Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 7

RELIABLE and punctual. Iyan ang mga sinasabi palagi ni Mr. Horacio para ilarawan ako. Walang butas na makikita ang dating Head Architect pagdating sa trabaho ko. Kaya nagtaka ang mga kasamahan ko sa opisina, because I was late today.

"Anyare sa 'yo, girl?" usisa ni Andrea sa akin.

Hindi ako sumagot. Hindi ako nagkukuwento patungkol sa personal na buhay ko. I value my privacy. At isa pa, itong si Andrea ay may pagkatsismosa.

"Mabuti pa, puntahan mo na si Architect. Kanina ka pa niya hinahanap."

Nahilot ko ang aking sentido. Ngayon pa na si Tristan na ang boss ko. Iniyak ko lang naman kasi buong magdamag ang sama ng loob ko kay Julie.

Julie. Iyan lang ang gusto niyang itawag ko sa kanya simula nang mamatay si Itay. Ayaw niyang marinig ang tawagin ko siyang Inay kagaya noon. Why? Because she said that she's single again. Not a widow. Not a mother. Kaya lalong sumasakit ang dibdib ko kapag nakikita kong may kasama siyang lalaki na kung saan niya pinulot. She has no time to spend with me. Ilalaan niya iyon sa mga lalaki niya. Para siyang pakawalang dalaga o isang ibon na nakawala sa hawla.

Huminga muna ako ng malalim bago ko itinulak ang pinto. The Head Architect has his own private office. Covered with white, Venetian blinds and fully air-conditioned.

My breathing accelerated in an instant. Salubong kasi ang mga kilay ni Tristan at saktong tumutok sa akin. Ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang bagong gupit at basa pa niyang buhok. Bumagay sa kanya ang suot na black suit.

Napaatras ako ng isang hakbang nang pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. His forehead creased a little more.

"You're very late, Ms. Vergarra," he emphasized. Nakatingin na siya sa mukha ko.

The tension in all my muscles was building up. Napayuko muna ako bago nakasagot. "I-I'm sorry." Pinagsalikop ko ang mga kamay.

"According to your records, you were never late. Although I said I don't follow schedules, tardiness isn't an excuse." Tumayo siya at napaatras na naman ako. Pakiramdam ko kasi ay naging napakaliit ng espasyo sa aming pagitan.

Hindi naman ako nilapitan ni Tristan. Sa halip ay sumandal siya sa mesa habang nakahalukipkip.

"Kailangan mong masanay na ako na ang boss mo, Lyna. And please look at me when I'm talking."

Napalunok ako sa matigas na tono ng utos niya. Umangat ang aking ulo at nilakasan ang loob na salubungin ang tingin ni Tristan. Nahuli ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya bago iyon agad na naglaho.

"Why are you late?" seryosong tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Ang malilikot kong mga mata ay nasa abuhing carpet nakatutok.

"I'm asking... in a nice way. So give me an answer. Don't forget that I'm your boss," he insisted.

"I... I overslept." Wala akong maisip na ibang dahilan. Personal ko nang buhay ang inuusisa ni Tristan.

"Really?" Parang hindi siya naniniwala sa sagot ko. "Could it be that you were awake the whole night because of me?"

Umawang nang bahagya ang bibig ko. "W-What...?"

He shrugged, "Naisip ko lang. Baka may pagnanasa ka pa rin sa 'kin hanggang ngayon." Nakataas ang dalawang kilay niya.

Nanginit agad ang pisngi ko. Hindi ako makapaniwalang ganito ang salubong sa akin ng bagong Head Architect.

"I... I'm not a high schooler anymore, Mr. Romulo," matigas na sambit ko. Ngunit sa isang banda ay nangangatog naman ang mga tuhod ko.

He laughed. Hindi ko alam kung maiinis ako dahil pinagtatawanan niya ako.

"Really now? Sure. Sabi mo, eh." Umikot siya habang nakapagkit pa rin sa labi ang pilyong ngisi. He's definitely laughing at me. "By the way, Zahara will be here and we'll go out for lunch..." May kinuha siyang folder at inisa-isang pinirmahan habang nakatayo.

I admired the way Tristan moves. Ang simpleng pagtayo niya, ang paggalaw ng kamay habang pumipirma at maging ang pagtungo niya sa mga hawak na papel.

Hindi ko napansin na nakatanga na pala ako. Namalayan ko na lamang ang nakakaasar na naman na ngisi niya. "I knew you still have something for me."

Ipinilig ko ang ulo at nagmadaling gumalaw upang tunguhin ang aking mesa. "If you only knew," bulong ko. Mariin kong pinindot ang nakahandang computer upang makapagsimula na sa trabaho.

"Say thay again?"

"W-Wala, Sir." Nanginig ang tinig ko. "Shall I book you to a restaurant for your lunch date, sir?"

"No, it's alright, Ms. Secretary. Plano naming kumain sa loob ng condo ko. Zahara will buy for us so you don't need to bother. But thanks."

Hindi naman kailangang sabihin sa akin ang bawat detalye. Kung may pribadong relasyon si Tristan sa Zahara na iyon ay hindi ko na dapat pang malaman. I'm happy if he's happy. But calling me Ms. Secretary? Tila nangilabot tuloy ako sa tawag niya sa akin.

"O-Okay," I simply said. Something was poking my chest and I didn't like it. Ano na nga ba kasi niya ang Zahara na iyon? Asawa na ba niya? Engaged na ba sila? And what is it to me?

"I might be late coming back. So in case I have a meeting—"

"I'll handle it," putol ko.

"Isn't that tardiness, Lyna? You have to remind me of that."

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan. Nakatayo na kasi sa harapan ko si Tristan.

"B-But... You're the Head Architect. Y-You don't follow fix schedules..." natatarantang sabi ko. Kung gusto niyang ma-late, eh 'di ma-late siya. Boss naman siya rito.

I swallowed several times. Amoy na amoy ko ang pabangong panlalaki niya kaya pakiramdam ko ay gusto kong pumikit para lalong langhapin siya.

"Kahit na," diin niya. "I'm only testing you. Hindi dapat inaabuso ang posisyon. Kahit ako pa ang boss dito, dapat hindi ko iyon sinasamantala. It's your duty to remind me of that as my secretary." Bahagya siyang dumukwang sa mesa ko. Nanigas ang mga tuhod ko lalo na nang bumaba ang tingin ni Tristan sa aking labi pabalik sa mga mata ko.

I also have to remind myself thousand of times to calm down. Pero paano ko naman iyon gagawin kung ilang dipa na lang ang layo ng mukha ni Tristan sa akin?

Biglang tumunog ang phone na nasa ibabaw ng aking mesa. Magkapanabay kaming napatingin doon.

"C-Can I... answer the phone?" tanong ko na halos hindi lumabas sa aking bibig. I wanted to scold myself. Daig ko pa ang nakahithit ng droga. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Pigil ang pagtawa ni Tristan nang tumayo siya ng tuwid. Noon ko lamang nahalata na tila sinasadya niyang... asarin ako? Or tuksuhin?

"Yes, Ms. Vergara. You can answer the phone." Tumaas ang gilid ng kanyang labi.

Tristan Romulo is indeed a temptation. Paano ako makakapagtrabaho na kasama siya? Kung mag-resign na lang kaya ako? I can do full time being a virtual sex goddess. Pero alam ko naman na hindi panghabangbuhay iyon. In fact, nakakahiya pa nga iyon kapag nalaman ng iba.

Kailangan kong tiisin ang araw-araw ay kasama si Tristan. Sana lang ay huwag akong tuluyang makalimot. Dahil habang pinagmamasdan ko ng palihim ang boss ko ay parang ibig ko nang muling maghubad sa harapan niya. Gaya noong high school pa 'ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro