level seventeen
Dumating ang araw ng acquaintance party, sinigurado ko pang makakalaw ako ng maayos sa kabila ng suot na pink na halter top dress na pinatungan ng pastel themed kong denim jacket. Ang dami pang mga hindi de bakal na armas ang nakatago sa medyas ko at sa kung saan saang parte ng damit e.
Sa katunayan, nakapag perform na halos lahat, maging ang banda nila Orion na akalain mong miyembro din pala si Hope at ang isang malayong kamag anak ni Typo na isa ring Dazarencio. Rath ata ang pangalan or something. At ayon na nga, nagkatuwaan na lahat hanggang sa natapos at nagsi uwian na ang lahat ngunit wala namang nangyaring masama.
Well, hindi naman sa gusto kong magkaroon nga ng massacre, pero halos pumuti na ang mga mata ko nang panahong 'yon ngunit maski anino ng salarin ay hindi ko man lang nahagilap. O baka andodoon lang siya sa party at nakikisaya sa lahat habang pinagmamasdan akong nagmumukhang tanga?
Lalo't sa hindi alam na dahilan ay masquerade ang tema ng party namin. At naka weird no'n kasi nga dapat acquaintance party para mas makapipag kilala at halubilo ang lahat, pero paano naman 'yon mangyayari kung naka maskara kaming lahat?
Ang gago lang diba? At wala akong pakialam kung nakapag mura ako dahil kausap ko naman ang sarili ko at walang makakarinig. Kasi kung tutuusin napaka laki ng tyansa niya upang magsagawa ng isang killing spree pero hindi niya ginawa!
Hindi ako makapaniwalang mali ang kalkulasyon ko!
"Aaaaaagrhjkd!" Nagulo ko ang sariling buhok at balak na ngang i-untog ito sa desk ng paulit ulit ngunit agad din namang natuod sa kinalalagyan nang mapagtantong nakatuon na sa akin ng mata ng lahat.
Maging ang teacher namin ay natigil din sa pagsasalita at napabaling sa 'kin at sa kagagahan ko! Hayop naman talagang buhay 'to! Ayoko na sabing mag mura! Waaaasaasdfh!
"Yes Miss Del Puerto, answer the question I asked earlier," seryosong saad ni Ma'am San Pedro at pasimple akong itinuro. Napalunok ako ng laway.
Grabe naman, mukhang magigisa pa 'ko nito.
"Uhm... what was the question po?" mahina kong tanong na mabuti nalang talaga at hindi niya ikinagalit.
Huuu sa susunod talaga hindi ko na kakausapin ang sarili ko kapag may klase! Saka mabuti nalang din at hindi ito General Math!
"I asked what do you think is your love language?"
Napakurap kurap ako at napatingin sa mga kaklase ko para humingi ng tulong.
"Sabihin mo magdabog."
"Hindi, sabihin mo tagalog."
"Nath, sa 'kin ka makining."
Bulungan ng mga seatmate ko ngunit mukha naman silang mga sira ulo kaya baka nanti-trip lang. Malas at hindi ako pwedeng lumingon kay Daz na nasa pinakalikuran.
Sakaya na nga lang ako nagtitiwala pagdating sa mga pang akademikong bagay kaya kung may pagkakataon man na pinaghihinayangan kong hindi ko siya naging seatmate, ngayon 'yon! Ano ba kasi 'yang love language na 'yan! Aaaaaaaadfkk!
Muli akong napalunok ng laway at nag isip ng masasagot, sakto namang napadako ang tingin ko sa direksyon nila Rui at Markian sa gilid. Kapwa may sila may hawak na notebook at pinapakita sa 'kin. Kanina pa plaa nila ito tinuturo at totoong naka-klaro ko naman ang mga sulat dahil naka pentel pen ang mga ito.
Ang kaso lang ay hindi ko mabasa ng maintindihan ng maayos! Para 'yong kinahig ng manok!
Tulooong!
•••
"Grabe naman Nath, isinulat na nga namin ni Rui ang pwedeng maging sagot tapos hindi mo parin nakuha!"
"Words of affirmation. Physical touch. Mahirap bang basahin 'yon?" Dagdag pang pagmamaktol ni Markian dahilan para hindi ko ituloy ang pagsubo sa pagkain.
"With all due respect, masyadong panget ang sulat kamay niyo!" naiiyak ko nang saad ngunit pinagtawanan lang nila akong lahat!
At ang ibig kong sabihin sa lahat ay ang buong barkada ni Ivan, tapos kami nila Chenzo at Rui. Kasalukuyan kasi kaming kumain dito sa pastilan sa labas ng Somber High. Mas mura kasi at mas nagkakasya kami dito sa mahabang mesa kaysa doon sa General Cafeteria sa loob ng eskwelahan.
Saka oo, at sakanila ako sumabay dahil iniwan nanaman ako nila Astrid kanina. Kaya heto ako ngayon at hindi pa rin tinatantanan ni Markian!
"Well, Mark's penmanship suits him though, since he wanted to be a doctor," pasimpleng panggagatong ni Ivan at nagpatuloy sa pag inom ng iced tea niya.
"Sira, magdo-doctor ka pala, e ba't ka nag HUMSS?" pasinghal na tanong ni Chenzo na halos liparin pa ang tissue niya sa harap. Mabuti nalang talaga at si Rui ang nasa tabi niya habang si Orion naman ang kaharap.
Napahalakhak lang si Markian dahil doon at inakbayan ang katabing si Dennis na payapang susubo pa sana ng hotdog. "Bakit ba, e andito 'tong kumag na 'to e."
Turo niya sa hawak hawak.
"N-nasasakal ako, ano ba!" Suminghal si Dennis at nagpumiglas ngunit masyado siyang maliit para sa braso ni Markian. Buti naman at binitawan din niya ng huli.
"Pasensya na 'tol. Love language ko nga ata ang physical touch! Buwhahaha!"
" Physical abuse 'to, Markian hindi physical touch!"
Humagalpak ito sa katatawa at pinagsasapak pa ang mesa. Ang mga sira ulong Chenzo, Rui at Orion ay nahawa din dito kaya maski ako ay hindi naka ligtas.
"Pero speaking of, ikaw Ivan ba't ka ng HUMSS?" seryosong tanong ni Rui maya maya , ngunit humirit pa ng ilang lagok si Ivan sa iniinom bago sumagot.
"I'll be an English Teacher."
"Woah!" nanlalaki ang matang tugon ni Chenzo at nagpalakpakan pa ang mga ito.
"Ikaw Dennis?"
"H-ha? Eh? Ano. Ewan ko. Sinundan ko lang din naman si Ivan kaya nag HUMSS ako. Hehe."
"Anak ng tipaklong, seryoso ka ba? Sinundan kita dito sa strand na 'to tapos sinundan mo lang din pala si Ivan?" bulalas ni Markian dahilan upang mapuno ulit ng tawanan ang buong silid.
Kung tutuusin, dahil sakanila ay bahagya kong nakakalimutan lahat lahat ng sakit sa ulo na dulot ng salarin ng lahat ng 'to. Kahit pansamantala ay nagagawa ko naring makatawa at makangiti ng totoo.
Parang noong panahong sina Hope at Archie pa ang kasama ko kada lunch noong Grade 8, at wala pa lahat ng patayang nagaganap ngayon.
•••
"Ikaw Rui, ba't ka nag HUMSS? Huwag mong sabihing dahil sinusundan mo rin ako?" pabiro kong tanong ng makasabay ito sa pag aantay sa waiting shed kinabukasan.
Sa ilang sandali kasi na hindi pa gumagawa ng panibagong hakbang ang salarin ay unti unti na rin akong nakakapag pahinga at kahit papaano ay maging mapayapa kahit kaunti. Kahit kaunti ay pakiramdam ko ay pwede na ulit ako maging normal na estudyante na walang ibang iniisip kundi ang pang araw araw na pagpasok sa eskwelahan.
Kaso kahit na medyo tahimik ang salarin ngayon, kailangan ko pa ring harapin ang mga bagay na iniwan niya sa 'kin. At isa na doon kung ano ba talaga ang relasyon sa pagitan namin ni Rui noon.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala ulit ang sinabi ng impostor na 'yon doon sa mansyon nang makita ko ang maskarang suot niya.
"P-pero patay kana."
"Patay na nga ba? Eh ba't palagi mo akong kasama?"
"Paano kung ganoon nga?"
Agad akong nabalik sa reyalidad dahil sa boses ni Rui. Ngunit imbis na magitla ay dahan dahan akong napalingon sakanya habang kapwa kami naka upo sa bleachers.
Kapwa nililipad ng hangin ang mga buhok namin habang ang inagay ng mga estudyante sa paligid at mga sasakyang dumadaan ang nagsisilbi naming background music.
"A-ano kamo?" tanong ko nalang na bahagya niya lang na tinawanan.
"Paano kako kung ang dahilan kung bakit nag HUMSS ako ay dahil sa 'yo? Dahil gusto kitang sundan?" pabiro niyang tanong kaya napa buntonghininga nalang talaga ako.
Kailan kaya niya ako sasagutin ng seryoso?
"Bakit mo naman gagawin 'yon? Kasi magkakilala na pala tayo simula elementary palang? Kasi matagal na pala tayong may koneksyon sa isa't isa pero hindi man lang kita nakilala?"
Pinanliitan niya ako ng mga mata at sinipat sipat. "Adik ka ba? Anong pinagsasabi mo?"
Sure. Ano pa nga bang ine-expect kong magiging sagot niya? Malamang magmamaang maangan siya.
Although pakiramdam ko hindi naman siya ang nilalang sa likod ng lahat ng ito, kasi bakit naman siya magsu-suot ng maskra ng mukha niya pagka bata kung siya lang din pala 'yon?
Saka kahit pwede nga naman pala talaga niyang gawin 'yon para ipaalala sa 'kin kung sino siya. Kaso parang hindi rin e. Kasi parang pareparehong pattern lang ang ginagawa ng salarin sa mga krimen niya. Ang kopyahin ang kung ano anong bagay sa iba para sila ang napagbibintangan.
Pati narin ang gawing kasuspe-suspetsa ang mga tao sa paligid ko para malayo ang atensyon at mga mata ko sa tunay na may sala. Kung tutuusin, ako nga ang pinagbibintangan ni Lana dahil lahat ng namanatay ay may koneksyon sa 'kin.
At napagtanto kong ganoon din pala ang ginagawa kong pagbibintang sa iba dahil sa mga trap na maaaring isini-set ng salarin na patuloy ko namang kinakagat. Kasi 'yon ang mas obvious. Kasi 'yon lang ang kaya ng komorehensya ko.
Kaya ngayon, kailangan kong mas lawakan ang isipan at hindi na magpadala sa pang uuto at pambibilog niya sa utak ko. Para kahit papaano ay malamangan ko siya.
Muli akong napa buntonghininga at binalingan si Rui.
"Wala naman. Pakiramdam ko lang kasi magkakilala na tayo noon kaya ganoon nalang ang pagkulit kulit mo sa 'kin noong makita mo ako uli."
Humagalpak siya sa katatawa. "Grabe naman, hindi ba pwedeng naging crush lang talaga kita kaya kita kinukulit. Hahaha!"
Imbis na makisabay sa kakukitan niya ay seryoso ko lang itong hinarap at tinitigan sa mga mata. Sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ay pinakawalan ang mga salitang noon ko pa gustong sabihin.
"Kaya mo bang sabihin ang mga bagay na 'yan ng hindi tumatawa?"
Napabuga ako ng hangin.
"Rui, do you really like me?"
Sa isang iglap ay parang natahimik ang lahat at wala na akong ibang marinig kundi ang mabibigat naming paghinga. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niyang animo'y may gustong mga sabihin ngunit mga labi na hindi alam kung ano ang uunahin. Ganoon din siya sa 'kin at matagal kami sa ganoong estado at nang akmang magsasalita na ito ay agad ko namang pinutol.
"Y-you're just joking, right?" sagot ko sa sariling tanong at napaiwas ng tingin.
"O-of course I am. Everything about my life is a joke anyway." Muli itong humagalpak sa katatawa.
"I am the whole circus you know. So don't worry. It's just a joke. Hindi talaga kita gusto, hahaha!"
Tumango ako at seryoso nalang na itinuon ang pansin sa mga sasakyang nagsisidaanan binabalewala ang pagkaawasak ng kung ano sa sistema ko. Kung bakit ba kasi ang tagal ni Mang Ernie ngayon para sunduin ako. At alam kong ang kapal ng mukha ko ngayon, at hindi dapat ako nag aastang kung sinong boss dahil nasa Meager Class parin naman ang social status ko, pero sana naman kahit ngayon lang dumating na siya agad.
Masyado na akong naiilang sa katahimikan sa pagitan namin ni Rui, lalong lalo na sa mga kagagahan na pinagsasbi ko kanina. Gusto ko nalang ngang magpalamon sa lupa at nagpanggap nalang na may hinahalungkat sa loob ng pink a shoulder bag.
Pero nang mapagtanto ang isang bagay ay nagbalak nalang akong magpatugtog ng mga kanta ni Melanie Martinez upang kumalma, ngunit bago ko pa man makapa ng kamay ko ang phone sa loob ng bag ay natigil nalang talaga nang may kamuntik na tumamang bola ng baseball sa mukha ko!
Aba talaga naman!
Mabulit nalang at hindi ako no'n direktang nadaplisan dahil mabilis ko namang nailagan, ngunit kahit na ganoon ay mukhang hindi magandang biro 'yon para kay Rui.
"Woman, what the fuck do you think you're doing?" matalim ba naman na saad nito at agad na napatayo para salubungin sila. Si Lana at ang tatlo niyang alipores.
Maging ang mga titig niya ay malayong malayo sa pilya at masayahing awra na kadalasan niyang ipinapakita sa lahat. Dahilan upang mapa tayo rin ako upang pigilan sana ito, pero ni hindi naman ito magawang hawakan o maski mas malapitan.
Ngunit ang mas nakakamangha ay hindi katulad noon ay ni hindi manlang nasindak no'n si Lana at nakipag pantayan pa ng titig kay Rui. Animo'y handang handa siya sa kahit na ano at para bang kinakaya kaya nalang niya ito ngayon.
"Wow, so aside from being a clown, you're now friends with a murderer. What a great duo," matalim nitong saad at bahagyang itinulak ang balikat ni Rui gamit ang hintuturo.
Grabe, si Lana ba talaga 'to? Ba't napaka elegante na niyang tignan ngayon at kahit na halata namang hindi namin siya kakampi?
"And what do you mean by that?" natatawang saad ni Rui at pasimpleng iniwagli ang kamay ni Lana.
"A great duo for commiting crimes. The one who entertains and lure the victims and the one who's eliminating them in the most brutal way possible." Bahagya siyang napailing iling at saka ako binalingan.
"Gosh, I thought you're afraid of Rui so why are you teaming up with her na? And seriously? Pati ang principal hindi mo pinatawad?"
Pinanlisikan niya ako ng mga mata ngunit sa lahat lahat ng mga pinagsasabi niya ay isang bagay lang ang na-absorba ng utak ko. Sa isang iglap ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"S-si Principal Xeid? Bakit anong nangyari sakanya?" pahina ng pahina kong tanong kahit pa ayoko namang makumperma at marinig ang sagot.
Napasinghal si Lana dahil doon at maging 'yong mga alipores niya ay parang diring diri sa naging reaksyon ko.
"Huwag ka nang mag maang maangan, pinatay mo kanina lang sa office niya ang principal!" giit ni Pauline, isa sa mga alipores ni Lana.
"Oo nga! Ikaw din ang may gawa ng pagkamatay ni Lia at Reki! Pati na ng lahat lahat ng mga bangkay na natatagpuan lately!" bualalas din ni Andrea ngunit nanatili na akong natuod sa kinatatayuan.
Seryoso? Si Principal Xeid ang sunod na biniktima ng kasuklam suklam na salarin? Anak ng hotdog, ba't siya nag skip ng pitong pangalan sa Death List?
•••
Markian set the group name to THE FAILURES
Chenzo changed the group name to THE WALKING DISAPPOINTMENTS
Markian changed the group name to THE BROKEN, THE BEATEN AND THE DAMNED
Chenzo changed the group name to 🎉 😎😜 TBTBATD 😱😡🔥
Markian changed the group name to TIGILAN MO NA ANG KAPAPALIT NG GROUP NAME CHENZO!
Chenzo changed the group name to THE FAILURES HEHE
Orion changed the group name to TEENAGE DIRTBAGS (FOREVER LOSER)
Pandennis
Guysss
Tama naaa.
Tanggapin niyo nalang
ang group name
Sabog na messenger ko. ╥﹏╥
Master Markian
Sige na nga, basta libre
mo ako ng pagkain.
Pandennis
Oo naaa ╥﹏╥
Ice Bear
Excuse me, what's the
purpose of this group?
Master Markian
Grabe naman Zoeni, parang
panelist lang ah?
Ayefa K. Ebryteng
Ba't may bagong gc?
Pandennis
Hindi to bagong gc, ito parin 'yong gc noong gumawa
tayo ng video presentation. Pinalitan lang ng name
hehe. ヘ( ̄ω ̄ヘ)
Nath Ynterested
At bakit nag iingay kayo dito
sa kalagitnaan ng gabi?
Dazen Givashyt
ang mas mahalagang tanong,
bakit kako gising pa kayong
lahat ng ganitong oras.
Orionion
Kasi nga hindi lang ikaw ang
kaisa isang tao sa mundo na
nahihirapang matulog sa gabi.
Kami rin lahat. 😊😊
Nath Ynterested
Okay po. Noted. Yehey.
Pero ayon na nga, anong meron?
Master Markian
Salamat sa pagpapaalala
Nath. Bale, kailangan nating pag usapan kung saan saan tayo sasakay papunta doon
sa lamay ni Principal Xeid.
Masydong marami ang taga
Somber High pero required
daw tayong pumunta lahat pero by schedule na sabi ni Adviser. Buti nalang at
sakto't sabay ang mga
section natin, kasama pa
'yong isang section ng ABM.
Although hindi tayo maki-cater
lahat sa chapel pero ay ida-daos
na prayer vigil para kay Principal Xeid at sa lahat ng mga natagpuang bangkay sa school.
Dazen Givashyt
wait, bakit kailangan pa
nating magplano kung
saan sasakay e sa school
naman sila namatay lahat.
i mean, shouldn't be the
prayer vigil be held there?
Ice Bear
Yes exactly, but unfortunately,
they wouldn't. According sa
assistant principal, ang vigil
ay magaganap sa Mephistopheles Town,
ang hometown ni Principal Xeid.
Malayo 'yon dito sa sentro
ng Yawaka kaya kailangan
talaga ng sasakyan.
Super Chenzo
Ba't di ko pa naririnig ang
lugar na 'yan?
Ayefa K. Ebryteng
Puro lang kasi babae ang
inaatupag mo kaya hindi
mo kabisado mga lugar sa
sarili mong bayan.
Master Markian
Hahaha burnn!
Pero seriously guys, sa grupo
natin dito sa teenage dirtbag gc.
Walo tayo. So basically pwede
naman tayong magkasya sa
isang van. Tapos ako nalang ang driver!
Orionion:
Minor ka pa! Ako nalang magda
drive. Lalo't dati akong taga
Mephistopheles Town.
Super Chenzo
Ang angas Orion, kung makapag salita, bakit
hindi ka na ba minor?
Ice Bear
He's not.
Nath Ynterested
Sandali lang, at saan
naman tayo kukuha
ng van?
Pandennis
Oo nga, lalo't hindi available
yung sa 'min kasi ginamit ni
Daddy for business trip with his
empoylee.
*employee
Ice Bear
Don't worry. I know
someone who does.
Super Chenzo
Woahhhh! Lodi na talaga
kita Ivan!
Pandennis
Eh?
Ayefa K. Ebryteng
Life saver! Sabihin
mo sino.
Ice Bear
It's Nath. Since she's
technically from the
Dazarencio household.
She can asked Don
Alejandro for it.
Nath Ynterested
Teka, anooooo?
Personal Message
Nath
Gago ka baaaa?
Ice Bear
Not really, why?
Nath
Bakit ako? Maghanap
ka ng iba! Hindi ako hihingi
ng pabor sa tatay mo! Asaaa!
Ice Bear
Chill. I'll be the one who'll ask
him personally tomorrow.
Nath
At sa tingin mo papayag siya?
Eh nagiging Dazarencio ka lang
ulit kapag may kailangan ka!
Aaaaaaggh!
Ice Bear
He will. I always know my
ways to people. Don't worry.
•••
Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Kampanteng naglakad si Ivan papasok sa loob ng gate matapos niyang patumbahin ang security guard na wala naman sanang ibang hinangad kundi ang gampanan ng maayos ang trabaho upang may maipakain sa pamilya.
Suot niya parin ang paborito niyang hoodie na Ice Bear habang iniiwasan ang sabay sabay na pag atake ng mga bodyguards ng ama. At kung hindi ba naman talaga siya isa't kalahating gunggong, sa pagkakataong ito ay isinama niya pa talaga si Orion!
Oo si Orion!
Talagang lumuwa ang mga mata ko nang masilip sa glass window ang pamilyar nitong tindig at ang suot na itim na leather jacket. Kapwa sila nag lalakad patungo sa direksyon ng mansyon na animo'y mga modelong nasa runaway! Sabay pa sila sa bawat hakbang at hindi manlang natitinag sa mga bantay na patuloy pa rin ang pag atake sakanila!
Kaya ayon, bago pa man mabalian ng buto ang lahat ng mga body guards ay tinakbo ko na ang napaka lawak na pasilyo patungo sa opisina ni Don Alejandro! Halos talunin ko na ang mga baitang ng ginintuang hagdan para lang maka baba saka ako nagmadaling nagtungo sa pinaka sulok na parte ng ground floor at kumatok ng kumatok.
"Emergency po!" bulalas ko na mabuti naman ay agad niya ding tinugunan. Pinagbuksan ako ng pinto ng Butler na si Mister Chuya at ganoon na nga ang paghahabol ng hininga nang tuluyan nang makarating sa harapan niya.
Bahagya pang nagtama ang paningin namin ng sopistikadong lalakeng mayroong maputing buhok at mga mata na katulad ng kay Ivan, pati mga ilong at labi na katulad kay Typo.
"Don Alejandro, patigilin niyo ho sa pagsugod ang mga tauhan niyo kila Ivan at Orion. Maawa po kayo sa mga bodyguards!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro