level one
——
Trigger warnings!
This contains profanities, abusive behavior and sadistic thoughts. However, every part of this story is essential for its plot, so please be guided.
——
"What if love was a deception all along? What if we're just craving for something fictional?"
Bahagya akong natigil sa pagsusulat at napako ang tingin sa mga katagang nasa notebook. Oo nga ano, as in sa tagalog, paano kung kagaguhan lang naman talaga ang pagmamahal? Though, hindi ako ang pinakamagaling na translator sa mundo, pero parang ganoon na rin naman.
Simula kasi nang ipinanganak ako sa Yawaka City, ang bayan ng mga huwad na santo. Puro ganoon naman halos ang nakikita ko. Paglabas na paglabas mo sa sinapupunan ay sasampalin ka na ng mundo kung magiging sino ka; kung anong magiging pangalan mo, kung anong dapat mong paniwalaan at kung ano ang dapat mong maramdaman sa mga taong nakapaligid sa 'yo.
Para bang... nakasulat na sa mga libro ang lahat. May mga pangalan at terminolohiya na para sa mga bagay, bago mo pa man ito totoong maramdaman at maranasan. Para bang, sinasalampak na ng mundo sa mura mong isip kung ano ang dapat i-expect sa paligid.
So what if we're just being blinded by literature and norms of what we should feel towards certain persons in specific circumstances? What if love doesn't really exist at all? What if we're just longing for something fictional?
"Can you tone down your music? Naka earphone ka na pero rinig ko pa rin 'yang mga rock songs na pinapatugtog mo."
"Zoeni, Nu-metal 'to, hindi rock."
Sinubukan kong hindi pansinin ang mga boses sa kabilang dako, ngunit nagtagumpay pa rin ito na ibalik ako sa reyalidad. Doon ko natagpuan ang sariling halos humandusay na sa sahig, suot pa rin ang kulay pink na denim jacket sa kabila ng init ng panahon. Pinalilibutan ako ng mga libro tungkol sa pag-ibig at lahat ng nga drafts ko para sa assignment na ito. Akala mo talaga walang tinakasang responsibilidad, eh.
Napabuntong hininga ako't sinubukang mag concentrate ulit, ngunit ilang saglit palang ang nakakalipas ay mukhang sinusubukan ata talaga ni Satanas ang pasensya ko.
"Whatever, just lower it down. Your gruesome music taste is giving me a headache."
"Hoy bago ka manlait ng music taste, siguraduhin mong tama nag genre na sinasabi mo!"
Takte, saan ba kasi sa parte ng "Silence please." Ang hindi nila maintindihan sa library? Naka paskil na nga sa may pintuan at sa kung saan saang sulok pero nag-iingay pa rin.
Napa irap nalang ako at padabog na bumaling sa sariling notebook. Agad kong pinunit ang pahina kung saan nakasulat ang draft ng poem. Naisip ko kasi, bakit nga ba ako nag-effort at nagse-seryoso sa assignment na 'to?
Writer ako, hindi poet. Dapat nga nagpo-pocus na ako sa on going patayan story ko pero heto ako, parang tangang nagpapakahirap na gumawa ng tula kahit hindi naman ako nakaka relate sa tema nito.
"Just shut up, okay? and please, stop calling me Zoeni."
"Okay, Zoeni."
Tuluyan ko nang naikuyom ang kamao at dahan dahang nilingon ang mga gunggong na nag-iingay sa kabila. Mula sa maliit na siwang sa mga libro ay kahit papano'y naaninag ko naman ang mga batok nila.
Ang galing, ngayon pa talaga nila naisipang tumalikod mula sa direksyon ko.
"Hala, teka lang..."
Mabilis na nagbago ang mood ko nang mapagtanto ang isang bagay. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa nakabukas na pahina ng pink kong notebook, pati na rin sa direksyon ng mga mamaw na 'yon. Bahagya akong napa-iling ng may maisipang kalokohan, at agad nang nagsulat ng panibagong entry.
Listahan ng mga pangalan na pwede kong patayin sa istroya ko. (page 15)
135. Duke
136. Felix
137. Jema
138. Trisha
139. Ronie
140. Louise
141. Joan
142. Amy
143. Zoeni.
Isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa mukha ko. "Humanda ka, kapag natapos ko lahat ng nasa listahan, isusunod na kita."
•••
Matapos mabigong makabalik sa ginagawa, napagdesisyunan ko nalang na mag impake at lumayas na sa library. Sumpain talaga 'yong mga taong 'yon, saan kaya sa tingin nila ako makakapagpatuloy sa pagsusulat ng assignment eh, maliban sa library, nagmimistula naman nang impyerno sa 'kin ang buong mundo.
At sa kasamaang palad ay kamuntik ko pang makasalubong ang isa sa mga demonyo sa buhay ko. Si Typo Dazarencio.
"Magka-cutting tayo, Typo?"
"Oo. Hahanapin natin si Nathalie, may atraso pa 'yon sa 'kin."
Ang lahat ng katapangan at kapilyahan kanina sa library ay mapalitan ng pangamba dahil sa narinig. Kumaripas pa ako ng takbo patago sa likod ng pinto ng CR at pinagmamasdan ang bawat hakbang nila paalis. Pakiramdam ko nga ay nag-aasar pa si Satanas at mukhang nag bumagal ang lahat!
Bakit kasi hindi nalang sila matisod at mamatay?
"Excuse me, but this is Male's Comfort Room."
Kunot noong napalingon ako sa nagsalita, hindi pa nga nakakaangal ay pasimple niya lang na pinihit ang door knob kahit pa naka kapit doon ang kamay ko. Ni hindi manlang nag slowmo, ni hindi manlang gumalang sa istorya ng buhay ko!
"Teka lang, wag!" impit kong saad nang aktong mabubuksan niya niya ito ng tuluyan. Mabilis akong humarap sakanya at hinarang ang sarili sa pinto.
Doon ko natanto kung anong klaseng kamalasan ang mayroon ako ngayon, dahil ang kaklase ko palang si Ivan itong kaharap ko at wala siyang puso! Kita mo, pinanliitan pa ako nito ng mata na animo'y sinasayang ko ang bawat segundo ng buhay niya!
"What the hell? Just get out already."
"Ayoko! sandali lang kasi-"
"Ivan, ikaw ba 'yan? May kasama ka ba sa loob?"
Malutong akong napamura sa isipan at halos kwelyuhan na itong si Ivan para lang hindi ako ilaglag. Ngayon ko nga lang napansing ang lapit lang pala ng mukha namin sa isa't isa, ngunit hindi ko magawang ma-bwisit dahil kahit magka halo halo man ang mga emosyon na mayroon ako, mas lamang pa rin ang banas ko sa presensya ni Typo. Ang nilalang na nasa labas ngayon.
"Ivan? Yuhoo?"
Pinanlakihan ko ng mga mata si Ivan at mas hinigpitan ang hawak dito.
"Sabihin mo mag isa ka lang dito o makakatikim ka sa 'kin," matalim kong bulong, dahilan para taasan niya ako ng isang kilay.
Aba talaga naman!
"Are you threatening me?" Mapakla itong natawa at pinantayan ang mga titig ko.
Sa pagkakataong iyon ay napasinghal nalang talaga ako, nasa proseso pa nga lang ako ng paghahanap ng maisasagot, ngunit muli niya akong naunahan.
"And by the way, asking for favor like that won't work. Why don't you beg?"
Bahagya akong natawa at napailing iling. "I think you misunderstood the situation. I'm not asking for favor. I'm commanding you," seryoso kong saad at tinutukan ito ng swiss knife sa tagilian.
"Now, move."
"Ano na Ivan, baka gusto mo akong sagutin? May tinatago ka talagang kasama d'yan ano?" dagdag pa ni Typo sa tensyon. Kaya sa huli ay malalim nalang na napa buga ng hangin.
"Wala, ako lang mag isa dito." Sawakas ay malamig niyang sagot kay Typo, ngunit seryoso paring nakatitig sa 'kin.
"Weh? eh may narinig akong boses ng babae kanina!"
"Wala nga."
"Sinungaling ka Ivan, buksan mo nalang 'tong pinto at patunayan mo. Sabing may narinig talaga akong boses kanina e! Gumagawa kayo ng milagro ano?"
Hindi ko na-naabsorb ang iba pang sinabi ni Typo at na-alarma lang talaga dahil gusto niyang ipabukas ang pinto. Kung pwede ko lang siyang paliratin palabas ng planetang earth ay matagal ko nang ginawa. Ang daming arte!
Muli kong tinaliman ng tingin si Ivan para pagtakpan ako, ngunit ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata nang walang pag aalinlangan niyang hinawakan ang isang kamay ko saka humakbang palapit.
At dahil nga nakatutok ang swiss knife sa kanyang tagiliran ay talagang bumaon iyon sa katawan niya! Lalo pa't pinigilan niya ang kamay ko para ilayo sana ito sakanya!
Aaaaaaaaaah! Magiging mamamatay tao ako!
"Okay, fine. Oo, Typo. May kasama ako dito sa CR at may ginagawa kaming milagro."
Gago ba siya?
"So can you please go away? Dinidistorbo mo kami."
Humalakhak lang si Typo noon mula sa kabilang bahagi. May mga pinagsasabi pa siyang kabulastugan ngunit mabuti naman at umalis na siya kasama ang mga alagad niyang kampon ng kadiliman!
Naiwan naman akong natuod parin sa kinalalagyan at nagpapalipat lipat ng tingin sa kanya at sa duguan kong kamay. Partida, hawak hawak ko pa rin 'yong kutsilyo!
"Calm down, just get me to the nearest clinic or hospital. And please don't go pointing knifes to people if you don't have the balls to shove that into their skins. Weapons aren't for show."
Kailangan niya ba talagang saksakin ang sarili niya para lang patunayan sa 'kin ang bagay na 'yan? Gaano ba kataas ang pride ng isang 'to? Sinamaan ko ito ng tingin, ngunit ilang saglit pa ay tuluyan na itong napasandal sa 'kin at baka nga mahimatay na maya maya, pero heto ako at nagtatalo pa rin lahat ng natitira kong brain cells.
Sa huli ay napagdesisyunan kong ilagay ang "Out of Order" na karatola sa labas ng CR at nag umpisa na siyang gamutin. Pasalamat siya lagi kong dala ang mga gamit ko.
"Oh, you're going to treat me yourself? So marunong kang manggamot?"
"Marunong din akong manakal, kaya pwede ba huwag ka na munang magsalita, naaalibadbaran ako sa 'yo."
Pansamantala siyang napatikom dahil doon at itinuon nalang ang pansin sa naka bukas kong shoulder bag sa sahig.
"Ang dami mong stocks ng benda ah? Para saan 'yan?"
Hayop, wala talaga siyang balak na manahimik.
Imbis na magpa apekto ay hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Ngunit ang gago ay pinasadahan lang ako ng tingin at tumango tango sa sarili. Animo'y nasagot rin niya ang sariling tanong.
"I see."
Napakunot ang noo ko at sinipat sipat rin ang sarili. Doon ko lang napansin na sumisilip na pala sa denim jacket na suot ang mga benda ko sa kamay. At dahil sa pwesto namin ngayon ay baka nakita na rin niya ang mga benda sa ibang parte pa ng katawan ko.
Agad kong inayos ang long sleeve na suot, pati na rin ang knee socks, at mas binilisan ang paggagamot sa sugat niya.
"Si Typo ba ang may gawa niyan sa 'yo?"
"None of your business."
"Okay. But isn't he your boyfriend?"
Hindi ako pumayag.
•••
Nang masiguradong hindi mamatay si Ivan dahil sa kagaguhan niya at pagkatapos na rin ng buong klase, nagmadali na akong nagtungo sa Servant's Quarter. Maingat kong hinubad ng jacket na laging suot ang sinubukang hindi matarog ang mga pasa at presko ko pang mga sugat.
Ginamot at binendahan ko naman, kaso ang hapdi pa rin kapag nababangga kaya pinaiibabawan ko ng denim jacket. Nasagi nga ito ni Ivan kanina pero tiniis ko nalang.
Napailing nalang ako dahil sa alaalang iyon at tuluyan nang lumabas ng silid. Agad akong nagtungo sa sala ng mga Dazarencio at nag umpisa ng maglinis gamit ang vacuum. Kasabay nito ang pagma-mashup ng ongoing story ko sa tulang ipe-presenta ko bukas dahil kailangan ko nang mag double time.
Ano bang pwedeng mag rhyme sa kill kasi?
Bahagya nalang talaga akong natawa dahil sa kinahinatnan ng assignment ko. Ni hindi ko nga namalayang nalinis ko na pala ng tuluyan ang sala ng mga Dazarencio at ang tanging basura na lang na naiwan sa bahay ay ang pamilya niya.
Nang matapos sa ginagawa ay babalik na sana ako sa Quarter ngunit marahas akong hinila ni Typo sa may pupulsuhan. Partida, ni hindi ko nga namalayan na naka uli na pala siya!
"Saan ka sa tingin mo pupunta, ha? May atraso ka pa sa 'kin."
Bahagya akong napa daing nang mas hinigpitan niya pa ang pagkakakapit sa 'kin. Alam niyang may presko akong sugat sa parteng 'yon ng benda at sinasadya niyang paduguin ito! Impit akong napamura dahil doon at sinubukang magpumiglas ngunit nahawakan niya lang pati ang kabila kong kamay.
"You're such a bad girl, Nathalie. Bakit ba lumalaban ka na? Ginagalit mo ba talaga ako?"
Pinanlisikan ko ito ng mga mata, ngunit nang mamataan si Nanay at Doña Celeste ay napalunok nalang talaga ako ng laway at napayuko.
"Hi Tita, hiramin ko po muna si Nathalie ha, may ipapagawa lang ako sakanya sa kwarto ko," masigla pang saad ni Typo at kinawayan si Nanay na katulad ni Doña Celeste ay nakasuot din ng mamahaling damit at apilyedo.
Panandalian pang nagtama ang mga mata namin ni Nanay ngunit agad itong nag-iwas ng tingin. Hindi na rin ito naka imik pa dahil mabilis na akong hinila ni Typo paakyat sa hagdan.
"Akala mo ba makakatakas ka sa 'kin?" seryosong saad ni Typo nang makarating sa kwarto niya, at itulak ako papunta sa kama. Doon ko nadatnan ang koleksyon niya ng mga kutsilyo at latigo pati na ang katotohanang magiging laruan nanaman ako ng adik sa dugo na lalakeng 'to.
"W-wala naman po akong planong tumakas, Y-young Master," labas sa ilong kong saad ngunit hindi ko na pinahalata.
"Kung ganoon, bakit hindi kita nakita sa school kanina? Sinabi ko na diba, sa akin ka lang sasabay?"
Dahil sa magulo niyang buhok at sa maluwang na necktie na naka sampa lang sa uniporme niya, aakalain mong isa lang siyang inosenteng teenager na may cute na mga mata at ngiti.
Pero hindi 'e. Hayop si Typo at sana talaga mamatay na siya.
"Answer the freaking question. Tinakasan mo ako 'di ba? Para ano? Para ipamukha na mas may pakialam ka sa hampaslupang babae na 'yon kaysa sa 'kin?" Halos panlisikan na niya ako ng mga mata.
Ang tinutukoy niya ang ang mga kaganapan bago ko siya tinakasan at magtungo sa library.
"Iniwan mo ako at mas pinili mong suwayin ang utos ko!" Itutok niya sa 'kin ang dagger knife na nahablot niya sa kama.
At sa totoo lang? Kaya kong agawin sakanya ang kutsilyo, kaya kong baliktarin ang sitwasyon at pumaibabaw sakanya. Kaya kong maging kasing gago niya, itarak ang kutsilyo sa mismong lalamunan niya at hilahin palabas ang mga ugat niya sa leeg.
Kaso kada nakikita ko ang repleksyon ko sa mga mata niya, bigla kong naalala na hindi nga pala pwede. Hindi pwede kasi isa ang pamilya nila sa mga Noble Families, at isa naman akong dukha.
Anong laban ko sa pamilyang may hawak ng batas dito sa Yawaka City?
"P-pasensya na Young Master. Napag utusan kasi ako ni Ma'am Castro na magpunta sa Faculty Room nila kaya hindi ako naka sabay sa 'yo. Marami din po kasi akong tinapos na assignment," pagdadahilan ko nalang at nag-iwas na ng tingin. Doon ay sawakas at natanaw ko rin ang isang importanteng bagay na naka patong sa bedside table niya.
Mabuti naman.
"Hindi ho totoong tinakasan ko kayo. Ni hindi nga ito tungkol sa babae na nasa Royal Cafeteria kanina. W-wala naman ho akong pakialam sa mga kauri ko. Ikaw lang naman ho ang mahalaga sa 'kin, Young Master," dagdag ko pang saad. Bahagya pa akong nagitla nang marahan niyang haplusin ang ulo ko na parang isang aso pagkatapos.
"Sa susunod kasi, magsabi ka lang. I have my slaves at school. Sakanila mo ipagawa ang mga 'yon para maka sabay ka na sa 'kin palagi."
Talagang naniwala siya do'n?
Sa isipan ko ay matagal ko nang tinabing ang kamay niya palayo sa 'kin, ngunit sa kasalukuyan ay pinagpapasensyahan ko na lang. Atleast naman hindi siya masyadong galit ngayon at maisasagawa ko ang plano ng payapa.
"But you still break some of my rules, Nathalie. And bad girls deserve bloody punishments."
Tumango ako at hindi na sumagot pa. Alam ko na rin naman kasi kung saan patungo 'to. Kapag kasi pinili mo ang sarili mo kahit isang beses lang, mayroon at mayroon pa rin 'yong magiging putang inang konsekuensinya.
Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siyang dagdahan nanaman ang mga sugat ko sa katawan gamit ang paborito niyang latigo.
At kung nagtataka kayo kung bakit humantong sa ganito ang buhay ko. Simple lang, dahil sa kagipitan.
May kasunduan nga sa pagitan namin ng mga Dazarencio e. Na mamamasukan kami ni Nanay bilang servant kapalit ng pagpapagamot nila sa baldado kong tatay. Ngunit hindi tumupad sa usapan si Don Alejandro, dahilan upang makulong kami sa mansyong 'to at maabuso.
Kahit nga gusto kong mag-massacre ng isang buong angkan, ni hindi ko magawang masapak si Typo dahil baka kung anong gawin nila kay Tatay.
And please, wala rin namang kwenta ang paghingi ng tulong dahil wala namang makikinig sa 'kin. Babaliktarin lang ng pamilya nila ang sitwasyon at pagod na pagod na akong umasa sa mga pulis o sa kahit na sino para sa ikasasalba namin.
Kasi hindi naman sila dadating. Wala namang dadating para tumulong.
Hindi naman totoo lahat ng nasa libro na pinaniwalaan ko noong bata pa ako. Kasi kapag nagkanda letse letse na ang lahat, wala namang tutulong sa 'yo kundi ang sarili mo.
Napasinghal ako at marahas na nagpunas nang luha nang maka labas sa silid ni Typo. Hawak ko sa kamay ang isang bagay na tanging ipinagpapasalamat ko sa lahat ng sugat na natamo. Isang bagay na tagumpay kong nanakaw sa kwarto niya. Isang imbitasyon patungo sa mas malalang impyerno.
Konting tiis nalang talaga at maiaalis ko rin ang pamilya ko sa pagkakatali sa mga Noble Families. Makakalaya ako sa kadenang 'to, kahit pa ang katumbas noon ay pagbaon ng puso ko sa lupa.
Lintik lang talaga ang walang ganti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro