level fifteen
"Anong misyon?" kunot noong tanong ko ngunit nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho sa kahabaan ng daan.
"Just wait and see." Inayos niya ang frame ng suot na salamin at habang pinagmamasdan ito ay doon ko natanto ang isang bagay.
"Kulay itim na ulit ang buhok mo!" wala sa sarili kong saad at inosenteng napaturo sa ulo niya.
Kaya pala medyo iba na ang vibe niya ngayon at napagkamalan ko pa siyang ibang tao! Teka, masyado na ba akong nasanay sa puti niyang buhok nitong nakaraan?
Bahgaya siyang natawa at kinabig ang manibela upang maka liko. "And you're just now figuring that out?"
Napakurap kurap ako at mas lalo pinagmasdan ang mukha niya mula sa gawi ko. Kung tutuusin, bakit nga ba siya nagpakulay dati? Well, don't get me wrong, pero nasabi ko kasi sakanya dati noong estudyante niya pa ako na baka bumagay sa kulay asul niyang contact lense ang puting buhok since kutis nyebe din naman siya.
Kaso agad niya lang na iniwagli ang ideya kong iyon niya ata sa 'kin at sinabing hindi daw siya interesado sa mga gano'ng bagay dahil kahit naman daw color white ang symbolism ng pride niya bilang tao, ayaw daw niyang maging kakulay ang buhok ng tatay niya o maski maging kamukha ito.
Although noong panahon na iyon ay hindi ko pa alam kung sino ang tinutukoy niyang tatay kaya tumango nalang din ako at nanahimik. Saka wala naman akong pakilam, nagkataon lang na biglang bumalik sa isipan ko kaya medyo na curious lang. Dahilan upang hindi mapigilan ng bibig ko ang mag tanong.
Bahagya lang siyang natawa dahil doon. "Because someone dared me to, and I owe him a favor so I did."
Napaangat ang isa kong kilay dahil sa narinig. "At kailan ka pa tumatanaw ng utang na loob sa isang tao?"
"Just when I met this certain person and it won't happen ever again. Anyway, paano mo nga pala nalaman na mayroon akong contact kay Typo?"
Woah, ang galing makapalit ng topic ah.
Bahagya akong napa iling at itinoon nalang ang pansin sa labas ng bintana.
"Anong ibig mong sabihin?" pamaang kong sambit kahit alam ko namang wala 'yong epekto sakanya.
"Nong hinatak mo ako papunta sa hindi gamit na cr. You just blantly asked me to contact his nurse. You didn't even ask if I did have his number or anything first."
Napatungo ako at sinabing kahit naman maitim ang budhi niya, kahit papaano alam kong may pakialam pa rin siya kay Typo. Ang reaksyon ng mga mata ni Ivan nang sumbatan siya ni Typo na kesyo marunong na ba daw itong manatili at hindi tinatalikuran ang mga tao sa paligid niya at kung ano ba daw kaya ang mararamdaman ng lahat ng taong sinukuan ni Ivan noon kapag nalaman nila iyon.
Lalo na noong makita ko siya sa labas ng sementeryo noong libing ni Doña Celeste na parang balisa. Although hindi pa rin ako 100% sure na walang kinalaman si Ivan sa Manslaghterer wanna be, dahil narin sa mga naganap doon sa mansyon, pero kung ganoon nga ay ano pa nga bang magiging ibang dahilan ni Ivan para magpunta sa sementeryo noong araw na 'yon?
Galit si Typo sakanya at alam niya 'yon. Kahit sinusubukan ni Typo na umaktong kaswal at ipamukha kay Ivan na hindi na niya ito kailangan at hindi na siya affected dito, alam kong alam ni Ivan na pinepeke lang 'yon ni Typo. Simula rin nang makita ko ang totoong kalagayan ni Typo bago siya inilipad sa France, natanto kong baka umpisa pa lang nang umalis si Ivan sa mga Dazarencio ay alam na niya ang mangyayari sa kapatid niya kapag iniwan niya ito.
Doon ko lang din napagtanto na hindi 'yon ang unang beses na may napapansin akong naka puting nilalang na parang sumusunod sa amin sa kung saan saan simula bata pa lang kami. Kasi kahit naman siguro naglayas si Ivan at iniwan niya si Typo, palagi pa rin naman niya itong binabantayan kahit sa malayo. Katulad nga doon sa sementeryo.
Nagkataon lang talaga siguro na hindi siya makalapit dahil bukod sa isinusumpa siya ng kapatid niya, ay galit din ang buo niyang angkan sakanya. At ayon na nga, sinabi kong sigurado akong may contact siya sa nurse kasi napaka dakila nga niyang stalker at ang galing pang mag deny na parang wala lang! Kita mo ginagawa nanaman niya ngayon!
"That's rubbish. Why whould I waste my time stalking that kid?"
Hindi napigilan ng isang singhal na kumawala sa bunganga ko. "Because you're that kind of person to almost everyone! Sige nga, kung katulad ng sinabi mo kanina na hinintay mo talaga ako dahil may misyon tayong gagawin. Eh bakit dito mo ako hinintay sa mismong lugar na 'to sa likod ng eskwelahan at hindi doon sa main gate?"
Napatikhim lang siya at hindi na ako sinagot. Aba talaga naman!
"Dahil alam mong tinataguan at tinatakasan ko 'yong mga driver ng Dazarencio at dito ako dumadaan. Kasi simula nang mawala si Typo ay ako na ang naging anak anakan ni Don Alejandro at napaka higpit niya sa 'kin na kuntodo ako na ngayon ang hinahatid sundo!" giit ko ngunit pasimple lang siyang nagpanggap na hindi niya ako nariring. Kahit kailan talaga 'tong lalakeng 'to!
"Nakita kita sa likod ng isang puno noong nakaraan!" pinanlakihan ko ito nang mga mata ngunit hindi na siya sumagot pa. Saka totoo naman kasi! Higit sa lahat, kompermado ko nang isa siya sa mga taong nagmamasid sa 'kin simula pa doon sa lumang city library, at kung saan saan pa.
Baka nga siya rin 'yong tinutukoy ni Rui na nagmamasid sa 'kin noon!
"Bahala ka kung ayaw mong sagutin, basta sigurado ako. Nakikita at alam mo halos lahat. Hindi ka lang nagre-react madalas kaya akala ng iba ay wala kang pakialam. Pero wala nga ba?"
•••
"We're here."
Napakurap kurap ako nang matagpuan ang sarili sa labas ng luma at halos gusto na atang gumuho na warehouse. Malayo na ito sa mga establisyementong tinitirahan pa ng mga tao ay nadaanan na nga namin ang huling seven eleven sa pinaka huling street bago tuluyang makapasok sa haunted street.
Puno ito ng mga abandonadong lugar na para bang itinapon silang lahat sa lugar na ito. Saka maliban sa abandonado at mayroong kanya kanyang history ang mga establishimentong andito, naturingan talang haunted spot ng Yawaka City ang daanang ito dahil ito lang ang katangi tanging daan na kumokunekta sa Misfit Hills. At ang Misfit Hills talaga ang pinaka may malagim at katakot takot na mga kwento simula bata pa lang kami.
Maraming nagsasabi na marami daw engkanto ang nakatira sa kagubatan ng mga burol na 'yon. Madami na ding nabalita noon na kababalaghan tungkol doon na kesyo may natangpuan na nagkalasog lasog bangkay ng isang bata, may nababalita din na lahat ng taong sinubok na magtungo doon ay hindi na nakababalik o nakikita muli. Madaming mga na akesidente at kung ano ano pa pero hindi nga pala iyan ang ipinunta namin dito kaya muli ko nalang na itinuon ang pansin sa kaharap na warehouse.
"B-bakit tayo nandito?" tanong ko at napakapit sa manggas ng uniporme ni Ivan. Hindi naman kasi sa matatakutin akong nilalang, nagkataon lang talaga na mayroon akong nakaraan sa lugar na 'to na gusto ko rin namang maalala ng buo pero hindi ko lang talaga alam kung masyado na ba akong handa para doon.
Saka akalain mo 'yon, akala ko stalker lang si Ivan, nakakabasa na rin pala siya ng isip?
Kasi bago pa man kami mag kita doon sa labas ng Somber High, dito ko na rin naman talaga balak na pumunta. Kaya ganoon nalang talaga ang pagka gitla ko nang imbis na sagutin agad ay pasimple niya lang na hinablot ang isa kong kamay at kinaladkad na papasok sa loob!
"Sandali lang! Ice Bear!" bulalas ko at binigatan ang mga paa upang hindi niya ganoong mahila.
"What? Our mission right now is to investigate this place since this might be the hide out of the masked woman. We need to gather as many information we can. Let's go."
Napaawang ang bibig ko sa narinig at muling hinila ang mga kamay. Ngunit dahil nga mahigpit ang hawak niya dito ay maging siya tuloy ng nadala sa paghila ko! Dahilan upang mapalapit pa tuloy ang panget niyang mukha sa 'kin!
"Paano ka naman nakakasiguradong wala siya sa loob niyan ngayon at inaabangan na pala ang pagdating natin?" giit ko dahil hindi talagang susugod lang siya sa mismong pintuan na akala mo ay isang birthday party ng barkada niya ang pupuntahan.
Talagang nag park siya sa harap mismo ng warehouse! Gaano pa ka tigas ang mukha ng isang 'to? Hindi manlang nagpaka ninja at ikinubli ang sariling prisensya! Katulad lang 'to noong ginawa niya nang sugurin niya anh Dazarencio Clan noon!
Parang gusto langing may grand entrance siya e!
Bahagya siyang natawa at tinapik ako sa balikat. "The culprit isn't here right now. I manage to lure her out so we're safe. But if happen that she does, well she should say her prayers then. I might end up not showing her any mercy."
Seryoso nitong ninalingan ang gusali. "And don't worry. As long as you're with me, you're not going to get hurt anymore."
Agad akong napatikhim sa puntong 'yon at iniwagli ang kamay niya palayo. "Excuse me, kaya ko ang sarili ko." Nag umpisa na akong maglakad ngunit walang kahirap hirap niya lang na hinila ang kwelyo ng uniporme ko at inunahan ako sa paglalakad!
"Siyempre, magaling ang teacher mo e." Inayos niya pa ang frame ng salamin niya at pinihit na na ang door knob.
Ngunit sa mga sandaling 'yon ay parang sigurado naman akong wala kaming makaka engkwentro sa loob. Kasi hindi siya nagsuot ng contact lense. Ngunit may parte pa rin nang pagkatao ko ang nababahala dahil kahit wala mga sigurong delikadong tao sa loob ay baka ibang delikadong bagay naman ang madidiskubre ko doon.
Lalo na dahil sa mga katanungang kanina pa nabubuo a isipan. Kasi kung palaging binabantayan ni Ivan si Typo, nasaan kaya siya noong mga panahong na-kidnap kami noon? Anong nasaksihan niya noong mga sandaling 'yon?
Nang mabuksan ni Ivan ang kandato ng pinto sa pamamagitan ng isang hairpin, agad na kaming pumasok sa maalikabok at malansang loob ng warehouse. Naningkit na ang mga mata ko at lahat lahat ay wala pa rin itong masyadong maaninag, dahilan upang ilabas ko na ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito.
Gano'n din ang ginawa ni Ivan dahil hindi na gumagana ang mga switch ng ilaw sa buong lugar, ngunit bago pa man ako maka hakbang ay muli itong nagsalita.
"Akala ko nawala ang cellphone mo kila Dennis? Nakita na pala?"
Umiling ako ako at nagsimula nang ilibot ang paningin sa paligid. "Ah, hindi. Bagong cellphone ito. Bigay ni Don Alejandro nang malaman niyang nawala 'yong isa."
Bahagya siyang natawa dahil doon. "I see. So he's really spoiling you now since wala nang anak na natira sakanya."
Gusto kong pigilan ang sarili na lantarang sumang ayon, lalo't kasasabi lang sa bible study namin nila Cheena na hindi magandang pag usapan ng masama ang ibang tao sa likod nila at oo nga pala't sinusubukan kong maging mas kaaya ayang tao, ngunit natagpuan ko ang mga labi na kukurma bilang isang ngisi.
"Kasalanan din naman niya. Kung hindi ka layas layas ang buo niyang angkan edi sana masaya at kumpleto kayo." Agad nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig.
"N-no offense," pagbawi kong sambit ngunit nagkibit balikat lang siya. "No need. It's actually not that wrong though. But anyway, let's get going."
Tumango ako at bumaling sa kabilang direksyon upang maghanap ng kahit anong magagamit na lead. Ngunit maliban sa lumang mga dyaryo at mga kalendaryo ay wala naman akong mahagilap na matinong clue. Puro agiw lang din naman kasi ang paligid at mga lumang mesa at kabinet na daga lang ang laman.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at dinaanan ang ilang nagkapatong patong na mga upuan, ngunit ganoon nalang talaga ang pagkagat ko sa sariling labi upang matigil ang sarili sa pagmumura. Lalo't natisod ako sa kung ano at tumilapon ap tuloy ang phone ko sa sulok ng isang inaanay na mesa!
"Hey, are you okay?" rinig kong saad ni Ivan sa kabilang dulo.
"Oo, ayos lang," sagot ko at sinuod ang sarili sa ilalim ng mesa upang mas maabot nang kamay ang cellphone. Wala na akong masyadong maaninag dahil na sentro pang napakulob ang parte ng phone kung nasaan ang ilaw.
Ilang sandali pa ng pag-aala flexible ay mabuti naman ay nakapa ko na nang tuluyan ang phone matapos mahawakan lahat na ata ng alikabok at kung ano anong maliliit na bagay sa ilalim. Nang makuha ay muli kong hinarap ang flashlight sa paligid at ganoon nalang talaga ang pagmumura nang may makitang mukha na nakasilip sa kabilang dulo ng mesa!
"Anak ka ng gago!" bulalas ko at mabilis na sinubukang tumayo. Naalala ko lang na nasa ilalim pa nga pala ako ng mahabang mesa nang malakas akong nauntong doon at muling napahalik sa sahig! Mabuti nalang talaga at wala pang malamig na kamay ang humahawak sa 'kin sa kalagayan ko ngayon!
Saka mabuti nalang din talaga at mabilis na pumunta si Ivan sa kung nasaan ko, dahilan upang mas malinawan ang buong lugar. At doon, ay bahagyang luminaw sa akin ang lahat.
"What? What happen?"
"M-may pugot na ulo sa ilalim ng mesa!
"What the hell?"
"A-at w-wala siyang mga mata!"
Napasinghap nalang talaga ako nang hawakan ako ni Ivan sa bayway upang mas mahatak paalis sa ilalim ng mesa. Nanatili naman akong naka upo at nanginginig pa rin habang pinagmamasdan siyang silipin iyon.
"Wala naman ah?" giit niya dahilan upang mas magsitaasan ang balahibo ko sa katawan.
"Anong wala? Eh nakita ng dalawang mga mata ko," asik ko at akmang sisilip ulit ngunit agad ding natigilan. Kasi paano kung hindi naman pala talaga pugot na ulo ang nakita ko at buhay pa ito? Na paano kung mabilis ulit nitong ikinubli ang sarili sa kadiliman?
Pero paano mangyayari 'yon e wala namang katawan 'yong mukha na nakita ko— "Tangina aaaaaahddj!"
Tuluyan na akong napasigaw nang umalis si Ivan sa ilalim ng mesa at itinapon sa akin 'yong... 'yong ulo!
Halos hindi magkamayaw ang puso ko sa pagtibok at iniwasan 'yon at handa na sanang matadtad ng saksak ang sira ulong Ivan, ngunit agad ding natigilan nang mas mailawan ng hawak kong flashlight ang itinapon niya.
"Chill. Walang pugot na ulo sa ilim. It's just a silicone mask," kampante nitong saad at tumayo na.
Napakurap kurap naman ako at pinagmasdan ang pamilyar na wangis nito. I-ito 'yong mukha ng babaeng nakita namin sa mansyong iyon!
"A-anong ibig sabihin nito? May maskara pa ang nilalang na 'yon sa likod ng maskara niya?" kunot noo kong saad at napsabunot sa sariling buhok.
Ka asar naman!
"Exactly. So this evidence implies that she's a professional deceiver," kalmadong saad ni Ivan at magaan na tinapaktapkan 'yong silicone mask.
"Professional?" labas sa ilong na tanong ko at napagdesiyonan nang tumayo at pagpagan ang sarili.
Bumuntonghininga siya. "Well, I saw some containers of liquid silicone rubber base and a curing agent. Ingredients for making different faces and such. So we're literally fighting a pro and skilled killer here. Because she's crafting her own mask and she can literally shapeshift to anyone."
Tuluyan na akong napakurap kurap dahil sa mga kaganapan. Hindi pa masyadong ma absorba ng utak ko ang mga impormasyong nakakalap at seryoso nalang na napatingin sakanya.
"So paano ko malalaman na hindi siya ikaw?" wala sa sarili kong saad. Napairap naman siya dahil doon.
"Because we're literally together when the creature attacked us on the mansion? Duh?"
Imbis na matawa ay seryoso ko lang na ginantihan ang mga titig niya.
"Pero ngayon. Sa mismong araw na 'to, hindi naman nagpakita 'yong salarin, so paano ko malalaman ikaw talaga 'yan at hindi siya?"
Napahawak siya sa sentido. "Because I am Zoen Ivan and no one can copy me. My face is perfect and everything about my characteristics and voice isn't something that a cheap copycat can easily pull off. But if you don't trust me enough to buy that, then..."
"Hoy ba't ka naghuhubad?" Agad akong napabalikwas.
Tumungo lang siya at nagpatuloy sa pag tanggal ng butones ng suot niyang uniporme! Hoy teka lang!
Mabilis akong napapikit lalo na nang hilahin niya ang kamay ko at idampi sa tanginang dibdib niya! Anak naman talaga ng lahat lahat ng hodtog isa iba't ibang brands! Hindi pa ako handa!
"Silicone mask has its limitation. Some were just up to the neck part but some reaches the chest. So go ahead and examine my entire body to your heart's contentment. If that's the way to earn your trust."
Parang nag init ang mukha ko dahil sa mga pangyayari at mabilis na binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Oo na naniniwala na akong ikaw 'yan."
Suminghal ako at napaiwas nang tingin. Bahagya naman siyang natawa dahil doon at muling isinuot ang uniporme niyang kung hindi ba naman siya walang hiya! Seryoso, gaano ba kakapal ang mukha niya at nakakaya niyang maghubad sa harap ng ibang tao nang wala paring ni katiting na emosyon sa mukha! Haaaa!
"Pero paano kapag sa ibang tao? Ano 'yon kailangan ko pang hubaran lahat ng taong pinagsususpetsahan ko para malaman kung totoo sila?" bulalas ko nalang upang pansamantalang makaroon ng ibang ingay sa buong silid maliban sa napaka bilis na tibok ng puso ko.
"Nope. You can just smell them, or touch them. Or even kiss them? Hell, bite their lips or something."
"E-eh?"
"I mean, you will surely know the difference between a real human's sensory factors than a fraud. Even a slap can tell if the texture of someone's face is real or not."
Napapadyak ako.
"Pero paano kapag emergency tapos masyadong limitado ang oras para mahawakan o maski masuri ang isang tao? Paano ko malalaman na ikaw 'yon? I mean, kayo?"
Sa pagkakataong 'yon ay nagulo nalang din niya ang sariling buhok at seryoso akong tinitigan. "Then a password can help. Like after making sure that they are the real persons then set a password for them."
Bahagya namang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya! Oo nga! "So anong magiging password natin just in case gayahin ka niya or ako?"
Sa pagkakataong 'yon ay dumakwang siya palapit sa tenga ko at bumulong.
Gustuhin ko mang mag-react ay agad lang ding naudlot nang tumunog ang cellphone niya. Agad naman itong napalayo sa 'kin at natawa nalang talaga nang mabasa ang pangalang nagfa-flash sa screen.
"Si Orion," saad niya at ipinwesto ang phone sa tenga. Ang saya niya bigla ah?
Napatungo lang ako at akmang babalik nalang sana sa paghahalughog sa buong lugar nang biglang mapasinghal si Ivan. Dahilan upang muli akong mapalingon at mapatanong sa kung anong nangyayari. Lalo't kunot noo na ito ngayon.
"Bakit? Anong problema?"
"May bangkay nanaman daw na natagpuan sa school. It's one of Lana's friends again."
Agad akong natuod sa kinatatayuan lalo na nang biglang magsipasukan sa isip ang kakauninting detalye. Nakausap ko si Typo kanina, ibig sabihin buhay pa siya. At kung ang kaibigan ni Lana ang pinaslang ngayon, ibig sabihin si Reki ang tinutukoy niya na siyang nasa ika anim sa listahan, dahil kasalukuyan pa rin namang ligtas si Demise according sa kambal nitong si Dennis na pinatawagan ko kay Ice Bear.
Napakunot ang noo ko at patuloy na nagpalutang lutang sa isipan kahit pa kasalukuyan na akong hinahatak ni Ivan palabas ng warehouse at pasakay ng kotse niya. Kasi partida, kung sinusunod ng killer na 'to ang mga pangalan at sekwensya sa istorya ko, eh bakit niya nilaktawan ang ika number 2 at 5?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro