Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 52

Pakiramdam ko ay may nanonood sa akin habang natutulog ako. Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Bahagyang bumuka ang bibig ko nang mapagtantong tama ang hinala ko.

Tristan was on the other side of my bed. Kumabog ang dibdib ko sa kaalaman na dalawa lamang kami sa iisang kuwarto. Wala siyang suot na pang-itaas. Boxers lang ang natira. Naalala ko na dinamitan ko naman siya kagabi.

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Bumangon ako at pinahid ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"Gising ka na pala," sabi ko.

"Yeah," he said.

"Gutom ka na ba?" Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko at ibinaba ang mga paa sa sahig.

"What happen last night?" Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Lasing na lasing ka. Kumusta ang pakiramdam mo?" Sinalubong ko ang mga mata niya pero siya naman ang nag-iwas ng tingin.

"Why do you care with how I feel?" Bigla siyang tumayo.

Hindi ako agad nakakibo.

"Hindi ka na dapat nagpakita. Hindi ka na rin sana nakialam kung lasing ako o hindi."

Napasinghap ako sa sarili. Ako pa ngayon ang lumalabas na mali dahil sa pagtulong ko sa kanya kagabi. Samantalang may atraso rin naman siya sa akin.

Tumayo rin ako. "Nananahimik ako. Nilapitan ako ng mga kaibigan mo. Ano'ng gusto mong gawin ko?" Pinanatili kong kalmado ang boses kahit nagpupuyos na ang kalooban ko.

"Nananahimik?" Salubong ang mga kilay niya nang muli akong tingnan. "Sa loob ng maingay na lugar? Para makipagkita sa isang lalaki?"

Biglang umagos sa paanan ko ang lahat ng dugo ko. Naalala ko na kaya nasa bar ako kagabi ay dahil tinawagan ako ni Blue. Hindi ko man siya natagpuan, katotohanan ang sinabing iyon ni Tristan.

"Wala ka nang pakialam!" mahinang sabi ko. Humakbang ako para talikuran siya at umalis.

Nagulat ako nang pigilin niya ako at hawakan ang braso ko. "So you admit that you're dating some other man? Sawa ka na ba sa tao ko? Pagkatapos mo siyang samahan, sa iba ka na naman sasama?"

Hindi ko siya maintindihan. Lasing pa rin ba siya at kung ano-ano ang mga pinagsasasabi? "Hindi kita maintindihan..." I tried to let go but his grip tightened.

"Hindi ka ba kayang bantayan ng Dave Benjamin na 'yon? Sobrang mapagbigay ba siya at okay lang na nakikipagkita ka pa sa iba?" Namumula na ang pisngi niya sa galit.

"Bitiwan mo 'ko, Tristan," matigas na banta ko sa kanya.

"No, answer me!" Tumataas na ang boses niya.

Dapat ay nagsisimula na akong matakot sa mga pagkakataong ganito. Iiral na ang kawalan ko ng tiwala sa sarili. Tatalungko na lamang ako sa isang tabi o kaya ay magtatago at iiyak ng mag-isa.

But all I have right now was regret. I feel sorry that I have this feeling for him. I feel sorry that I loved a man like him.

I decided to confront him. Umangat ang ulo para pakatitigan siya.

"Nakausap ko si Hawk. Bakit mo sinabi na may malaking utang ako sa 'yo?" simula ko. "Bakit ginamit mo 'ko at inuto na tumira dito at maging alalay mo? Bakit ipinakita mo kay Inay na mabait ka? Bakit mo kami ipinagtanggol kung ipapahiya mo rin lang naman ako sa iba at iinsultuhin sa lahat? Bakit mo 'ko sinusumbatan ng ganito na parang may napakalaking kasalanan ako sa 'yo? Bakit ayaw mo 'kong bitiwan? Bakit hanggang ngayon ay nandito ako at pilit ipinaglalaban ang sarili ko? Bakit! Ha, Tristan!"

Pumatak ang mga luha ko kasabay ng paglabas ng pangalan niya mula sa bibig ko.

He gave me a wry smile. "Now you know that I was just using you. To prove to all that you are fake."

Nanginig ang buo kong katawan. My heart was ripped into million pieces. Parang hindi lang pinunit, kundi ginutay-gutay pa niya.

"A-Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa 'yo, Tristan? B-Bakit mo 'ko ginaganito? Ano ba ang problema mo—"

"Ikaw!" Halos sigaw niya sa mukha ko. "Ikaw ang problema ko, Lyna!" His face was flustered. He let go of my arm and rushed out of the room.

Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi. Pigil ang galit ko at sama ng loob pero hindi ko na kaya na hindi lumaban.

Lumabas ako ng silid at malakas ang loob na hinarap si Tristan. Kuyom ang mga palad habang nakaharap siya sa bintana. Kitang-kita ko ang malapad niyang likuran.

"Kung ako ang problema then file a case against me. Ipakulong mo 'ko dahil hindi ko kayang bayaran ang lahat ng inaakusa mong utang ko sa 'yo. Mas gugustuhin ko pa 'ng makulong ng ilang taon kaysa makasama ka!"

Nagtaas-baba ang kanyang mga balikat. At ilang segundong lumipas ay bigla siyang humarap at inilang hakbang ako mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko nagawang kumilos nang hawakan niya ang magkabila kong braso at isandal ng malakas.

Napapikit ako nang suntukin niya ang dingding sa gilid ko.

"Kaya mo? Kaya mo na malaman ng buong mundo pati ng Inay mo kung anong klaseng babae ka? Huh?" he snarled. "You stalked me when we were young, Lyna. Noon pa lang ay puwede na kitang kasuhan..." His eyes were ferocious.

"A-Ano?"

"You lied to me about your mother. You did not tell me that you're still a virgin! You did not tell me you had a boyfriend and he hugged you, he kissed you. Nakita ko kayo! Fuck! You're a big liar Lyna. You dress like a conservative, innocent and naive yet inside you're a dirty cheating woman!"

Napahikbi ako sa sakit ng mga sinabi niya.

"You teased men. You dirty talk with them every single night. You had them sinned because of you. And I hate it! I hate it Mariposa!" Sinuntok niya ulit ang pader sa gilid ko. Kahit gaano kalakas iyon ay hindi ko na narinig.

I stiffened. There was a heavy feeling in my stomach while I felt the agonizing clutch in my heart.

"H-How did you—?"

"You can do anything? Really? Huh? Anything Lyna?"

Namumula ang mga mata niya sa galit. I wanted to run pero hindi ko magawa.

"Yes Lyna. I'm Blue! And I hate to know na magpapababoy ka sa mga lalaking hindi mo kilala para sa per—"

Hindi ko na napigilan ang pag-angat ng kamay ko. Sinampal ko siya ng ubod kong lakas.

"M-Marangal ang trabaho ko!" pilit akong nangatuwiran. Pero parang dagat na ang pagtulo ng mga luha ko.

"F*ck that kind of work!" he said harshly.

"Wala kang karapatan na husgahan ako."

"I have all the right Lyna!"

"Wala! Sino ka ba? Wala kang karapatan!" Sinuntok ko ang dibdib niya. Pero hindi niya iyon ininda. "Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko. Wala kang karapatang husgahan ako dahil wala kang alam!"

"I have all the right because I love you, Lyna! Mahal kita!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro