level eleven
Hindi pa umaabot ng isang linggo matapos matagpuan ang katawan ni Kuya Bogart ay mayroon nanamang panibagong wasak na bungo at bangkay ang itinapon sa Somber High.
At sa pagkakataong ito ay isa na talaga itong estudyante ng eskwelahan. Si Lia Asteranza.
Well, pinsan ito ni Lana na mas masahol pa kung mang api sa 'kin noong bata pa kami ni Typo. Nag aral siya sa ibang bansa noong high school kaya pansamantalang gumaan ang buhay ko dahil si Lana nalang ang pinoproblema. Ang kaso lang ay bumalik siya dito sa Yawaka City ngayong Senior High at ito na nga ang kinahinatnan niya.
Nagkalasog lasog na bangkay na nakabitin sa isang puno, malapit sa likod ng Auditorium. Mabilis namang naialis ang bangkay doon at inembestigahan ang pangyayari. Kaso ay hindi raw gumagana ang mga CCTV malapit sa mga area na pinagtapunan ng bangkay, at wala pa rin naman daw nakitang kahina hinala sa mga footage na mayroon sila.
Inabisuhan ng mga guro ang mga estudyante na huwag munang ipagkalat sa lahat ang mga nangyayari para hindi mag cause ng panic. Kesyo nakipag ugnayan ang school sa mga pulis at kung ano ano pa, ngunit hindi naman mapapawi ng mga salitang 'yon ang pagkaka halo halo ng emosyon ko sa mga sumunod na araw.
Kasi naman, kinomperma na talaga ng Manslaughtrerer wanna be na 'yon ang eksistensya niya. Ibig sabihin, masyadong matigas ang mukha niya at talagang pinagpatuloy niya ang nasimulan niya noon kahit pa ninakaw niya lang naman lahat sa akin ang mga ideya niya sa pagpatay. Napabuga ako ng hangin at habang nagkaklase ay naka pokus lang sa kulay pink na notebook na may disenyong unicorn.
Hindi katulad noon na mga ehersisyo at ang on going story ang pinagkakaabalahan, ngayon naman ay abala na ako sa paglilista ng mga impormasyon tungkol sa mamamatay tao na 'yon at sa mga hakbang na ginawa niya simula noon. Maging ang mga nabiktima niya at ang posibleng salarin ay hindi nakatakas sa ballpen ko.
Nakaka asar lang dahil umabot ako sa parte ng buhay ko na kakailanganin kong gawin ang mga bagay na 'to. Hindi ko nga alam kung anong mas masama e, 'yon bang kahit saang lugar ay ibu-bully pa rin talaga ako ng mga tao dahil sa koneksyon ko sa mga Dazarencio, o 'yong katotohanang hinahabol parin ako ng mga pagkakamali ko dahil din sa sobrang pagkapuot noon sa pamilya nila.
Para bang sinusundan ako ng mga kasalanan na sinusubukan ko na namang pagsisihan at itama. At talagang literal iyong naging tao at ninakaw ang bersyon ng utak at pagkatao ko ilang taon na ang nakararaan. Marahan kong isinandal ang katawan sa upuan at napatingin sa kurtinang pinapasayaw ng hangin sa labas.
Medyo malayo ito sa kinauupuan ko, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mapakalma ng simoy ng hangin na umaabot sa 'kin. Bahagya pa akong napangiti at itinigil na ang pag ngatngat sa ulo ng kuneho kong ballpen.
Pero kung gano'n nga ang pakay ng Manslaughterer wanna be na 'yon, ang nakawin ang katauhan ng dating ako sa pamamagitan ng mga istorya at fictional character ko noon. At kung talagang balak niya lang na sundin ang lahat ng nasa storyline na ginawa, pakiramdam ko ay makakaya ko parin siyang talunin at mahuli.
Kasi isa lamang siyang hamak na pliagarist, at ako pa rin ang totoong may akda no'n. Kahit pa gawin niya sa totoong buhay lahat ng bagay na isinulat at plinano ko para sa istorya ko noon, ako pa rin ang orihinal na may ari ng lahat at alam ko ang takbo ng sarili kong kwento.
Hinding hindi ako papayag na maiisahan niya akong muli at makapatay nanaman siya ng mga tao!
Mahina akong natawa nang maalala ang mensheng pinadala nito sa 'kin. Marahan ko iyong kinuha mula sa pagkakaipit sa notebook at taas noo itong sinulatan ng sagot.
xxx
"Does it feel right to kill your own self, change your name and be better? Can you still recognize yourself in the mirror?"
— Manslaughterer
Reply:
"Yes I can. How about you? Can you still recognize yourself after copying and plagiarizing everything about me? How does it feel being nothing but my pathetic shadow?"
- Nath Ynterested
***
Matapos ang klase ay nagpaalam muna ako kila Cheena na pupunta munang restroom. Alam ko rin namang hindi sila magaabalang hintayin ako lalo't pinili nilang maging kagrupo ang isa't isa, maliban sa 'kin. Pero ayos na rin dahil mas napapadali lang noon ang plano ko.
Dahil nga kasi hindi nila ako pinili, kinupkop tuloy ako ni Markian sa grupo niya na sa kasamaang palad ay kasama si Rui. Kaya heto nga't inaantay kong sabay na pumunta sa venue sina Markian at Rui, habang andito naman na ako ngayon sa labas ng classroom. Patagong inaantay ang isa sa mga miyembro ng grupo namin para sa isang project.
Si Daz.
Payapa akong nakatayo sa isang sulok ngunit ang lahat ng 'yon ay na-udlot nang pasimpleng tumigil sa harapan ko ang isang pamilyar na pigura. Maliit na mukha, balingkinitan na katawan, mahaba at medyo wavy na buhok. Walang iba kundi si Lana Asteranza.
Na kung hindi niyo naman mamasamain ay napaka talim ng tingin sa 'kin. Kaya lang, hindi katulad dati na madali itong magwala at mandumog, ang Lana na kaharap ko ngayon ay taas noo lang at animo'y sopistikada.
Para bang nilalait niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lang ng kilay at mga mata niya.
"Killer," mahina ngunit may ngitngit niyang saad, dahilan para bahagya akong matigilan.
"A-anong pinagsasabi mo?"
Napasinghal siya at umirap pa, ngunit pati sa paraan ng paggawa niya no'n ay napaka elegante. Malayong malayo sa ugali niya dati. "Stop fooling around. You're the one who killed Lia."
Humakbang ito palapit. Bahagya naman akong napa atras, lalo pa't mas matangkad na siya sa 'kin ngayon. "Ikaw din ang pumatay do'n sa dati mong katrabaho at maski kay Tita Celeste."
Masyadong nanghihihop ang mga mata niya na para bang alam na alam niya ang kaibuturan ng kalulwa ko. Kung uto uto ako ay baka naniwala na rin ako sa mga sinabi niya, ngunit idinaan ko nalang sa mapaklang tawa ang lahat.
"Pwede ba, Lana tantanan mo ako. Hindi ko kailanman gagawin ang mga pinaparatang mo," giit ko.
Lalo't ginagawa ko lahat ng makakaya ko para maging mas maayos na tao sa mata ng Diyos at sa lahat.
Ngunit imbis na makumbinsi ang napailing lang siya at bahagya nang lumayo. "Sure, believe what you wanted to believe. After all, deception is the 8th deadly sin, and maybe you were really the epitome of it." Pinanliitan niya ako ng mga mata.
"Kasi sino pa bang ibang makikinabang sa pagkamatay ng Mommy ni Typo? Sino rin ba ang may matagal nang galit do'n sa katrabaho niyong laging inaaway ang nanay mong cheap? At mas lalong sino ba ang nagbanta kay Lia noon na papatayin siya nito balang araw at hindi nalang hanggang pahina ang mga krimen na isinusulat niya sa likod ng mga notebooks niya noon? Hindi ba ikaw lahat 'yon?"
Iniwagli niya ang ilang hibla ng buhok papunta sa likod at aktong hahakbang na, ngunit muli akong binalingan ng may mapang hamong ngiti sa mga labi.
"Go ahead, feel free to act like a saint now but we both know how evil you were deep inside. Ikaw ang primary suspect ko at gagawin ko ang lahat upang maka kalap ng ebidensya sa nga krimen mo. I'm going to avenge my cousin and I will put an end to your heinous murder spree. Have a nice day while you're still free, Manslaughterer."
Naiwan akong nakasandal parin sa pader at sinusundan ng tingin ang imahen niyang papalayo sa 'kin. Grabe, hindi niya ako sinigawan o sinaktan ng pisikal pero mas may epekto pa ang mga sinabi niya sa 'kin ngayon, kaysa sa lahat ng panggugulpi niya sa 'kin noon!
Pero sa kabila ng lahat ng salitang binitawan niya ay mas pinili kong pulutin ang sarili mula sa pagpapalugmok. Lalo nang mamataan si Daz na papalabas na sa classroom.
Mamaya ko na hahayaan ang sariling magkaroon ng pakialam sa sinabi ng babaeng 'yon dahil kailangan ko munang mag focus ngayon sa mga plano ko. Muli ay inayos ko ang sarili at ganoon nalang talaga ang pagtaas ng kilay ng makitang naglalakad ng tulog si Daz. Kaya ayon at agad kong hinila ang suot niyang pusa sa backpack.
Malay ko bang walang kahirap hirap siyang madadala ng pwersang 'yon, dahilan upang agad akong napagsinghap nang kamuntikan siyang matumba! Mabuti nalang talaga at napigilan ko!
Grabe naman, gaano na ba lutang ang isang 'to?
"What?" walang buhay niya pang tanong at 'di na ininda ang nangyari sakanya kani-kanina lang.
"Talagang hindi mo nabasa ang announcement ni Mark sa group chat natin?" tuluyan kong bulalas, kahit pa sinabi ko na sa sariling pananatilihin kong malumanay at mahinhin ang tono ng pananalita ko. Kaso mukhang hindi nanaman kasi 'yon uubra ngayon dahil sa inosenteng naging sagot ng babaeng 'to.
"May group chat tayo?"
Kaya ayon, pinaliwanag ko pa tuloy sakanya na may gagawin kaming video presentation para sa isang subject at napagdesisyunan ng leader namin na si Markian na doon sa bahay ng kaibigan nila kami magsho-shoot. Kaya heto't nagmagandang loob kako akong hintayin siya dito dahil mukhang magba-barkada naman silang lahat at kakilala lang din niya 'yong kaibigan na tinutukoy ni Markian.
Although totoo naman lahat ng tungkol sa project, pero ang kalahati ng lahat ng pinapakita ko ay para talaga doon sa plano kong isahan at hulihin ang Manslaughterer wanna be.
Kasi naman, tatlo ang mga nasa listahan ko ng pwedeng maging suspect at kabilang doon si Ivan at 'yong Orion. At sino nga ulit si Dazzle Amaria Gomez?
Well, siya lang naman 'yong babaeng palaging bukambibig ng mga taong konektado kay Ivan noon. At hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng pagkakataon pero nakita ko silang naguusap ni Orion noong isang araw.
So technically, kailangan kong mapalapit sakanya para makakuha ako ng mga impormasyon doon sa dalawa, at para maibestigahan ko kung kasabwat din ba siya. Saka isa pa, kailangan ko talagang dumikit sakanya dahil nasa lugar na pagdadausan namin ng shooting ang nagmamayari sa ikalimang pangalan sa Death List.
Wala e, ako ang nagsulat no'n, kaya kahit sabihin na nating ilang taon na ang lumipas ay medyo memoryado ko pa rin naman ang pagkakasunod sunod ng mga pangalan na andoon. Kasi hindi ako madaling nakakalimot ng pangalan, lalo na ng mga minsan nang nagka atraso sa 'kin.
Badtrip nga lang dahil mukhang kailangan ko siyang sagipin sa pagkaktaong 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro