nakita 'yong apat na lalake na bahagyang tumilapon palayo sa 'kin. Napasinghap naman ako nang bigla akong hilahin ni Ivan mula sa pagkakahiga at halos kaladkarin na patakbo!

    "Hayop naman! Bitaw!" sigaw ko nang tuluyan na niya akong kinarga na parang isang sako ng bigas!

    Nagpupumiglas ako mula sa kanya ngunit mukhang hindi lang naman siya isang nerd na may attitude problem. Akalain mong may tinatago rin palang lakas ang isang 'to! Paano niya natitiis ang mga pagpupumiglas ko?

    "Ano ba! Bitaw sabi!" giit ko at magpapatuloy na sana sa pagsubok na makawala, ngunit bahagya akong natigil sa ginagawa nang mahagip nang mata ko ang direksyon nila Nanay. Mabuti naman at tumigil na rin ang kaguluhan sa pagitan nila at mukhang may sumaklolo na kay nanay na... matandang lalaki? 

    Agad na nakunot ang noo ko. 

    Paano nagawa ng matandang lalaki na pigilan ang away nila? Lalo't sa pagkakatanda ko, hindi naman siya miyembro ng Noble Family. Ngayon ko nga lang ata siya nakita e. Kaya paano niya napasunod ang mga Aristokratang 'yan?

    "Oh, he's my grandfather. Ybrahim Crisostomo," kaswal na saad ni Ivan nang maka layo kami sa komusyon at ibinaba na ako. 

    Doon ko lang napansing hindi na niya suot ang necktie na nasa kanya pa kanina. Pati nga 'yong itim niyang suit ay nawala na din at ang tanging naiwan lang ay ang panloob niyang puting polo. Naka bukas pa ang dalawang butones nito sa itaas habang nakalislis naman ang mga manggas.

    Kaya pala malaya siyang nakakagalaw kanina. Mukhang hindi rin ata siya mahilig sa mamahaling damit.

    Sinubukan kong idaan sa tawa ang lahat ngunit nanginginig pa rin ang mga kalamnan ko. Huminga ako ng malaim sa pag-asang makakalma nito ang sarili, ngunit sa bawat tibok ng puso ko ay para bang nag-uudyok pa rin ito ng kagustuhang manakit ng tao. 

    Dahilan upang mabilis akong humarap kay Ivan at siya nalang sana ang sasapakin. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay walang kahirap hirap niya lang itong nasalag! Sinubukan ko pa ng ilang ulit ngunit ganoon pa rin ang resulta at sa huli ay kapwa niya lang nadakip ng isa niyang kamay ang magkabila kong pupulsuhan!

    Pero dahil sa inis na mayroon pa rin ako ay hindi ko na na-kontrol ang sarili at agad na nagpumiglas. Wala akong pakialam kahit na pagtinginan pa kami ng makakakita o kung ano. Gusto ko lang naman siyang matamaan! Mahirap ba 'yon? 

    "You're really that stubborn, huh?" he sighed as he ran his fingers through his hair. "How many times do I have to tell you? Don't let your emotions overrule your actions." 

    Agad akong napa kurap kurap dahil sa pamilyar na linyang binitawan niya.

    "Ice Bear? I-ikaw si Ice Bear?" napasinghap ako nang sawakas ay mapagtanto 'yon. 

    "Shocks, you figured that out? Guess you're really not as foolish as I thought you were. Congrats."

    Gusto ko sanang mapasinghal ngunit mas pinili ko nalang na manahimik. After all, mukhang tama naman siya ng very slight, dahilan upang mapayuko ako. Sa kabila ng naka kuyom pa ring kamao, hindi ko maiwasang malala lahat ng kahayupan na ginagawa at magagawa pa sa amin ng mga Noble Family kapag hindi ako gumawa ng paraan para makalaya. At kung anong klaseng hayop ang kinahihinatnan ko dahil sa kanila. 

    Ngunit kahit na ganoon, kailangan ko paring umaksyon. At sa bawat araw na sinayang ko sa pageenasyo na mukhang wala rin naman palang epekto, panahon na nga ata para tanggapin ko ang alok niya dati. Kahit pa ang katumbas noon ay paglunok ko sa lahat ng prinsipyo at pinagdaanan ko sa buhay. 

    "Hindi pa ba expired 'yong alok mo sa 'kin?" tanong ko nalang habang hindi pa rin iniaalis ang tingin kay Nanay na inabutan na ni Don Alejandro ng suot niyang coat. Kasabay no'n ang tuluyan nang pagpapalayo sakanila noong matandang lalake kay Doña Celeste.

    "Nope. My help will always be available for less fortunate kids like you." 

    Napabuntong hininga nalang ako't pinigilan ang mga murang gustong kumawala sa bibig. Kalma, Nathalie, hindi ka naman hihingi ng tulong. Gagamitin mo lang naman siya. Tiisin mo nalang. 

    "Kung ganoon, pwede mo ba akong gawin estudyante?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro