level ten
"Anak, ba't hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?"
Nabalik ako sa reyalidad dahil sa naging tanong ni Nanay. As usual ay ikinubli ko nalang sa pamamagitan ng paglalambing ang lahat. Kesyo marami lang kuno akong iniisip, pero huwag na siyang mag alala. Hindi na nga rin alintana kahit pa kami na ngayon ang kasabay ni Don Alejandro sa hapagkainan.
Wala naman siyang choice, patay na si Doña Celeste, ipinatapon ni sa France si Typo at tanging si Nanay na lang ang natitira niyang asawa. Idagdag mo pang matagal na pala siyang nilaysan no'ng panganay niya, kaya heto't mukhang wala rin akong choice kundi ang maging anak anakan sakanya.
Gusto na nga niya akong tuluyang i-adopt at i-convert bilang isang Dazarencio, pero syempre tumanggi ako at sinabing mas gugustuhin ko paring maging servant. Bahala sila d'yan. Mahal ko ang apelyido na mayroon ako at hindi ko 'yon ipagpapalit sa kahit na ano.
Matapos kumain ay tumulong parin ako sa paghuhugas ng plato at pag aayos ng kusina. Katulad pa rin ng dati ay naglilinis ako, ngunit hindi na pinapasuot ng unipormeng pang katulong. Sa katunayan, hindi na kami sa servant's quarter ngayon natutulog.
Mabuti nalang talaga at nahuli ni Don Alejandro na sinasabunutan ni Kuya Bogart si Nanay. Kaya ayon at sinesante na. Although namasukan lang din siya bilang school staff ng Somber High, at nagkakasalubong kami paminsan minsan, pero atleast naman hanggang doon na lang siya. Hindi na niya maaapi si Nanay.
Dahil din sa pangyayaring 'yon ay napag desisyunan ng Don na magsama nalang sila ni Nanay sa iisang kwarto. habang malaya namang pinagagamit sa 'kin ang dating kwarto ni Typo. At yon na nga, dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ay agad na akong dumiretso doon matapos makapagtrabaho.
Ibinagsak ko ang sarili sa kama niya at binaon ang mukha sa paborito niyang unan. Pakiramdam ko nga andito pa rin ang amoy niya. Maliban kasi sa mga kakaunti kong gamit ay wala naman talaga akong binago sa kwartong 'to. Sakanya pa rin naman 'to at hindi nakatutuwang wala akong paraan para malaman ang kalagayan niya sa France.
Maayos pa ba siya o kung buhay pa ba kaya? Kasi pardita, kung si Manslaughterer wanna be nga ang naglagay ng note sa locker ko, at sinusunod niya ang sequence ng mga nasa Death List na gawa ko, edi si Typo talaga dapat ang isusunod niya kay Doña Celeste.
Kaya hindi ko mapigilang isipin na baka ang daliri na nagpuan ko kanina ay kay Typo. Baka pinaslang doon Mental Institution na pinagdalhan sa kanya sa ibang bansa at nakakainis lang dahil wala ako doon para protektahan siya!
Although hindi naman 'to mukhang daliri ni Typo. I mean, palagi kaming magkasama, madalas niya rin akong niyayakap at hinahawakan sa kamay. Hindi nga niya ako halos binibitawan kaya kabisado ko na rin halos lahat ng parte ng katawan niya.
Saka ayon na nga, pakiramdam ko hindi talaga ito sakanya. Pero kahit na ganoon, hindi ko parin maiwasang mabahala. Kaya kinabukasan ay natagpuan ko nalang talaga ang sarili sa baba ng HUMSS building namin, bitbit sa kukote ang planong maaaring makahuli sa Manslaughterer wanna be, at pasimpleng inaabangan 'yong nilalang na may puting buhok na itago natin sa pangalang Ice Bear.
Nang sawakas ay mamataan siya ay agad ko nang isinuot ang hood ng jacket ni Typo at tinakpan ang bibig ni Ivan. Hindi naman siya pumalag at hinayaan lang ang sarili na matangay papunta doon sa out of order pa na boy's restroom.
Sinigurado kong walang makakakita ng ginawa ko at marahas na isinara ang pinto ng CR pagkapasok kami sa loob. Pagkatapos no'n ay mabilis kong tinanggal ang face mask na suot pati na ang hood sa ulo.
"Tawagan mo ang nurse ni Typo," walang paligoy ligoy kong saad habang pinanatili pa rin ang distansya dito.
Kung pwede ko nga lang sanang kornernin 'to ng magkabila kong braso ay ginawa ko na. Kaso madali lang niya 'yong matatakasan at babaliktarin niya lang ang pusisyon namin kaya huwag na. Hindi ako ganoon ka tanga.
"Anong tinitingin tingin mo? Dali na, tawagan mo ang nurse ni Typo," pag ulit kong sambit ngunit tuluyan lang na natawa si Ivan. Ganoon nalang din ng bahagya kong pagsinghal nang dumakwang ito palapit.
"Cutie."
"Anong cutie? Ha?" Sinamaan ko ito ng tingin ngunit pabiro niyang pinisil ang ilong ko.
Akala mo naman talaga nakikipag biruan ako!
Napasinghal ako dahil doon at plano na sanang kulitin siya ulit, ngunit agad ding natigilan dahil sa muli niyang sinabi.
"You're wearing Typo's favorite oversized jacket."
"A-ano?"
"It's cute seeing you wear my brother's favourite clothes."
"Excuse me, for disguise lang 'to. Papatayin kasi ata ako ng buo mong fansclub kapag nakita nila tayong magkasama o nag-uusap. At malamang kapag 'yong denim jacket ang sinuot ko habang pinapasok kita dito, tapos saktong may makakita. Makikilala pa rin nila ako at baka hindi na abutan ng bukas pagnagkataon," giit ko.
"Saka pwede bang sabihan mo sila na tigilan na ako dahil gawa-gawa mo lang naman lahat ng pinagsusuat mo. Huwag mo na din sanang akong gamitin sa mga piyesa mo," dagdag ko pa. Bahagyang kumurba ang labi niya, ngunit agad lang itong nasundan ng isang mapaklang tawa.
"Why would I? Ginamit mo rin naman ako dati ah?"
Aba.
Seryoso kong pinantayan ang mga titig niya. "Pero nirespeto ko ang privacy mo at pinagsisihan ko na lahat 'yon. Kaya hindi nakakatuwang nag quit na nga ako sa pagsusulat at nanahimik na, tapos isisiwalat mo lang din pala sa social media platform mo lahat ng tungkol sa 'tin."
Napahalukipkip siya. "But you also made me a character of your story before."
"Pero binitay kita ng patiwarik sa istorya ko noon at binalatan ng buhay! Hindi ginawang love interest at pinag susumbatan ng kung ano ano, katulad ng ginagawa mo sa 'kin ngayon!"
Kulang nalang ay masabunutan ko ang sarili dahil sa sobrang pagkabanas sa isang 'to, ngunit blanko niya lang akong tinitigan na akala ko naman ako ang pinaka walang kwentang tao sa mundo. Pambihira, wala pa rin siyang pinagbago. Mukha pa rin siyang pinaglihi sa yelo!
"So what? Ikaw na ang nagsabi dati, magkaiba ang genre natin. So leave me and my love letters alone."
Gustong gusto kong makipagtalo, ngunit iniwagli ko nalang muna ang bagay na 'yon sa isipan nang mapagtantong nalihis na pala ako sa ipinunta ko dito. Wala rin naman kasi akong ibang choice dahil bantay sarado si Don Alejandro sa 'kin. Hindi rin pwedeng kila Rob o Kurt ko ito ipagawa dahil mga sumbungero ang mga 'yon at mapapahamak lang si Tatay dahil sakanila.
Kaya heto't muli kong inutusan si Ivan na tawagan 'yong nurse ni Typo. Sa pagkakataong 'toh ay tinaliman ko na siya ng tingin.
"Okay, fine. Just chill okay. Para mo naman akong ililibing ng buhay."
Tinaasan ko ito ng kilay habang siya naman ay hinahanap na sa contacts niya 'yong pinapatawagan ko. "Can you please stop acting like you can't crawl up from grave. It doesn't suit you," hindi mapigilan kong saad.
"Wow, coming from a person who's pretending to be a good girl, huh?" Bahagya siyang natawa habang anaantay na mag-ring ang kabilang linya.
Naiwan naman ako sa isang reyalisasyon, dahilan upang agad akong napalayo. Sinubukan kong huminga ng malalim at magmukha uling mahinhin at hindi nananapak, ngunit hindi na ito umepekto sakanya.
Bakit ba kasi kapag nakikita ko ang mukha ng isang 'to ay nakakalimutan kong gusto ko na palang maging mabuting tao?
Napailing ako at nag-concentrate nalang sa ginagawa, ngunit hindi raw niya ma-contact si Nurse Nume. Kunot noong inagaw ko sakanya ang cellphone at ako na pumindot ngunit gano'n parin. Sa isang iglap ay nagsi-akyatan sa buo kong sistema ang panlalamig at tuluyan nang naglakad ng pabalik pabalik sa maliit na espasyo ng restroom.
"Bakit ba alalang alala ka kay Typo? Anong bang nangyari?" tanong ni Ivan ngunit hindi ko mapigilang mabalisa.
Kasi partida, wala na akong ibang kilalang pwedeng maging contact kay Typo maliban sa nurse niya at hindi pwedeng hindi ko ma-contact si Typo dahil gusto kong masigurado na ligtas siya. Na hindi naman talaga sakanya ang daliring 'yon, at hindi naman sana mga parte ng nagka pira-piraso niyang katawan ang lilitaw sa mga susunod na araw.
Ayoko! Hindi pwede! Huwag ang Young Master ko!
"Nathalie, answer the question. What the hell is going on?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses na 'yon ni Ivan at huli na nang mapansin ang magkabila niyang kamay na naka hawak sa balikat ko.
Masyado siyang malapit.
"I-Ice Bear..."
"Ivan, andito ka ba—"
Kapwa kami nagitla dahil sa biglang pagbukas ng pintuan. Agad kaming napalayo ni Ivan sa isa't isa at napabaling doon sa nagsalita. Ngunit ganoon nalang ang paghakbang ko paatras nang makilala ko kung sino 'yon.
Ito 'yong lalakeng sumalo ng cellphone ko noong nakaraang araw, at sa pagkakataong ito ay may suot na itong itim na leather jacket.
Kaparehong jacket na suot noong nilalang na kasama ni Ivan sa labas ng sementeryo noong libing ni Doña Celeste. Kaparehong jacket ng suot ng nilalang na nagmamasid sa 'min sa taas ng Merlin Bridge habang nahanap ni Rui ang kwintas na hindi naman dapat totoo.
Siya 'yong lead na matagal ko nang hinahanap! At sa kamalasmalasang resulta ay tahimik na siyang nakatayo sa harap ko at ang sama ng tingin kay Ivan.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Zoen Ivan?" malamig niyang saad, malayo sa palakaibang ugaling ipinakita niya sa amin ni Rui noon.
"Ori, mali ka ng akala!" bulalas din naman ni Ivan. Agad niya ngang nilapitan 'yong Orion, ngunit winagli lang nito ang kamay niya.
"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang akala ko?"
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at napakurap kurap nalang talaga dahil sa reaksyon ni Ivan sa lalakeng 'to. Kita mo, halos mataranta ito at parang malapit nang manuyo. At alam ng buong sangkayawaan na hindi siya gan'yang klaseng tao! Hindi niya kailanman ginawa 'yan sa 'kin o kahit sa kapatid niya o kahit pa sa buo niyang angkan!
So bakit sa lalakeng 'to?
Napasinghap ako. Hindi kaya magkasabwat silang dalawa at sila talaga ang nasa likod ng lahat ng kaguluhang 'to? Tapos Boss ni Ivan 'tong Orion—
"Guys, may nakita daw na bangkay sa likod ng Grade 7 building! Basag ang mukha tapos walang mga daliri sa kamay!"
Katulad ko ay natigilan din ang dalawang lalake at kapwa pa nagkatinginan. Dahil din sa sigaw na 'yon ay biglang umingay ang paligid at unti-unting nagsi puntahan sa nasabing area.
Maging sina Ivan at Orion ay kapwa rin nakitakbo sa iba para maki-usyoso. Naiwan naman akong mag isa sa loob ng out of order na restroom at pilit na ini-intindi ang lahat ng kaganapan.
"Sino daw 'yong pinatay?"
"Malay ko! Hindi nga makilala e! Pero ang sabi parang staff daw 'yon ng school."
'Gano'n? Hala bakit kaya?"
"Hala guys, sabi ni Pres, may nakita daw na I.D!"
"Talaga? Kung gano'n kaninong bangkay 'yon?"
"Kay Bogart daw. Bogart Ponchala."
Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan nang tinakasan ng lakas ang tuhod ko. Parang may kung ano sa lalamunan ko ang hindi tama at parang hindi ako makalunok ng maayos. Kasi partida, si Kuya Bogart ang tinutukoy nila at siya ang nasa ikatlong numero sa listahang ginawa ko!
Third Person's POV
Isang napaka lakas na sigaw ang kumawala sa bibig ng babaeng nakagapos sa isang upuan. Malas niya lang dahil barb wire ang ginawang panggapos sakanya at masyado iyong mahigpit. Sunod sunod ang pagdanak ng dugo mula sa kanyang katawan habang ang nanginginig na mga mata ay nakatitig lang sa isang imahen.
Imahen ng isang nilalang na nakasuot ng isang fox mask na naghahalo sa kulay rosas, puti at mga talsik ng dugo na mula sa bago niyang biktima.
"B-bakit mo ba i-to ginagawa?" nangangatal na tanong ng babaeng nakagapos.
Subalit imbis na sumagot ay hinambalos lang siya sa mukha ng baseball bat na mayroong ding naka palibot na barb wire. Paulit ulit hanggang sa magsitalsikan na ang mga mga ngipin, laman at maging ibang parte ng utak nito.
Tuluyan nang nayupi ang ulo ng biktima habang nanginginig naman ang buo nitong katawan. Dahil sa senaryong iyon ay isang malademonyong ngiti ang lumitaw sa labi ng salarin, at tinalikuran na ang nawawalan na ngayon ng buhay na biktima.
"Tapos na ang ikatlo. Naitumba ko na rin ang pang apat," pakanta niyang turan at bumaling sa ding ding na tadtad ng mga larawan at pangalan.
Bahagya pa siyang natawa nang mamukhaan ang ikalimang bibiktimahin. "You asked why I am doing this?"
Muli siyang humarap sa bangkay na akala mo naman talaga ay naririnig pa siya nito.
"Let's just say, it's a form of vengeance." Humagalpak ito sa katatawa at nilaro ang hawak ng baseball bat. "At naguumpisa pa lang ang lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro