Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

level six


    Sa isang iglap ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Gusto ko na nga lang talagang i-umpong ang sariling ulo sa pader dahil sa pangangatog nang mga tuhod.

   Kasi partida, kasasabi ko lang noong isang araw sa sarili na pagbabayarin ko ang espiya pero heto ako sa harapan niya ngayon. Nagmistulang isang walang kalaban laban na tuta!

    Pero hindi 'to pwede.

    Kailangan kong sabihin na humanda siya at kakalbuhin ko siya! Na lintik lang talaga ang walang ganti, nangangagat ako, at iba pa!

    "S-sino ka ba talaga?"

     Damn it!

    Bahagya naman siyang natawa dahil doon at inilahad ang kamay para sa isang shake hands. "I am Ruination."

    "Also known as the Female Joker. How about you?" nakangiti niya pang dagdag ngunit imbis na magpalamon sa kilabot ay taas noo ko nalang din itong tinapatan ng titig at nakipag kamay.

    "My name is Manslaughterer."

    "''Yong gore novelist sa wattpad?"

    Confirmed, siya nga!

    Hindi ko alam kung anong sumanib sa 'kin at sa dinami dami nang pwedeng maging reaksyon ay napili kong hablutin ang kamay niya at ipinwesto 'yon sa kanyang likuran. Marahas ko rin siyang itinulak, lalo na nang sawakas ay mahuli ko ang pareho niyang pupulsuhan.

    "Huwag mo na nga akong ginagago, sino ka ba talaga? Ikaw ang espiya ni Typo kaya niya nalaman 'yong tungkol sa 'min ni Ice Bear, ano." seryoso ko nang saad kahit pa alam ko rin namang wala na itong halaga dahil kanselado na ang tournament.

    Ngunit sa kabila no'n ay nanatili ako sa gano'ng posisyon habang hinahayaan ang kung ano mang mabigat na pakiramdam ang manatili rin sa sistema ko.

    Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang mapaharap sa salamin ng Girl's Restroom na kinalalagyan namin. Alam kong nasasaktan ko siya ngunit hindi manlang ito nag abalang alisin ang nakaka-inis na ngiti sa kaniyang labi.

    "Can you atleast, chill and let me go? I might ended up thinking that you're into girls too, and this is your kink," natatawa niya pang tugon at tinukoy ang paraan ng pagkakahawak ko sakanya.

    Napasinghal nalang talaga ako dahil doon at mas idinikit ang mukha niya sa tiles ng lababo. "Tumahimik ka! Alam mo bang masyado ka pang bata para sa mga pinagsasabi mo?" Sinamaan ko ito ng tingin.

     "Edi sana tinrato ako ng mundo ayon sa edad ko," seryoso niyang sagot sa pagkakataong 'yon, dahilan upang matigilan ako.

    Muling nagtama ang aming mga mata sa repliksyon ng salamin, ngunit bago pa ako tuluyang lamunin ng mga titig na niya ay agad na akong napa lingon sa kabilang direksyon.

     "S-sagutin mo nalang kasi ang tanong ko, ikaw ba ang espiya ni Typo? Bakit ang dami mong alam tungkol sa 'kin?"

    Mukha akong sirang plaka, alam ko. Pero andami pa rin kasing poot ang nananalaytay sa kaibuturan ng kaluluwa ko at kailangan ko 'yong ipalabas... Kailangan ko nang mapagbubuntungan. Kailangan ko ng maaaway!

    Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay palakihin ang mga bagay bagay at gawan ng kasalanan ng iba at—Bahagya naman akong natigilan dahil sa mga iniisip at napaluwang ang hawak sakanya.

    Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Bakit... bakit ako palaging nagpapalamon sa galit?

    Katulad nang nagawa ko kay Archie noon, kay Nanay, pati kay Ivan doon sa party... Bakit gusto ko siyang saktan?

    "Hahahaha!" Isang nakabibing tawa ang namutawi sa apat na sulok ng kwarto na kinalalagyan namin, dahilan upang agad ko siyang mabitiwan.

     Sa isang iglap ay natauhan ko at muling nakaramdam ng kilabot dahil sa pagtawa niya.

     "Mukha ba akong magiging kasundo ng kahit sinong miyembro ng Noble Fam?" nakangisi niyang sagot sa tanong ko kanina at inayos pa ang na gusot niyang uniporme.

   "Malamang hindi! Saka pwede ba, kaya ako maraming alam sa 'yo kasi pino-promote mo ang username mo sa wattpad gamit ang RA mo."

     "At ang latest update sa on-going mong horror story ay tungkol sa kung paano mas pinili ng bida ang daang gusto niya, kaysa maghanap ng ibang paraan kasama si Evan!" napa-iling naman ito at bahagya napatkhim. "Na akala mo naman talaga hindi halatang si Ivan ang tinutukoy mo."

    Napakurap kurap ako dahil sa sinabi niya at huli na nang mapansing natuod na pala ako sa kinatatayuan. Ngunit nang mapagtanto kung anong kahihiyan ang pinaggagawa ko sa buhay ay napamura nalang talaga ako at pilit na itinago ang pamumula ng pisngi!

    "Well, shit, indeed."

•••

   Agad kong binura ang lahat ng istorya ko sa wattpad matapos ang paguusap namin nang Rui na 'yon. At heto ako ngayon sa kalagitnaan ng gabi, hawak ang cellphone sa mga nanginginig na kamay.

    Naghahanap ng mga perpektong salita upang makapagpaalam ng pormal sa mga kakaunti kong readers.

    Salamat sa tatlong taon?

    Magtatago muna ako?

    Paalam?

    Hindi ko alam!

    Agad kong naitapon ang cellphone sa kama at isinubdob nalang ang mukha sa kulay pink kong unan. Kung tama nga kasi ang hinala ko na binabasa ni Typo ang istorya ko ay mas mabuti pa ngang itago ko nalang muna 'yon.

    Pwede rin namang gumawa nalang muna ako ng ibang account, both sa facebook at sa wattpad at magtago sa ibang alyas para maibalik ko 'yong istorya. Lalo't nasasayangan din naman talaga ako doon sa story.

    Kaso kung madali lang akong nahanap ni Rui at Typo dahil doon, edi malamang ay may ganoon lang din ako kadaling hanapin nang kung sino mang poncio pilato ang matagal nang nagmamasid sa 'kin.

    At although hindi naman siguro 'yon aspiring serial killer at balak na kumuha nang ideya sa on-going kong patayan na istorya, pero mas mabuti na ring na sigurado!

    Napasinghal nalang talaga ako nang muling tumunog ang cellphone ko.  Bumalik ako sa pagkakahiga nang maayos at marahas na napa-scroll down para tignan ang mga 'yon. Ngunit ganoon nalang din ang pagsikip ng dibdib dahil sa mga nabasa.

    Isa pa 'tong missmangler na 'to e!

    Mabuti naman kasi sana kung magagandang feedback o 'di kaya ang makakatulong sa pag-improve ko ang mga ikinu-kumento nito, pero puro lang din naman kasi panlalait sa libro ko, pati sa akin mismo ang natatanggap ko.

    Kesyo mabuti naman daw at titigil na ako, since hindi raw ako effective na writer, masama daw akong impluwensya at hindi dapat tinutularan. Kesyo nakakahiya daw ako dahil mas pinili kong maging masamang tao at nakikita 'yon sa istorya ko.

    Alam kong hindi si Ivan 'to, at well... umaasa akong hindi talaga siya 'to. Lalo't pambabae naman ang profile picture at username. Kaso hindi ko pa rin mailais ang bigat sa pakiramdam.

    Matamlay kong tiningnan ang listahan ng mga unpublished ko nang istorya, at mapakla nalang talagang natawa nang maalala ang sinabi sa 'kin ni Ivan noon.

    "Gagamitin mo lahat ng tinuro ko para ano? Para manakit ng tao? Para maging barumbado? Para maging masama?"

    "Hindi naman 'yon gano'n Ivan. May dahilan ako! Hindi-"

    "To hell be with your reasons, Nathalie. I gave you everything you need to learn! I gave you everything only to find out that you'll use it for evil purposes." Napahawak ito sa sentido.

    "You know what? I'm ashamed. Right now, I really feel like I just succeeded on raising a monster."

     Sa totoo lang, gusto kong hilahin ang buhok nang kung sino mang nilalang ang nasa likod ng basher na 'to. Kasi bakit naman ganoon 'di ba? Ni hindi nga nila alam ang dahilan ko. Pareho lang sila Ivan at kung tutuusin, baka nga kapag nabasa niya ang mga istorya ko ay ganito din ang mai-kokomento niya. Baka mas malala pa.

    At ayokong mabasa niya 'to.

    Idinaan ko nalang sa iling ang nararamdaman at nagsimula nalang na i-permanently delete lahat ng mga kwento doon. Bakit nga ba kasi ako nagagalit? Tama naman siya, tama naman sila.

    Napasinghal ako nang kalaunan ay matapos na din sa itinitipa sa announcement board. Muli akong napatingin sa kisame ng kwarto at iniisip kung gaano kaya ka saya si Satanas dahil sa mga nasasaksihan niya ngayon. Ang galing e, aalis lang naman sana ako sa pagsusulat dahil sa pagtatago, ngunit sa huli ay parang gusto ko nalang ding itago ang sarili ko sa mundo.

     Huminga ako nang malalim at mabilis na pinintot ang post botton. Agad ko nalang ding itinapon ang cellphone papalayo at muling isinubsob ang mukha sa unan.

    Manslaughterer, signing off as a writer.

•••

    Kinabukasan ay maaga akong nagising upang magtungo sa tulay malapit sa Somber High, naupo sa mismong railings no'n at sinubukang ibinalanse ang sarili.

    Rinig ko man ang mga busina nag sasakyan sa likod, mas iminabuti ko nalang na pagtuonan ng pansin ang rumaragasang tubig sa baba at dinama ang sikat ng araw.

    Marahan akong napapikit at huminga ng pagkalalim lalim. Inihahanda ang sarili para sa susunod na gagawin.

    Well, balak ko kasing itinapon sa ilog ang scratch notebook ko as Manslaughterer. Iyong ngang kulay pink na pinagsusulatan ko ng mga outline at kung ano ano pang detalye na patungkol sa istorya ko? Oo, 'yon.

    Nagtagumpay naman ako actually. Ipinagsisigaw ko pa sa kawalan lahat ng hinahakit ko sa buhay at nang matapos ay hindi na pinansin ang mga matang nakatitig sa 'kin.

    Pakiramdam ko kasi 'yon lang ang tanging paraan. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin maging pag-uusap namin ni Rui noong biyernes lang, doon sa waiting shed ng Somber High habang sumusilong mula sa malakas na ulan.

    "So bakit mo nga napagdesisyunang tumigil? Dahil doon sa basher sa wall at sa stories mo?"

    Bahagya naman akong natawa dahil doon. "Dahil mismo sa mga kwento ko."

    "Anong problema do'n? Ayos naman ah-"

    "Kasi hindi ko na nako-kontrol ang mga karakter sa kwento ko. Kasi nagiging ako na sila kahit hindi naman dapat." Inilahad ko ang kamay upang saluhin ang mga patak ng ulan.

    Ngayong wala na ang Tournament na pinaggugulan ko nang buo kong atensyon ay parang nawalan na rin ako nang pinanghahawakan para makalaya. Doon ko lang din napagtanto kung paano ito nagmistula hawla para sa 'kin. Na para bang alipin ako nang kalayaan.

    Kasabay nang pagkawala no'n ay ang pagkakita ko sawakas sa kung anong klaseng halimaw na ang kinahinatnan ko... At kung ano pa nga bang silbi nang sakripisyo kung wala na rin naman pala itong patutunguhan.

    Like, anong gagawin ko sa mga sungay na 'to? Anong gagawin ko sa natitirang determinasyon na mayroon ako? Determinasyong kalabanin ang lahat para lang makuha ang gusto ko?

    "Anong bang dapat kong gawin sa katauhang nabuo ko dahil sa pangangailangan... kung hindi ko na ito kailangan ngayon?" tanging tanong ko kay Rui sa kabila nang lahat ng mga bagay na bumabagabag sa isipan ko.

    "Edi tuluyan itong dispatsahin," sagot ko rin naman sa sariling tanong, ngunit sa bihirang pagkakataon ay seryoso niya lang akong tinitigan at umiling. Walang nakaka asar na tawa o nakakakilabot na mga ngisi. Tanging ang mga mata niya lang na magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabasa-basa.

    "No, patulugin mo lang. Hindi mo din naman sure kung hindi mo na ba talaga siya kakailangin sa susunod na mga taon."

    Dahil sa mga kataga niyang iyon ay mas naging malinaw sa akin ang lahat. Ayokong maging siya 'yon.

    Ayokong maging totoo ang mga hinala ko.

   "Hayop na Rui talaga, may gusto ba 'yon sa 'yo?"

    Sa isang iglap ay nawala lahat ng alaala sa isipan at tagumpay na nakabalik sa reyalidad. Doon ko nadatnan ang sarili sa Yawaka City Mall, nakatambay sa labas nang  isang restaurant kaharap si Typo. Halos masamid pa nga ako sa strawberry flavored juice na ini-inom dahil sa naging tanong nito.

    "Young Master, babae si Rui," giit ko nalang nang maka-recover, ngunit nagkibit balikat lang siya.

    "And so? Girls can like girls, you know," seryoso niyang saad at inilapag ang baso sa maliit at bilugang table.

    "And boys can like boys, too?" wala sa sarili kong saad na tinanguan din naman niya. "Exactly."

    Napatango tango lang ako dahil doon at napasandal sa metallic chair na kinasasadlakan.

    "So may possibility na kaya mo kami sinira ni Ivan noon ay dahil sakanya ka talaga may gusto at hindi sa akin?" Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan niya nang naibuga ang hot chocolate na iniinom.

    "Young Master, ayos ka lang?" agad kong bulalas at mabilis na hinablot ang kulay pink kong panyo sa mesa.

    Dumakwang ako upang maabot ang mukha ni Typo at punasan ang kakaunting mantsa malapit sa labi niya, ngunit nang magtama ang mga namin ay agad akong natuod sa kinalalagyan. Lalo na nang bahagya itong mapangiti at mas inilapit ang mukha sa 'kin.

    "And why the hell would I like that bastard, when I was only looking at you?"

   Mabilis akong napalayo at bumalik na sa pagkakaupo. Tahimik ko nalang na iniabot sakanya ang  panyo para siya nalang kako ang magpunas ng sarili.

    "When you were always with me, eversince," natatawa niya pang dagdag dahilan upang mapa buntong hininga nalang talaga ako.

    "I was only with you because you forced me to. At hindi ko alam kung paano mo nagagawang maging masaya sa isang bagay na pilit at ikaw lang naman ang may gusto, Young Master."

    Gustong gusto ko 'yang sabihin at ipamukha sakanya noong mga oras na 'yong ngunit habang nakikita ko ang repeksyon ko sa mga mata niyang puno nang galak, wala akong ibang magawa kundi mapalunok nang laway.

    Inuuto ko ang sarili ko kung sasabihin ko paring dahil hawak kami sa leeg ng pamilya ni Typo kaya pinigilan kong mag-salita. Kasi sa mga sandaling 'yon ay hindi ang kapangyarihan ng Noble Families ang dahilan kung bakit ako natahimik. Dahil 'yon sa sinserong mga ngiti sa labi niya at ang katotohanang mag isa lang naman siyang masaya sa sitwasyon namin.

    May kung anong kirot sa puso ko ang napukaw habang tinititigan ko ang inosente niyang mukha. You see, masyado akong stress sa mga nangyayari, sa trato ni Ivan sa 'kin magpasahanggang ngayon, ang pag kansela ng tournament,  ang writing career ko, si Rui at ang sitwasyon namin ng pamilya ko. Isa pa, ang pangalawang dahilan kung bakit kami andito ay para sana makalimot pansamantala.

    At hindi nakakatulong ang sinsero niyang mga ngiti sa mga pagkakatong 'to!

   "Wait, are you crying?" napasinghap siya nang mapansin, ngunit mabilis akong umiling at nag punas ng luha na hindi ko nga rin alam na kumawala na pala mula sa mga mata ko.

    Agad siyang napatayo at lumipat sa upuang katabi ko. "Why are you crying? Did I said something wrong? What, you want to to like Ivan? But I don't!" taranta niyang saad at sinusubukang gawing malumanay ang pananalita.

    "But if that will make you feel better, then I can lie," nakanguso niyang saad at nag iwas nang tingin. Pero imbis na natawa ay mas lalo lang atang bumigat ang dibdib ko, at sa kabila nang mga luha ay mapait ko siyang nginitian.

    "You're pathetic, Young Master."

    "Wha-"

    Akmang sasagot pa sana ito ngunit kapwa rin kami napalingon dahil pamilyar na sigawan mula sa 'di kalayuan. Kapwa naman kami nagkatinginan dahil doon at ang kanina lang ay masalimuot na atmospera ay napalitan nanaman nang sama ng loob.

    "Mom don't hurt Tita Aster," bulalas ni Typo at dali daling nagtatakbo papunta sa labas nang Botique kung saan sila nagkakagulo.

    Hindi katulad ng nakasanayan kung saan hinahawakan niya pa ko sa kamay at palging hinihila papunta sa kung saan niya gusto, iniwan niya ako sa isang tabi at malayang nagtungo si Typo sa direksyon ng dalawa na para bang ganoon nalang ang pagmamalasakit niya... sa nanay ko.

    "Mom, stop it! You're hurting Tita!" giit niyang muli at umawat sa dalawa kahit pa natatamaan na siya nang shopping bag na dapat ay isasapak sana ni Doña Celeste kay Nanay. Nang makahabol ako't makarating sa tapat ng Botique ay agad kong inilayo si Nanay at tumulong kay Typo sa pag-awat sa demonyo niyang ina.

    Ngunit kung hindi nga ba naman ako paboritong pagtripan ni Satanas ay pinanlisikan lang ako nang mata ni Doña Celeste.

    "Isa ka pang bata ka!" sigaw ba naman niya at akmang ako nanaman ang hahampasin. Ngunit bago pa man ako tuluyang tamaan ay nahigit ni na Typo ang baywang ko at ipinag palit ang pwesto namin, dahilan upang siya tuloy ulit ang sumalag sa mga hampas!

    Ang nakakabahala lang ay hindi pa rin ito tumigil at talagang si Typo na ang pinagbuntungan! Akala mo naman talaga may kasalanan si Typo sakanya!

    "Doña Celeste, huwag niyo pong saktan si Young Master!" agad kong bulalas at sinubukan ding hilahin si Typo palayo. Mabuti nalang talaga at dumating na ang isang body guard ng pamilya nila para pakalmahin si Doña Celeste.

    Pakiramdam ko ngayon ko palang ito nakita ngunit wala akong katiting na pakealam pa sa bagay na 'yon lalo na dahil sa inaasal ni Doña Celeste ngayon.

    "Tatanga tanga kasi. Ihinulog ba naman ang ibang mga shopping bags ko!" muli niyang tinapunan nang masamang tingin si Nanay na akala mo naman talaga sapat na dahilan na iyon para saktan niya kami, pati ang sarili niyang anak! Nagumpisa na rin itong mag lakad patungo sa escalator.

    "Tara na nga dito, boy. Umuwi na tayo at nawalan na ako ng gana," tawag niya pa doon sa body guard na agad din namang sumunod sakanya.

    Kunot noong tinitigan ko ang likuran niya at hiniling sa sangkademonyohan na sana mabasag ang bungo nito, ngunit muli nalang akong napa buntong hininga. Lalo't kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao sa paligid.

    Muli kong ibinaling ang atensyon kay Nanay at doon ko napansing inaalalayan pala siya ni Typo, at bahagya pang pinanlisikan ng mga mata ang mga taong nakikiusyoso sa paligid.

    "What? Haven't seen a human being before? Stop staring at them and go back to your own buisnesses!"

•••

    "I'm sorry, I should have payed more attention to the both you, Tita," sinserong saad ni Typo at binalingan pa si Nanay nasa front seat. At siyempre alam na rin naman nating lahat kung ano ang isasagot ni Nanay kaya mas itinuon ko nalang ang pansin sa kantang tumutugtog sa radyo.

    Kung bakit kasi ginawang Ninang si Doña Celeste sa kasal ng isa sa mga Asteranza. Kaya ayon tuloy at nagmadaling bumili nang regalo at gagamiting damit. Isinama niya pa si Nanay para gawing taga bitbit at para mapagdiskitahan ito. 

    Although ang ipinaalam niya kay Don Alejandro ay magba-bonding lang daw sila ni Nanay kaya niya ito isasama. Pero sino bang mauuto niya sa mansyong 'yon, kaya siyempre nag presinta na rin akong sumama bilang alalay since Sabado rin naman ngayon. Saka oo, ito ang pangunahing dahilan kung bakit ako andito.

    At siyempre, nang makita ako ni Typo na pasakay sa kotse na gagamitin nila Doña Celeste, agad din naman nitong iginiit na pupunta rin siya at tuluyan na akong tinangay sa kabilang sasakyan para sakanya sumabay.

    Kaya heto kami ngayon habang nasa biyahe pauwi, nagsisiksikan sa ikalawang kotse na iminamaneho ni Mang Kanor. Habang mag isa naman si Doña Celeste sa kabilang kotse kasama 'yong driver at body guard.

    Pero mabuti na rin 'yong kahit papaano, atleast hindi ko makikita ang pagmumukha nang babaeng 'yon at baka makalitaan ko ang kaunting utang na loob na mayroon ako kay Typo, dahil sa pagdi-dipensa niya sa nanay ko.

    Dahil sa kalalakbay nang isipan ay doon ko nalang din napansin ang mga patak ng ulan na nag-uunahan sa pagtulo sa bintana, lalo na nang mas higitan nang bawat pagtama nito sa lupa ang musika na ipinatutogtog sa radyo.

    Mula sa backseat na kinasasadlakan ay sinilip ko si Nanay doon sa front seat at bahagya namang napanatag ang loob nang makitang mahimbing itong natitulog. Akmang babalik na sana ako sa puwesto ko ngunit agad ding natigilan nang mapasandal sa balikat ko ang tulog mantika ring si Typo.

    Napatingin ako sa maamo niyang mukha at imbis na ibaling ang ulo nito sa kabilang direksyon ay hinayaan ko nalang. After all, hindi naman talaga palaging nakaka inis si Typo at hindi ako banas sakanya sa mga sandaling 'to. Saka ayoko nang madagdagan ang mga stress ko sa buhay, ano.

    Kaya heto't magfo-focus nalang ako muna sa mga magagandang alaala na mayroon ako kay Typo. Kasi kung tutuusin, he was actually kind and sweet most of the time. Nagta-transform lang talaga siya bilang isang demonyo kapag pakiramdam niya ay iiwan at ipinagpapalit ko siya sa iba. Mapababae o lalake man sila.

    "Mhmm...Chocolate... Ice cream..."  usal pa nito sa pagitan ng mahimbing na tulog.

    Bahagya naman akong natawa dahil doon at ikinumot ko nalang sakanya ang denim jacket na kanina lang ay suot ko. Ang jacket na tanging naiwan sa'kin ni Kuya Rio bago siya makipagsapalaran at iwan kami. Sa sobrang kalutangan ay hahaplusin ko sana ang buhok ni Typo ngunit agad din naman nabitin sa ere ang kamay nang mapagtanto ang pinaggagawa.

    Napabuga ako ng hangin at muli nalang na itinuon ang pansin sa labas ng bintana. Aba, kahit naman may mga pagkakataong hindi siya nakakainis ay hindi ko pa rin naman gugustuhing manatili sa tabi niya habang buhay!

    Although Typo is like a kid and maybe he just needed someone who won't leave him.

    But its still definitely not going to be me and—

    Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga naiisip at napabuntong hininga nalang talaga, inulit ko ito nang isa pa, at isa pa... at isa pa.

    Hindi dapat ako nag-iisip ng ganitong mga bagay. Hindi ngayon, kailangan kong kumalma!

    Inhale. Exhale.

    Think of happy thoughts!

    Baseball bat, nawarak na ulo, bangkay.

   Happy thoughts!

    Dugo, napakaraming dugo, basag na bungo.

    Happy thoughts. Happy thoughts.

    Tangina wala akong happy thoughts!

    Saka totoo naman kasi, aalis ako at iiwan ko parin naman talaga si Typo. Aalis ako at hinding hindi na ako magpapakita sakanya kahit na kailan— "No... don't go...."

     Natigilan ako nang marinig ang pag crack ng boses niya at bahagya pang napakapit sa braso ko. Sumulyap ako sakanya nang konti at napansing naka pikit pa rin naman ang mga mata nito. Nanaginip pa rin ata siya, ngunit kunot noo na ito ngayon at napasinghot pa. "D-don't... leave... K-kuya."

    Kuya?

    Sa kabila nang kalituhan ay marahan ko nalang na inialis ang kamay niya mula sa pagkakakapit sa 'kin at sinubukang tapikin ang pisngi upang gisingin. Gumana naman, ngunit inosente lang itong mapahawak sa pisngi at bahagyang napalayo na akala mo naman talaga sinampal ko siya.

    Nako, mukhang napalakas ko nga ata.

    "Hindi po kita sinampal Young Master, binabangungot po kayo," awtomatikong saad ko. Sasagot pa nga sana ito ngunit napaawang lang ang bibig dahil tuluyan nang tumila ang ulan.

    Kasabay kasi no'n ang pagkakarinig namin ng maigi sa balitang pumutol sa kantang tumutogtog.

    "Breaking News: Bumangga ang isang Pulang Hilux sa malaking accacia tree dito sa Lovelis St. Wala nang buhay nang matagpuan sina Kulas Buendiaz, ang driver, at ang sakay nitong si Celeste Dazarencio."

    Parang litiral na tumigil ang mundo namin nang mapatapak sa break si Mang Kanor dahil sa narinig. Nanlaming ang buo kong sistema at dahang dahang napatingin kay Typo na hindi pa rin kumikibo.

    "Kung tutuusin, matuturing na sanang aksidente ang nangyari, ngunit napansin nang mga pulis ang kaibahan sa dalawang bangkay. Kung saan mga kakaunting galos at sugat lang ang kay Kulas, habang nawarak namang ang ulo ni Celeste."

    Teka, ano daw?

    Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig at seryosong napatitig sa direksyon ng radyo.

  B-bakit parang pamilyar?
  
    "Basag ang bungo ni Celeste at nagkalat pa 'di umano ang mga parte ng utak niya sa passenger seat na para bang hinataw ito ng hinataw ng kung anong matigas na bagay."

    Sa sobrang bilis nang pagkabog ng puso ko ay pakiramdam ko balak nitong kumawala sa katawan ko. Nanginginig ako at hindi ako natutuwa!

    "May na-recover ding duguang baseball na mayroong barb wire sa 'di kalayuan at iniimbestigahan pa ng kapulisan ang ibang detalye."

    Tuluyan na akong napako sa kinalalagyan.

     Impossible!

    Ganitong ganito ang estilo ng fictional character ko sa pagpatay ng tao!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro