level seven
trigger warnings!
death, death talks, dead hearts.
"A-ayos ka lang ho ba Young Master?"
Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa naging tanong, ngunit pinili ko nalang na mapailing. Muli akong bumuntong hininga at tahimik na naupo sa sahig ng madilim na dining area, kasama siya.
Pagsibol nang bilog na buwan, mga asong uma-alulong at ang kanina pa bakanteng mga pasilyo sa mansyon. Lahat nang ito ay walang epekto sa amin ni Typo dahil heto parin kami't plano atang makipagtitigan nang magdamag sa kawalan.
Nababahala pa rin kasi ako dahil sa mga nangyayari. Sa lahat lahat. Hindi maalis sa isipan ko ang mga naganap noong nakaraang araw kung saan in-interveiw kami nang mga pulis pagka dating namin sa mansyon.
Isa sa mga nasabi ko no'n ay ang tungkol doon sa bagong body guard na kasabay nila Mang Kulas no'ng hapong iyon. Kung bakit bigla nalang 'yong nawala at kung ano ano pa, na naging dahilan upang siya ang maging primary suspect.
Hindi ako makapaniwalang ipinagwalang bahala ko ang pagsuot niya nang cap at itim na mask noon. Tanging mga mata lang ang nakikita sakanya. Mga matang pansamantala pang nagtama ang tingin sa 'kin nang ilang saglit bago ito tumalikod.
Although nakasuot siya nang itim na tux na parang miyembro ng Men in Black (normal na uniporme ng mga body guard ng Dazarencio), may naramdaman akong kakaiba noong mga sandaling 'yon ngunit dahil sa inis ay ipinag kibit balikat ko lang ito at bumaling na kila Nanay.
At oo nga pala, speaking of Nanay!
Unti-unting nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang may maalala, dahilan upang mapayakap ako sa sariling mga tuhod. Idagdag mo pa iyong kurtina ng siliding glass door na isinasayaw nang hangin.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang dahilan nang biglaang panlalamig nang buo kong sistema e. Iyon bang katotohanang kung sumabay si Nanay kay Doña Celeste noong sandaling 'yon ay siguradong pati siya ay nadamay, o ang isa pang reyalidad na kanina pa pala naka bukas ang sliding glass door at libre kaming atakihin mula sa labas ng parehong nilalang.
Nilalang na posibleng gumaya sa killing ideas ko.
"Will you cry when your parents die?"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang magsalita si Typo. Nakahawak sa sariling dibdin na napalingon ako sa direksyon niya, ngunit nakatitig lang ito sa katapat ng sliding glass door. Magulo ang kaniyang buhok, kasing tamlay nang mga mata niya ang kulay asul na pantulog at mukhang nalulunod ito sa sariling isipin.
"S-siyempre naman po. Sino ba namang hindi, 'di ba?" sagot nalang sa tanong niya, at para mabawasan manlang ang mga problema sa buhay ay mabilis ko nang isinara ang sliding glass door at dali daling bumalik sa pwesto kanina sa sahig.
Mahinang tawa lang ang itinugon niya dito. Isang walang buhay na tawa, na hindi alintana ang lahat ng mga posibilidad sa mundo.
"I wish I can cry for them too."
Bahagya akong natigilan at muling napatitig sa kabuohan niya. Yakap yakap na rin niya ngayon ang sariling tuhod habang ang mga mata ay naka pako na sa kulay perlas na sahig.
To think of it, hindi ko nga siya nakitang umiyak kahit isang beses simula nang malaman niya ang balita tungkol kay Doña Celeste. Ang akala ko noong una ay nagpapakatatag lang siya at kapag siya nalang mag isa ay bubuhos din naman ang mga luhang pinipigil pag may nakakaita. Kaso dahil sa sinabi niya ngayon ay medyo napaisip ako.
"Bakit?" tanging tanong na kumawala sa labi ko, na sinagot lang ng mga kuliglig sa labas. Napailing siya ngunit hindi naman nag angat nang tingin. May kung ano pa siyang ginuguhit sa sahig gamit ang hintuturo para siguro ma-distract.
Ang akala ko nga ay hindi na siya sasagot ngunit ilang minuto matapos nang mahabang katahimikan at bumuntong hininga siya. "I don't know. I don't feel anything..."
"It seems like she doesn't matter to me at all."
Napakurap kurap ako at nanatiling nakatitig sakanya.
"And it doesn't seems like she became a mother to me at all," dagdag niya pang saad kaya napalunok nalang talaga ako nang laway.
Sa isang iglap ay pansamantalang nawala sa isipan ko ang mga bagay kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ni hindi ko nga alam kung may dapat ba akong sabihin!
Naka upo ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siyang gumuho. At huli na nang mapagtanto kong mas inilapit ko ang sarili sakanya at marahan siyang niyakap.
Hindi siya nagsalita ngunit hindi rin naman niya ako pinagtulakan palayo. He was literally empty right between my arms.
"Am I the only one?" Ibinaon niya ang sariling mukha sa balikat ko.
"I want to cry, but not because I lost her, but because I couldn't find the emotions that I normally should have, like a normal son would have."
Hindi pa rin ako nagsalita at marahan nalang na hinaplos ang likuran niya.
"And I'm afraid that I would still have the same reaction with my father's death someday." Mapakla siyang natawa at napasabunot sa sariling buhok.
"And now I'm thinking about his death. Damn. I know I'm a horrible person but I really felt the worst right now. I hate it."
Sa pagkakataong iyon ay umalis siya sa pagkakayakap ko at seryoso akong tinitigan sa mga mata.
Wala pa rin iyong kahit na akong emosyon.
"Because when parents die, every sons and daughters are expected to weep because they love them, because they lost a part their family, right? "
Nanatili pa rin akong tahimik.
"So why can't I?"
His forehead creased. "Why can't I cry?"
•••
Kasing laming ng bangkay ni Doña Celeste ang panahon nang tuluyan siyang inilibing. Hagulgol at mga iyak ang tanging maririnig habang isa isa nilang hinulugan nang puting rosas ang hukay kung naasan ang kabaong niya.
"Lana, anak. Tignan mo nga naman ang swerte ng Aster na hampaslupang 'yan. Mag-i atsa nalang siyang asawa ni Don Alejandro ngayon."
"Phineas, bakit ba kasi tayo nagpunta dito? Wala namang may gusto kay Tita Celeste e."
Okay, mali ako. May iba pa palang maririnig.
Nasa likod lang ako nang kinauupuan nang hilera nila Lana at Phineas at kahit gusto ko man silang pag-uumpugin ay bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagse-serve nang meals sa mga naki-lamay.
Katabi ni Typo si Don Alejandro at ang iba pang mga Dazarencio doon sa harapan, at oo, kasama si Nanay. Habang heto naman ako't nagpatuloy nalang sa pagsiserbisyo, pasimpleng nagpapalinga linga sa paligid baka sakaling may mapansing kakaiba.
Mabigat pa rin sa kalooban ko ang lahat ng bagay na sinabi ni Typo noong gabing iyon at kahit nga hindi ko alam kung bakit ako umabot sa puntong dadamayan ko siya nang ganoon, pero kada nagtatama kasi ang mga mata namin ay para rin akong dinudurog.
Dahil magpasahanggang ngayon ay wala pa ring buhay ang mga mata niya.
Teka lang.
Agad naman akong natigil sa ginagawa nang may mapagtanto at muling lumingon sa direksyon ni Typo. Ngunit sa pagkakataong 'yon ay ang batang sarili niya ang bumalik sa alalaala ko habang naka tayo rin mismo sa sementeryong ito, at nakatitig sa kawalan.
"Young Master, ano pong ginagawa niyo dito?"
"I'm waiting for someone."
"Someone?"
"Someone who promised that we'll runaway."
"Runaway to where?"
"To a place where we can finally call home."
"Kung gano'n, bakit parang hindi ka excited, Young Master?"
"Because its been years since I waited but nobody came."
Sino bang inuto ko? Simula nang inabandona si Typo nang taong iyon ay naging ganoon na ang mga mata niya.
Bata pa lang kami ang gano'n na ang mga mata niya.
"Nateng, paki bigay 'tong mga sobrang meal doon kila Kuya Silas mo."
Agad akong nabalik sa reyalidad nang may i-abot sa 'king mga styro meal boxes si Aleng Luella. Mabilis naman akong tumango at tinanggap ang dalawang meal para doon sa mga body guard na nagbabantay sa gate ng sementeryo at iniwagli nalang pansamantala sa isipan ang lahat.
Kulay abo ang kalangitan habang nagsasayawan naman ang mga puno sa paligid nang tahakin ko ang daan patungo sakanila. Mabuti nalang at napatungan ko ng denim jacket ang suot na puting t-shirt kaya kahit papaano ay naiibsan ng kaunti ang ginaw ko.
Idagdag pa ang mahamog na kapaligiran. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isa akong horror movie kung saan may kung sinong nilalang ang sumusunod sa 'kin at handa akong patayin.
"Hayop ka talaga Satanas!" bulalas ko at tinakbo nalang din ang kahabaan nang daan patungo sa gate. Mabuti nalang talaga at medyo malapit lang ang lot na nakuha nila Doñ Alejandro kaya hindi na ako nahirapang makarating sa main gate.
"Kuya Silas, Kuya Tong! Pinabibigay ni Aleng Luella," bati ko doon sa mga body guard habang taas taas ang dalang sobrang meals. Subalit agad namang nawala ang ngiti ko sa labi nang makitang may kasama silang tatlong guwardya ng sementeryo.
"N-nako, salamat," ilang na saad ni Kuya Silas nang tanggapin ang mga meals at pahapyaw pang napatingin doon sa mga guard sa katapat na guard house.
Napabuntong hininga naman ako at kapwa sila nginitian. "Sandali lang po, babalik ako doon at baka mayroon pang sobrang—"
"Guard, open this damn gate!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may kumalampag doon sa main gate, at nadatnan ang iilang miyembro ng Ludociel Clan, isang Working Class Family na siyang pinanggalingan ni Doña Celeste.
Napasinghal ako at napatingin nalang talaga sa kalangitan. Bakit ba ang daming problema?
"Pasensya na ho talaga Ma'am, Sir. Hindi po puwede, ipinasara po ang Yawaka City Memorial Park para sa libing ni Doña Celeste at exclusive lang po sa mga Noble Families ang seremonya," agad namang sagot ni Kuya Tong at hinarap ito.
"Utos din po sa amin ni Don Alejandro na huwag na huwag magpapsok nang mga kamag anak ni Doña Celeste at sinusunod lang ho namin 'yon. Pasensya ma po talaga," dagdag niya pa.
"But we're Celestina's family! We're supposed to be at her burrial! Hindi niyo na nga kami pinapasok sa Chapel noong lamay, tapos hanggang ngayon ba naman hindi niyo parin kami papapasukin?" giit noong isang babaeng may brown na buhok at bangs.
Hindi ko na matandaan ang pangalan niya pero palagi niyang patagong pinapadalhan nang regalo si Typo noong bata pa siya sa eskwelahan namin. Sa tingin ko ay kapatid ito ni Doña Celeste, dahil na rin sa pagkakahawig ng kanilang mga mukha.
"Asaan si Typo? Kakausapin namin si Typo!" bulalas din noong isa pang lalake na may dimples at sinubukang sumilip sa pagitan nang mga grills. Sa tingin ko ay ka edad ko lang ito o mas matanda pa. Kaso ay kailanma'y hindi ko siya nakita sa Somber High.
Hmm. Baka taga Funereal High?
"Nasaan nga sabi si Typo? Kakausapin ko! Papapasukin niya kami dito!" muling giit noong lalake at kinalampag muli ang grills.
"Sir, kahit po mag welga kayo d'yan, hindi pa rin po namin kayo pagbubuksan. Saka kahit din naman po pumayag si Young Master Typo na papasukin kayo, hindi naman ho siya ang masusunod, si Don Alejandro po at wala po tayong laban lahat sa mga Noble Families."
"Dumalaw nalang po kayo pagkatapos libing. Malapit lapit na rin naman po. Pasensya na ulit."
Nagpatuloy pa sa pagpaliwanag sina Kuya Silas at Kuya Tong habang patuloy din naman sa pakikilagtalo ang pamilya ni Doña Celeste. Nasa sampung miyembro ang andito at sabi ni Kuya Silas ay madami pa daw ito kanina. May issue kasi sa pagitan nang mga pamilya nila at wala namana sana talaga akong pakealam doon.
Ngunit napaisip lang ako, iiyakan kaya ni Typo ang pagkawala nila? I mean, kay Doña Celeste nga na kasama niya sa isang bubong, nahihirapan siya. Paano naman kaya dito sa mga kamag-anak niyang ngayon ko nga lang ata nagpakita at— agad akong natigilan.
Ano ba 'tong pinag iisip ko? Hayop naman! Marahas akong napa iling at bahagyang naisampal ang dalawang palad sa mukha.
Tumalikod nalang ako, at balak na nga sanang magpakad paalis kung hindi lang nahagip ng paningin ko ang isang nilalang. Mabilis akong napasilip sa labas nang gate dahil doon at ayon na nga! May natatanaw akong lalakeng naka hoodie nang puti doon sa may likod nang isang puno, sa katapat nang kalsada.
May kasama itong isa pang lalakeng naka itim na leather jacket. Kunot noo ko itong siniluyapan upang ma-komperma pa sana lalo ang hinala ko, ngunit naka yuko lang ito at nag umpisa na silang maglakad palayo!
"Ice Bear!" bulalas ko at aktong bubuksan sana ang gate ngunit agad akong hinarang ni Kuya Silas!
"Hindi ka rin pwedeng lumabas, Nath. Makakapasok ang Ludociel Clan kapag binuksan ko ang gate!"
Oo nga pala!
Napabuga nalang talaga ako nang hangin at marahas na napalo ang bakal na gate, walang ibang magawa kundi hayaang tuluyang makalayo ang kung sino mang mga nilalang ang nakita. Nagtatalo ang isip ko sa mga posibilidad at sa mga bagay na gustong gawin. At dahil sa sobrang inis ay nauwi lang din sa mura ang lahat.
Anong ginagawa nang lalakeng iyan dito?!
•••
"Zoeni, are you sure walang namamagitan sa inyo ni Creepy Pastel girl?"
"Creepy pastel girl? You mean, my denim-jacket-wearing-simpleton classmate who always got herself into trouble for being stubborn but would still conitnue anyway as if fighing and never backing down is always and the only way to win a battle? Nope, we're not in relationship."
"So why does she keeps on following us then?"
"What?"
Aba, talaga naman!
Mabilis akong nagtago sa likod ng plant box at naki-blend in sa mga bougainvillea. Kulang na nga lang ay mabali ang likod ko sa kakayuko, ngunit hindi ko na lamang iyon ininda at tinakpan ang sariling bibig upang hindi maka gawa ng kahit na anong ingay.
"Wala naman ah?" ani Ivan.
Kapwa pa nila iniligid ang mga mata sa paligid ngunit maya maya ay nagkibit balikat lang si Ice Bear saka muling tumalikod.
"But I saw her a few—"
"Maybe you're just seing things again, Dennis?"
Nabitin sa ere ang daliri no'ng Dennis na naka turo sa direksyon ko dahil sa sinabi ni Ivan. Sa huli ay napa buntong hininga nalang din ito bago tuluyang sumunod kay Ice Bear patungo sa school library.
Naiwan naman akong napakurap kurap sa kinalalagyan at agad napakunot ang noo nang mapagtanto kung bakit nga ba ako nagtatago nang ganito e may itatanong lang naman ako sakanya!
Sa isang iglap, tumayo ako at taas noong tinahak ang daan pasunod sakanila. Ni hindi ko alam kung nagawa ko pa bang huminga noong mga sandaling tawagin ko ang pangalan niya na naging dahilan upang lingunin din naman niya ako.
"Sabi na e! Nakita ko talaga siya!" rinig ko pang pagdidiwang noong Dennis, ngunit nanatili lang ang mga titig ko kay Ice Bear.
"What do you want?"
As usual, blangko pa rin ang ekspresyon nang mga mata niya habang naka tingin sa 'kin, ngunit sa pagkataong ito ay mas pinili kong tahasan itong salubungin at ni isang beses ay hindi ginawang mag-iwas ng tingin.
Nang mailibing kasi kahapon si Doña Celeste at makita siya sa labas ng sememteryo, talagang hindi na ako napakali. Malas nga lang at hindi ko siya nasundan dahil sa trabaho ko at sa pagdamay ko kay Typo. Mabuti nalang at nagkaroon ako nang tiyansa ngayon na komprontahin siya sa mga bagay bagay.
Kaya bakit naman ako mahihiya at magtatango? Well, hindi naman sa interesado ako pero pakiramdam ko kasi may mali at—
"Aren't you going to say anything? Aalis na ako."
Mabilis akong nabalik sa reyalidad at agad napailing. Ngunit nang aktong tatalikuran na ako ng bakulaw na Ice Bear ay marahas ko itong hinila ulit paharap sa akin. Mabuti nalang at hindi naman siya nag matigas at nagpadala lang sa paghatak ko.
"What is it, now? Nathalie?"
"A-ano, nasaan ka kahapon?" tanong ko nalang at sa huli ay napa iwas din nang tingin.
"At bakit ka naman interesado sa bagay na 'yon?" may tono nang pang-aasar niyang tugon dahilan para mapasinghal ako.
"Excuse me, hindi ako interesado! Ano lang, kailangan ko lang malaman dahil..."
Napakunot ang noo ko.
Hayop naman, ano bang pwedeng gawing dahilan? Hindi niya pwedeng malaman na pinag iisipan ko siya nang kung ano ano dahil mabubulilyaso ang mga plano na kakagawa ko lang kagabi.
"Gusto mong malaman dahil?"
Napaigtad nang ulitin niya ang tanong ko at humakbang pa palapit upang usisain ako.
Mabilis naman akong napasinghal at pinagtulakan siya palayo. "Wala lang, gusto ko lang malaman, bakit ba?"
Lintik na 'yan, bakit wala akong maisip na alibi?
Bahagya naman siyang natawa dahil doon at maging iyong kasama niyang si Dennis ata ay napabungisngis nalang dahil sa kagagahan ko. Ngunit kahit na ganoon ay iniwagli ko nalang muna ito sa isipan. Wala akong oras para mahiya ngayon kaya bahala na!
"So asaan ka nga kahapon?"
"Nasa bahay ako nila Dennis," tanging sagot niya lang at itinuro pa ang kasama. Tumango rin naman ito at nakangiti pang sinabi na nag movie marathon daw sila nang mga kaibigan niya kahit hindi ko naman itinatanong, dahilan upang mapakunot ang noo ko at magpalipat lipat ng tingin sakanilang dalawa.
Hindi e, halos ka-height lang ni Ivan iyong naka leather jacket na kasama niya kahapon. At oo, si Ivan pa rin talaga ang hinala kong nakita nang sandaling iyon dahil sino pa bang ibang sira ulong mahilig sa puting hoodie na may mukha ni Ice Bear?
Tinaasan ko ito ng isang kilay. "Wala ka nang ibang pinuntahan? Like sementeryo or something?"
"At bakit naman ako pupunta sa sementeryo?" mapakla siyang natawa at napailing nalang talaga.
"Ewan ko rin, baka para makipagdate sa nilalang na naka itim na leather jacket?"
"What the hell are you even talking abou—"
"Girl, andito ka lang pala. Napanood mo na 'to?"
Bahagya akong napasinghap nang bigla akong akbayan ni Archie na lumitaw nalang mula sa kung saan, kasama niya si Hope na tahimik lang sa isang tabi habang halos isubsob na ni Archie sa mukha ko ang phone na hawak niya!
Sakto namang nagpalaam na sa amin si Ivan at pinaghihila na ang kasamang si Dennis palayo. At gustohin ko mang habulin pa siya ay hindi ko na rin nagawa nang tuluyang marinig nang pahapyaw ang mga sinasabi sa video.
"Noong nakaraang linggo lang ay kinomperma ng mga pulis na iyong baseball bat na may mga barb wire daw ang ginawang panghambalos sa mukha ni Doña Celeste. Nag match ang dugo niya doon sa armas, ngunit walang nakitang mga fingerprints ng salarin," pag-uumpisa nang reporter kaya ako na mismo ang humawak sa phone.
"Sa araw namang ito ay naglabas ang isang kalapit na store ng CCTV footage tungkol sa nangyaring trahedya. Makikitang bumangga ang sasakyan sa puno at mga ilang minuto lang pagkatapos noon ay may lumbas na lalake mula sa backseat. Duguan ito at siya ang may hawak sa baseball bat."
Napakuyom ang kamao ko sa nakita at kunot noong inusisa ang itsura nito. Hindi ko na rin napigilang makapagmura nang mamukhaan ito.
"Ito 'yong lalakeng na nagpanggap na body guard! Ito nga 'yong gagong lalake at hawak— Teka lang."
Napakunot ang noo ko nang makita sa video kung paano nito tinanggal
ang cap na suot. Nakatalikod ito sa direksyon ng camera ngunit tumambad parin ang mahaba at kulay pink niyang buhok.
H-hindi siya lalake.
Para akong natuod sa kinatatayuam at ang mga pagtawag nila Archie at Hope ay unti unting nasasapawan nang tibok nang puso. Hindi ko na maintindihan kung ano pang pinagsasabi nila o nang reporter doon sa video ngunit isa lang ang nakumperma ko.
Pinaslang nga si Doña Celeste... ng fictional character ko.
Baseball bat na pinalibutan barb wire, nangwawasak ng bungo, mahilig sa dugo at kulay pink na buhok... that's her. That's definitely Manslaughterer.
Like, okay, hindi naman literal na nabuhay 'yong karakter ko sa kwento, pero may gumagaya sakanya! Idagdag mo pa ang katotohanang tumugma talaga ang unang biktima ng kung sino mang impostorang iyon ang unang pangalan na nasa death list ko.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto at seryosong napaharap kila Archie.
"Nalintikan na talaga," ngitngit ko at pilit iniwawagli ang kilabot na gustong lumatay sa sistema ko.
"Bakit? Anong meron?"
"Nath, hindi kami nakakabasa ng isip, kanina ka pa!"
Sa isang iglap ay natagpuan ko ang sariling nagtatakbo sa pasilyo ng building namin at hindi nanaman sila pinansin. Gusto kong bilisan ang mga hakbang upang makarating sa lugar na iyon at kung pwede ko na nga lang liparin ang distansya ay ginawa ko na.
•••
Nang sawakas at makarating sa Merlin Bridge kung saan ko itinapon ang pink kong notebook, mabilis kong iniligid ang mata sa paligid upang hanapin iyon.
At oo, alam kong kagaguhan iyon dahil ilang araw na rin naman simula nang itapon ko ang notebook kung saan naroroon ang mga pangalan ng mga taong pwede kong patayin sa istorya ko, pero kasi hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Hindi ko ala—
"Magka-cutting ka ulit?"
"Ay anak ka ni Satanas!" bulalas ko at agad napalingon.
"How many times do I have to tell you, my daddy isn't Satan but Asmodeous," natatawang saad ni Rui na hindi ko nga rin alam kung saan at kailan iniluwa nang lupa.
"What? Stop glaring at me like that. Sinundan ka namin nila Archie dito kasi baka tuluyan ka na daw mawala sa katinuan. Kanina mo pa kasi daw kinakausap ang sarili—"
Napasinghal ako at hindi na ininda ang ingay ng mga sasakyan sa taas at ang malamig na hangin na kanina pa humahampas sa balat ko. Kapwa noon ipinagsasayaw ang mahaba naming buhok, ngunit hindi ko inialis ang talim ng tingin ko sakanya.
She's my primary suspect, after all.
"At kailan pa kayo naging close nila Archie, aber?"
Napakibit balikat lang ito. "Well, he's dating my sister so, we're kinda getting along."
Napakunot ang noo ko. "Archie's what? I mean, he's just in grade 8, and he's not into girls!"
"'Di mo sure," natatawa niya lang na saad na akala mo naman talaga nagbibiro ako. See? She's lying!
Baka nga sinundan niya talaga ako dito dahil stalker siya at tama naman talaga lahat ng hinala ko sakanya! Judging from her vibe, eversince we first met, she really felt strange.
She doesn't seem to be a normal high school student at all.
"Hey don't look at me like that. He was the one who said that he's bisexual too, so basically—"
"Nath! Andito ka lang palang babae ka!"
Napalingon ako agad dahil sa pamilyar na boses na iyon at nadatnan si Archie, kasama ang isa pang babae na hindi si Hope.
"Alam mo bang kanina ka pa namin pinaghahanap ni Hopya? Mabuti nalang talaga at natagpuan ka ni Rui!" bulalas niya at pabiro pa akong dumugin.
Sa isang iglap ay medyo nabawasan ng kaunti ang mga duda ko kay Rui, lalo na nang magpakilala nga iyong kasama niyang babae as jowa ni Archie. Na kesyo mas matanda daw siya ng isang baitang sa amin at nagkasalubong daw sila sa hallway kanina kaya sumama nalang din siya. Napakurap kurap pa ako noon siyempre, kasi naman, what the hell?!
"Tsk, nasaan na nga pala si Hope?" tanong ko nalang nang samahan nila akong magliwaliw sa paligid. Although, hindi ko sinabing hinahanap ko iyong scratch notebook ko as Manslaughterer, pero since gusto naman daw nilang tumulong ay nag alibi nalang ako na hinahanap ko iyong kuwintas kong may pendant na hugis puso at itim na ekis sa gitna (na hindi din naman talaga nag e-exist in the first place).
Wala lang, para may masabi lang na dahilan at maipagpatuloy ko ang ginagawa nang hindi nagmumukhang wirdo.
"Si Hope? Iyong friend niyo na mukhang innocent? Well, she's still looking for you in that direction, since naghiwa-hiwalay kami kanina para hanapin ka," seryosong sagot naman no'ng kapatid kuno ni Rui at nag suggest pa na tawagan nalang si Hope at ipaalam na nakita na ako.
Tumango nalang ako at maya maya pa'y sumabay na kay Rui sa paghahanap. Medyo naglalandian na kasi iyong dalawa sa likod at hindi ko parin alam kung bakit naging sila. Nadadagdagan lang ang mga isipin ko pagnagkataon kaya mgpo-pokus nalang ako sa ginagawa ko.
"Akala ko ayaw mong tumatabi sa 'kin? Eh ba't andito ka ngayon?" mapang-asar na tanong ni Rui dahilan para mapasinghal ako.
"Mas ayokong maging third wheel," mapakla kong saad na ginatungan niya lang mahinang tawa.
"Be my girl then, so we can call this a double date."
Gusto ko sana itong kutusan ngunit nagtatakbo na siya palayo, at sa isang iglap napansin ko ang mga paang unti unti ring humahabol patungo sakanya.
"Sira ulo ka! Mabuti pa iyong kapatid mo, may kwentang kausap!" suminghal ako, ngunit imbis na maasar ay napahagalpak lang ito sa katatawa. Halos maiyak na nga't lahat lahat ngunit hindi pa rin tumitigil.
Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to!
"Tumahimik ka na, baka isipin nila Archie nagkakasundo tayo. Tsk," giit ko nalang at mahina itong sinapak sa balikat.
•••
Ilang minuto pa at hindi ko pa rin mahanap ang notebook, napagdesisyunan nalang namin na tumambay sa tabing ilog at sulitin ang pagliban sa klase. Nagkakatuwaan silang tatlo habang heto naman ako sa isang sulok at napahawak nalang sa sentido.
Kasi sa totoo lang, hindi naman ako detective, at baka nga inanod namana talaga iyong notebook kong hindi din naman waterproof in the first place, kaya bakit ba ganito parin ang pakiramdam ko?
Pakiramdam ko wala din namang ibang mapagkukunan ng ideya patungkol kay Manslaughterer ang impostor na iyon kundi doon sa notebook kung nasaan ang drafts at death list ko.
Kasi hindi ko pa naman naipa-publish sa wattpad ang tungkol sa antagonista ng istorya ko, kaya bakit alam na ng poser ang mga detalye tungkol sakanya?
"Girl, ano nanaman tinutulala mo d'yan? Magkaibigan tayo 'di ba? Pwede ka namang mag open up sa 'kin, alam mo 'yon?" kaswal na sabi ni Archie sa 'kin nang maupo ito sa tabi ko.
Mabilis akong nabalik sa reyalidad dahil doon at napa iling. "W-wala 'to, hindi lang ako makapaniwalang may jowa kang babae," sabi ko nalang na ikina bungisngis niya.
"Well, Cat is like a dream, and she's so pretty too. I can't resist it."
"May point ka naman, saka ang ganda din ng pangalan niya. Is it short for Cathrine or Cathy?" tanong ko nalang ulit at pilit nalang na sumabay sa agos ng topic. Wala na din naman kasing patutunguhan kung magpapaka stress pa ako lalo.
"Nope, its short for Catastrophe," diretsang sagot ni Cat na nasa tabi na pala ni Archie at inabutan pa ako ng I.D.
Wait, what?
Bahagyang nakunot ang noo ko dahil doon at dahan dahang napatingin sa direksyon ni Rui na mukha paring tangang naghahanap sa bagay na hindi naman totoo.
Parang may kung anong pagkabig ang nangyari sa labi ko at sa isang iglap ay parang hindi na nito alam kung paano ngumiti. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang sinabi niya sa 'kin noong unang beses ko siyang nakausap.
"I am Ruination."
"A-ano ba namang klaseng mga pangalan iyan?" napasinghal nalang ako at tuluyan na ngang nahatak pabalik ang atensyon sa kasalukuyan. Akala ko talaga nagbibiro lang siya nong sandaling 'yon.
"What a name indeed. But I guess, some parents really hate their kids to the extent of naming them of the way they feel about their childeren." nagkibit balikat si Cat.
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya, dahil kabaliktaran ni Rui ay napaka seryoso palagi ng tono ni Cat. Hindi din ito ngumingiti at mali ako. Hindi din pala ito matinong kausap.
"M-malay mo naman, hindi naman gano'n ang tingin ng parents niyo."
Gusto ko sanang sabihin ngunit nanatiling magkadikit ang mga labi ko.
"Its just tragic how they decided to see and name us like a villain, only to be shocked when we literally became one."
"Uhm..."
"Nath, ito ba iyon?"
Kapwa kami napalingon sa direksyon ni Rui nang magsalita ito. Doon ay para akong binuhusan nang malamig na tubig lalo na nang makita ang kuwintas na hawak niya sa kaliwang kamay.
"P-aanong..."
"Nakita ko malapit sa batuhan! Ang galing ko 'di ba?" buong galak niyang saad at nakangiting nagtatakbo palapit sa 'kin.
Nagmistulang slow motion ang lahat habang ako nama'y natuod lang sa kinalalagyan. Muli akong hinampas ng malakas na hangin at alam kong sa mga oras na iyon ay dapat mas naging alerto na ako at mabilis na napatayo. Na bago pa man siya tuluyang lumapit sa 'kin ay agad ko siyang pinadapa sa damuhan, o di kaya ay ginawang hostage para hindi ako malapitan nila Cat at Archie.
Sa mga sandaling iyon kasi ay pakiramdam ko na corner ako at sila naman talaga ang nasa likod ng krimeng naganap kay Doña Celeste. Na baka ito na ang hinihintay nilang pagkakataon para mapatumba ako at ikinulong naman talaga nila si Hope sa kung saan kaya hindi nila ito kasama.
At oo, maging si Archie, na kaibigan ko ay pinagdududahan ko na. Ngunit kahit na gano'n wala pa rin naman akong nagawa sa kahit alin man doon at pinagmasdan lang ang nakangiting mga mata ni Rui habang iniabot sa akin ang kwintas na hindi naman dapat totoo.
Ang kwintas ng fictional character ko.
"Diba ito iyong hinahanap mo? Dali na, ako na magkakabit sa 'yo!" masigla niyang saad at marahan akong pinalatikod. Hinawi niya pagilid ang mahaba kong buhok at dahan dahan iyong isinuot sa leeg ko.
Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bahagya akong nakaramdam ng kilabot. Kung siya nga kasi ang ang salarin sa lahat ng ito, pwede niyang gamitin ang kwintas upang sakalin ako. Pwede niya rin naman akong sapakin sa ulo habang nakatalikod ako sa direksyon niya at tuluyan ngang itapon ang bangkay ko sa ilog.
Pero kahit may duda ako na baka gawin niya nga ang mga iyon, natagpuan ko parin ang sarili kong marahang napakapit sa braso niya.
"Please, don't be her. Huwag ikaw," bulong ko ngunit mukhang narinig din naman niya.
"Ha?"
"W-wala."
"Tama nga si Archie, madalas mo ngang kausapin ang sarili mo, lately," natatawa niya pang saad at pabiro akong inakbayan. Napa iling lang ako dahil doon at maingat na iniligid ang pansin sa paligid.
Baka naman may iba pang pwedeng maging salarin. Baka may iba pa akong pwedeng sisihin maliban sakanya.
"Hindi naman required na pangatawanan mo ang pangalang ibinigay sa 'yo ng parents mo 'di ba? Masama o mabuti man ang kahulugan no'n?" tanong ko nalang at sa isang iglap ay napako ang tingin sa iisang direksyon.
"You should ask Typo when it comes to name. He probably know how it feels. Haha!" parang sira na humalakhak ito, ngunit nanatili ang atensyon ko sa taong sinusubukang magtago mula sa itaas ng tulay.
Iyong nilalang na naka itim na leather jacket!
Bahagya nalang din akong nakitawa kay Rui at kahit wala namang kasiguraduhan na hindi nga siya ang salarin, medyo gumaan naman din kahit papaano ang pakiramdam ko. Dahil mayroon akong ibang magiging lead.
Ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis lang ding naglaho nang mapagtanto ko ang isa sa mga sinabi nito kanina.
"Ano kamo?" kunot noong tanong ko na ginatungan naman niya ng inosenteng tingin. "Hmm?"
"Si Typo!" bulalas ko rin naman na kapwa nila ikinalingon sa direksyon ko.
"Bakit anong meron sa pangalan ni Typo?" takang tanong ni Archie ngunit mabilis kong ibinalik ang pansin sa taas ng tulay. At partida, nawala na iyong lalakeng nakatayo kanina!
Bakit ko nga ba muntik makalitanaan ang bagay na iyon? Kung talagang ginagaya nga kasi ng killer ang fictional character ko at nagbe-base siya sa draft notebook ko, malamang hindi ako gagalawin ng salarin at ang isusunod niya kay Doña Celeste kung sakasakali ay si Typo!
Dahil pangalan ni Typo ang nasa ikalawang numero sa death list ko!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro