level sixteen
Dumating ang byernes, apat na araw matapos ang insidente, ngunit usap usapan pa rin ang mga nangyayaring mga pagtatapon ng mga bangkay sa school. Unti unti na rin na rin nilang natatagpi na baka nga ay konektado ang mga ito doon sa nangyaring pagpaslang kay Doña Celeste noon.
At heto ako ngayon at napagiwanan nanaman nila Cheena at hindi na isinabay sa recess. Kinompronta pa nila ako kagabi sa groupchat dahil madalas daw ang pagsama ko kila Daz, talagang nakipag hang out pa daw ako sa bahay nila Markian kahapon at kung ano ano pa. Ngunit hindi ko na lamang 'yon ininda at nagpatuloy sa pagsusulat sa sailor moon kong notebook.
Hindi ko nalang din pinansin sina Rui at Chenzo (hindi mamin ka klase pero lumalagi na ng tambay da section dahil barkada sila ni Rui) na kapwa abala sa susuotin sa nalalapit naming aquintance party o si maski si Daz na kasalukuyang hawak ang cellphone ko upang makisearch dahil may load ako.
Mangongopya din naman kasi si Rui sakanya at mangongopya ako kay Rui kaya ayos lang. At ayon na nga at nagpatuloy lang ako sa ginagawa, ngunit nang bahagyang mawalan ng ideya ay muli kong nginatngat ang ulo ng kuneho kong ballpen at napatitig nalang talaga sa magulong pahina.
Listahan ng mga namatay/papatayin
1. Dona Celeste - eliminated
2. Typo - skipped
3. Bogart - eliminated
4. Lia - eliminated
5. Demise - skipped
6. Reki - eliminated
7. Chin - pending
8. Astro - pending
9. Kalix - pending
10. Kira - pending
•••
Mahina kong nailapat ang mukha sa desk sabay buntong hininga. Hindi ko nalang din kasi talaga alam kung may nasasgot ba ako sa lahat ng misteryo sa krimen na 'to o mas nadadagdagan lang ng nadadagdagan ang mga katanungan. Pakiramdam ko mas nagiging komplekado lang ang lahat kasi maliban sa kayang talaga mag shape shift ng nilalang na 'yon at gumagamit pa talaga siya ng voice changer, parang napaka layo ko parin para makilala kung sino talaga siya sa likod ng maskara.
Kung ano ang dahilan kung bakit niya ginagawa lahat ng 'to at kung bakit kailangan niyang idamay ang listahan at gayahin ang fictional character ko. Kasi sa lakas at talento na mayroon siya, kayang kaya naman ata niyang gumawa ng krimen na hindi ako ginagamit!
"Aaaggrrh!" Hindi ko mapigilang mapa daing at guluhin ang sariling buhok. Lalo na nang maalala na kung hindi talaga niya mukha 'yong pamilyar na wangis na pinakita niya doon sa masyon, na kamukha ng batang babae na bigla ko nalang naalala noong nag aaway kami ni Demise, edi sino siya?
Bahagyang nanliit ang mga mata ko nang biglang maalala ang pag uusap namin ng nilalang na 'yon noong mga sandaling siya ang nakadagan sa 'kin.
"P-pero patay ka na?"
"Patay na nga ba? Eh ba't palagi mo akong kasama?"
Sa isang iglap ay parang gusto kong iuntog ang sariling ulo sa desk kasi hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya! 'Yong mukha ba na gamit niya o ang tunay niyang katauhan na baka konektado sa 'kin. Sa huli ay napa buga nalang talaga ako nang dahil dahil kompermadong napaka walang kwenta pala ng pagpunta ko sa warehouse na 'yon. Nadagdan lang talaga ang mga tanong na maglalagi sa isipan ko nito! Saka hindi ko nga alam kung bakit ako nagpapaka detective e ang gusto ko nalang naman sa buhay ngayon ay ang maging hotdog!
Waaaaaaasfjjf!
"Tapos hindi parin sinasagot ni Typo ang tawag ko," pagmamaktol ko pa at hindi na napigilang mapapadyak. Kasi sa dami dami ba namang bagay na bumabagabag sa isipan ko lately, ano ba naman 'yong kaunting pahinga hindi ba? Ilang taon din kaming walang komonikasyon sa isa't isa at talagang natatawagan ko lang siya sa cellphone ni Ivan, kasi nga bantay sarado ni Don Alejandro ang mga ganap sa cellphone ko at lagot ako kapag nilabag ko siya.
Minsan nga kahit hindi sinasadya, habang bugbog sarado ang utak ko sa kakaisip ng mga bagay bagay ay bigla nalang akong darating a harap ni Ivan para makisuyo na tawagan si Typo. Baka kako sagutin niya ito. Bumili pa ako ng ilang sim para isaksak sa cellphone ni Ivan kaso masi isa sa mga 'yon ay walang sinasagot ang nurse niya. Baka nga nagpalit na 'yon ng number-
"Nath, na picturan mo ba 'yong mga slides kanina?"
Agad namang naputol ang pagda-drama ko dahil sa tanong ni Daz. Nakanguso ko itong binalingat at tumango nalang. "Oo, andoon sa gallery," sagot ko pa at napag desisyunang bumalik sa tinatrabaho kani-kanina lang. Ang pagtagli tagpiin ang mga impormasyong nakalap simula pa noong umpisa haggang ngayon.
Nabitin lang talaga sa ere ang kamay ko nang muling magsalita si Daz na nasa likuran at hindi pa rin umaalis sa pwesto niya.
"Teka, anong meron sa 25?"
"Ha?" agad kong tugon at mabilis na sinara at inilagay sa bag ang notebook. Saka lumapit sa kinaroroonan niya.
"This throwback pics has this calendar that has a small distorted heart shape in the middle of the said number," inosente niyang saad at iniharap sa 'kin ang phone.
Ganoon nalang din talaga ang pagka laglag ng panga nang mapagtantong ang tinutukoy niya ang 'yong litrato ng buong warehouse na pina picturan sa akin ni Ivan para mas maimbestigahan. At sa kasamaang palad ay nakalimutan ko palang i-delete o maski i hide manlang.
And to think of it, ngayon ko lang napagtantong oo nga pala at monitored ni Don Alejandro ang cellphone ko at may GPS din ito. At talagang lantaran ko itong ginamit habang pumunta kami sa warehouse na 'yon!
Edi alam na din niya! Badtrip namang buhay wala na akong nagawang tama. Waaaagsgdh.
"A-anong heart shape?" tanong ko nalang bagsak ang balikat na naupo sa tabi niya. Doon ay izi-noop niya ang picture at ganoon nga ang namataan ko. Ganito rin ang simbolo noong kwintas na nahanap ni Rui sa Merlin Bridge noon, pati na ang mismong simbilismo para kay Manslaughterer.
Kapal talaga ng mukha ng impostorang 'yon.
Seryoso kong sinipat sipat ang kabuuhan ni Daz at siniguradong siya nga ng nilalang na 'to. Ngunit mukhang hindi naman ata kayang gayahin ng impostor na 'yon ang eyebags ni Daz na nagmumukhang eyeliner dahil sa kapal ng kilay at pilik mata nito. Lalo na dahil maputi siya at lanaran ko namanang sinundot ang mukha niya at hindi naman 'yon mukhang plastic.
Kinurot kurot ko na nga ng.mahina at mukha namang legit kaya medyo naka hinga ako ng maluwag.
"And oh, the calendar was in February 2005 too," matamlay niyang pagsuri sa litrato maya maya pa na talagang mas inuna niya 'yan kaysa sa assignment na ginagawa niya. Talagang humikab pa siya!
Pinunit ito ng kapirasong papel sa one whole niya at isinulat ang petsang nadiskubre doon. At ganoon nalang talaga ang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita iyon.
"Anak ng hotog!" bulalas ko at napahawak sa magkabila niyang balikat.
"Isa kang henyo!"
"Ha?" inaantok niyang saad ngunit hindi ko mapigilang mayugyug siya dahil sa sobrang tuwa! Kasi naman, naalala ko na! February 25, 2005, ang eksaktong petsa kung kailan kami na kidnap nila Typo at Demise noon. At kung isusulat siya bilang numero gaya ng ginawa ni Daz ay magiging ganito ang itsura niya. 2/25/5.
Puro 2 at 5!
At ironically, sina Typo at Demise din ang nagmamay ari ng numerong 'yan sa Death List ko. So baka kaya talaga sila nilaktawan ay dahil konektado talaga sa pagkakakidnap namin ang dahilan ng lahat ng 'to!
"What's with that date anyway? Well, aside from the last selectively-public execution in front of the old city hall?"
Mabilis na nawala ang galak sa mga labi ko at napalitan ito ng biglang pagsitaasan ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa walang buhay na tanong ni Daz.
"A-ano kamo? May public execution sa Yawaka City noon?"
"Uhuh?"
"At paano mo naman nalaman ang bagay na 'yon aber?" tinaasan ko ito nang kilay ngunit isinubsob niya lang sa mukha ko ang sariling cellphone.
"It was written on the old news papers from this throwback pictures. Duh?"
Bakit para siyang si Ivan kung magsalita!
At higit sa lahat, bakit napaka dali lang sakanyang makakalap ng ganoong mga impormasyon sa isang tinginan lang?
"Besides, my mother was also punished by the higher ups. Not in a public execution, but still, they killed her dreams and identity and she was just being herself. So I kinda know the basics about the shitty rules." Mapakla itong ngumiti at kasabay noon ay may parte ng mga nangyayari ang nagiging malinaw sa akin.
Ang nilalang sa likod ng lahat ng ito ay biktima lang din ng bayang ito. Tumango ako at humiram sakanya ng cellphone, ngunit tinitigan niya lang ako na para bang ako ang pinaka estupidong tao sa buong mundo. Kasi kaya nga daw siya nakikihiram ng phone sa 'kin dahil lowbat ako at kung ano ano pa.
Kaya ayon at nagtungo ako kay Rui at sakanya nalang humiram. Kasi nga monitored ni Don Alejandro ang phone ko kaya kailangan sa ibang device ako mag search ng mga bagay na may kinalaman sa mga krimen na 'to at baka kung anong isipin niyang ikakapahamak ng Tatay ko.
Mabuti at agad din namang binigay ni Rui ang cellphone niya. Ngunit imbis na magpatuloy ay napako ang tingin ko sa wallpaper niya. Although casual na picture niya lang naman ito na nagfi-feeling model sa kwarto niya, mayroon naman iyong mga picture frames sa likod ng mga childhood photos.
At lahat ng mga childhood photos na 'yon ay kamukha ng babaeng kasama ko sa warehouse noon.
Napatulala ako ng ilang saglit at kung hindi pa tinabing ni Daz ang braso ko ay baka matagal pa bago ako naka balik sa katinuan. Sa kabila ng bahagyang panginginig ng mga kamay at emosyong naghahalo halo ay pinilit ko parin ang sarili na kalmadong ibalik ang phone ni Rui sakanya.
Bakas ang pagtataka sa mukha nito dahil hindi na ako natuloy sa pag search, ngunit sinuklian ko nalang ito ng isang ngiti at natatawa pang sinabi na huwag nalang pala. Pabiro din akong nagpaalam na kailangan kong mag banyo, ngunit bago pa man sila makasagot ay tuluyan na akong nag tatakbo palabas sa classroom.
Palayo sa kanila, palayo sa lahat!
Bakit ba kasi ganoon, napakahirap ng lahat! Bakit parang pinaparusahan ako dahil sa mga kasamaang pinagiisip at pinaplano ko noon? Bakit ba kasi kailangan ko pang umabot sa punto na iimbestigahan ko lahat ng 'to para matanto ang nilalang sa likod ng lahat. Kasi obligasyon kong iligtas ang mga nasa listahan na ginawa ko pero dalawa lang ang hindi napuruhan at pardita, sinadya pa ata silang lagpasan ng salarin!
Napabuga ako ng hangin at nagpatuloy lang sa pagtakbo kahit pa hindi ko na makita ng maayos ang dinadaanan dahil sa mga luhang nag uunahan sa pagtulo. Gusto kong sumigaw, gusto kong magpahinga, gusto kong mawala muna saglit at maging panatag man lang kahit ilang segundo lang! Kasi pagkatapos ng natuklasan ko kay Rui, hindi ko pa rin alam kung alin sa naghahalo halo kong emosyon ang gusto kong manaig.
Masyado akong pagod para harapin 'yon ngayon at kung ano ang katotohanan sa pagitan namin, pero—
"Teka sandali lang! Huwag kang tumakbo sa hallway!"
Gusto ko mang magkaroon ng reaksyon dahil nagawa niya akong pigilan na para bang isang bata na naglalaro. Nanatili akong nakatayo gaya ng gusto niya ngunit hindi parin naman mapigilan ang mga luha sa pagtulo.
Napansin naman 'yon ni Orion kaya agad na niya akong binitiwan. Seryoso niya pa akong binalingan at itinanong ang pinaka gasgas na linya sa lahat.
"Ayos ka lang?"
Bahagya akong natawa at isinagot din naman ang pinaka gasgas na kasinungalingan sa lahat. "Oo, ayos lang ako," nakangiting giit ko habang pinupunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa pag agos.
Agad itong napasinghap dahil doon. "Napaka singungaling mo, bakit ka ba kasi umiiyak? Si Ivan ba ang dahilan niyan?"
"Eh ano rin bang pakialam mo? Close ba tayo?" Gusto ko sanang sabihin ngunit napa buntonghininga na lang talaga at umiling.
"Hindi naman. Pero ayos lang talaga ako. Hehe," sagot ko nalang at balak na sana itong lagpasan ngunit agad ding natigilan. Kasi as much as gusto kong magpahinga ay kailangan ko paring mag imbestiga pa para mas madagdaghan ang mga clues ko sa lahat. Kaya ayon at muli ko itong hinarap.
"Saka bakit ba si Ivan agad ang naisip mong mang aaway sa 'kin? Gano'n ba kayo ka close kaya kampante ka nang pagbintangan siya ng kung ano ano?" pabiro kong saad na bahagya din naman niyang tinawanan.
"It's not like that. It's just that I've noticed how close you were with each other."
"Pero sa 'yo lang parin 'yon sumasaya, eh."
Muli ay ngumiti ako at napagdesisyunang sumabay sakanya na papunta pala sa garden upang tumambay. Wala namang mawawala sa 'kin dahil mahaba pa naman ang time para sa recess. Although puro lang naman si Ivan ang pinag usapan namin kahit hindi ko gusto.
Kahit naman kasi nalinis na ni Ivan pati ni Daz ang mga pangalan niya sa listahan ko ng mga posibleng suspect, ibang usapan naman itong si Orion at kahit pa mukha naman siyang mabait at magaan kasama, hindi parin ako pwedeng maging kampante rito lalo't nakita ko nga siya sa taas ng Merlin Bridge noong natagpuan ko ang fictional dapat na kwintas. Saka malay ko ba kung tinatraydor niya si Ivan!
Pero speaking of that, saan ko nga ba nalagay ang bagay na 'yon?
Bahagya akong natulala nang maalala, ngunit agad lang ding nabalik sa reyalidad dahil sa naging sagot ni Orion sa isa sa mga tanong ko.
"Una ata kaming nagkita sa isang public restroom sa isang mall noong elementary palang. Kamuntik niya pa nga akong itapon palabas ng CR," natatawa niyang saad ngunit tumango lang ako.
Napaka dami naman atang nakikilala ng lalakeng 'yon sa restroom.
"Bakit ka naman niya itatapon palabas ng restroom?" tanong ko nalang at naki kuha sa biscuit na kinakain niya. Though in-offer naman niya at alam kong ang kapal ng mukha ko, pero since feeling close naman siya kaya magfi-feeling close nalang din ako para masabayan ang vibe niya.
Ngunit imbis na sagutin ng tanong ko ay bahagya lang siyang natawa. Dahilan para ulitin ko nalang ang tanong. Balak niya pang iwasan, ah.
Sa huli ay napalibit balikat siya. "Kasi akala niya babae ako dahil ganoon ang postura ko."
Kumunot ang noo ko. Sa pagkakataong 'yon ay nawala na ang ngiti sa labi. Huwag mo sabihing—
"Well, my parents wanted a daughter because they already have sons. But they still got me so I ended up being forced by my mother to dress as one. T-to dress as a girl."
Napakurap kurap ako, lalo't bahagya itong napayuko habang pahina ng pahina ang boses. Alam kong hindi ito ang oras para magpadala sa mga sinasabi niya dahil malay ko pa kung nagsasabi siya ng totoo. Pero sa mga sandaling 'yon ay hindi ko mapigilang matahimik at madurog.
"Bakit naman gagawin 'yon ng parents mo sa 'yo?" Napasinghal ako ngunit muli nila lang na ibinalik ang ngiti sa mga labi.
"No, my mother was the one who wanted me to crossdress as a girl. My dad was against it honestly, but he could never win over his wife so we've got no choice but to follow her every demand. Even if it's humiliating."
"Tangina naman 'yan—" Agad akong napatakip ng bibig dahil sa nasabi at mabilis na yumuko at humingi ng tawad. Natawa lang siya dahil doon at pabirong ginulo ang buhok ko.
"But it's all right though. I was damn willing to suffer by their hands anyway, as long as I can keep my other family safe and happy." Mapakla itong natawa. Napa angat muli ako ng tingin sakanya at doon nadantnan ang bakas ng labis na sakit sa mga mata nito. Mga bagay na hindi kayang itago ng mga ngiti niya.
"Not knowing that by interfering with fate only leads to more misfortune to them. Like what the fuck? I though I was being a hero but I ended up being an idiot who just fucks everything."
Napailing ito at napatingin sa kulay asul na kalangitan habang maharang hinahampas ng hangin ang medyo may kahabaan niyang buhok. "I guess Ivan was right. Sacrifices don't always lead to good outcomes. You can literally offer your whole life in a hopes for a better days, but things can still be shittier than what it's supposed to be."
"What are you even talking about?" Napakurap kurap ako at bago pa man ito maka sagot ay ganoon nalang din ang pagkagitla ko nang bigla akbayan ng kung sino mula sa likuran.
"Anong pinag chi-chismisan niyo d'yan ha? Pasali naman," masiglang bati ni Chenzo at talagang ipinagdikdikan pa ang sarili niya sa kaunting espasyo sa gitna namin. Wala tuloy kaming ibang magawa ni Orion kundi ang umusog.
"Tungkol ba 'yan sa banda? O sa gaganapin na acquaintance party sa 25?" ganado niyang tanong at sinubukang kumuha ng biscuit na nakalapag sa harap , ngunit ganoon nalang ang pagka laglag ng ngiti nang matantong wala na itong laman.
"Aaaaaaaaahhhgggh!" madrama nitong bulalas at napahawak sa puso. Humandusay pa ito sa damuhan kaya kapwa nalang namin itong binatukan ni Orion.
Kahit kailan talaga 'tong Chenzo na 'to.
Pero to think of it, may bagong buo na banda nga pala sila Orion kasama sina Chenzo at Daz. Hindi ko pa kilala ang ibang mga miyembro pero dahil sa pinag dadadada ni Chenzo ngayon ay mukha.ng makikilala ko din naman ang mga ito dahil plano nilang mag perform sa acquaintance party namin next week.
Hinayaan nalang din naman na magkwento ng kung ano ano itong si Chenzo habang nakahiga sa damuhan at gusto na nga lang din magpasalamat sakanila dahil kahit papaano ay bahagya akong nakapag pahinga at nakalitaan manlang pansamantala ang mga problema ko sa patayang nagaganap.
Ngunit ganoon na lang din talaga ang pagkalaglag ng panga nang mapagtanto ang isa sa mga sinabi ni Chenzo.
"Kailan nga ulit gaganapin ang acquaintance party?" seryoso kong tanong na naging dahilan upang kapwa mapabaling sa akin ang atensyon nila.
"Sa 25?" takang tanong ni Chenzo at sa isang iglap ay napa tayo ako.
"Pero July ngayon!" giit ko na inosente naman nilang tinugunan ng tingin.
"Alangan naman sa November gaganapin, Nath? Edi 11th month of the year na 'yon. Saka kadalasan naman sa mga ganoong klaseng party ay nagaganap habang bago palang naguumpisa ang klase," sagot ni Chenzo na sinang ayunan din naman ni Orion kahit hindi naman talaga sila ang kausap ko kundi ang sarili.
"Tama si Orion. Mostly nagaganap talaga ang mga acquaintance party sa ika 7th month ng year."
"Ang konyo mo 'don ah?" natatawang saad ni Chenzo kay Orion na tinawanan din naman ng huli. Ngunit nanatili ako sa kinatatayuan at napakurap kurap.
"Chenzo, 5 plus 2?" seryoso kong tananong ngunit agad lang na nanlaki ang mga mata niya at mabilis na inilabas ang cellphone.
"Teka lang naman Nath, bakit nagpapa oral recitation ka sa 'kin, hindi ako handa!" bulalas nito at nagtitipa ata sa calculator.
Siraulo talaga.
Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon ay baka natawa na ako, kaso hindi e.
Dahil 7 ang sagot sa tanong ko at July ang ika-pitong buwan ng tao. So basically, July 25 gaganapin ang pagtitipon at alam na alam kung kung ano ang pwedeng gawin ng salarin sa araw na 'yon. Lalo't lahat ng sumusunod na pangalan sa Death List ay mga ka edaran ko lang at paniguradong pupunta sa party!
Anak ng hotdog, magkaka massacre sa araw na 'yon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro