Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

level eight


"Young Master andito ka lang pala!" agad kong bulalas nang matagpuan siyang mag-isang naka upo sa bench.

Kamuntikan ko pa itong mayakap dahil sa pagkaka halo-halo ng emosyon, ngunit mabuti naman at napigilan ko ang sarili kahit pa halos ilang sentimentro nalang ang layo namin sa isa't isa.

Habol ang hiningang umupo ko sa kanyang tabi at akmang magsalita na sana, ngunit ganoon nalang ang pag-awang ng labi nang mapagtantong nakatitig pa rin ito sa kulay abong kalangitan.

Ni hindi nga niya pinansin ang prisensya ko at sa isang iglap ay muling bumigat ang pakiramdam. Lalo pa at oo nga pala't kahapon lang inilibing ang nanay niya.

Kaya ayon, imbes na mag-ingay pa ay dahan dahan nalang din akong sumandal sa bench at binantayan siya. Hindi na nga rin ako pumasok sa mga sumunod ko pang mga klase at bumuntot nalang ng bumontot sakanya kahit pa hindi naman niya ako madalas kausapin.

Ganoon din ang ginawa ko kinabukasan, maging sa mga sumunod pang mga araw. Maliban kasi sa gusto ko siyang damayan, ayoko rin itong tantanan lalo pa't baka siya na nga ang susunod na magiging biktima ng Manslaughter wanna be killer. At kailangan kong mahuli ang nilalang na 'yon sa lalong madaling panahon.

"Kurt, feeling ko ang creepy ni Nathalie ngayon."

"Ngayon mo lang napansin? Matagal na siyang parang takas sa horror movie, Rob."

"I mean, tignan mo oh, siya na 'tong habol ng habol kay Typo samantalang tinatakbuhan niya nga yan dati."

"Character development?"

"Nope. Sa tingin ko may plano nanaman siya sa pinsan natin. Alam mo rin naman iyong si Typo, napaka uto-uto."

Napasinghal ako dahil sa narinig at gusto na sanang sugurin iyong dalawang ugok, ngunit nang mapagtantong hindi ko nga pala dapat inilalagay ang sarili ko sa mga unecesarry na sitwasyon. Mas pinili ko nalang na ayusin ang frame ng suot na salamin at idaan sa buntong hininga ang lahat. Ang kaso lang ay mali ako, madami pa pala akong mariring.

"Wow, ang judgemental mo naman Robbie. Para nagpapaka 'boyfriend' lang siya kay Typo e."

"Exactly! Kaya nga nakakabahala. Because her role is to be a submissive pet girlfriend and not a fierce overprotective boyfriend! Kita mo pati sa labas ng boys restroom naka bantay siya kay Typo! Partida palagi pang nagdadala ng gunting, what in the name of fuck!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin sa hawak na sa pastel pink na gunting. Like seriously, anong kinakatakot ni Rob sa sandata ko eh, hello kity themed na nga!

Aktong dudumugin ko na talaga sila loob kahit bigla silang natahimik, ngunit agad din natigilan nang iluwa na nang pintuan si Typo palabas. As usual, matamlay pa rin.

"Young Master!" bati ko nalang dito at binalewala na 'yong banas ko sa dalawa.

Ngunit isang matamlay na tango lang ang itinugon niya dito at dire-diretso na sa paghakbang, kaya kahit pinagtitnginan ako ng ibang mga miyembro ng Dazarencio Clan ay taas noo lang akong sumunod sakanya patungo sa meeting area.

Andito kasi kami ngayon sa first mansion ng mga Dazarencio kung saan ginaganap ang meeting ng mga head ng bawat pamilya (sina Don Alejandro, at ang mga kapatid/pinsan niyang lalake) pati na ng mga taga pagmana o Young Masters na sila Typo at mga pinsan niya.

Masyadong naalarma ang mga ito dahil sa pagkamatay ni Doña Celeste kaya napagdesisyunan nilang magdaos ng pagtitipon. At athough hindi okay si Typo ay isinama niya parin ako kaya heto ako't susundan siya ng susundan kahit saan siya magpunta. Malay mo naman may makuha ang lead tungko-

"Teka lang, Young Master bakit tayo andito?" tanong ko nang imbis sa meeting area ay lumiko siya at pumasok sa isang pamilyar na kuwarto.

"Wala rin namang kwenta ang pinag-uusapan nila. I'll just wait for them to finish so we can go back," sagot niya lang at humandusay sa kama.

Tumango lang din ako at naupo sa stool sa tabi, pinagmamasdan ang pigura niyang matamlay na nakatitig sa kisameng animo'y isang pagkalaki-laking painting. Maging ako ay bahagyang napatitig dito lalo na sa imahe ng dalawang batang babae na naglalaro.

At sa mga sandaling iyon ay hindi ko tuloy maiwasang manlumo nang maalala ang nakaraan kung saan nagkakaroon din nang meeting ang Dazarencio Clan dito at kung paano parati naman siyang tumatakas habang hila hila ako.

Nababagot kasi talaga si Typo noon at mas gugustuhun niya daw na maglaro sa garden at humabol ng mga paro-paro. Kaya sa sobrang inis ni Don Alejandro ay ikinulong niya kami ni Typo sa kuwartong 'to at papalabasin lang daw kako pagkatapos ng meeting nila.

Ang akala ko nga ay iiyak siya noon, kasi takot si Typo kapag iniiwan siya sa isang sulok, ngunit nang mga sandaling iyon ay tahimik lang siya at hinayaan ang pagkamangha na lumitaw sa kanyang mga labi. Naka angat ang ang tingin niya sa kisame at pinagmasdan ang bawat kwento na naka lakip sa iba't ibang imahe.

Hindi katulad ngayon na halos hindi mo na siya makitaan ng gana. Maputla na nga ang kanyang balat dahil sa hindi pagkain sa tamang oras, napaka dry na rin ang kanyang labi at nagkakasugat na nga. Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin naman maitatanggi ang ganda ng mukha niya kahit napaka lungkot ng kanyang mga mata.

"Do you know who painted this masterpiece?"

Muli akong napa ayos ng upo dahil sa tanong niya at agad nang sumagot ng hindi. Dahil doon ay ibinaling niya ang tingin sa 'kin at ginawaran ako ng matamlay na ngiti.

"It's my mom's girlfriend."

Agad na napakunot ang noo ko. "Eh?"

Walang buhay siyang natawa at muling ibinalik ang tingin sa kisame. "And that was their love story," halos pabulong niyang saad at mabagal na itinaas ang kaliwang kamay upang ituro ang painting sa itaas.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman o kung ano ang dapat sabihin. Naaiwan lang ako sa kinalalagyan na naka awang ang bibig, nakatitig sa lalakeng halos isumpa ko buong buhay ko.

"My parents were arranged to marry each other, so when my Dad discovered that Mom was having an affair with a girl, he then immediately labeled the girl as a Misfit and tagged her with the Black Flag Sin. "

Mas lalong napakunot ang noo ko.

"Hindi ba't grey at red lang ang sins na pwedeng ipataw sa mga Misfits?"

Sa pagkakataong 'yon ay muli na siyang naupo at seryoso akong tinitigan sa mga mata. "Well, 'yon lang ang pwedeng ipataw kapag nasa itaas ka ng Yawaka. Because Black Flag sins are meant for the underground."

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto at sa sobrang daming bagay ang gusto kong itanong at sabihin ay tanging mura nalang ang nagawa kong mailabas.

"Ven, my mom's girlfriend died on the Bloodshed Tournament before I was even born. And everything that happen between my parents were forced, just for me exist and be one of their choices to become a fucking heir." napabuga siya ng hangin.

"I wanted to join the tournament so I can die the same way as her lover did. Maybe it'll make her happy, because everything in our so-called home doesn't. I just wanted to leave her at peace since I was just a typographical error in their almost perfect love story."

Hindi ko na hinintay ang tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha at mabilis na itong niyakap. Kahit alam kong hindi naman siya masasalba ng presensya ko. Kahit alam kong huli na para pawiin ang lahat ng sakit na para bang ipinanganak lang siya upang maramdaman.

Alam kong walang kwenta ang yakap ko pero bilang isang kapwa niya bata na halos pagkaitan ng kabataan, hindi ko maiwasang mainis sa sarili. Kasi buong buhay ko, gusto kong makalaya sa pamilya nila, pero buong buhay din pala niya ay gusto niya makalaya sa buo niyang pagkatao.

Tapos madadamay pa siya dahil sa Death List na ako ang may gawa! Hindi ko mapigilang mapahagulgol at sa huli ay ako na tuloy ang inalo niya. Ngunit nang mapagtanto iyon ay agad akong kumalas sa yakap at nagpunas ng uhog.

"Basta Young Master, po-protektahan kita. Hindi ako papayag na saktan ka ng kahit na sino-"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?"

Kapwa kami napatingin sa isa't isa ni Typo nang marinig ang sigaw ni Don Alejandro mula sa meeting area. Aktong nag-aantayan pa kami sa kung sino ang unang magsasalita nang biglang may magpaputok ng baril.

Sa isang iglap ay nagkasigawan na ang lahat at ganoon nalang din kabilis kong nahila si Typo patago sa likuran ko. Kasabay no'n ang paghablot ko sa mahabang gunting na naka tago lang kanina sa kuneho kong medyas.

"What the hell is happening?" bulong ni Typo ngunit sinenyasan ko lang siyang tumahimik at manatili sa kinalalagyan.

Pero ang balahura ay hindi manlang ako pinansin at dire-diresto lang na nagtungo upang pihitin ang pintuan, dahilan upang halos talunin ko na ang mga natitirang hakbang maunahan lang siya.

Nang magawa iyon ay ako nalang mismo ang humila sakanya palabas nang silid at doon namin nasilip sa may meeting area ang nagaganap ba komusyon. Si Don Alejandro ang may hawak ng baril at mukhang sa sahig lang naman niya iyon ipinutok. Kapwa naka kunot ang mga noo nila pati ng ibang mga miyebro ng Dazarencio Clan habang nakatitig sa direksyon ng front door.

Mabilis ko namang itnuon ang atensyon ko doon at ganoon nalang ang pagkalaglag ng puso nang makita kung sino ang dahilan ng kaguluhan.

Si Ice Bear.

"What the heck is wrong with you, people? Is this how you greet a family member?" sarkastikong saad nito at pinaikot ikot sa daliri ang baril na hawak na anak naman talaga ng hayop na Satanas.

Bakit may hawak din siyang baril? I mean, anong ginagawa niya dito at ano bang mga pinagsasabi niya?

Family member?

"Hindi ka na miyembro ng pamilyang 'to simula nang lumayas ka walong taon na ang nakararaan," matalim na saad ni Don Alejandro na ginatungan pa ng nagsisitalasang tingin ng iba.

"Umalis ka na, bago ko pa makalimutang anak kita at makabit ko ang gantilyong 'to," dagdag pang asik ni Don Alejandro habang tinututukan din ito ng baril. Ngunit ang sira ulong Ivan ay nagpatuloy lang sa paglalakad at idinikit pa mismo ang sariling noo sa hawak na baril ni Don Alejandro.

Halos mapasabunot nalang talaga ako ng sarili buhok dahil sa apog ng lalakeng 'to. Bakit va ganyan siya?

"Go ahead, shoot me. Kill me. As if you trust Typo enough to be your heir."

Sa puntong 'yon ay nabalot ng mga singhap at mga bulungan ang paligid. Maging ako ay nagngitngit rin dahil sa pagmamliit niya kay Typo. Pero dahil doon ay huli na ang lahat upang makapagtago nang dumako na sa 'min ang mga mata ni Ivan.

Idagdgag mo pa ang katotohanang hindi siya naka suot ng salamin, pakiramdam ko ay kumapal ang hangin at nahihirpan akong huminga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso. Lalo na nang maalala ang mga katagang sinabi niya sa 'kin noong estudyante niya pa ako.

"I only wear contact lense when I'm charging in a battlefield, and the next time you'll see me without my glasses... means war."

Sa isang iglap ay napa atras ako at itinago si Typo sa likuran ko. Lalo na nang iwan ni Ivan si Don Alejandro na nanginginig ang mga kamay sa kinatatayuan, habang siya nama'y nagsisimula nang maglakad patungo sa direksyon namin.

"But don't worry, I'm not here to reign using your surnames. I'm just here to take my brother with me," seryoso niyang saad at aktong lalapitan si Typo ngunit agad ko siyang itinulak palayo.

"Huwag mo siyang hahawakan!" asik ko at pinanlisikan ito ng mga mata.

Bahagya siyang natigilan dahil doon at pansamantala akong nilingon.

"When did you became his bodyguard?"

Gusto ko sana siyang kalmutin dahil sa sinabi niya, ngunit masyadong mababaw na dahilan 'yon para sa lahat ng mga kagahuhan niyang matagal na palang sinasampal sa 'kin ng mundo, ngunit ngayon ko lang natanto.

--

"You left Daz, just to spend time with other girl?"

"Don't be at ease because he's still with you. Iiwan ka rin niya. He's very good at it."

--

"That really came from you, Zoen Ivan? Why? Have you learned how to shelter someone now, without the urge to leave them behind in the end?"

"That's strage. Ano kayang mararamdaman ng lahat ng taong sinukuan mo kapag nalaman nila 'to?

--

"I'm waiting for someone."

"Someone?"

"Someone who promised that we'll runaway."

"Runaway to where?"

"To a place where we can finally call home."

"Kung gano'n, bakit parang hindi ka excited, Young Master?"

"Because its been years since I waited but nobody came."

--

"Alam mo bang hayop ka?"

Aktong hahambalusin ko na siya ng gunting na kanina ko pa mahigpit na hawak ngunit agad na kaming pinagitnaan nila Rob at ng mga Tito ni Typo. Ngunit kahit na ganoon ay nanginginig pa rin ang buo kong laman.

"Zoen umalis ka dito. Hindi sasama sa'yo si Typo dahil ipapatapon siya sa France," kalmadong pahayag ng kapatid ni Don Alejandro na si Don Roberto, ngunit mas lalo lang nag init ang dugo ko dahil sa narinig.

Anong ipapatapon?

Anak naman talaga ng tokwang demonyo!

Kunot noong nagpalipat lipat ako ng tingin sakanila at halos sumabog lang ang sariling utak dahil sa palitan nila ng salita. Kesyo napagdesiyunan na daw ng buong Dazarencio Clan na ipatapon sa France si Typo para ipa-confine sa isang mental institution.

Kesyo para rin naman daw 'yon kay Typo at sa katinuan niyang unti-unting nalalagas dahil sa pagkamatay kuno ni Doña Celeste, at pipilitin nalang daw nila si Ivan na maging tagapagmana. At kesyo asa daw silang papayag si Ice Bear, dahil ang pakay lang niya ay tangayin si Typo para matupad niya kuno 'yong kinalawang niyang pangako ilang taon na ang nakararaan.

Naiinis ako kahit alam kong wala naman akong karapatan kasi issueng pampamilya nila 'to at pakyu silang lahat. Pero una sa lahat, kung gusto talaga nilang gumaling at mapabuti si Typo, hindi nila kailanman gagamitin ng term na ipatapon!

Patuloy parin sila sa pagbabatuhan nang mga salita. Nagkakasahan na nga mga mga baril at nagkakatutukan na ng mga armas, ngunit sa kabila ng gulo sa paligid ay parang naba-blanko lahat sa tenga ko.

Napalingon ako kay Young Master at ganoon nalang ang pagkalukot sa puso ng makitang naka tayo lang siya sa likod ko at nakatingin sa sahig. Animo'y wala nang pakealam kung saang panig ang makakakuha sakanya o kung saan man siya dadalhin ng agos ng mundo.

Gusto kong umiyak dahil sa kalagayan niya, ngunit nang mga sandaling 'yon ay taas noo akong naglakad palapit sakanya at seryoso siyang tinitigan. At dala ng emosyon ay pinili ko ang isang hakbang na alam kong ikakapahamak ko lang sa huli, pero bahala na!

Tinakbo ko siya palayo sa lahat!

•••

Hinahampas ng malakas na hangin ang mukha ko habang ang mga paa nama'y halos 'di na magkamayaw sa pag-uunahan. Kung pwede nga lang siguro na iwan na nila ang katawan ko at sila na lang ang magtatakbo ay ginawa na nila. At nakaka gago lang dahil matagal ko na rin naman itong ginagawa.

Ang pagtakbo.

Palayo kay Typo kada dinadala niya ako sa Royal Cafeteria, pasaklolo kay Nanay kapag inaapi siya ni Doña Celeste, at maski noong nage-ensayo ako para sa gaganapin na Bloodshed Tournament. Sanay akong tumakas sa mga bagay na hindi naman makakabuti sa 'kin at habulin iyong mga tyansang kakailanganin ko para sa kalayaan namin.

Kaya napaka hayop lang at humantong ako sa sitwasyon kung saan hinahawakan ko ang kamay ng isang taong itinuring kong hadlang sa mga plano ko, at kasalukuyan itong itinatakas palayo sa mga tyansang maari ko sanang makuha sa hinaharap para sa pamilya ko.

Alam kong patay ako kay Don Alejandro pero kasi... hindi ko naman kayang hayaan lang ang Young Master na tratuhin ng gano'n.

Kada naaalala ko ang bawat latay ng latigo na dumadampi sa balat ko dahil sinusubukan kong iwan si Typo, kada naaalala ko ang poot sa mga mata niya sa tuwing natatagpuan niya akong may kasamang iba at sa bawat pagkakataon na kinakailangan kong manatili sa tabi niya at pagmasdan ang pang-aalipusta ng mga kauri niya sa lugar na 'yon, hindi ko maiwasang tuluyang madurog kasi napagtanto ko, naging malupit lang naman siya sa 'kin kasi lumaki siya sa ganoong paraan.

Kasi naging malupit din ang mundo sa kanya.

Kasi wala namang mga magulang, kapamilya o maski kaibigan man lang ang nagturo sakanya kung paano magmahal at kung paano maging tao.

At nakakagago lang talaga dahil habang patuloy kami sa pagtakbo ay patuloy din ang pagtulo ng mga luhang hindi ko nga rin alam kung bakit ba nagpapabida e hindi naman ako ang ipapatapon sa France! Pero hindi ko kasi maiwasang magalit rin sarili ko 'e.

Because despite how Typo ruined a part of me, he was still my childhood friend, my partner in crime and my other half. He was the only person who gave me the warmest hug when everything went cold. The one who always gave me those sweetest smile when I needed the most and the one who does all the stupid things he shouldn't have, just to somehow make me feel better.

I think he was just misguided, and if love really was real, maybe that's what he needed. It just happened that he was seeking it from me, because I was the only person he had. And how tragic it was because he's expecting it for someone who doesn't even know what it felt like too.

Because I myself, never been raised that way.

The only things that my heart knew were being oppressed and the feeling of injustice. I raised myself with hatred for his entire family and the nobility he's into. And to hell be with that because if Rui was a self-proclaimed Asmodeus' daughter, then maybe I am indeed the personification of Satan in woman form.

For I never knew any other feelings aside from wrath. It's eating me alive and I'm not me when I'm not angry. Indignation was the sin I've been committing ever since, as if I'm having a long term relationship with it, to the extent of it being a part of me. And I don't know if I can still separate myself away from my rage when all this time, it was the one who's been slaving me all along.

I was indeed caging my heart with knives, as he was embracing me with the illusion that the world labeled as love.

And I'm afraid I can't escape from the prison I made for myself.

•••

"Sandali lang, Nath."

Natigil ako sa pagkakalikot sa mga wires ng kotse nang magsalita si Typo. Agad naman akong napalingon sa kanya na nakatayo parin sa gilid ng kalsada.

"Bakit Young Master? Teka lang ha, malapit ko na talaga 'tong mapaandar," sagot ko nalang at nagpatuloy sa ginagawa. Mabuti nalang talaga at hindi kami naabutan ng mga Dazarencio kanina at kung may isang bagay man akong ipapasalamat kay Ice Bear, iyon ay ang katotohanang pinatumba niya lahat ng security guard doon sa mansyon.

Ngunit agad namang nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtantong isang bagay. "Kung ganoon, nasaan si Ice Bear?" bulong ko sa sarili at bahagyang napatulala.

Imposibleng matakasan namin siya dahil never ko namang nagawa 'yon kahit noong nagsasanay pa ako sakanya. Mas mabilis siya sa 'kin. Mas malakas siya sa 'kin at mas magaling siya sa lahat ng bagay kaysa sa 'kin. So bakit hindi niya kami naabutan?

Ano 'yon hinayaan niya akong tangayin si Typo?

"Nathalie, tama na."

Muli akong napabaling kay Typo dahil sa sinabi niya. Doon ko nadatnan ang kanyang mga ngiti sa kabila ng matamlay nitong mga mata.

"Anong tama na?"

"Ito. Itong pagtakas. Please stop this," tanging sagot niya.

"At bakit? Typo ilalayo kita dito. Mabubuhay ka ng masaya at magiging malaya ka sa lahat ng katarantaduhan ng pamilya mo." Bahagya akong natigilan nang may mapagtanto. "No offense," dagdag ko nalang ngunit mukhang wala sa mga sinabi ko ang nagpabago sa matagal nang pagkadurog ng kaluluwa niya.

Dahilan upang tuluyan kong itigil ang ginagawa at seryoso siyang hinarap.

"Just runaway with me, Young Master. Tapos isama natin si Nanay at Tatay. Tapos magkakaroon pa tayo ng tyansang mabuhay nang walang kadena sa leeg. Magiging masaya tayo ng tayo tayo lang," dagdag ko pa ngunit imbis na sumagot ay marahan lang siyang naglakad palapit sa nakabukas na pintuan ng driver's seat. Kung saan ako naka upo.

"Why are you doing this? Because you're pitying me?" halos walang buhay niyang saad at seryoso akong tinitigan sa mga mata.

"Or because you're using me again to your advantage?"

Para akong sinaksak dahil sa narinig at dahang dahang pinantayan ang mga tingin niya. Puno pa rin ito ng lungkot at nakakasakit lang sa kalooban kasi sa pagkakataong 'to ay ako na talaga ang dahilan no'n.

Hindi ko naman siya masisi dahil buong buhay kong sinaksak sa isip niya na ganoon lang ang turing ko sakanya. Na isa lamang siya sa mga bagay na pwede kong gamitin para sa pansarili kong mga hangarin.

Ngunit sa pagkakataong 'to, hindi 'e. Hindi na 'yon ang dahilan kung bakit ko 'to ginagawa.

"That's it, right? You're just using me again so your family can escape-"

"H-hindi po, Young Master."

"Then why?"

"B-because I want to save the only person that I can trust!" bulalas ko wa kabila ng panginginig ng mga labi.

"Kasi napaka gago ng mundo at kahit saan ako magpunta ay wala na akong kayang paniwalaan. Kasi napaka manloloko ng lahat tapos puro nalang kasinungalingan ang lumalabas sa mga bibig nila." Hindi ko maiwasang mapayuko.

Dahil sa Manslaughterer wanna be na 'yon ay pinagkanda letse letse niya ang utak ko. Hindi ko na alam kung sino ang seryoso.

"Yung mga kaibigan ko, 'yong pamilya mo, si Rui, si Ice Bear at buong mundo. Pakiramdam ko wala nang totoo sa mga sinasabi nilang lahat. Ikaw nalang ang kaya kong pagkatiwalaan Young Master, at ayokong tuluyang sirain ng mundo ang katapatan na nakikita ko sa mga mata mo."

Nakatitig lang ako sa cherry blossom designed kong sapatos buong magdamag habang sinasabi iyon. Dahilan upang ganoon na lang ang pag singhap ko ng marahan niyang hawakan ang baba ko at muli akong pinatingin sa kanya.

"So naaawa ka nga sa 'kin?" mapakla siyang natawa.

"H-hindi nga po-"

"But Nathalie, I don't want you to pity me. I want you to hate me." Ginawaran niya ako ng isang matamlay na ngiti. "Hate me all you can. Blame it all on me so you can keep going."

Nakunot ang noo ko dahil sa narinig ngunit bahagya lang siyang lumayo. "Bakit ko naman gagawin 'yon? S-saka anong ibig mong sabihin?"

Sa pagkakataong 'yon ay marahan niya akong hinaplos sa ulo na parang isang aso. "Because it's easier to live when you have someone else to blame. When you have somewhere else to vent your frustration. That's what my mom always do to me so she can save her sanity."

Bahagya siyang umatras at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang may mamataang mga bodyguard ng Dazarencio Clan ilang metro ang layo sa likuran niya, lalo na kung paano niya lang ito sinenyasan na tumigil sa paglalakad nang aktong susugod ang mga ito.

Muli ay tinapunan niya ako ng isang matamlay na ngiti bago humakbang palapit sa mga 'yon.

"So go ahead and give me all the wrath in your heart. So you don't need to vent it to yourself someday."

Matapos ang sandaling 'yon ay tuluyan na siyang inagaw ng pamilya niya sa 'kin.

Hinayaan niya na ang desisyon ni Don Alejandro ang manaig at tuluyan nga siyang papuntahin sa France basta daw ba palalagpasin ni Don Alejandro ang pagtakas ko sakanya mula sakanila. Na huwag na akong parusahan o maski ang mga magulang ko dahil sa kabastusan ko.

Pumayag din naman ang huli at wala na akong nagawa pa. Ang hayop lang dahil simula umpisa ay wala akong laban kay Typo, at huli na ng matanto kong magpahanggang ngayon ay talo pa rin ako pagdating sa kanya. Kasi hindi ko man lang siya naipaglaglaban sa kahit na anong paraan, kahit pa hanggang sa huling sandali niya dito sa Yawaka ay kapakanan ko pa rin ang iniisip niya.

Napapunas ako ng luha habang inaaalala ang imahe niya bago siya tuluyang sumakay sa kotseng maghahatid sa kanya sa airport. Magulong buhok, maluwang na necktie at unipormeng hindi nga niya nabihisan. Idagdag mo pa ang maputla niyang mukha, pagod na mga mata at mga ngiting nagsasabing huwag na akong mag-alala sakanya dahil magiging ayos lang siya.

Kesyo desisyon niya ang sumunod kay Don Alejandro at para rin naman daw ito sa ikabubuti niya.

"I'll be better."

Alala ko pang sambit niya bago ako tuluyang lagpasan. "I'll come back when I'm older and better."

Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse. At habang unti-unti itong lumalayo ay naiwan naman ako sa isang sulok. Walang ibang alaala mula sakanya maliban sa mga peklat sa ilalim ng pink na denim jacket na lagi kong suot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro