Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

level four

Simula bata pa ako ay hindi ko na alam kung anong pagkakaiba naming mahihirap na nasa Meager Class, doon sa mga kriminal at masasamang loob na tinatawag na Misfit. Pareho lang naman kasing pang gagago ang natatanggap namin mula sa mga Noble Family.

Pareho kaming tinanggalan ng maraming karapatan. Pareho kaming nalulublob sa putikan at hindi maka-ahon ahon. Sa Bloodshed Tournament nga na sasalihan, ganoon din. Para kaming mga manok na isasabong at ang mga Aristokrata ang may ari sa amin. Ang parokyano ay mga taga kabilang bayan na kapwa rin mayayaman at may kapangyarihan.

Nakakagago lang diba. Kasi oo, mahirap kami, pero hindi naman kami lumalabag sa batas, katulad ng karamihan sa nababansagang Misfit. Mahirap kami, pero hindi kami masamang tao. 'Yon nga ang laging isinasaksak sa ku-kote ni Tatay sa 'kin.

Sabi nga ni Nanay ay ganoon din ang paniniwala ni Kuya Rio noon. Na karangyaan lang sa buhay ang wala kami, pero hindi ang puso. Na kahit anong mangyari ay huwag kong kakalitaang piliin kung ano ang tama. Gusto ko na nga lang matawa, dahil nang lumaki ako ay unti-unti kong napagtanto ang isang bagay. Kung bakit pareho lang ang trato ng mga Noble Families sa 'ming nasa Meager Class at sa mga Misfits.

Kasi sa pagiging masama rin naman ang bagsak ng iilan sa 'ming mahihirap. Hindi ko nila-lahat pero mayroong mga taong mas gugustuhin nalang na kumapit sa patalim, at handang manggamit ng ibang tao para makaraos sa buhay.

Katulad ko.

"Matagal ka pa ba d'yan? Mag-uumpisa na tayo sa training."

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni Ice Bear. Agad na akong nag hilamos at buong ngiting sinalubong ito sa labas ng CR, hinahanda ang sarili sa panibagong set ng pagsasanay.

Ngunit hindi katulad noon na sa labas lang ako, ngayon ay pinapasok na niya ako sa loob ng lumang City Library. Doon ko lang din nalamang siya talaga ang Library Assistant sa lugar na 'to, kahit pa wala naman talagang nagpupunta dito in the first place.

Saka ang hayop lang, kaya ko nga pinili ang likod na bahagi nito bilang kuta, kasi akala ko talaga inabandona na ito. Pero mukhang pursigido siya at ang iba pang staff na buhayin ulit ang lugar na 'to. At oo, may mga kasamahan siya sa loob, at matagal na nila akong pinagmamasdan mula doon sa labas! Aaasrggrr!

•••

Matapos ang klase nang sumunod na araw, nagmadali na akong nagtungo sa lumang City Library para sa pagsasanay. Binati ko ang librarian na si Kuya Zeth (kapatid ni Ivan) pagkapasok. At habang nag-aantay sa pagdating ni Ice Bear ay inaliw ko nalang muna ang sarili sa pakikipag-usap dito at maya maya pa'y nagliwaliw na nang tuluyan sa mga nagtataasang bookshelves.

Ganito naman kasi talaga palagi. Mauuna akong dumating at eksaktong makakahanap na ako ng librong pwedeng mabasa ay iniluluwa na agad pinto si Ivan, suot ang puti niyang Ice Bear na hoodie. Sa huli ay ibabalik ko nalang din ang libro sa kinalalagyan noon at nagtatakbo na palapit kay Ivan.

Nagmumukha man kaming may lihim na relasyon dahil sa mga kakaunting senaryong ito, hinayaan ko nalang. Patay kasi talaga ako kay Typo kapag nahuli niya ako. Isa pa, ang mahalaga naman ay magkakaroon ako ng mas konkretong hakbang tungo sa mga plano ko sa buhay.

Napabuga nalang ako ng hangin at sumabay sa paglalakad niya. Aktong magsasalita na nga sana ako pantanggal lang ng katahimikan sa pagitan namin, ngunit naudlot lang din ito nang may marinig na isang boses mula sa likuran.

"Omg ka kuya Zoen! So totoo pala talaga ang sinabi ni Zero?" Halos magitla ako nang sugurin si Ice Bear ng isang babae.

Sa isang iglap ay lumapit ako para sana umawat ngunit agad ding natigilan at napatitig sa mala anghel niyang mukha. Bumagay sa maputi niyang kutis ang mahaba at kulay grey nitong buhok. Para siyang naglalakad na ulap. Ang cute.

"You left Daz, just to spend time with other girl!" mangiyak-ngiyak nitong sambit at napasinghot pa ng sip-on.

Sa pagkakataong 'yon ay medyo nabalik na ako sa katinuan. Lalo na nang mapansing hindi sinasagot, o dinedepensahan manlang ni Ivan ang sarili. Nakatayo lang siya sa isang tabi, habang tuluyan nang umiyak ang babae sa harapan niya at patuloy siyang sinumbatan. Para pa ngang sumasabay sa kanya ang panahon dahil sa biglang pagbuhos ng ulan.

Gayunpaman, bakas sa mga mata ni Ice Bear ang kirot. Para bang sinasaksak siya ng bawat salita na lumalabas sa bibig no'ng babae. Katulad ng mga matang taglay niya habang nag-re-recite ng tula na ginawa sa English Class namin noon.

Seriously, who the hell is Daz, at ganito ang epekto sa kanya nito?

Napabuntong hininga ako at nang mapagtantong kailangan ko nga pala silang bigyan ng privacy, patingkayad din naman akong naglakad patungo sa Secret Room para hayaan na sila sa corridor.

"Kaya ikaw, Ate!" akmang mapipihit ko na ang door knob, ngunit agad ding natigilan.

Muli akong napa lingon sa direksyon nila. "Ako?" ani ko at itinuro pa ang sarili.

"Yes, you! Please don't be at ease because he's still with you," naka nguso niyang saad at itinuro pa si Ice Bear. "Iiwan ka rin niya. He's very good at it! Hmp!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay mabilis niya na kaming tinalikuran at nag tatakbo na palayo.

Napakurap kurap naman ako sa kinatatayuan. Ilang saglit pa'y nagtagpo ang mga tingin namin ni Ice Bear, ngunit agad na niya akong nilagpasan.

"Umuwi ka nalang pala muna ngayon. Wala tayong training."

•••

"Ayos ka lang, anak?"

Nabalik ako sa reyalidad. Agad akong napalingon kay Nanay saka ito nginitian, pasimpleng itinago sa likuran ang papel na kasama ko palang nalukot kanina ng ikuyom ko ang kamao.

"Opo naman, hehe," malambing kong saad. Napabuntong hininga pa ako't sinipat nalang ang kabuuhan niya, ngunit ganoon na lang ang panliliit ng mga mata ng may mapansin.

"Teka nga, pinag-iinitan pa rin ho ba kayo ni Kuya Bogart?" Agad lang itong napa iwas ng tingin at hinawakan ang ilang hibla ng buhok.

Ang galing, gusto ko lang sanang alisin ang isipan sa nangyari kanina kila Ice Bear, pero hindi ko naman akalaing eepekto 'yon ng todo todo! Ang akala ko nga ay hindi na iimik si Nanay, ngunit mali ako, lalo nang sabihin niyang, "Ayos lang naman anak, kailangan daw nila ng extrang tulong e. Hayaan nalang natin."

Sinubukan kong hindi mapasinghal, dahilan upang kagatin ko nalang ang ibang labi at muling itinuon ang pansin sa notebook kung saan ako ng gumagawa ng storyline. "Pero may mga bagay naman ho kasing dapat hindi natin hinahayaang gawin sa 'tin," malumanay kong sagot maya maya. Pilit na ialis ang atensyon sa halos basa niyang uniporme.

Paniguradong pina-solo na naman ni Kuya Bogart sakanya ang mga labada, lalo't hindi siya mabibigyang pansin ni Don Alejandro ngayon dahil nag out of town ito.

"Pero kailangan kong sumunod. Hindi naman ako masyadong nahirapan. Ayos lang din naman kaya hayaan mo nalang sila."

Napasapo ako sa noo.

Talagang sinabi niya 'yan habang basang basa siya at nagkanda gulo gulo ang buhok? Baka nga pinagkaisahan siya pati nila Aleng Marites. Lalo't mainit ang mga mata nila kay Nanay!

"Nay, asawa ka na ni Don Alejandro. Kahit naman nakakadiring pakinggan 'yon, walang karapatan si Kuya Bogart o kahit sinong servant na tratuhin ka pa ng ganyan." Sinubukan kong huminga ng malalim at saka ito nginitian.

"Hindi katulad ko na opisyal pa rin na servant, isa ka nang Dazarencio, Nay. Magka apilyedo na kayo ni Don Alejandro. May kapangyarihan ka na at hindi ka na isang servant ngayon," pagpapaalala ko sakanya kahit gaano pa ito kasuklam suklam.

"Ni hindi mo na nga kailangang isuot pa ang unipormeng 'yan."

Napayuko lang si Nanay dahil doon kaya agad na rin akong humingi ng tawad. Gusto ko lang namang huwag niyang hayaan na apihin siya ng kung sino. Mahirap ba 'yon? "Pasensya ka na rin anak. Pero huwag nalang tayong magreklamo. Pasasaan pa't lilipas din naman 'to."

Napabuntong hininga nalang ako dahil doon at pilit na ngumiti. ano pa nga bang aasahan ko mula kay Nanay? Palagi na naman siyang ganito.

Palagi naman siyang nagbubulagan at nagbibingi bingihan sa paligid.

•••

Nang matapos sa ginagawa ay napagdesisyunang ko nang matulog. Ngunit ilang minuto na akong nakatitig sa kulay ginto naming kisame ay gising pa rin naman ang diwa ko. Napangiwi ako't sinubukang tumagilid.

Kaya rin kami napag-iinitan ng ibang mga servants e. Dahil sa special treatment na mayroon kami. Biruin mo may sarili kaming kwarto dito sa Servant's Quarter at magkahiwalay pa ng kama ni Nanay, hindi katulad ng normal at ibang mga servants na halos magsiksikan doon sa apat na natitirang kwarto dito sa Quarter.

Pero kahit ganoon, wala pa rin naman silang karapatan na tratuhin ng gano'n si Nanay, o maski ako. Pareho pareho lang naman kaming nagsusumikap para mabuhay, bakit kailangan nilang hilahin din pababa 'yong mga taong sinusubukan lang naman na hindi tuluyang malugmok sa lupa?

Idagdag mo pa 'yong Ice Bear na 'yon? Bakit naman hindi niya ipinagtanggol ang sarili niya laban sa mga salita ng babaeng 'yon? Although hindi ko alam kung ano talagang totoong nangyari sa pagitan nila, pero bakit naman hinayaan niya lang na sabihan siya nang gano'n?

Teka, ano nga bang pakialam ko sakanya at sa mga problema niya sa buhay?

Napabuga ako ng hangin at muli nalang na napatitig sa kisame. Sa mga normal na pagkakataon ay nakatutulog naman ako ng maaga. Ngunit bakit hindi ko 'yon magawa ngayon?

Ni hindi ko na nga alam kung bakit bigla ko na lang natagpuan ang sarili na pa-scroll ng scroll dito sa timeline ni Ice Bear sa facebook! Halos mabasa ko na nga ata lahat ng tula na pinost at ginawa niya!

Pero kasi, ano lang naman 'to, parte lang 'to ng mga plano ko sa buhay! Ang kilalanin ang teacher ko. Para naman may magamit ako laban sa kanya, kung sakaling mabuking niya ako't isumbong sa mga pulis.

Mukhang ganoong klaseng tao pa naman si Ivan. Makatarungan, kuno.

Isa pa, ginagawa ko lang 'to para mabagot ang mga mata ko at tuluyan nang makatulog. Kita mo naman kasi, puro pa mga tungkol sa love ang tula ni Ice Bear!

Maganda nga 'tong pampatulog!

Bahagya akong natawa at nagpatuloy na sa pagbabasa ngunit agad ring nagitla may mag pop up na chathead. Napabalikwas ako nang mapagtanto ang isang bagay.

Nag chat si Ivan sa 'kin!


----

Zoen Ivan
Why are you still up?
Sleep. You have exams
tommorow.

-----

Tinaasan ko ng kilay ang mensahe niyang iyon at kalaunay napakurap kurap nalang talaga.

Adik ba siya? Ano sa tingin niya ang nahithit niya at kung makapag chat 'to sa 'kin akala mo naman siya ang tatay ko? Napabusangot ako saka tumipa ng ire-reply.

---

Nathalie
Wow, kung makapag
salita 'to. Bakit ikaw
walang exam?

Zoen Ivan
But I can ace the test.
Unlike you.

Nathalie
Excuse me, nakakapasa
pa rin naman ako ano!

Zoen Ivan
Sabi mo 'e.

Nathalie
Wait, is that
sarcasm?!!

Zoen Ivan
Nope. just a polite
way of saying
"Sure, go fool yourself."

Nathalie
Ice Beaaaar!!!

•••

"Nagiging close na kayo ni Ivan ah?" bungad sa 'kin ni Hope sa classroom, ilang araw ang nagdaan.

"Baka magselos si Typo niyan," panggagatong pa ni Archie at kapwa sila naupo sa magkabilang armchair sa gilid ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mag alibi nalang. Sinabing nakikipag collab ako kay Ice Bear para sa on-going story ko. Kesyo since magaling naman siyang gumawa ng tula, magiging malaking tulong siya sa istoryang binubuo. Patayan na istoryang binubuo.

Nang marinig ni Ice Bear ang usapan namin, mabuti naman at nakisabay lang din siya!

Pero aaminin ko, sa mga nagdaang araw na inilaan ko sa pagsasanay kasama siya, doon ko siya mas nakilala. Mas nagkakausap na nga kami ng maayos ngayon kumpara dati. Well, kung ang kahulugan ng pag-uusapan ng maayos ay ang katotohanang kaya ko na rin siyang barahin ngayon.

Nasasanay na ako sa presensya ni Ice Bear at kahit matabil ang dila niya, masasabi kong magaan pa rin naman pala siyang kasama. Mabait siyang tingnan kapag tulog at cute rin naman pala talaga siya kapag nilalagnat at nagdedeliryo.

Mukha ngang kamatis ang mukha niya sa sobrang pula, tapos napaka vulnerable niyang tignan habang humihigop ng sabaw, may beanie sa ulo at nababalot sa kumot. Parang ang dali niyang gilitan ng leeg or something.

Noong isang linggo nga, habang sinusubukan kong gumawa ng panibagong tula para sa English Class. Sa unang pagkakataon ay tinulungan niya ako nang walang halong panlalait. At ang mas nakakaloka sa lahat ay nang mag role play kami para sa MAPEH. Ka-grupo ko siya noon at iginiit niyang siya nalang daw ang narrator tapos bahala na kaming um-acting. Tinanong ko siya noon kung bakit ngunit nagkibit balikat lang siya at ginawaran ako ng isang mapaklang tingin.

"Ayoko sa mga artista, madami silang maskara."

Syempre nagulantang ako no'n, kasi naman, marami nga akong kilala na hindi naman artista pero ang dami rin namang maskara. At aminado naman akong isa ako doon. Ang hindi ko lang talaga alam ay kung bakit ko siya inaway dahil doon at iginiit pa na kahit naman madaming maskara ang isang tao ay pwede pa rin naman silang magustuhan.

Like ano namang pakealam ko kung ayaw niya sa 'kin o sa mga katulad ko? Edi bahala siya sa buhay niya- "The poem that you recited in class before, was it dedicated to Typo?"

Agad akong nabalik sa reyalidad dahil doon at bahagya pang nag iwas ng tingin. Oo nga pala't uwian na at kasalukuyan na naming tinatahak ang daan papunta sa lumang City Library. And although hindi naman kami halatang sabay na lumabas ng campus, ngunit sa pagkakataong 'to ay sapat lang ang layo namin upang makapag usap.

"'Yong Malignant Love? Oo. Although hindi naman talaga love 'yon," sagot ko nalang sa tanong niya at nilaro ang ilang hibla ng buhok ko.

"'Yong sa 'yo ba? Para 'yon kay Daz?" pamaang ko pang tanong at mapang asar siyang nginitian.

Mukhang gumana nga dahil agad din siyang nag-iwas ng tingin at mas binilisan na tuloy ang mga hakbang!

Like, seriously?

"Ice Bear naman! Dali na, para namang hindi tayo magkaibigan!"

"Hindi naman talaga," mapakla niyang saad, dahilan para panliitan ko ito ng mga mata. Kahit kailan talaga 'tong lalakeng 'to!

Matapos niya akong i-chat ng i-chat these past few weeks?

"I am your teacher, and you are my student. 'Yon lang 'yon," seryoso na niyang saad at nauna na talagang maglakad. Napapadyak naman ako dahil doon at hinabol siya.

"Nyenyenye! Para 'yon kay Daz 'noh? Yieee! Aminin mo na kasi. Sino ba siya? First love mo?" buong ngisi kong saad.

Napahawak siya sa sentido at sinamaan ako ng tingin. "Love doesn't necessarily mean its in a romantic way."

"Ours was platonic," dagdag niya pa, kaya tumango tango nalang ako kunwari.

"Sabi mo 'e."

Agad siyang napasinghal dahil doon. "Is that a sarcasm?"

"Nope! Just a polite way of saying 'Sure, go, fool yourself' hehe,'" buong ngiti kong saad at tinakbuhan na siya.

Akala niya ah!

Although alam ko naman na pwedeng maging magkaibigan ang lalake at babae na walang malisya, gusto ko lang talaga siyang asarin. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa 'to.

"Oh, look who's here."

Agad nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Para nga akong biglang tinakasan ng mga dugo ko sa katawan lalo na nang mamataan ang pamilyar na pigura ng lalakeng nakatayo sa labas ng lumang City Library.

"Seems like you're having fun, huh?" mapait itong napangisi at tinapunan ako ng matalim na tingin.

"My favorite pet."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro